HINDI alam ni Maddie kung paano niya itatago ang hubad na katawan matapos siyang angkinin ni Kael. Punit na ang blouse niya at wala nang paraan para masuot iyon kahit ang bra niya, na ngayon ay nasa sahig ng sasakyan at kahit kunin niya iyon para suutin ay hindi na rin naman matatakpan ang dibdib niya dahil kagaya ng blouse niya, ay punit na rin ang bra sa dalawang piraso.
Mabuti na lang ang suot niyang tokong ay hindi napunit ni Kael subalit ang panty niya ay wala na ring silbi at nakakalat na lang sa sahig katabi ng bra. Dama niya ng lamig ng katawan at mahapdi niyang kaselanan pero mukhang walang pakealam si Kael sa kaniya dahil matapos makapag-ayos ay binuksan na nito ang makina ng sasakyan saka pinaandar iyon.
Mabuti na lang talaga tinted ang sasakyan kaya hindi makikita sa labas ang hubad niyang katawan. Kahit masakit ang katawan, ay inabot niya ang tokong saka sinuot iyon kahit wala na siyang panty. Inabot din niya ang damit na wasak na pero wala na talagang pag-asa na magiging pantakip iyon sa katawan niya.
Huminto ang sasakyan at ngayon, ay nasa harapan na sila ng gate ng bahay niya.
“S-sira na ang damit ko. H-hindi ako p’wedeng lumabas nang ganito—“
May inahagis na hand towel si Kael sa mukha niya na medyo makapal at mahaba.
“Use that to cover your breast. That's all I have here,” malamig na sabi ni Kael sa kaniya.
Gulat siyang napatingin kay Kael sa sinabi nito sa kaniya. Ang towel na binigay ni Kael ay hindi matatakpan ang buong katawan niya dahil maliit lang iyon saka sa oras na may makakita sa kaniya na iyon lang ang takip sa pangtaas na bahagi ng katawan at galing pa siya sa kotse ng binata ay siguradong iba ang iisipin ng mga ito.
“P-pero, Kael—“
“I told you to stop calling me that stupid name!” gigil na sigaw ni Kael dahilan para manlaki ang mga mata niya. “I've given you a cover for your body so get out because I have to go!” utos pa nito sa kaniya.
“B-baka kasi may makakita na kapit-bahay sa akin na ganito lang ang takip sa katawan ko—“
“Sa tingin mo ba ay may pakealam ako?” malamig na tanong ni Kael sa kaniya. “Get out of my car, and don't wait for me to push you out!” taboy at banta nito sa kaniya.
Walang nagawa si Maddie kundi kunin ang towel saka itinakip sa hubad niyang dibdib saka umikot ang paningin sa paligid. Madilim na ang paligid saka walang tao sa labas kaya kahit paano ay nakahinga siya nang maluwang at binuksan nang marahan ang pinto.
“Tatawagan kita para sabihin kung anong gusto kong ipagawa sa’yo,” sabi ni Kael na ikinagulat pa niya. “I enjoyed your body. I never thought I could still enjoy a slut like you,” nang-uuyam pang komento nito sa kaniya.
Hindi lumingon si Maddie. Lumabas na siya nang tuluyan saka mabilis na tumakbo papasok sa gate at sa bukas na pinto niyang bahay. Dire-diretso siya sa hanggang sa makaakyat siya sa hagdanan at nagtungo sa kwarto niya.
Ngayong mag-isa na lang si Maddie ay doon niya inilabas ang kanina pa niyang iyak na pinipigilan. Hindi lang katawan ni Maddie ngayon ang masakit kundi pati ang puso niya na noon pa naman ay durog na pero dahil sa muli nilang pagkikita at pag-uusap ni Kael ay muling unti-unti na naman dinudurog ang puso niya.
Nakadapa siyang nakahiga sa kama at walang tigil ang hikbi at pagtulo ng mga luha sa mga mata niya pero kahit masakit ay hindi na siya susuko pa. Gagawin niya ang lahat ng gustong ipagawa ni Kael basta lang maging masaya muli ang dating nobyo at mawala ang lahat ng sakit sa puso nito na siya ang dahilan at para na rin sa dalawang pamilya na nasa tabi niya.
Iiyak lang si Maddie ng mag-isa pero hindi siya susuko hangga’t hindi napapagtagumpayan ang plano niya.
---
NASA bar ni Falcon ngayon si Klay at ma-isang umiinom ng alak sa isang sulok ng mesa nang makita niya si Falcon at Conrad na dumating at umupo sa sofa na kaharap niya.
“Why are you here? I want to drink alone, so leave me alone,” seryosong taboy ni Klay sa dalawang kaibigan.
Hindi siya pinakinggan nina Conrad at Falcon saka kumuha ng bote ng alak at pinag-untog pa ng dalawa ang bote ng alak nila saka sabay na uminom. He didn't speak anymore and quietly drank the wine, and later Hance came and sat next to him.
“Bakit biglaan na lang kayo nagyayayang mag-inuman?” inis na sita ni Hance sa kanila.
“Why? Did we bother you with your plans with your wife?” nakangising tanong ni Conrad.
Masama lang na tinignan ni Hance si Conrad na tawa lang ang naging sagot.
“Who invited you to come here tonight?” tanong niya kay Hance. “Gusto kong uminom mag-isa pero ginulo ng pananahimik ko ang dalawang iyan at pati pala ikaw ay ginulo nila,” inis na sabi niya.
Kinuha ni Hance ang isang bote ng alak sa lamesa saka binuksan iyon at ininom saka muling tumingin sa kaniya.
“Dapat nga talagang nandito kami,” sabi ni Hance, na ikinatawa ni Conrad at napangiti naman si Falcon.
He sighed in annoyance.
Hindi na nagsalita pa si Klay habang masaya namang nag-uusap ang mga kaibigan niya na ang pangunahin talagang masaya at halatang walang dinadalang problema ay sina Falcon at Conrad samantalang sila ni Hance, ay parehas na tahimik at nakikisali lang ang huli sa usapan ng dalawa niya pang kaibigan kapag seryoso na ang pinag-uusapan at kapag patungkol sa trabaho nila.
Later, Falcon said goodbye and said that he would take care of something important in his office while Conrad went to the dance floor because a girl his friend had asked him to dance with. Alam naman niya na palagay na ang dalawang kaibigan na iwanan siya dahil kasama niya si Hance, na inaasahan ng mga ito na mas palaging nakikipag-usap sa kaniya kapag may pinagdadaanan siya.
Hance is the oldest of their friends, followed by Conrad but Hance and Falcon talk more seriously. Higit nga lang magaling magpayo para sa kaniya si Hance dahil marahil sa dami ng pinagdaanan sa buhay nito lalo na patungkol sa buhay pag-ibig ng kaibigan.
“So how’s your wife?” tanong niya kay Hance na binasag ang katahimikan nilang dalawa.
“Still the same. Nothing is remembered for the past seven years,” tugon nito.
“Why don't you annul your marriage? Why does she have to be your responsibility until now that she had a problem?” tanong niya muli sa kaibigan. “Marami kang rason para hiwalayan at bitiwan siya pero bakit nag-stay ka pa rin sa piling niya?”
Hance smiled, but he could see the pain in his eyes.
“Hindi ko rin alam. Ilang beses niyo nang natanong sa akin iyan at napagdesisyunan ko na rin naman noon na sundin kayo, hihiwalayan ko na dapat siya bago siya magkaroon ng partial amnesia. But the accident happened, and she lost her memory.
“I didn't believe until now that she has partial amnesia, but I especially had a reason not to let go of her. Because if it's true that she doesn't remember anything, I can use that to torture her and repay her for the hurtful things she did to me,” mahabang tugon ni Hance.
“Pero nahihirapan ka sa pagpaparusa sa kaniya?” hinuha niya.
“Parang.” Tumawa si Hance pero kulang ng tunay na saya iyon. “Sa pagkawala ng pitong-taon na alaala ni Giana at bumalik siya sa pagiging nineteen-years-old ay kahit ang ugali niya noon ay bumalik din at ang ibang ugali niya na ngayon ko lang nakita.
“Sobrang daldal, masayahin at positibo sa buhay. Ibang-iba sa Giana na nakilala ko, nakasama, minahal at naging asawa ko,” tugon nito.
“But you have to be careful, Hance, because you might fall for your wife again and find out that everything she does is just pretending. You know your wife how good she is at pretending,” paalala niya sa kaibigan.
“Nag-iingat naman ako saka hindi na ako magpapadala pa sa kaniya dahil minsan na akong nadurog noon dahil sa pagpapanggap niya,” tugon ni Hance sa kaniya.
Parehas sila ng pinagdaanan ni Hance na sinaktan ng mga babaeng lubusang minahal nila. They could give everything for the woman they love but still chose to cheat and exchange them with other men, and they did more than that to them.
Mas malala nga lang ang ginawa ni Maddie sa kaniya kaysa kay Giana kay Hance dahil si Giana, kahit paano may dahilan ito hindi kagaya ni Maddie na wala naman siyang ginawang mali sa dalaga pero nagawa pa siyang lokohin at sirain ang buhay niya.
Pinagsisisihan tuloy ni Klay na pumayag siya noong mapalapit kay Maddie. He agreed to be Maddie's tutor and allowed himself to love her more than in his life.
A memory of the past suddenly came back to him, and because he was already drunk, he closed his eyes and let his mind go back to it.
“ANG talino mo pala talaga! Biro mo halos dumugo na ang utak ko sa subject na iyon pero ikaw ang dali mo lang naituturo sa akin at wala ka pang kahirap-hirap na nasagutan ang assignment ko!” humahangang bulalas ni Maddie kay Klay.
Nasa likod sila ng campus sa malaking puno ng mangga nakap’westo at doon na rin tinuruan ni Klay si Maddie. Pang-isang linggo na niyang pagiging tutor sa dalaga pero medyo mahina talaga ang utak ni Maddie at hindi kaagad nito nakukuha ang itinuturo niya.
“Mahilig lang talaga akong mag-aral kaya hindi na ako nahihirapan sa lahat ng subject natin,” tugon niya.
Sumandal si Maddie sa puno ng mangga saka malungkot na napabuntonghininga.
“Nag-aaral din naman ako pero bakit bobo pa rin ako?”
“Hindi ka bobo—“
“Bobo ako. Isang linggo ka na ngang tutor ko pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha ang itinituro mo pakiramdam ko nga minsan gusto mo na akong sigawan kasi paulit-ulit mo na lang tinuturo pero hindi ko pa rin ma-gets.
“Nakikita ko kung paano ka sumimangot saka ilang beses mong sinabi sa akin, na itinuro mo na iyon pero nagkakamali pa rin ako. Dapat talaga hindi ang ganitong kurso ang kinuha ko, eh,” mahabang sabi ni Maddie.
Tama si Maddie, ilang beses na siyang nawalan ng pasensiya sa pagtuturo rito dahil hindi nito maintindihan ang paulit-ulit niyang tinuturo lalo na kapag sa mathematics for architect ang subject na tinuturo niya, na isa sa subject na bagsak nito.
Kay Maddie lang talaga siya nahirapan magturo sa lahat ng mga tinuruan niya pero nakikita naman niyang desisdido itong matuto at masipag kaya pinagtatiyagaan niya pa rin kahit mahirap siyang turuan.
“Ano bang kurso sana ang gusto mo kung hindi Architecture ang kinuha mo?” usisa niya kay Maddie.
Napangiti si Maddie saka tumingin sa kaniya. Mas lalo tuloy gumanda ang dalaga at kitang-kita ang pangingislap ng mga mata.
“Culinary arts ang course na pangarap kong kunin kasi mahilig ako sa pagluluto at pag-aayos ng mga pagkain, na magandang tignan,” nakangiting tugon ni Maddie saka mas lumapit sa kaniya. “Alam mo bang masarap akong magluto at gustong-gusto ng mga magulang ko ang pagkain, na hinahanda ko sa kanila. Gusto mo bang minsan matikman ang luto ko?” tanong pa nito sa kaniya.
“S-sige,” tugon niya at nautal pa siya dahil sa biglang bumilis ang t***k ng puso niya sa pagkakalapit ng mukha nilang dalawa.
Maganda at sexy si Maddie at hindi pa man ito lumalapit sa kaniya ay kilala na niya ang dalaga dahil sa pagiging Ms. Campus nito. Maraming lalaking nagkakagusto sa dalaga kahit ang mga kaklase niya, ay nagiging usapan si Maddie dahil kahanga-hanga naman talaga ang kagandahan nito.
Kahit teenager pa lang, ay may maganda na ang hubog ng katawan ni Maddie pagtapos ang gaganda pa ng mga damit na sinusuot at palaging fitted kaya kitang-kita kung gaano kayaman ang hinaharap nito. Isa rin siya sa lihim na humahanga sa kagandahan ni Maddie pero hindi rin naman nagtagal dahil mas abala siya sa pag-aaral at sa par time job.
“Minsan ipagluluto kita,” nakangiting sabi nito saka inayos ang pagkakaupo.
“Aantayin ko ang pagkaing lulutuin mo para sa akin,” aniya saka palihim na bumuntonghininga.
“Ikaw? Gusto mo talaga ang kursong kinuha mo ngayon?” usisa ni Maddie.
“Oo. Pangarap ko rin kasing magkaroon ng sariling bahay at ako ang magde-design. Nangako ako sa Mama ko noon nang nabubuhay pa siya, na papatayuan ko siya ng bahay at ako ang magde-design.
“Kaya lang maagang umalis si Mama pero kahit ganoon, ay gusto ko pa rin ituloy ang pangako ko sa kaniya at tuparin ang pangarap ko,” nakangiting tugon niya.
“Matutupad mo na iyan dahil isang-taon na lang ay ga-graduate ka na saka matalino ka kaya makakahanap ka kaagad ng trabaho,” nakangiting tugon ni Maddie.
“Salamat.”
“Bakit ka nga pala nagpa-part time job samantalang ang alam ko, may kaya naman sa buhay ang Lolo mo?” usisa ni Maddie sa kaniya.
“Si Lolo kasi siya iyong tipo na kung ano ang gusto mong makamit ay dapat paghirapan mo. Kagaya na lang pag-aaral ko, na sinuportahan niya lang noong high school ako pero ngayong College, ay kailangan maging scholar ako at dapat magtrabaho ako para magkaroon ng baon at pangbili ng mga projects ko.
“Ganoon niya ako pinalaki para raw maging masikap ako at hindi aasa lang kahit kanino. Mahal ako ni Lolo, nararamdaman ko naman iyon pero sa tingin ko kaya siya ganoon sa akin para hindi ako maging kawawa kapag dumating ang panahon na iwanan na niya ako,” mahabang paliwanag niya kay Maddie.
“Naging masipag at matalino ka naman dahil sa pagpapalaki sa’yo ng Lolo mo at sigurado akong proud siya sa’yo,” nakangiting tugon ni Maddie. “Pero nasaan ang Papa mo? Maaga rin ba siyang nawala?”
Umiling si Klay. “Hindi ko kilala ang Papa ko. Lumaki ako na walang ama at hindi rin kailan man nabanggit sa akin ni Mama at Lolo kung sino siya.”
“S-sorry kung natanong ko,” biglang sabi ni Maddie. “Ang daldal ko talaga! Change topic na nga!” sabi nito saka kinuha ang bag at wallet. “Babayaran ko na nga pala ang isang linggo mo bilang tutor ko. Hindi mo sinasabi sa akin kung magkano ang rate mo pero nakausap ko ang dati mong estudyante at sinabi niya ang rate mo.” Naglabas ng pera sa wallet. “Dinoble ko na kasi alam kong nahihirapan ka—“
“Ipunin mo muna iyan saka na kita sisingilin kapag natapos na tayo at natuto ka na,” putol niya sa sasabihin sana ni Maddie.
“Pero bakit hindi mo na ngayon kunin ang bayad ko sa’yo?”
“Kasi gusto ko maiipon ang pera ko. Kapag binigay mo kaagad iyan baka magastos ko pa.”
“Ang responsible mo talaga! Ilang taon ka na ba talaga kasi parang mas matanda ka pa sa Kuya ko sa ugali mo,” tanong ni Maddie sa kaniya.
“Twenty years old na ako,” tugon niya.
“Isang-taon lang pala tanda mo sa akin at mas matanda sa’yo ang Kuya ko pero mas matured ka pa sa kaniya!” gulat na bulalas nito.
Napangiti naman si Klay sa pagkakagulat ni Maddie. Tumayo na si Klay saka inilahad ang kamay niya sa dalaga na tinanggap naman nito at inalalayan na niyang tumayo.
“Bukas ulit tayo magkita,” sabi ni Klay.
“Okay, ingat ka,” nakangiting bilin ni Maddie.
Ngiti lang ang ginanti ni Klay saka naghiwalay na sila ng landas ni Maddie.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.