“ATE, napaano iyang isang braso mo? Bakit nagkapasa iyan?” nag-aalalang tanong ni Arya kay Maddie kinabukasan nang bumalik siya sa Ospital.
Nakadama ng kaba si Maddie dahil nakita ng pinsan ang pasa niya na ang may kagagawan ay si Kael. Hindi niya napansin iyon kahapon pero kanina nang naliligo siya ay napansin niya ang mga pasa hindi lang sa braso pati sa legs niya dahil marahil sa pagkakahawak ni Kael sa braso at sa legs niya nang angkinin siya nito.
“Sobrang napagod kasi ako kakahanap ng mauutangan ng pera kahapon at ginabi na ako ng uwi at habang umaakyat ako sa hagdanan ay natapilok ako saka bumagsak. Mabuti na lang, hindi pa ako nasa itaas ng hagdanan kundi baka mas malala pa ang tinamo ko,” pagsisinungaling niya.
Mas nag-alala ang emosyon ng mukha ngayon ni Arya saka siya nilapitan.
“Mag-iingat ka sa susunod, Ate. Paano na lang kami ni Poypoy kapag napahamak ka,” sabi ni Arya na hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mukha.
Ngumiti si Maddie sa pinsan para mawala ang pag-aalala nito sa kaniya.
“Hindi ko hahayaang mapahamak ako dahil hindi ko kayo iiwan na alam ko naman na walang-wala tayo,” tugon ni Maddie kay Arya.
“Kahit mayroon na tayong pera, hindi man mayaman basta hindi na tayo baon sa utang at may pera na tayo ay hindi mo pa rin kasi dapat iwanan ni Poypoy. Kailangan ka pa namin, Ate, lalo na si Poypoy,” tugon ni Arya sa kaniya.
“Ang seryoso mo naman, Arya. Nalaglag lang ako sa hagdanan,” natatawang tugon niya.
Kahit sa totoo lang ay mabigat ang dibdib niya dahil sa muling pagkikita nila kahapon ni Kael at sa pagtatalik nila na ito lang ang nasiyahan samantalang siya ay nasaktan hindi lang ang pisikal na katawan kundi pati ang puso niya.
“Nag-alala lang talaga ako sa’yo, Ate. Ayokong may mawala na namang mahal ko sa buhay,” malungkot na tugon ni Arya sa kaniya.
“Huwag kang mag-alala, Arya. Hindi ako mawawala sa inyo,” tugon niya sa pinsan.
Hindi na nagsalita si Arya at nakita naman niyang nawala ang pag-aalala sa emosyon ng mukha nito.
“Oo nga pala, maibabalik ko na ang pera na pang-tuition fee mo dahil may nagpahiram sa akin ng pera. Sobra-sobra ang pinahiram niyang pera at pati ang pangpagastos sa Ospital ay mayroon na tayo,” sabi niya sa pinsan.
“Sino nagpahiram sa’yo, Ate? Mayaman ba kaya sobra ang ipinahiram niyang pera?” tanong nito sa kaniya.
“Oo. Mayaman at dati kong kaklase,” tugon niya.
“Paano mo babayaran iyon, Ate? Ayos lang naman sa akin na hindi muna mag-enroll next year—“
“Papasok ka na sa school ngayong semester dahil ang sabi ko nga sa’yo ang sobra-sobra ang perang pinahiram niya sa akin kaya p’wede ka nang mag-enroll ngayong pasukan at mayroon pa para sa susunod na taon,” putol niya sa sasabihin sana ni Arya.
Nanlaki ang mga mata ni Arya sa gulat sa sinabi niya.
“Gaano ba kalaki, Ate?” usisa nito sa kaniya.
“Basta malaki. Huwag mo nang tanungin pa kung magkano ang mahalaga ay makaka-survive tayo sa gastusin sa Ospital at makakapag-aral ka,” tugon niya sa pinsan.
Tinalikuran na niya ito saka nagtungo sa banyo para makaiwas sa pag-uusisa ng pinsan.
Nagulat si Maddie nang malaman niyang malaki pala talaga ang perang pinahiram sa kaniya ni Kael. Nang tignan niya iyon kagabi ay gusto sana niyang tawagan si Kael para ibalik ang ibang pera rito pero naisip niya ang mga gastusin sa Ospital, pang-aral ni Arya at ang mga babayaran niyang utang.
Isang milyon ang nilagay ni Kael sa bank account niya at sa laki niyon ay sobra pa sa lahat ng mga utang niya pero naisip din niya kung paano niya mababayaran iyon sa loob ng isang-taon. Kahit alam niyang imposible na mabayaran niya ng isang-taon ang perang iyon ay hindi na lang din niya binalik ang pera kay Kael dahil mas higit na kailangan nila iyon.
Kakayod na lang siya ng higit pa sa isa para mabayaran iyon at kung hindi man niya matapos ang pagbabayad sa isang-taon at tapos na ang usapan nila ay magbabayad pa rin siya kahit pa tapos na ang kasunduan nila.
Dahil sa gamot na binili nila para sa sakit ni Poypoy ay kahit paano, gumanda na ang lagay ng anak. Sinabi na rin ng Doktor sa kanila na umaayos na ang lagay ni Poypoy kaya kahit paano ay nawala na ang pag-alala nila para sa bata.
Pinauwi na muna ni Maddie si Arya sa bahay upang makapagpalit na ito ng damit at makapagpahinga habang siya ang pumalit sa pagbabantay sa anak niya. Natutulog si Poypoy kaya nakaupo lang siya sofa sa kwarto ng anak nang makatanggap siya ng tawag mula kay Kael.
Mabilis na kumabog ang dibdib at nanlamig ang mga kamay niya pero sinagot pa rin niya iyon dahil kailangan at may usapan na sila ni Kael.
“Where are you now?” malamig na tanong ni Kael sa kaniya.
“N-nasa Ospital ako ngayon. Pinalitan ko si Arya sa pagbabantay kay Poypoy,” tugon nya.
“I'm going to see you there because I want to talk about something,” tugon nito.
“Ha? Pero, Kael—“
“I told you to stop calling me Kael, didn't I?” galit na sita ni Kale sa kaniya. “Do you want me to hurt you before you stop calling me that stupid name?” banta pa nito.
“S-sorry. H-hindi ko na uulitin,” tugon niya at hindi napigilan ang pagkakautal sa boses sa takot na nadarama.
“I want you to call me, Sir. Because you're my all-around slave, you should respect me as higher than you!” matigas na sabi pa nito.
“Opo, S-Sir,” tugon niya at napayuko siya.
Muli ay nakakadama na naman siya ng lungkot at kalakip niyon ay nasasaktan ang puso niya dahil sa masakit na namang sinabi sa kaniya ni Kael.
“Pupunta na ako ngayon diyan at antayin mo na lang ako. I-text mo na lang sa akin kung saang Ospital at room number ng kinaroroonan mo,” sabi nito.
“M-magkita na lang tayo,” mabilis na tutol niya. “Sir, hindi mo p’wedeng gawin sa akin ang ginawa mo sa kotse k-kasi Ospital ito at nandito ang anak ko—“
“Sino bang may sabi sa’yo na ise-s*x kita sa Ospital?” iritadong tanong ni Kael sa kaniya. “Gusto ko lang mag-usap tayo para sa pag-uumpisa ng trabaho mo sa akin.”
Nakadama tuloy ng hiya si Maddie dahil iyon talaga ang iniisip niyang gagawin nito kapag nagkita sila pero nawala rin ang hiyang nadarama niya kaagad lalo na at pumasok sa isip niya ang sinabi nito na pag-uusapan nila ang umpisa ng trabaho niya rito.
Alam ni Maddie na magiging alipin siya ni Kael at all-around nga raw kasama na roon at magtatalik sila pero hindi niya pa alam maliban sa kama ay kung ano pang magiging trabaho niya rito at kinakabahan siya ngayon, sa isipin na may ipagawa ito sa kaniya na hindi niya kakayanin at baka hindi pa niya magawa na maging dahilan para masira ang kasunduan nila.
Siguradong ipapabayad ni Kael ang perang pinahiram nito sa kaniya kaagad at ganoon na rin sa perang ginastos nito pangbili sa bahay at lupa niya. Wala siyang ganoong kalaking halaga at hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera.
“Maddie?” tawag ni Kael sa kaniya sa kabilang linya.
“S-Sir,” bulalas niya.
“Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?” iritadong tanong nito.
“Ha? S-sorry, Sir, nakuha kasi ni Poypoy ang atensiyon ko,” pagsisinungaling niya.
Marahas na bumuntonghininga si Kael. “Diyan na lang tayo mag-usap,” tugon nito saka pinutol ang tawag.
Napabuntonghininga si Maddie at nananatili pa rin ang takot sa puso niya.
“Ano man ang ipagawa niya sa’yo basta hindi makakasira ng ibang tao at hindi ka papatay ay pumayag ka. Pinasok mo iyan, Maddie kaya panindigan mo lalo pa at may pera na siyang pinahiram sa’yo,” sabi niya sa sarili. “Hindi ka naman siguro ipapahamak ni Kael, kilala mo siya at kahit nagbago siya ngayon ay alam mong mabuting tao siya,” dagdag niya.
Nagpadala si Maddie ng text kay Kael kung nasaang Ospital ang kinaroroonan nila at pati na rin ang room number. Dalawang-oras ang nakalipas ay dumating na si Kael at hindi niya napigilang suyurin ng tingin ang kabuuhan nito.
Nakasuot si Kael ng tuxedo na kulay itim na pinaresan ng itim na pants at may necktie na kulay pula, na inipit sa tuxedo nitong suot. May suot din itong eyeglasses na bumagay sa pagkakaayos ng straight nitong buhok na naka-side part. Pormal na pormal ngayon si Kael subalit ang gwapo pa rin nito at mas naging gwapo ang lalake sa paningin niya.
“Don't you plan to let me in?” untag ni Kael sa kaniya.
“S-sorry, Ka—“
“—S-Sir. Pasok ka,” aya niya kay Kael.
Binuksan niya nang mas malaki ang pinto saka pumasok si Kael at umupo sa sofa na nandoon kaya lumakad na rin siya palapit dito at umupo sa sofa saka humarap kay Kael.
“G-gusto mo ban g maiinom? May mineral water kaming binili—“
“Hindi na,” tugon ni Kael pero sa mahinahong boses habang nakatitig kay Poypoy. “Kumusta na ang kalagayan niya?” tanong nito sa kaniya.
“Ang sabi ng Doktor ay maayos na raw kahit paano. Nakabili na kasi kami ng gamot na kakailanganin niya kaya gumanda-ganda na ang kalagayan,” tugon niya.
“Kung kulang pa ang perang nilagay ko sa bank account mo, sabihin mo lang para madagdagan ko—“
“H-hindi na. Sobra-sobra na iyon,” mabilis niyang tanggi at nakadama ng tuwa dahil nakikita niya ang pag-aalala ni Kael para sa anak niya.
Mabuting tao pa rin si Kael hanggang ngayon at kahit galit na galit ito sa kaniya, ay hindi nito idinadamay ang anak niya at hindi mapigilang maawa sa bata. Napangiti siya at nakita iyon ni Kael nang tignan siya nito dahilan para magsalubong ang kilay nito at mukhang hindi natutuwa na ngumingiti siya.
“Don't think I'm being nice to you. I have nothing to do with you, not even with your son!” malamig na sabi ni Kael sa kaniya.
Nawala ang ngiti niya pero hindi rin siya nagsalita. Mas mabuting tumahimik na lang lalo pa at galit na naman si Kael ngayon.
“I want you to live in my condo starting Monday. I will make you a helper in my house, and you will also work in my company,” sabi ni Kael sa kaniya na ikinalaki ng mga mata niya.
Luluwas siya ng Maynila at doon pala siya pagtatrabahuin nito.
“P-pero paano ang trabaho ko sa club, Sir?” tanong niya.
Tumalim ang tingin ni Kael sa kaniya dahilan para matakot siya.
“Resign from your job at the club. You are my personal wh*re, and I don't want anyone else to use your body except me,” tugon ni Kael sa kaniya.
Parang may humati sa puso ni Maddie nang sabihin ni Kael sa kaniya na wh*re siya nito kaya napayuko siya. Bayarang babae ang tingin at tawag nito sa kaniya na maikakama nito at masakit iyon sa kaniya, sobrang sakit dahil hindi naman siya ganoong babae.
“H-hindi ako bayarang babae k-kaya huwag mo akong tawaging personal wh*re mo,” mahinahong tutol niya sa sinabi nito.
Nagulat siya at takot na napatingin kay Kael nang bigla na lang hinawakan nito ang buhok niya saka inangat ang ulo niya at puno ng poot ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya.
“I'm paying you to be my s*x slave, so you're a wh*re, and the ones I don't like the most are those like you who I'm paying but still able to complain about what I say and do!” galit na sabi nito pero sa mahinang boses. “Maddie, you're dealing with a different Klay now, not that stupid Kael anymore, submissive out of love for you and your stubbornness! Kaya ayusin mo ang ugaling pinapakita mo sa akin at huwag na huwag kang magreklamo sa anumang gusto kong ipagawa sa’yo! Naiintindihan mo?”
“N-naiintindihan ko. S-sorry, Sir,” kandautal na tugon niya.
“F*ck!” gigil na tungayaw ni Kael. “Turn around. I want to f*ck you now!” matigas na utos nito saka mahigpit na hinawakan ang braso niya malakas na pinatalikod siya.
“H-hindi. Please, huwag dito, S-Sir. A-ang anak ko—“
“I don’t care! Don't make me angrier if you don't want us to make a scandal here!” puno ng panganib na tugon ni Kael.
Walang nagawa si Maddie nang malakas siyang itulak ni Kael patalikod at naramdaman niyang sapilitan nitong hinihila pababa ang suot niyang pantalon. Napatingin siya sa anak at gusto na niyang maiyak sa sobrang kahihiyang nadarama.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.