NANLAKI ang mga mata ni Maddie dahil sa mga sinabi ni Klay sa dalaga at nakita niya na biglang namula ang pisngi nito. Kahit si Klay ay nagulat sa bigla niyang pagtatapat kay Maddie at nag-init ang mukha niya, na alam niyang kahit siya ay namumula na.
“T-tapos na akong kumain. Salamat sa pagkain, Maddie,” sabi niya at nautal pa siya saka mabilis na kumilos at tumayo.
Hiyang-hiya si Klay dahil hindi niya napigilan ang damdamin at nasabi ang nasa isip niya, na gusto niyang maging asawa si Maddie at gusto niya ito.
Aalis na sana si Klay para mapagtakpan ang kahihiyan pero nagulat siya nang hawakan ni Maddie ang laylayan ng suot niyang polo shirt kaya napalingon siya rito at nakita ang namumulang pisngi ni Maddie.
“G-gusto mo talaga ako at ayos lang sa’yo na maging asawa ako kahit hindi ako matalino s-saka parang walang mararating sa buhay?” tanong ni Maddie sa kaniya.
Napalunok si Klay ng laway at mas lalo siyang nakaramdam ng kaba sa tanong ni Maddie pero walang kahit anong lumalabas sa bibig niya at ang tanging naisagot niya ay tango bilang sagot.
Napangiti si Maddie na ikinagulat niya pero namumula pa rin ang pisngi ng dalaga.
“Gusto rin kita, Kael. Actually, noong una kitang nakita dito sa cafeteria, pakiramdam ko nagka-crush na ako sa’yo pagtapos nang palagi na tayong magkasama dahil tinuturuan mo ako ay nagsimula nang mas lumala ang paghanga ko sa’yo at iyon pakiramdam ko gustong-gusto na kita,” tugon ni Maddie sa kaniya.
Hindi napigilan ni Klay na mapangiti at tuluyan nang tumayo ng diretso at tinitigan ang magandang mukha ni Maddie. Napakabukal talaga ni Maddie pagdating sa nararamdaman at hindi man lang nag-alinlangan na magtapat ng nararamdaman nito sa kaniya at isa iyon sa nagustuhan niya kay Maddie dahil totoo ang dalaga pero ginagamit niya lang iyon sa kabutihan hindi para makasakit ng damdamin ng iba.
“Liligawan mo na ba ako? Kasi gusto mo naman ako tapos gusto rin kita. Dapat ba ay tayo na kasi gusto natin ang isa’t-isa?” tanong ni Maddie sa kaniya.
“Gusto mo bang maging tayo na kaagad? Parang hindi naman maganda iyon,” aniya.
“Ligawan mo muna ako pero siyempre sasagutin na rin kita,” nakangiting tugon nito sa kaniya kaya natawa naman siya.
Pakiramdam ni Klay ay kinikilig siya dahil kay Maddie at hindi niya akalain na ganoon pala ang pakiramdam ng kinikilig lalo na sa kagaya niyang lalake.
“Bakit ka tumatawa? Hindi naman ako nagbibiro?” tanong ni Maddie at mukhang nainis ito.
“Hindi ako tumatawa,” tanggi ni Klay.
“Tumatawa ka, eh!”
“Hindi nga,” tugon niya saka hinawakan ang kamay ni Maddie kaya napatingin ito sa kamay nilang dalawa na magkadaop na ngayon. “Kinikilig ako dahil sa’yo,” nakangiti na niyang tugon sa dalaga.
Napangiti na si Maddie dahil sa sinabi niya at hinawakan din nito ang kamay niya.
“So, ano nang plano mo?” tanong ni Maddie sa kaniya.
“Liligawan ka kagaya ng ibang mga tagahanga mo,” tugon ni Klay sa kaniya. “Pupuntahan kita sa bahay mo para umakyat ng ligaw—“
“Hindi p’wede!” mabilis na tutol ni Maddie na ipinagtaka niya. “Siguradong hindi ka papayagan ni Papa na ligawan ako kagaya ng ibang mga lalaking sumubok saka baka saktan ka ni Kuya dahil kahit siya ay ayaw na ayaw na may pumapasok na ibang lalake sa bahay namin,” paliwanag ni Maddie sa kaniya.
“Paano naman kita maliligawan at paano magiging tayo kung hindi ako haharap sa magulang at kapatid mo?” tanong ni Klay sa dalaga.
“Kung gusto mo talaga akong ligawan muna ay dito na lang sa school at kung saan tayo magtatagpo. Hindi mo naman ako kailangan pang ligawan kasi gusto naman na natin ang isa’t-isa,” tugon ni Maddie.
“Pero hindi tama na maging tayo na hindi kita nililigawan saka hindi ako nagpapakilala sa mga magulang at kapatid mo,” tugon ni Klay.
“Saka na lang kita ipapakilala kapag naka-graduate na tayo. Siguradong kapag naka-graduate na ako saka kita ipapakilala dahil sigurado ko, hindi na nila ako pagbabawalan magkaroon ng relasyon. Antayin mo lang ang panahon na iyon, Kael,” tugon ni Maddie at may pakiusap na ang mga mata nito.
Tutol siya sa sinabi ni Maddie pero wala rin naman siyang magagawa kung iyon ang gusto ng dalaga baka magalit pa ang dalaga kapag pinilit niya saka wala naman siyang masamang hangarin kay Maddie at talagang magpapakilala siya sa magulang at kapatid ng dalaga bilang respeto sa pamilya ni Maddie.
Humarap si Klay sa nag-aalalang dalaga saka hinaplos ang pisngi nito.
“Liligawan pa rin kita, Maddie, kahit sinabi mo na gusto mo ako. Para mapatunayan ko sa’yo na totoo ang nararamdaman ko sa’yo at maganda ang hangarin ko sa’yo at aantayin ko ang sinasabi mong ipapakilala mo ako sa pamilya mo para masabi ko sa kanila at maipakita kung gaano ako kaseryoso sa nararamdaman ko sa’yo,” seryosong sabi ni Klay kay Maddie.
Ngumiti si Maddie at nawala ang pag-aalala sa mukha niya.
“Ipapakilala kita sa pamilya ko at gagawin natin iyan ng sabay,” nakangiting tugon ni Maddie.
Ngayon lang nakaramdam ng sobrang ligaya si Klay at hindi iyon dahil sa nakakuha siya ng mataas na grado sa school, mga matataas na karangalan at dahil sa magagandang sinasabi ng mga kakilala at kamag-anak niya sa kaniya kundi dahil kay Maddie, na naglakas loob na magtapat sa kaniya ng nararamdaman. Sobang saya ang nararamdaman ni Klay na ngayon lang niya muling nadarama simula nang mawala sa buhay niya ang Mama niya.
Nagising si Klay at nang hawakan niya ang pisngi ay basa iyon ng luhang tumulo dahil sa alaalang gumulo sa panaginip niya. Hanggang ngayon apektado pa rin siya sa alaalang iyon at kahit ang luha niya ay hindi niya magawang pigilan dahil sa mga alaala ng nakaraan kahit isa iyon sa masaya na nangyari sa kanila ni Maddie.
Doon nagsimula ang lahat. Sa pagtatapat ng nararamdaman nila pareho ni Maddie at nauwi iyon sa napakalalim na nararamdaman ni Klay mula sa dalaga na dahilan kaya nasira rin siya at may mga nadamay na tao na nawala dahil sa pagmamahal niyang iyon.
Napabuntonghininga si Klay at saka umupo na sa kamang kinahihigaan. Maliwanag na sa labas ng bahay at nang tumingin siya sa relo ay alas-otso na ng umaga. Tinanghali na siya ng gising at dahil iyon sa panaginip na iyon na hindi na dapat gumugulo sa kaniya dahil isa iyon sa nakaraan niya na matagal na niyang kinalimutan at dapat hindi na niya kailan pa alalahanin pa.
Tumayo na si Klay saka dumiretso sa banyo at doon ay naligo saka nagpalit ng damit matapos maayos ang sarili ay umalis na siya sa bahay at lumuwas na ng Maynila upang magpakaabala muli sa trabaho niya.
---
“HUWAG mo kaming alalahanin dito ni Poypoy, Ate, magiging maayos lang kami kahit kami lang saka nandiyan lang sa tabi ng bahay natin si Ate Riza alam mo naman ang kaibigan mong iyon palaging nandiyan para sa atin,” nakangiting sabi ni Arya sa akin.
Hindi kasi maalis sa isip ni Maddie at alam niyang kahit sa emosyon ng mukha niya ngayon na nag-aalala siya sa magiging kalagayan ng pamangkin at anak kapag umalis. Maganda na ang kalagayan ni Poypoy at nakalabas na rin sa Ospital kaya sa bahay na lang ang anak niya nagpapalakas nang tuluyan.
Ayaw pa sana niyang iwanan ang anak pati ang pinsan pero paniguradong hindi papayag si Kael at magagalit na naman iyon sa kaniya. Alam ni Arya na sa Maynila siya magtatrabaho at sinabing ang kaibigang nagpauntang sa kaniya ng malaking halaga para sa gamutan ni Poypoy ang nagbigay rin ng trabaho na may magandang sweldo. Hindi sinabi ni Maddie na si Kael ang magiging boss niya at kung anong trabaho niya dahil alam naman niya na mag-aalala si Arya at hindi papayag ang pinsan sa papasukin niyang trabaho.
Mabuting ilihim na lang niya ang lahat sa pinsan at ipagpatuloy ang trabaho niya kay Kael para na rin hindi na siya alalahanin ni Arya saka hindi ito humadlang sa mga plano niya.
“Huwag mong pababayaan ang sarili mo sa Maynila saka palagi kang tatawag sa amin, Ate,” bilin ni Arya sa kaniya.
Ngumiti si Maddie saka lumapit sa pinsan at niyakap ito nang buong pagmamahal. Naiwan na siya ng lahat pero bukod-tanging si Arya lang ang nandiyan at hindi siya iniwan dagdag pa ni Poypoy kaya patuloy siyang nagpapakatatag. Hindi niya hahayaan na magaya sa buhay niya ang pinsan na itinuring ng kapatid at pagsisikapan niyang makatapos ito ng pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay hindi kagaya niya na nasadlak sa ganitong buhay, na nawalan ng mga magulang, nabaon sa utang at ngayon ay isang s*x slave ng dating nobyo na may malaki siyang kasalanan.
Masira man si Maddie dahil kay Kael ay hindi niya papayagan na pati si Arya at ang anak niya ay masira kagaya ng buhay niya.
Hindi napigilan ni Maddie ang mga luhang tumulo sa mga mata at napahikbi siya.
“Ate, umiiyak ka ba?” hindi makapaniwalang tanong ni Arya saka humiwalay sa pagkakayakap sa kaniya. “Umiiyak ka nga,” nag-aalala na sabi na naman nito.
“Masaya lang ako kasi may kagaya mo na kailan man ay hindi ako nagawang iwanan at maasahan kong mag-alaga kay Poypoy. Ang swerte ko,” sabi niya sa kay Arya.
Natawa si Arya pero niyakap naman siya nito.
“Ako ang maswerte sa’yo, Ate, dahil kahit mahirap ay nagsikap ka para buhayin at pag-aralin ako. Hindi mo ako ipinamigay sa iba nating mga kamag-anak para mabawasan ang bubuhayin mo,” tugon nito sa kaniya.
Pinunasan ni Maddie ang mga luha sa mga mata at ngayon ay naghiwalay na sila muli sa pagyayakapan.
“Kinakaya ko ang lahat kasi nandiyan kayo ni Poypoy nagpapalakas sa akin. Baka kapag wala kayo ni Poypoy ay sumuko na ako sa buhay at sumunod sa libingan kina Mama at Papa at kakayanin ko pa ang lahat basta alam kong nandiyan kayo at mapapabuti,” emosyonal niyang tugon.
“Huwag kang mag-alala sa amin ni Poypoy, Ate, dahil ayos lang kami rito saka hindi kami pababayaan ni Ate Riza,” nakangiting tugon niya.
Tama si Arya, nandiyan si Riza na isa sa mga kapit bahay niya at palaging nandiyan sa kaniya simula noong nawala ang mga magulang niya. Dating tauhan ng Papa niya ang Papa ni Riza at napakabuti ng pamilya ni Riza sa kanila kahit wala na sina Papa at Mama ay palagi pa rin nasa tabi nila ang pamilya ni Riza at si Riza mismo at ang nag-aalaga at nagbabantay kina Arya at Poypoy lalo na kapag nasa trabaho siya.
Malapit sila ni Riza dahil kababata rin naman ito at kahit may sarili ng pamilya ay hindi pa rin sila nito kinakalimutan at tumutulong pa rin sa kanila.
“Alam ko naman na hindi kayo pababayaan ni Riza at ng mga magulang niya pero siyempre ito ang unang paglalayo natin kaya hindi ko pa rin mapigilang mag-alala sa inyo pagtapos galing pa sa sakit si Poypoy,” aniya.
“Tumawag ka lang palagi sa amin at tatawagan din kita para alam mo ang nangyayari sa amin dito sa bahay saka ang sabi mo naman every weekends dadalaw ka sa amin o hindi kaya ay kami ang dadalaw sa’yo,” anito.
“Ako na lang ang uuwi! Huwag na kayong lumuwas ni Poypoy sa Maynila,” mabilis na tutol niya sa sinabi ni Arya at bigla siyang kinabahan sa sinabi ng pinsan na pagdalaw.
Nagtaka namang sa inasta niya si Arya kaya napalitan ang emosyon nito na kanina ay nakangiti ng pagtataka.
“Hindi ka ba namin p’wedeng puntahan ni Poypoy sa Maynila, Ate?” takang tanong ni Arya sa kaniya.
“P’wede naman p-pero huwag na muna ngayon kasi nakikitira lang din ako sa bahay ng kaibigan ko at nakakahiya naman na kabago-bago ko pa lang ay may bibisita kaagad sa akin sa bahay nila,” tugon ni Maddie sa pinsan.
“Sabagay,” nakangiti nang tugon ni Arya at doon ay nakahinga siya nang maluwang dahil mukhang naniwala naman si Arya sa sinabi niya. “Saka ka na lang namin dadalawin kapag nakapagpaalam ka, Ate, at kapag pumayag din ang magiging amo mo,” anito.
“Oo. Tatawagan kita kapag p’wede niyo akong puntahan sa Maynila. Sa ngayon ay ikaw na muna ang bahala kay Poypoy at next semester asikasuhin mo na ang pag-aaral mo at kagaya ng napag-usapan natin ay mag-online study ka na muna para may makakasam si Poypoy rito sa bahay.
“Isang-taon lang ako magtatrabaho sa Maynila at sa oras na matapos iyon ay babalik na ako rito at ako nang bahala kay Poypoy at hahayaan na kitang mag-enjoy sa pag-aaral mo at sa pagiging dalaga mo, Arya. Sa ngayon tiisin mo muna na magkaroon ng limitasyon ang buhay mo dahil sa pag-aalaga kay Poypoy,” paliwanag ni Maddie sa pinsan.
“Si Ate naman! Ayos lang sa akin na alagaan si Poypoy saka napakaliit na bagay lang iyon para makaganti ako sa’yo at mas gusto ko naman sa bahay kaysa maggagala,” tugon ni Arya.
Napangiti na naman siya saka hinawakan ang kamay ni Arya. “Salamat sa pag-iintindi, Arya, huwag mo rin pababayaan ang sarili mo at alagaan mo si Poypoy. Ano man ang maging problema ay tawagan mo ako kaagad, okay?” bilin niya sa pinsan.
“Opo, Ate, ikaw rin. Lagi kang mag-iingat at huwag pababayaan ang sarili,” tugon nito sa kaniya.
Alam ni Maddie, na hindi naman mapapaano sina Arya at Poypoy dahil nandiyan si Riza at pamilya nito saka responsable ang pinsan niya at kailan man ay wala siyang naging problema kay Arya kaya hindi dapat siyang sobrang mag-alala para sa maiiwang pamilya sa bahay. Dadalawin na lang ni Maddie ang pamilya na maiiwan sa Bulacan sa rest day niya kaya lang hindi niya sigurado kung may rest day nga ba siya at kung p’wede ba siyang umuwi sa anak at kay Arya tuwing weekends.
Sinabi ni Maddie kay Aryan a weekends ang wala niyang pasok at makakauwi siya pero wala pa silang napag-uusapang ganoong kasunduan ni Kael kaya nag-aalala rin siya na baka hindi siya payagan ni Kael sa weekends rest day pagtapos nasabi na niya iyon kay Arya kaya aasa ang pinsan sa pag-uwi niya.
“Pakikiusapan ko na lang si Kael at sana mapapayag ko siya,” sabi ni Maddie sa isip.
Tuluyan nang umalis si Maddie at may sumundo sa kaniya ng umagang iyon. Driver daw iyon ni Kael na si Mang Gusting at inutusan ng binata na sunduin siya. Hindi na hinayaan ni Maddie na makausap ni Arya si Mang Gusting dahil baka masabi pa nito ang pangalan ni Kael na kilala rin ni Arya at nagpaalam na siya sa pinsan, anak at kay Riza na nandoon na rin at tumulong sa kaniya na dalhin palabas ang maleta.
Nang papalayo ang sasakyan ay nakita ni Maddie ang lungkot sa mukha ni Arya, kahit siya nalulungkot dahil ito ang unang paglalayo nila ni Arya pero kailangan niya itong gawin dahil malaki ang utang niya kay Kael at para na rin hindi mawala sa kanila ang bahay at lupa na tanging tinitirhan nila kaya magtitiis siya sa lungkot na nadarama at magpapakatatag hanggang sa matapos ang isang-taong usapan nila ni Kael.
Sana lang kayanin ni Maddie ang lahat nang gagawin ni Kael sa kaniya at hindi siya sumuko para kina Poypoy at Arya. Kailangan siya ng dalawang taong iyon, na tanging natitira niyang pamilya at hindi siya p’wedeng sumuko at iwanan ang mga ito dahil lang naging mahina siya.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.