NAPAHANGA si Maddie sa magandang building na ngayon ay nasa harapan niya. Ayon sa driver ay doon daw ang Condo na tinitirhan ni Kael kaya sa harap siya ng building na iyon pinababa ng driver at sinabi pa nito kung anong floor ng Condo ni Kael at anong unit number.
Ito ang unang beses na makakapasok siya sa ganoong kagandang Condo dahil noong nabubuhay pa ang Papa niya kahit naging Mayor sa lugar nila ang Papa, ay hindi naman siya nakakasama sa mga lakad ng mga magulang kahit sa mga dinadaluhang party ng mga ito at ang laging naisasama ay ang nakakatanda niyang kapatid dahil sa katalinuhan nito. Hindi kagaya ni Maddie na may mahinang utak.
Alam naman ni Maddie noon na mas paborito ng mga magulang ang mga kapatid dahil simula noong mga bata pa sila at nagsimula mag-aral, ay consistent na honor student ang Kuya niya habang siya ay palaging pasang-awa lang. Minsan naiisip niyang kinakahiya siya ng mga magulang lalo na ng Papa niya dahil sa kahinaan ng utak niya pero nawawala naman ang lahat nang iyon kapag nararamdaman niya ang pagmamahal at pag-aasikaso sa kaniya ng Mama niya.
Napabuntonghininga si Maddie at nagdesisyon na pumasok na sa building na nasa harapan niya. Nang nasa front desk na siya ay binati pa siya ng mga babaeng nakatayo doon at may magagandang suot na uniporme. Naggagandahan din ang mga babae ay may nakaka-welcome na ngiti sa kaniya.
Sinabi lang ni Maddie na kaya siya nandoon dahil kay Kael na binanggit niya ang buong pangalan at mukhang alam na ng dalawang babae ang gagawin. Tumawag sa telepono ang isang babae saka muling humarap sa kaniya at sinabing maaari na siyang umakyat sa floor kung saan ang Condo ni Kael.
Sumakay si Maddie sa elevator matapos makausap ang dalawang babae at sa fourth floor siya dinala saka siya lumabas at isang mahabang hallway ang sumalubong sa kaniya na may nakakarinding katahimikan.
Muli ay napabuntonghininga si Maddie at dinadaga ngayon ng kaba ang puso niya dahil makakaharap na naman niya si Kael. Hindi alam ni Maddie kung magiging mapayapa ba ang pagkikita nila ngayon at iyon mismo ang hinihiling niya.
Naglakad na si Maddie sa hallway at panay ang tingin niya sa mga number na nasa gilid ng dingding na malapit lang sa pintuan at sa ikaapat na pinto ay doon niya nakita ang number ng unit ni Kael na hinahanap niya kaya muli ay napabuga siya ng hangin sa bibig saka umangat ang kamay upang pindutin ang door bell.
Sa unang beses ay nag-antay siya ng bente segundo saka muling pinindot niya ang door bell at muling nag-antay ng ilang segundo pero hindi pa rin bumubukas ang pinto kaya umangat muli ang kamay niya para pindutin ang door bell subalit bumukas na ang pinto at sumalubong sa paningin niya si Kael na nakasuot ng coat na kulay puti at tie na kulay blue saka may black pants at sapatos na kapareha at nakasuot ito ng salamin sa mga mata.
Hindi naiwasan ni Maddie na hangaan ang kagwapuhan ng kaharap at natulala pa siya sa magandang nilalang na pinagmamasdan.
“Get in,” seryoso at makapangyarihan n autos ni Kael sa kaniya na ikinagulat pa niya.
“Ah, o-okay, Sir,” mabilis niyang tugon saka pumasok sa loob ng Condo.
Tinalikuran na siya ni Kael at mabilis na naglakad na rin papasok sa bahay nito habang siya ay nakasunod lang dala-dala ang maleta niya na naglalaman ng ilang mga damit at gamit na gagamitin sa paninirahan sa bahay ni Kael.
Napansin ni Maddie na sa sala pa lang ay puno na ng karangyaan subalit napansin niya na may mga nagkalat na damit at mga papel sa sala saka mga kung anu-anong balat ng pagkain na mukhang galing sa mga restaurant at pina-deliver. Napatingin din si Maddie sa kusina na tambak ang mga hugasin na plato, baso at mga kawali na mukhang ginamit din ni Kael para makakain at makapagluto.
“I will leave now, and you will be alone at my house. Total nandito ka na rin naman, ay maglinis ka na nang buong bahay at maglaba ka na rin. May washing naman kaya hindi ka na mahihirapan pero iyong mga tuxedo, polo at pants ko, ay labhan mo nang manu-mano dahil kapag sa washing, masisira ang tela niya,” malamig ang boses n autos ni Kael sa kaniya.
“Opo, Sir,” mabilis na tugon niya.
Kaya naman talaga siya nandito para maging alipin ni Kael kaya wala siyang karapatang tumanggi o magreklamo sa pinapagawa ng binata sa kaniya saka gawaing bahay lang iyon na sanay na siya at hindi na iyon mahirap para sa kaniya.
Hindi nagsalita si Kael at tinitigan lang siya dahilan para muli ay dagain siya ng kaba. Iniisip niya kung may mali ba siyang sinabi na dahilan para ikagalit nito o baka hindi nito nagustuhan na ang dali niyang sumagot ang pumayag sa inuutos nito?
“I like your new hair,” mahinahong sabi ni Kael sa kaniya dahilan para manlaki ang mga mata niya.
“Ha?” wala sa sariling tugon niya.
Lumapit si Kael sa kaniya saka hinaplos nito ang hanggang balikat na lang niyang buhok na straight na straight na dahil sinunod niya ang gusto ni Kael na mag-ayos siya bago lumuwas ng Maynila at puntahan ang binata saka nagpakulay na rin siya, dark blonde ang pinili niya na ang sabi ng hair styles ay bagay na bagay raw sa kaniya. Pinaayos na rin niya ang kilay at nagpa-foot spa na rin siya. Matagal-tagal na rin kasing hindi siya nagpa-parlor dahil hindi kaya ng budget niya saka mas maraming mahalagang bagay na dapat pagkagastusan kaysa magpa-ayos sa parlor.
Sinama ni Maddie ang pinsan na si Arya na tuwang-tuwa pa dahil matagal na nitong gusto na gumastos siya para sa sarili. Sinabi niya na lang sa pinsan na binigyan siya ng advance sahod ng amo niya para i-treat ang sarili lalo pa at napuno siya ng stress sa nagdaang-araw at dahil malaki-laking pera ang binigay sa kaniya ay isinama na niya ang pinsan.
“You are still gorgeous, Maddie. Your beauty has not diminished even after many years have passed and even after you have given birth,” puno ng paghangang sabi ni Kael sa kaniya at kitang-kita iyon sa mga mata niya kahit napakaseryoso ng emosyon nito.
Hindi maiwasang makadama ng saya mula sa puso si Maddie pero pinigilan niyang ngumiti at ipakitang nasisiyahan siya dahil baka magalit na naman si Kael sa kaniya.
Idinikit ni Kael ang katawan nito sa katawan niya na halos magkayakap na sila at lumapat na ang labi nito sa buhok niya dahilan para bumilis ang t***k ng puso niya, hindi dahil sa kaba kundi dahil sa sensasyong nararamdaman niya mula sa paghaplos at paglapat ng mga labi nito sa buhok niya. Marahan na bumaba ang labi ni Kael saka hinalikan siya sa labi nang marahan at ngayon ay punong-puno ng pag-iingat.
Napakasarap ng halik na iyon mula kay Kael hindi katulad nang unang halik nito noong pumayag siya sa kasunduan na mapanakit dahilan kaya nasugatan ang labi niya noon. Hindi tuloy napigilan ni Maddie na tumugon sa halik ni Kael at napayakap na rin siya sa balikat nito.
Nagulat lang si Maddie at mabilis na lumayo sa binata nang marinig ang pagtunog ng cell phone nito saka mabilis na kinuha ni Kael sa bulsa at sinagot.
“Hello, Babe?” sagot ni Kael sa kausap.
Sa narinig ni Maddie ay mabilis siyang tumalikod kay Kael dahil parang may kung anong batong bumagsak sa puso niya at para hindi makita ng binata na naapektuhan siya na may tinawag itong Babe, sa malambing pang boses ay tinalikuran na lang niya ito saka lumuhod at nagkunwaring inaayos ang maleta.
“Nakabihis na ako at papunta na rin ako sa bahay niyo. Are Tito and Tita at your house?” tanong ni Kael sa kausap sa cell phone. “On the way na sila. Sige, babiyahe na ako. Dumating kasi ang bagong maid ko kaya hindi ako kaagad nakaalis,” paliwanag pa ni Kael sa kausap.
Muli ay nasaktan na naman si Maddie sa narinig mula kay Kael pero sinaway niya ang sarili dahil wala siyang karapatang masaktan at magdamdam kung ganoon lang ang tingin ni Kael sa kaniya. Iyon lang naman ang papel niya kay Kael at kasama na doon ay pagiging alipin niya sa kama.
“Maddie,” malamig na tawag ni Kael sa kaniya na tapos na palang makipag-usap sa cell phone.
Mabilis na tumayo siya at humarap kay Kael na may malamig na namang tingin sa kaniya.
“May tatlong kwarto rito sa bahay at sa iyo iyong pangalawang kwarto. Ayusin mo na lang at lagyan ng bed sheet saka mga unan at kumot na nasa walk-in cabinet din sa loob ng magiging kwarto mo,” bilin ni Kael sa kaniya.
“Opo, Sir,” tugon niya.
“I don't know if I'll be able to come home tonight because I might sleep at my girlfriend's house. Huwag mo na akong antayin at matulog ka na rin nang maaga sa oras na matapos mo ang paglilinis ng bahay at paglalaba ng mga labahin ko,” bilin ulit ni Kael sa kaniya.
“Opo, Sir,” tugon niya muli.
“May pagkain sa ref kapag nagutom ko ay magluto ka na lang o hindi kaya ay magpa-deliver ka ng pagkain katabi ng telephone ang mga restaurant na p’wede mong tawagan para magpa-deliver.
“Gamitin mo ang debit card na binigay ko sa’yo para panggastos mo sa pagkain na ipapa-deliver mo,” anito saka inayos ang relo sa kamay nito na halatang mamahalin.
Hindi na tumugon si Maddie at tumango na lang siya kahit hindi naman nakatingin sa kaniya ang binata at mukhang nagtaka ang binata kaya muling napatingin sa kaniya.
“Opo, Sir,” mabilis niyang tugon.
“Aalis na ako,” paalam ni Kael sa kaniya saka naglakad na.
“S-Sir,” tawag niya kay Kael dahilan para mapahinto ito saka nagtatakang lumingon sa kaniya. “B-bakit hindi mo sinabing may girlfriend ka?” lakas-loob na tanong niya.
Hindi naman umaasa si Maddie na magkakabalikan sila o ano dahil alam niya na abot-langit ang galit nito sa kaniya pero pakiramdam niya ay ang unfair sa girlfriend nito na may ibang babae na ginagamit si Kael habang may karelasyon ito at hindi niya mapigilang makadama ng konsensiya para sa nobya nito.
“Is it important for you to know that I have a girlfriend?” iritadong tanong ni Kael sa kaniya. “At para sa kaalaman mo, hindi ko lang siya girlfriend, fiancée ko siya at alam mo bang hindi lang siya mayaman at may pinag-aralan na hindi kagaya mo? Kundi mabuting tao rin siya at napakagandang babae!” pagpapamukha nito sa kaniya.
Ngumiti si Maddie kahit sa totoo lang ay nasasaktan siya.
“Masaya ako dahil nakakilala ka nang mabuting tao,” tugon niya. “P-pero hindi ba ang unfair naman sa fiancée mo na may ibang katawan kang ginagamit sa kama—“
Hindi naituloy ni Maddie ang sasabihin dahil mabilis siyang nilapitan ni Kael at hinawakan nang mahigpit ang braso niya dahilan para mapasigaw siya sa sakit.
“Hindi kita binigyan ng permiso na pakealaman ang personal kung buhay!” galit na sigaw ni Kael sa kaniya.
Takot na napatingin siya kay Kael at mabilis na nanginig ang buong katawan niya. Ang takot na nararamdaman niyang ito na ilang taon niyang hindi naramdaman ay ngayon ay muling bumabalik at dahil iyon kay Kael na ngayon ay nakikita niyang kagaya ng taong palagi noong nananakit sa kaniya at pinagsasalitaan siya ng masasakit na salita na halos hindi makain nang kahit sinong makakarinig.
Lumipat ang kamay ni Kael sa leeg niya dahilan para mapasigaw siya at matarantang napahawak braso ng binata.
“Sorry!” natatarantang sigaw niya at hindi na mapigilang manginig pati ang boses niya.
Hindi mahigpit ang hawak ni Kael sa leeg niya pero inalis din niya iyon dahilan para matumba at maaupo siya sa sahig na nanginginig ang katawan. Nanghina ang mga paa niya dahil sa takot na nadarama at kahit pigilan niya iyon ay hindi niya magawa dahil parang isang bangungot na iyon na kailan man ay hindi na mawawala.
“H-huwag mo akong saktan, please,” pakiusap niya.
“Hindi pa kita sinasaktan, Maddie. Huwag kang umarte riyan!” galit na sigaw ni Kael dahilan para mapayuko siya.
“S-sorry,” nanginginig na tugon niya.
“Sa susunod na makealam ka pa sa buhay ko paduduguin ko iyang bibig mo at sisiguruhin ko na hindi mo magagawang makapagsalita nang ilang-araw!” gigil na banta nito.
Narinig na lang ni Maddie ang yapak ni Kael na papalayo sa kaniya at ang malakas na paglagabog ng pinto pasara na ikinagulat pa niya. Nakahinga nang maluwang si Maddie dahil iniwan na siya ni Kael na hindi siya nito sinasaktan pero ang takot ay nananatili pa rin sa puso niya at hindi niya napigilan ang mga luhang tumulo sa mga mata niya.
Kalahating-oras din si Maddie sa ganoong sitwasyon at lumuluha pero matapos ang kalahating-oras at pagpapahinahon sa sarili, ay tumayo na siya saka kinuha ang maleta niya at naglakad na papunta sa kwartong tinutukoy ni Kael na ookopahin niya.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.