GABING-GABI na, pero hindi pa rin natutulog si Herrah, inaantay niya ang pagdating ni Lucas. Kakausapin niya ito at gusto niyang ipaliwanag ang buong katotohanan, na mali ang iniisip nito. Hindi niya hahayaang magalit sa kanya si Lucas at mawala ito sa kanya. Mahal na mahal niya ito at ayaw niyang mawala na naman ito sa buhay niya, dahil lang sa maling akala.
Napatingin siya sa pagbukas ng pinto. Tumayo siya sa sofang inuupuan at sinalubong ito.
"Lucas," tawag niya sa kadarating pa lang na binata.
"Oh, gising ka pa pala mahal."
"Mahal? Tinawag niya ulit akong mahal? Iyon ang endearment namin, fifteen years ago."
Nilapitan siya ni Lucas at nagulat siya nang halikan siya nito. Naamoy niya ang alak mula sa labi nito, kaya mabilis niya itong tinulak."Lasing ka."
"No, just tipsy," tugon nito a……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.