NASA bar sila Lucas at Namica, magkatabi sila habang umiinom. Si Namica, juice lang ang ininom pero siya ay talagang matatapang na alak ang napili niyang inumin sa gabing ito.
"Hoy! Baka naman malasing ka ng sobra niyan. Tigilan mo na 'yan,"sita sa kanya ni Namica."
"Kung malasing ako, nandito ka naman, eh. Ikaw na bahala sa akin."
"Baliw ka ba! Hindi kita pwedeng ihatid sa bahay niyo, na lasing! Maraming bisita sa inyo 'no! Hindi mo ba naisip, na baka mapahiya sila pag lulugo-lugo kang umuwi doon."
"Diyan na ako sa hotel, sa harap ng bar matutulog. Kaya doon mo na lang ako ihatid."
"Hay! Ewan ko sayo!" sumusukong bulalas ni Namica, "magbanyo lang ako, maiwan na muna kita d'yan! 'Wag kang aalis."
"Oo!" tugon niya saka ito umalis. Ininom niya ang alak sa baso at lalagyan pa sana ito, nang may tum……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.