KANINA pa na matiim ang titig ni Lucas kay Herrah, habang nagpapaypay si Lucas sa ihawan at siya naman ay nasa lamesa sa likod ng bahay nila at inaayos ang pagkakasalansan ng dahon ng saging na inilagay sa lamesa para sa hapunan nila.
"Hindi kaya matunaw ka na niyan sa mga titig sayo ni Lucas," bulong sa kanya ng ate Lirah niya.
"Ate," saway niya rito. Humagikgik lang ito at tinusok pa ang tagiliran niya na ikinagulat pa niya dahil bigla siyang nakiliti.
"Wala ka bang gagawin, Lir? Eh, tulungan mo nga si Luiene doon sa ihawan at ayusin ang mga luto na," utos ng Nanay nila kay Lirah, na ikinangisi niya.
"Nay, inuutusan pala ako ni kuya sa loob. Si Rang po wala nang gagawin siya na lang po utusan niyo," sabi ni Lirah.
"Siya sige Rang, lapitan mo doon si Luiene at tulungan mo. Ikaw Lir, sa loob tayo at tulungan mo na rin ako doon." Ngising-ngisi ang ate Lirah niya nang tumingin sa kanya.
"Opo Nay," tugon nito sa Nanay nila.
Ang galing talaga ng ate niya!
Nilapitan niya si Lucas, na hanggang ngayon naka-topless pa rin at ang puting t-shirt nitong panloob ay nasa balikat nakasabit.
"Magpahinga ka na, ako na muna rito."
"Hindi na. Ako na rito," tanggi nito sa alok niya.
"Ah, bakit ba nandito ka pa? 'Di ba kanina ka pang umaga nandito?" tanong na lang niya para hindi maging nakakailang sa kanilang dalawa.
"Oo, bakit ayaw mo?" may sarkasmong tugon nito.
"Hindi naman sa gano'n. Nagtataka lang ako."
"Inaantay kita, actually. Bakit ba kasi ngayon ka lang umuwi, alam mo naman na kararating ko lang," may sama ng loob na sumbat na nito sa kanya.
"Hindi ko naman akalain na darating ka na. Isa pa, usapan na talaga namin ni Andrew 'yon, eh."
"Paano naging kayo?" seryoso ng tanong nito.
"Niligawan niya ako at sinagot ko siya."
"Oo nga naman, ano," iiling-iling na sabi ni Lucas.
"Lucas, ano ba kasing gusto mong iparating? Mabait na tao si Andrew at bata pa lang kami sinusuyo na niya ako, kaya sigurado akong mahal na mahal niya ako."
"Alam ko, 'di ba siya ang matinding karibal ko sayo noong mga bata pa tayo."
"Noon 'yon. Pero ngayon iba na."
"Feeling ko naungusan ako ng taong 'yon at ayoko nang ganito, na nagmukhang talunan sa paningin niya."
Napabuntong hininga si Herrah at nakadama ng inis. Iyon lang pala ang pinaglalaban ng taong ito ang natapakan nitong ego.
"Eh, siraulo naman pala ang hayop na ito eh!"
"Kaya nakakainis na dalawang buwan pa lang sinagot mo na siya!
"Pakealam mo ba, Lucas! Seryoso ang relasyon namin ni Andrew at ang nararamdaman niya sa akin. At hindi siya nakikipag-taasan ng ihi sayo! Nakita niya ang pagkapahiya na dumaan sa mukha nito. Pero naglaho rin iyon.
"May agreement tayo 'di ba?
Napakunot noo siyang napatingin dito. "Agreement? Anong-
"Fifteen years ago, may pinirmahan tayo. Agreement paper iyon!" diin ni Lucas na ikinangisi pa nito, "sa business industry pag may agreement kayo dapat niyong sundin nilalaman n'on. Dahil kung hindi, kulong ka!
"Hindi naman legal 'yon, eh. Isa pa, mga bata pa tayo no'n!
"Pero agreement is still agreement! May pirma tayo doon at pangakuan-
"Ano ba 'tong ginagawa mo, Lucas? Akala ko ba wala na iyon sa atin? Isa pa 'di ba umuwi ka ng Maynila para makipag-ayos sa girlfriend mo-
"Hindi kami nagkaayos and we end our relationship in good term." Napanganga siya. Hindi niya inaakala na wala rin pa lang mangyayari sa huli sa pag uwi nito sa Maynila. "Kaya tuloy natin agreement natin. Let's get married, Herrah."
"A-ano?" nanlaki ang mata niya na bulalas.
"Let's get married and get rid of Andrew."
Seryoso ba ito sa sinasabi nito o trip trip lang nito iyon.
"You're kidding right?
"No, I'm not. Tuloy na natin ang agreement, total naman single naman ako-
"So, sarili mo lang talaga iniisip mo, paano naman ako?
"Herrah, matagal mo akong inantay hindi ba? Pagkakataon na ito para matupad na ang pangako natin sa isa't isa?
Nakadama na naman ng sakit si Herrah, parang hinati sa dalawa ang puso niya. Alam niyang walang kasamang pag ibig ang inaalok ni Lucas sa kanya at siguro ginagawa lang ni Lucas ito para maitaas ang pride, na tingin nito ay natapakan ni Andrew at panakip butas na rin sa sakit na nararamdaman sa nabigong pakikipagbalikan sa dating kasintahan sa Maynila.
"Tingin mo ba laro lang lahat ng iyon Lucas? Napabuga siya ng hangin, "grabe ka! Laro lang ba ako sayo?
"Anong laro? Hindi naman 'yan-
"Shut up Lucas! Oo, nag-antay ako sayo nang matagal na panahon. Dahil akala ko, tutuparin mo talaga pangako mo pero 'di ba nagkalinawan na tayo? Ayos na sa akin, tapos ngayon dahil bigo ka at natapakan 'yang ego mo ni Andrew, gagamitin mo ang nakaraan natin para lang mapagtakpan lahat ng iyon? Nanikip ang dibdib niya sa sakit na nadarama,"akala ko nagbago ka na. Gano'n ka pa rin pala. Masama pa rin ugali mo! At selfish ka!
Iniwan na lang niya ito at kahit nang naghapunan na at tinawag siya ng kapatid niya ay hindi na siya lumabas. Dinahilan na lang niyang busog na siya at pagod kaya gusto na niyang magpahinga.
Simula nang tagpong iyon hindi na sila nagpansinan ni Lucas. Hindi na talaga niya sinubukan kausapin ito dahil naiinis pa rin siya dito at para na rin kay Andrew. Para walang maging sagabal sa relasyon nila. Alam naman niya na kahit hindi sabihin ni Andrew ay nagseselos ito kay Lucas, lalo pa't may nakaraan sila.
"Love, isang linggo pala akong mawawala. Isasama ako ni Dad sa Maynila para raw gawin akong legal na anak at ipakilala na sa mga investor at business partner ni Dad, sa kompanya,"paalam sa kanya ni Andrew nang lumabas sila ng gabing iyon. Nasa isang restaurant sila na malapit lang sa dagat.
"One week?" tanong niya dito. Nakadama siya agad ng pangungulila sa nobyo.
"Oo," may bahid ng lungkot sa boses nito at hinawakan ang kamay niya. "Isang buwan pa lang tayong magkarelasyon tapos ganito agad. Sorry love, hindi ko naman matanggihan si Dad kasi bumabawi lang talaga siya sa akin."
Napabuntong hininga siya at pilit na ngumiti. "Naiintindihan naman kita. Isa pa, one week lang naman."
"Mami-miss kita," malungkot na sabi ni Andrew.
"Ako rin. Pero kailangan niyo 'yan ng Dad mo para na rin makilala mo ang pamilya ng Dad mo at maipakita mo na mabuting tao ka."
Ngumiti si Andrew at hinaplos ang pisngi niya. "Thanks for understanding, love. Kaya mahal na mahal kita."
"Basta babalikan mo ako. At lagi mo akong tatawagan."
"Oo naman. Promise after one week babalik ako at magpakasal na tayo." Nanlaki ang mata niya sa gulat.
"A-ano?
"Let's get married," ulit nito sa sinabi. May kinuha ito sa bulsa, isang maliit na pulang kahon at binuksan ito.
Tumayo na ito at lumapit sa kinauupuan niya saka iniluhod ang isang tuhod. "Will you marry me Herrah?
Nag init ang mga mata niya at tumulo ang mga luha niya. Ang saya saya niya dahil may isang Andrew, na nasa harap niya. Mahal na mahal siya at nag-aalok ng kasal sa kanya.
"Y-yes Andrew," payag niya dito. Agad nitong sinuot ang singsing sa kanya at niyakap siya.
"Aayusin ko lang lahat sa buhay ko at magpapakasal na tayo," pangako sa kanya ni Andrew. Humiwalay siya sa pagkakayakap.
"Kahit naman sino ka, tanggap kita. At handa akong magpakasal sayo, kahit ano pa apelyedo mo."
Ngumiti ito muli at hinalikan siya sa labi. "I love you so much, Herrah."
"I love you too, Andrew."
Nakangiti si Herrah nang umuwi siya sa bahay nila dama pa rin niya ang saya na nararamdaman mula kanina sa pag alok sa kanya ng kasal ni Andrew. Umuwi na rin kaagad si Andrew para ayusin ang mga gamit nito na dadalhin papunta ng Maynila.
"Uy! Mukha kang nanalo sa lotto sa ngiti mo," pansin sa kanya ni Lirah na nakaupo sa sofa sa sala.
"Ate! Ikakasal na ako!" masayang balita niya sa ate Lirah niya. Napanganga itong napatayo.
"A-ano? Tama ba narinig ko ikakasal ka na?
"Oo ate." Pinakita niya ang sing sing sa daliri, "nag-propose na sa akin si Andrew at om-oo ako," masaya pa ring sabi niya sa kapatid niya.
Napatili ang ate Lirah niya at niyakap siya. "Congratulation, Rang!
"Ano bang nangyayare rito, bakit kayo sumisigaw?" humahangos na sita ng Nanay nila sa kanila.
"Nay, si Rang ikakasal na!" sigaw na balita ng ate niya sa Nanay.
"Ano? Rang, ikakasal ka na?" gulantang na bulalas na papalapit na kuya nila.
Pero hindi ang pagdating ng kuya niya ang ikinagulat niya dahil kasunod nito ang taong isang buwan nang hindi niya ulit nakita. Simula nang huling pag-uusap nila na hindi pa sila nagkaintindihan no'n.
"Oo Nay, kuya. Nag-propose na sa kanya si Andrew at om-oo na siya." Hinila pa ng ate niya ang kamay niya at itinaas para ipakita ang sing sing.
Hindi naman niya nagawang magsalita. Nakatingin lang siya sa matiim na pagtitig ni Lucas sa kanya.
"Sigurado na ba kayo diyan, Rang? Napalingon siya sa tanong na iyon ng Nanay niya.
"Opo Nay, pero pag-uusapan pa po ang kasal pag-uwi po rito ni Andrew. Lumuwas po kasi siya ng Maynila dahil sa Dad niya. May aayusin daw po sila muna pero one week lang naman po sila doon."
"Mabuting makausap na muna namin siya ng Tatay mo, nang masinsinan saka pag usapan ang kasal."
"Opo Nay."
"Parang masyado naman maaga na magpakasal ka kaagad kay Andrew. Eh, 'di ba bago pa lang kayo?" tanong ng kuya niya sa kanya.
"Kuya, matagal na natin kilala si Andrew, saka matagal na niya akong sinusuyo. Hindi na dapat tayo magdalawang-isip para sa kanya."
"Eh, ikaw ba? Paano naman ang nararamdaman mo? Baka naman padalos-dalos ka lang."
"Mahal ko po si Andrew at sigurado na po ako sa kanya!" diin niya sa kapatid saka iniwan ang mga ito at pumasok sa kwarto.
"IKAW kasi kuya eh, basag trip ka!" sita ni Lirah, sa nakakatandang kapatid. Umalis kasi si Herrah matapos pagdiinan nito ang nararamdaman kay Andrew.
"Anong basag trip nagtatanong lang naman ako."
"Ewan ko sayo!" inis na ring bulalas ni Lirah saka umalis din.
"May mali ba akong nasabi, Luiene?" tanong ni Henry kay Lucas, napatingin siya rito at pilit ba ngumiti.
Bigla kasing sumama ang pakiramdam niya, nang marinig ang balita ni Lirah na magpapakasal na raw si Herrah kay Andrew. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging pakiramdam niya.
"Wala naman, kuya. Baka pagod lang si Herrah kaya nag-walk out." Umupo ito sa sofa na sinundan naman niya.
"Nag aalala lang naman ako kay Rang. Baka masyadong padalos dalos ang desisyon niya." Napabuntong hininga si Henry.
"Hindi naman siguro, kuya. Mukhang mahal naman niya talaga si Andrew, eh."
"Gano'n na lang ba kadaling kalimutan ka niya Luiene. Fifteen years ka niyang inantay tapos sa ilang buwan lang minahal na niya si Andrew. Kaya nag aalala ako kay Rang, paano kung hindi pala niya mahal si Andrew at saka pa niya malaman iyon pag kasal na sila."
"Na-realize rin lang siguro ni Herrah, na hindi niya dapat sinayang ang fifteen years na pag aantay niya sa akin na noon. At dapat binigyan niya ng atensiyon kaagad si Andrew, dahil mas deserving itong mahalin kesa sa akin."
Inakbayan siya ni Henry. "Ikaw naman kasi, eh. Sayo pa naman kami boto ni Tatay, bakit hindi mo naman tinupad pangako mo."
"Sorry po, kuya. Kung pinag antay ko sa wala si Herrah. Akala ko kasi-
"Hayaan mo na nga 'yon. Bata pa naman kasi kayo noon, kaya dapat talaga hindi iyon seneseryoso parang larong bata lang ang pangakuan na iyon, eh."
"Sorry pa rin kuya. Dahil pinaasa ko si Herrah sa wala."
Nakokonsensya siya sa nagawang pagpapaantay kay Herrah pero parang mas higit siyang nasasaktan sa malamang sumuko na talaga ang taong nag-antay sa kanya nang matagal at nakahanap na ng ibang lalaking pakakasalan.
Parang may kung anong nakaharang sa dibdib niya at hindi niya alam kung paano mawawala iyon sa dibdib niya. Ilang araw nang gumugulo sa isip niya si Herrah dahil nagalit ito sa kanya at nadagdagan naman iyon ng balitang ikakasal na ito sa ibang lalaki.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.