PADILIM na pero hindi natakot si Herrah, na maglakad-lakad sa farm. Sanay naman siya at wala rin naman gagalaw sa kanya doon dahil kilala naman niya ang mga tao doon. Isa pa, private property ang lugar na iyon kaya walang magtatangkang pasukin iyon ng kung sino mang dayo sa kanila.
Hinila niya ang isang bunga ng mangga na halos isang abutan lang niya.
"Overripe na ito, ah? Tsk! Bakit hindi nila napapansin ito?
Napalingon siya nang may kumaluskos.
"May tao pa ba rito?
May kumaluskos na naman kaya kinabahan na siya.
"M-may tao ba diyan? Walang nagsalita kaya naglakad na siya paalis.
"Hey!
"Ay! Aswang!" napatiling gulat niya nang may nagsalita at tabihan siya.
"S-sorry-
"Ano ba! Papatayin mo ba ako sa gulat!" sikmat niya dito.
Nang makita niya kung sino ito napinid ang labi niya.
"Hindi! Si Sir Lucas pala!
"K-kayo pala, Sir. Pasensiya na-
"It's okay. Sorry ha, nagulat kita."
"Ano pa ba kasing ginagawa niyo rito eh, pagabi na?" tanong niya kay Lucas pero nakadama siya bigla ng pagkailang nang mapansin nakatitig ito sa kanya.
"S-sorry, hindi dapat ako nagtatanong sayo niyan. Farm niyo ito at pwede kayo kahit anong oras niyo gustuhin." Napabuntong hininga siya at nauna ng maglakad.
"Herrah, wait!" habol nito sa kanya.
"Uuwi na po ako Sir."
"Sumabay ka na sa akin. Ihahatid na kita."
Napabuga na naman siya ng hangin at hinarap ito. "Sir 'wag na po kayong mag abala may susundo po sa akin."
"'Wag ka nang mag-antay sa susundo sayo, sumabay ka na lang sa akin."
Nagulat siya nang hawakan siya ni Lucas kaya mabilis niyang hinila ang kamay niya. "'Wag mo nga akong hawakan!" tangis niya dito.
"I-I'm sorry, I just want to get your attention."
"Sir Lucas, ano bang problema mo, ha? 'Di ba galit ka sa akin? 'Di ba ayaw mong nakikita ang pagmumukha ko at ayaw mong may nangungulit sayo na tulad kong tauhan lang, sayo? Ngayon ginagawa ko na. Pero bakit ngayon ikaw naman ang nandito at nangungulit? Anong plano mo na naman?" sumbat na niyang tanong kay Lucas.
"Look, I know I'm being so harsh to you, but I realized na mali ang ginawa ko sayo at gusto kong bumawi-
"You don't need Sir! 'Wag mo na lang akong pansinin o kahit isipin man lang! Iniwan na niya ito at tuluyang umalis.
Tenext na ni Herrah ang susundo sa kanya para makauwi na siya at mag-gagabi na rin.
Sori po Maam Herrah hindi ko po kayo masusundo nasiraan po kasi ako eh at ipapaayos ko na muna itong truck. Reply nito sa kanya na ikinabuntong hininga niya.
Wala siyang magagawa. Maglalakad na lang muna siya hanggang makarating siya sa sakayan. KAya lang kalahating oras din ang paglalakad papunta doon.
"Kaya 'yan."
Tumayo na siya sa kinauupuan at nag-umpisa ng maglakad. Nang marinig niya ang papadaang kotse.
"Herrah sakay ka na." Hindi niya ito pinansin at nagmadali pa siyang maglakad. "Hey Herray!
Napahinto siya sa tinawag nito sa kanya. Herray. Ganun na ganun ang tawag nito sa kanya noong mga bata pa sila pag nagkakagalit sila noon o nagkakatampuhan. Iyon ang paglalambing na tawag nito sa kanya.
" 'Wag kang padadala baka may masamang balak iyan sayo at masaktan ka na naman," babala niya sa sarili. Kaya mabilis siyang naglakad.
"Herrah!" tawag pa rin nito sa kanya habang sinusundan siya nito gamit ang kotse.
Sa pagmamadali niya hindi na niya napansin ang tipak na batong nakaharang sa daraanan niya kaya agad siyang napatid. Lumagabog ang katawan niyang napahiga sa lupang nilalakaran niya.
"Herrah!" narinig na niyang sigaw ni Lucas. Narinig niyang sumara ang pinto ng kotse at malalakas na braso ang nagpatayo sa kanya.
Nag aalala itong nakatingin sa kanya pero siya hiyang-hiya sa katangahan niya.
"God! May sugat ka!" bulalas ni Lucas at binuhat siya na ikinagulat niya.
"S-sir okay lang po ako-
"Okay ka? Eh, may sugat ka na nga okay ka pa rin? Ang lakas nang pagkakabagsak mo baka nagka-fracture ka! Ipinasok siya nito sa kotse saka ito pumasok at pinaandar.
"Saan niyo po ako dadalhin?
"Sa malapit na ospital. Para magamot sugat mo at ma-check kong may fracture ka."
"Okay nga lang po ako eh, ihatid niyo na lang po ako sa trysicle-lan at doon na ako-
"Bakit ang tigas ng ulo mo! Kanina ka pa ah! Pinapasakay kita sa kotse ko, ayaw mo! Ayan tuloy nadapa ka!" inis ng sabi ni Lucas,"oo galit ka sa akin because of what I did to you. Pero pati ba naman kaligtasan mo isasaalang-alang mo para lang makaiwas sa akin."
"Sir-
"s**t! Ganun na ba talaga ako kasama sayo na kahit napahamak ka na ayaw mo pa ring patulong sa akin?
'T-teka lang po sir-
"I'm so sorry, Herrah. I mean it, I'm so sorry let me make it up to you, please." Kitang kita niya ang pagmamakaawa nito sa mga mata. At napangiti siya, hindi niya akalaing mapapangiti pa siya kahit may masasakit na nagawa ito sa kanya at sa kalagayan niya ngayon na marungis at may sugat pa.
"Sir, nadapa lang ako 'wag kang oa." Napalingon ito sa kanya na may namimilog na mata na ikinatawa niya. "You look shock."
"Did you say that I'm just over acting?" Tumango siya at pigil ang ngiti. "I'm just worried of you, nadapa ka-
"Shut up!" saway niya dito pero ngumiti pa rin siya, "hiyang-hiya na nga ako sa katangahan ko ipapaalala mo pa."
"Herrah-
"So? I told you I'm okay, you don't need to worry and I'm not mad at you. Sana lang 'wag mo nang uulitin 'yong nagawa mo kasi-
Mapait na napangiti.
-masakit talaga."
Nakita niya ang pag-guhit ng guiltiness sa mukha ni Lucas.
"I'm sorry. Nagpadala lang ako sa sakit, na nararamdaman ko because of unsuccessful relationship. And I'm sorry, kung matagal kitang pinaasa at pinag-antay."
Gustong maiyak ni Herrah pero pinigilan niya lang. "May kasalanan din naman ako, eh." Bumuntong hininga. "Nag-antay at umasa ako."
"I'm sorry-
"But you know, Sir. I realized something."
"What?
"I'm not really in love with you. I'm just in love with the feelings on how to love at sa feeling na tuparin ang pangako natin sa isa't isa."
"That's exactly, I'm thinking too.Sa tagal ba naman na hindi tayo nagkita sure ko nakalimutan na ako ng puso mo."
"Pero syempre sumama pa rin loob ko. Paano ba naman 'yong kababata ko dati, ang sama na ng ugali at pinagsalitaan pa ako ng masama."
Hindi nakapag salita si Lucas. "Hayaan mo lang ako, na ilabas lahat ng sama ng loob ko ha, kasi mas magiging maayos pakiramdam ko pag nagawa ko ito at isa pa, gusto mo mapatawad kita 'di ba? So, hayaan mo lang ako."
"It's okay."
"Mabuti naman. Alam mo ba ang kapal ng mukha mo! Nakita niya na nagulat itong napatingin sa kanya," dahil inalok mo pa ako na maging f**k buddy mo feeling mo magaling ka! Bakit sure ka ba na pag nagkataong pumayag ako mag e-enjoy ako sayo!
Doon natawa si Lucas na ikinagulat niya. "I'll make sure that I will make you scream on bed with me in pleasure," payayabang pa nito, "maraming girls na nag-enjoy ng naikama ko."
"But of course I'm not one of them. Hindi ako mag-e-enjoy sa taong gusto lang makipag-s*x for pleasure," seryoso niyang tugon dito.
Dumaan ang katahimikan sa kanilang dalawa. "S-sorry again," basaga na ni Lucas sa katahimikan nila.
"Dahil do'n parang feeling ko sa sarili ko ang babaw kong babae. Kaya sana 'wag mo ng uulitin 'yon baka hindi na talaga kita mapatawad at baka hindi ko na kayanin pang makipag-kaibigan ulit sayo." Inihinto na ni Lucas ang kotse at hinawakan ang kamay niya. Nakatitig ito sa kanya na puno ng emosyon.
"I'm so sorry Herrah. Naging masama ako sayo hindi ko man lang naisip na isa ka sa nagpahalaga sa akin noong mga bata pa tayo. At kababata kita. Dapat inisip ko man lang iyon."
Hindi na niya napigilan ang mga luha. "Buti alam mo. Ikaw lang naman talaga ang nakalimot, eh. Hindi ako." Napahikbi na siya.
Niyakap na siya ni Lucas. Ang yakap na noon pa man ay inaasam niya na sa muli nilang pagkikita ay gawin nito.
"Shh. Don't cry Herray."
"Ikaw kasi, eh! Humiwalay na sila sa pag yakap.
"So, friends? Inilahad nito ang kamay.
"Oo, friends." Tinanggap niya ang kamay nito at nakipag-kamay.
"Thank you for forgiving me."
"Dahil may pinagsamahan tayo. Kaya kita pinatawad." Ngumiti si Lucas.
Inihatid siya ni Lucas sa bahay gulat naman ang Nanay at Tatay niya, sa itsura niya dahil ang rungis niya at may sugat pa siya sa tuhod at siko.
"Ang lampa mo naman anak, ang laki laki mo na nadadapa ka pa," nakangiting pang-aalaska pa ng Nanay niya.
"Nay naman, eh. Nahihiya na nga ako, eh."
"Hindi ka kasi nag iingat," dagdag ng Tatay niya.
"Rang! Napalingon sil sa sigaw na iyon sa pinto. Ang ate Lirah niya at humahangos na lumapit sa kanya alalang-alala.
"Ate Lirah."
"Anong nangyari sayo? Nakita ka raw ni Antonio na lumabas sa kotse na parang ginahasa at ang rungis mo pa raw?' tanong nito na nilapitan pa siya at hinawakan ang mukha niya. Napatingin tuloy siya kay Lucas na nanlalaki ang mata na ikinataka niya, "bakit may mga sugat ka? Pati bakit ang dungis mo?
"Ate, 'wag kang oa nadapa lang ako," nahihiya niyang tugon sa kapatid. Nawala ang pag aalala sa mukha ng ate Lirah niya at napangisi.
"Nadapa? Ang lampa mo naman! Tanda-tanda mo na eh, dinaig mo pa si Lily."
"Ate!" saway na niya sa kapatid.
"Sir Lucas," tawag pansin niya kay Lucas, na nakatitig pa rin sa ate Lirah niya. Kahit ang ate Lirah niya ay napatingin kay Lucas, "ate Lirah ko."
"Oh? Siya si Lucas? Akala ko ba-
"Ate!' sita na naman niya sa ate niya dahil alam niya na, kung ano ang itatanong nito.
"A-are you a twin?' gulat na tanong ni Lucas.
"Oo, mtanda ako kay Herrah ng 5 minutes kaya ate niya ako," tugon ng ate Lirah niya.
"Ah, kaya pala magkamukhang-magkamukha kayo."
"Gwapo ka naman pala talaga, ano? Hindi kasi talaga kita kilala eh, nasa Maynila pa 'ata ako noong nagkakilala kayo ni Rang."
"Oo ate, nasa Maynila ka nga noon at nang sumunod ka, nang lumipat dito ay wala na si Lucas. Umalis na," paliwanag kaagad niya.
"Kaya pala, hindi rin kita kilala, Lirah. Saka hindi ko alam na kambal pala kayo ni Herrah," sabi naman ni Lucas.
"So, nice meeting you, Lucas. Saka bakit ka nga pala nandito? Akala ko, hindi mo na kilala si Rang?" may sakasmong tanong ng ate Lirah niya kay Lucas.
"Ate," saway niya.
"Lirah, 'wag mo ngang sungitan bisita natin. Siya naghatid dito kay Rang, nang madapa siya," sita ng Tatay niya kay Lirah.
"Mabuti naman." Tumuon ang paningin sa kanya ni Lirah, "mag-iingat ka sa susunod. Paano kung napuruhan ka?
"Okay lang naman ako ate, eh."
"Okay ka diyan!" Inirapan siya nito. "Si Lily pala?
"Pinabili namin ng alcohol at bulak, nang malinis sugat ng kapatid mo. Oh, ayan na pala," tugon ng Nanay niya.
"Mama, nandito ka na pala." Mabilis yumakap ang bata sa ina niya.
"Kararating ko lang din anak, eh. Kiss mo nga si Mama, para mawala pagod." Nakangiti namang hinalikan ni Lily ang ate Lirah niya, na ikinangiti ni Herrah.
"Ito na po pala 'yong bulak at alcohol ako na gagamot sayo Mama Rang."
"No, Lily ako na lang pwede?" sabat ni Lucas. Napatingin siya kay Lucas na nagpresinta na gamutin siya.
"Sige po Tito gwapo. Pagalingin mo sugat ni Mama Rang, ha."
"Oo, Lily." Ginulo nito ang buhok no Lily at ngumiti sa bata.
Biglang kumabog ang dibdib niya nang lapitan nito at lagyan ng alcohol ang bulak na hawak nito.
"Dr. Lucas, will heal you," nakangiting sabi nito sa kanya.
"Doon na muna ako sa kwarto magbibihis lang ako," paalam ng ate Lirah niya at siyang alis din ng Nanay, Tatay at sinama pa si Lily.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.