"AKO isasama mo sa Maynila?" hindi nakapaniwalang tanong ni Herrah kay Lucas.
Napangiti si Lucas sa kanya. "Oo, sana kung papayag ka?
"Pero paano 'yong trabaho ko rito-
"Naipagpaalam na kita kila Dad at Mom, pumayag sila na isama kita. Ang sinabi ko, kung pwede hiramin muna kita ng one week as my assistant, sa mga iluluwas kong fruits for my wine. Naniwala naman sila sa dahilan ko at pumayag sila."
"Pero paano ang parents ko at sila kuya at ate? Kasi parang biglaan naman."
"Ako ng bahala sa kanila. Magpaalam ka lang ngayon sa mga katrabaho mo at sa pwedeng pumalit sa pwesto mo. Uuwi ka na kaagad para magpapaalam na tayo sa parents mo."
"Ibig sabihin wala na akong chance tumanggi?" Namilog ang mga mata niya sa kaalamang desidido talaga si Lucas, na isama siya nito sa Maynila.
"Wala na. Mami-m……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.