"'TOL! Mukhang bad trip pagmumukha mo, ha?" pansin kay Lucas ni King, nang puntahan siya sa opisina, "balita ko sucessful naman daw ang bagong flavor ng wine na inilabas niyo at milyones ang kita mo. Hindi lang dito sa bansa natin, kundi pati sa abroad. Pero mukhang lugi ka sa pagkabusangot mong iyan."
"Walang problema sa kompanya ko."
"Oh eh, anong pinagkakaganyan mo? Malabo namang lovelife eh, ayos naman kayo ni Herrah-
"Iyon nga ang pinagkakaganito ko?" putol niya sa pagsasalita ni King.
"Ano?" nagulat na bulalas ni King. "Kaya ka nagkakaganyan dahil kay Herrah? Pero bakit?"
"May nalaman kasi ako at hindi ko lang matanggap. Akala ko, wala na sa akin iyong nakaraan na 'yon. Pero dahil sa nalaman ko, bumalik na naman at pati ang galit ko, ay bumabalik?
" 'Tol don't let your past ruin your happi……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.