DALAWANG-araw pa bago bumalik si Lucas, sa probinsiya nila at sundan si Herrah. May inasikaso pa kasi siya sa kompanya niya bago umalis. Sinigurado niyang nasa maayos ang lahat at matatagalan pa siya ulit bago makabalik ng Maynila, dahil sisiguraduhin niyang maayos na ang lahat sa kanila ni Herrah.
Pagdating niya doon, nagulat pa siya sa naabutan niya sa tahanan nila. Ang mga magulang niya, ang kuya niya, si Lirah at Herrah.
"Herrah?" gulat na bulalas niya. Napalingon ang lahat sa kanya.
"Ikaw walang-hiya ka!" sigaw ni Lirah at sinugod siya nito ng sampal.
"A-ate!" sigaw ni Herrah at pinigilan ang kapatid nito.
"Hayop ka! Pinagkatiwalaan ka namin, tapos ano? Walang-hiya ka!" naiiyak na sigaw ni Lirah, pigil-pigil naman ito ni Herrah.
"Ate, please tama na."
"Sorry Lirah. Alam ko, na mali ang ginaw……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.