Chapter 10

Broken Promises (Agreement Series 3) 2109 words 2021-03-14 05:51:17

NAMILOG ang mata ni Herrah nang si Lucas ang napagbuksan nito ng pinto.

"Hey! Sino si love?" interesadong tanong niya dito.

"Ah, eh." Napalunok ito na hindi naman niya maintindihan.

"Good morning love," narinig niyang bati sa bandang likuran.

"A-andrew," bulalas ni Herrah. Namutla ito, napapantistukahan naman siyang napalingon sa nagsalita sa likod niya.

"L-luiene!" bulalas nito na gulat na gulat.

"I know him. I know this guy so much! He is one of my rivals, not only in our high school days but with Herrah. When we were young."

"Andrew? Long time no see. And what are you doing here?" nakangiting tanong niya.

Nawala ang gulat sa mukha ni Andrew at tumiim ang tingin sa kanya. Lumakad ito palapit pero nilagpasan lang siya nito. Kay Herrah siya dumiretso at mabilis na hinalikan sa labi si Herrah, na ikinagulat ng huli pero sandali lang iyon.

"I'm here because of my girlfriend," tugon ni Andrew sa kanya na ikinagulat niya at hindi niya alam kung bakit parang nakadama siya ng inis sa lalaking kaharap niya pero hindi niya pinahalata sa dalawa.

"Girlfriend? Salitan ang tingin niya sa dalawa.

"Ah love, Lucas pasok kayo," aya ni Herrah sa kanila.

So love? That's the endearment! Oh gross!

Una nang pumasok ang dalawa sa bahay saka siya sumunod.

"Tay, Nay, nandito na po si Andrew," tawag ni Herrah sa mga magulang.

"Oh! Hindi lang pala si Andrew ang bisita natin," nagulat na sabi ng Tatay ni Herrah,"iho kailan ka pa bumalik dito? Sa kanya ito nakatingin kaya nginitian niya ito.

"Kahapon pa po, Tito. Binisita ko lang po kayo at may mga pasalubong po ako galing Manila," tugon niya naman sa Tatay ni Herrah.

"Ay! Salamat naman at naalala mo kami," nakangiting sabi ng Tatay ni Herrah.

"Maupo ka na muna rito Lucas," utos sa kanya ni Herrah, tumango naman siya at umupo na rin.

"Oh, nandito na pala si Andrew," bulalas ni Lirah nang makalabas ito sa kwarto. Napatingin ito sa kanya at nanlaki ang mata. "Teka si Lucas ito, ha? Anong ginagawa mo rito 'di ba nasa Maynila ka?" gulat na tanong nito.

"Ate," saway ni Herrah sa kapatid.

"Lirah, ayusin mo nga pananalita mo sa bisita natin. Nakakahiya!" sita rin ng Tatay kay Lirah.

Napalabi ito. "Sorry Lucas," nakangisi pa ito sa kanya. Hindi niya maintindihan ang pagkakangisi ni Lirah sa kanya pero hindi na lang niya iyon pinansin.

"Okay lang 'yon. Kararating ko lang kahapon dito."

"Oh, talaga?" balewalang tugon nito. Sa totoo lang nararamdaman niyang hindi siya gusto ni Lirah at obvious na obvious ito, umpisa pa lang. Tumuon ang paningin nito kay Andrew at magiliw na ngumiti rito si Lirah, na hindi nito ginagawa sa kanya. "Nasabi mo na ba kila Nanay at Tatay, Herrah?" tanong pa ni Lirah sa kapatid.

"Ate, sasabihin ko rin. Huwag ka ngang excited!" sita ni Herrah kay Lirah.

"Sabihin mo na!" utos ni Lirah kay Herrah.

"Ano ba kasi 'yon, iha? Bakit hindi mo na sabihin?" interesadong tanong ng Nanay ni Herrah.

Napatingin si Herrah sa kanya, na may gumuhit na hiya sa mukha. Inakbayan ni Andrew si Herrah at nakangiting nakatingin sa mga magulang ni Herrah.

"Nay, Tay," umpisa ni Andrew.

"Nay? Tay? Feeling! Anak ba siya rito?

"Sinagot na po ako ni Herrah. Officially, may relasyon na po kami."

"Kailan pa! Oh f**k!

Pero bakit apektado ako? Bakit-

"Basta ba hindi mo sasaktan ang anak ko at aalagaan mo. Wala naman magiging problema sa amin," seryosong tugon ng Tatay ni Herrah.

"Oo nga, iho. Sana maging tapat ka sa bunso namin," dagdag ng Nanay ni Herrah.

"Opo Nay, Tay, mahal na mahal ko po si Herrah eh," malambing na sabi ni Andrew at masuyong tumingin sa dalaga. Nakita niya ang masayang ngiti ni Herrah. "I love you," narinig pa niyang bulong ni Andrew kay Herrah, na lalong ikinalapad ng ngiti ng dalaga.

"Mag-agahan na kayo rito," aya ng Tatay ni Herrah sa kanila.

"Tay, Nay, hindi na muna kami mag-aagahan dito ni Andrew may lakad po kasi kami," paalam ni Herrah sa mga magulang.

"Ipagpapaalam ko rin po pala si Herrah, lalabas lang po muna kami," sabat na paalam ni Andrew sa magulang ni Herrah.

"Sige Andrew, ingatan mo lang ang bunso namin. 'Wag masyadong pagagabihin umuwi."

"Opo."

"Lucas, pasensiya na. Hindi na muna kita maaasikaso," hinging paumanhin sa kanya ni Herrah.

"Oo nga, eh. Pumunta pa naman ako rito para sayo tapos iiwan mo lang din pala ako para sa ungas na 'yan!

Gusto niyang sabihin iyon kay Herrah pero nagpigil lang siya."Okay lang 'yon, pag may time ka usap tayo."

"Sige pare. Una na kami," paalam na rin sa kanya ni Andrew.

"Ingatan mo ang Herray ko. Kung ayaw mong mabugbog," babala niya kay Andrew, tumiim ang tingin nito sa kanya.

"She's my Herrah," pilit na ngiti na tugon ni Andrew sa kanya. Napatitig siya kay Andrew, nakadama na naman siya ng inis pero nagtimpi pa rin siya.

"She's my Herrah, your face!

Tuluyang nang umalis sila Herrah at Andrew. Pinagmasdan naman niya ang paglabas ng mga ito sa bahay at pagsakay sa kotse ni Andrew. Napakuyom siya ng kamao hindi niya maintindihan pero naiinis siya sa Andrew na iyon.

"Iho, kain tayo ng agahan," aya ng Nanay ni Herrah. Napalingon siya dito.

"Oo nga iho. Kain na muna tayo," aya rin naman ng Tatay ni Herrah.

"Sige po," payag niya.

NAGULAT si Herrah nang sa isang malaking bahay siya dinala ni Andrew. Napatingin siya kay Andrew, na may katanungan ang mga mata.

"Dinala kita rito para ipakilala kay Dad." Mukhang nabasa naman ni Andrew ang nasa isip niya kaya sinabi na nito iyon sa kanya.

"Dad? Akala ko ba wala ka ng Tatay?" nagulat na tanong niya sa kasintahan.

"Akala ko rin pero nang namatay si Mama, bigla na lang siyang dumating at nagpakilala sa akin." 
Nagulat siya sa pinagtapat na iyon ni Andrew. Last year lang namatay ang Nanay nito ibig sabihin last year pa na nakilala ni Andrew ang Tatay nito.

"Masaya ako para sayo," nakangiting sabi niya kay Andrew. Niyakap siya nito na nagpabilis ng pagtibok ng puso niya.

"Sure Dad will like you," bulong nito sa kanya.

Humiwalay siya sa pagkakayakap dito. Nakadama na siya ng kaba. "S-sana nga."

"I'm sure, love." Inakbayan siya nito, "let's get inside," aya nito sa kanya.

"S-sige."

Nakaakbay si Andrew nang makapasok sila sa malaking bahay. Pagpasok nila doon isang magarang loob ng bahay ang sumalubong sa kanya na nagpahanga talaga sa kanya. Halos lahat ng mga kagamitan ay makikita mo na mamahalin at hindi lang basta ang nakatira sa malaking bahay na iyon.

"Kasing-gara ito ng bahay nila kuya Nikos. Ganito rin pala kayaman ang Dad ni Andrew."

Umakyat sila sa mahabang hagdan at isang kwarto ang pinasukan nila.

"No Dad! He's not my brother and I will never accept him!" iyon ang sigaw na sumalubong sa pagpasok nila sa kwartong iyon.

"Shut up, you brat!"

Napatigil sila dahil sa sigawan na iyon sa kwartong na iyon. Mukhang opisina iyon.

"You shut up, old man! Ang lakas ng loob mo na ipagngalandakan pa sa buong mundo na may anak ka sa labas! You ruin our family! You cheated my mother! And-

"Dad," kuha ni Andrew sa atensiyon ng dalawang nag-aaway. Napalingon ang dalawa sa kinaroroonan nila. Napagmasdan niya tuloy ang itsura ng lalaking nakikipag-away sa Tatay ni Andrew. Puno ng galit ang brown nitong mga mata pero hindi nabawasan ang ganda nitong lalaki.

He's wearing a leather jacket and black pants at nagpadagdag sa gandang lalake nito ang burgundy color nitong buhok. Mukha itong bad boy.

"Enjoying the view, lady? Napaigtad si Herrah sa pagsasalitang iyon ng lalake na kaaway ng Tatay ni Andrew. Ngumisi pa ito na lalong nagpadagdag sa pagiging bad boy look nito.

"I'm outta here! Good bye Dad!" galit na naman sabi nito nang humarap sa ama ni Andrew.

"Where are you going?" galit pa ring tanong ng Tatay ni Andrew.

"I'm going to the place that I will never see you! Tuluyan na itong lumakad paalis.

Hindi na nagawa pang magsalita ng ama ni Andrew, napatingin ito sa kanila kaya nakadama siya ng kaba dahil mukhang hindi pa rin maganda ang mood nito.

"I'm sorry for that, son," mababa ang boses na paumanhin ng Tatay ni Andrew.

"It's okay Dad," tugon ni Andrew. Napatingin siya sa kasintahan kita ang sakit sa mukha nito kaya hinawakan niya ito sa braso bilang pagdamay. Napatingin naman ito sa kanya at ngumiti saka muling inakbayan siya.

Hinila siya ni Andrew palapit sa ama nito. "Dad, she's Herrah. My girlfriend," pakilala ni Andrew sa kanya.

Nakita niya sa hilatsa ng mukha ng Tatay ni Andrew ang disgusto sa narinig, kaya lalo siyang kinabahan.

"Nice to meet you," seryoso nitong sabi sa kanya at umupo sa upuan.

"Nice meeting you rin po, Sir," tugon niya.

"I want to rest son. Can you please, leave me alone here," pakiusap ng Tatay ni Andrew.

Nakadama ng lalong pagkailang si Herrah. "Dad, I'm with my girlfriend-

"Please son, not now!" may iritasyon na sabi nito.

Hinawakan niya si Andrew para pigilan ang pamimilit nito. Puno ng lungkot na tumuon ang paningin ni Andrew sa kanya.

"Okay Dad. Aalis na kami."

"Thank you," tugon ng ama ni Andrew, na hindi tumitingin sa kanila.

"Sorry," puno ng emosyong hingi ng paumanhin na sabi ni Andrew sa kanya. Nang nasa kotse na sila pero hindi pa rin nito pinapaandar ang sasakyan.

"Okay lang 'yon, Andrew."

"Kahit pa tinanggap na ako ni Dad, feeling ko kulang pa rin ako," malungkot na sabi ni Andrew. Hinawakan niya ang kamay ni Andrew nang mahigpit, "hindi ako tanggap ng pamilya ni Dad, dahil anak daw ako sa labas at ayaw nilang ipangalan ako ng Tatay ko sa akin." Mapait na napangiti ito. "Anak lang ako sa pagkakamali." Tumulo na ang luha ni Andrew.

Nakadama nang matinding awa si Herrah sa nobyo kaya niyakap niya ito nang mahigpit bilang pagdamay.

"Nandito ako, Andrew. Ako tanggap kita kung ano ka at mahal kita." Humigpit ang yakap nito sa kanya na ginantihan din naman niya.

Hapon nang inihatid siya ni Andrew sa bahay nila, matapos ang unang tagpo na naabutan nila sa bahay ng Tatay ni Andrew ay namasyal na sila at naging masaya naman ito. Kahit paano ang sakit na nadarama at lungkot ay napawi ng masaya nilang pamamasyal.

"You always make me happy, love," nakangiting sabi ni Andrew sa kanya. Niyakap siya nito at hinalikan ng mabilis sa labi.

Napangiti naman siya sa kilig. "Napapasaya mo rin naman ako, Andrew."

"Sorry ulit sa naabutan mo sa bahay ni Dad kanina. Hayaan mo ipapakilala ulit kita kay Dad pag maayos na ang lahat. Alam ko magugustuhan ka niya."

Ngumiti lang siya. Pero base sa napagdaanan niya kanina at sa pakikitungo sa kanya ng Tatay nito, mukhang taliwas ito sa sinasabi ni Andrew. Pero umaasa rin siya na sana nga magustuhan siya ng Tatay nito at hindi ito maging hadlang sa relasyon nila.

"Aalis na ako. Ipagpaalam mo na lang ako kila Nanay," paalam ni Andrew sa kanya.

"Oo Andrew. Mag iingat ka."

"Sunduin kita bukas, ha."

"Aantayin kita."

"I love you," nakangiting sabi ni Andrew sa kanya.

Napangiti siya. "I love you too." Niyakap siya ni Andrew ulit.

"Mami-miss na naman kita eh," paglalambing na nito sa kanya.

"Sus! Buong maghapon na nga tayo magkasama. At saka bukas 'di ba susunduin mo ako."

"Oo, pero nami-miss pa rin kita."

"Magtawagan na lang tayo nang hindi mo ako ma-miss."

"Sige."

"Sige na, umuwi ka na nang makapagpahinga ka. Basta pag uwi mo, tawagan mo kaagad ako."

"Oo love, tatawagan kita pag nakauwi na ako," tugon nito sa kanya. Pumasok na ito sa kotse niya at ini-start ito.

"Ingat ka," bilin niya sa binata.

"I love you."

"Hay napaka sweet talaga ni Andrew."

Napangiti siya hanggang sa umandar na ang kotse. Wala na ito pero nakangiti pa rin siya.

"Love is in the air." Napalingon si Herrah sa baritonong boses na iyon. Paglingon niya ang naka-topless na lalake ang nakita niya. Nanlaki tuloy ang mga mata niya.

"L-lucas?" gulat na bulalas niya.

Luminga-linga ito sa paligid. "Are you talking to me?" inosenteng tanong din nito.

"Oo, sino sa tingin mo? May iba pa bang Lucas dito?"

"Malay ko ba. Akala ko kasi wala ka pa sa sarili mo, eh."

"Anong wala sa sarili ka diyan?

"Oo, nakangiti ka diyan mag-isa. Mukha kang wala sa sarili."

Mukha nga bang wala siya sa sarili? Nakakahiya naman.

"Ano speechless? Sus! Nawala lang ako ng dalawang buwan naghanap ka kaagad ng kapalit ko!" may bahid ng panunumbat na sabi ni Lucas,"at doon pa sa lalaking noon pa man kaagaw ko na sayo!

"Ano daw? 



Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.