NAKATITIG si Ezrah sa mga pamangking naglalaro at hindi niya napigilang mapangiti dahil ang cute talaga ng kambal niyang pamangkin.
"Ako kaya? Magkakaroon din kaya ako nang ganito ka-cute na mga anak?” biglang tanong ni Ezrah sa sarili.
Nakadama siya nang kalungkutan.
Nakakainggit ang Ate Ezella niya dahil ang tapang nitong suwayin ang Kuya Macky nila at naging masaya pa ito sa pinili nito.
Napapitlag siya sa pagtunog ng cellphone kaya kaagad niya itong sinagot. "Ez, musta ang party ng mga pamangkin natin diyan?" salubong na tanong sa kaniya sa kabilang linya.
Si Amihan ang tumawag, ang pinsan ni Ezrah na parang kapatid na rin kung ituring niya dahil kasabay na niya itong lumaki. Kinupkop na kasi si Amihan ng Mamang at Papang niya noong wala na itong magulang. Si Amihan ay may lakas din ng loob kagaya ng Ate niya dahil umalis din ito sa poder ng nakakatandang kapatid nila at kung saan-saan na ito nakakarating dahil sa trabahong journalist.
Ulila na rin kasing lubos si Amihan at itinuring na ito na kapatid ng Kuya Macky nila ganoon na rin sila ng Ate Ezella niya pero nang maka-graduate ito sa kursong kinuha ay pinayagan naman ito ng Kuya niya na magtrabaho at makapunta kung saan-saan nito gustuhin. Hindi katulad nila ng Ate Ezella niya na pinaghihigpitan ng Kuya niya ganoon din siya. Kung hindi lang lumayas ang Ate Ezella niya ay sa poder ng Kuya niya ay baka pareho pa silang nasa poder hanggang ngayon sa nakakatandang kapatid.
"Ayos naman. Hindi ka ba pupunta rito, Amihan?" usisa ni Ezrah sa pinsan.
"May trabaho kasi ako at nasa France ako ngayon. Pero 'yong regalo ko ay nakahanda na para sa mga bata,” tugon naman ni Amihan sa kaniya.
Nakadama na naman ng matinding kalungkutan si Ezrah dahil hindi pala makakapunta si Amihan samantalang matagal na silang hindi nagkikita nito.
"Ami, miss na kita," may bahid nang lungkot na sabi niya at hindi na nagawa pang mailbas ang hinaing na iyon sa pinsan.
Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Amihan.
"Gusto mo bang minsan sumama sa trabaho ko?” tanong nito sa kaniya.
"Gustuhin ko man ay papayagan ba ako ni Kuya?” balik niyang tanong kay Amihan.
"Ez, you're not young anymore. You need to explore at 'yan ang dapat sabihin mo kay Kuya Macky!" diin sa kaniya ni Amihan.
Tama naman si Amihan pero hindi naman niya magawang ipaglaban iyon sa nakakatandang kapatid nila dahil alam niyang magagalit lang ito at hindi magandang magalit ang Kuya Macky niya, nakakatakot ito at laging gustong masunod kong ano man ang gustuhin nito.
"You know him, Ami. You know how dominant Kuya is, and all he wants is to follow what he said,” tugon niya sa pinsan.
"Pero hindi ka na masaya sa pagsunod mo sa kanya, Ez. I feel how lonely you are,” diin nito sa kaniya.
"Nagtatrabaho naman ako. Masaya rin ako sa trabaho ko,” tugon niya.
"Saan? Sa company ni kuya. Sure ka ba na masaya ka diyan?” tanong sa kaniya ni Amihan. “Ez, gawin mo kung ano makakasaya sa’yo kagaya ko, kagaya namin ni Ate Zellay!" susol pa ni Amihan sa kaniya.
"Susubukan ko,” tugon na lang ni Amihan kahit pa sa totoo ay hindi naman niya talaga gagawin ang sinasabi nito.
Hindi ganoon kalakas ang loob niya o kahit ‘konting tapang para makalaban sa nakakatandang kapatid at gawin ang mga gusto niya kahit hindi siya papayagan ng nakakatandang kapatid.
"Sige na. Tatawag ulit na lang ako mamaya. May pasalubong ka rin sa akin, promise," paalam na nito sa kanya.
"Thank you Ami."
"I love you Ez, miss na miss na rin kita,” sinserong sabi sa kaniya ni Amihan.
Hindi ni Ezrah napigilan ang mga luha saka pinutol na ni Amihan ang tawag.
"Ano nga ba nagpapasaya sa akin? Kahit ako hindi ko ba alam," sabi niya sa sarili at hindi na naman niya napigilan ang lungkot na nadarama niya mula sa kaniyang puso.
Naalala ni Ezrah ang nakikitang saya sa nakakatandang kapatid at ni kahit katiting ng kalungkutan ay wala sa mukha ng Ate niya.
“Ako kaya? May darating kayang Kuya Zion na ipaglalaban ako at tanggalin ang kadenang nakatali sa akin sa poder ni Kuya?” tanong ni Ezrah sa sarili.
Napabuntonghininga si Ezrah at mapait na napangiti.
“Mukhang malabo naman na may darating sa katulad ko,” aniya muli sa sarili.
NAPATULOG na ni Ezrah ang mga bata kaya tumayo siya para bumaba at tulungan ang Ate Ezella niya sa pagluluto nito sa kusina.
"Ate, tulog na mga bata. tulungan na kita diyan," ‘agad niyang alok sa Ate Ezella niya.
"’Wag na, Ez. Magpahinga ka na lang diyan," tanggi kaagad nito.
"Ate, okay lang tutu—“
"Mamasyal ka kaya muna, Ez, habang nandito ka at malaya ka kay Kuya. Kunin mo na ang pagkakataon para makapagliwaliw ka, bibigyan kita ng pera—“
"Ate. Ayos na ako rito."
Bumuntong hininga si Ate Ezella. "Sorry, Ez, ha. Iniwanan kita." Gusto na naman niyang maiyak pero nagpigil lang siya. "Sana hindi masama ang loob mo kay Ate,” puno nang pag-aalalang sabi ng kapatid sa kaniya.
Tumahimik lang siya.
Sa totoo lang may tampo siya sa Ate niya noon dahil iniwan siya nito sa Kuya niya at sa kaniya naiwan ang lahat ng responsibilidad ng pag-aalaga sa Mamang nila. Pero naiintindihan niya naman ito at kahit sinong tao ay ayaw makulong sa poder ng kapatid na dinodominahan ang lahat ng gagawin nila. Hindi nga niya alam kung paano niya natiis ang lahat ng iyon.
Ang sundin lahat ng gusto ng Kuya Macky niya.
Naramdamam ni Ezrah na niyakap siya ng Ate niya. "Mahal na mahal kita, Ez, at sana makawala ka na rin kay Kuya," puno ng emosyon na hiling ni Ate Ezella para sa kaniya.
"Masaya ako, Ate. Kaya 'wag ka nang mag-alala pa sa akin."
Humiwalay sa kanya ang Ate Ezella niya at tinitigan siya sa mukha. Nginitian niya ito para mawala ang pag-aalala sa kaniya.
“Sigurado ka ba, Ez, na masaya ka sa poder ni Kuya?” naniniguradong tanong sa kaniya ni Ate.
“Oo naman, Ate! Nasanay naman na kasi ako, eh,” tugon niya.
Muli ay pinagmasdan siya ni Ate Ezella kaya hindi niya inalis ang ngiti sa labi.
Hindi na muling nagsalita si Ate Ezella at nawala naman ang pag-aalala sa mukha nito. Mayamaya nagtaka siya dahil biglang parang may naalala ang kapatid na napatingin sa kaniya.
"Oo nga pala! May binili ako para sa’yo!” sabi ni Ate Ezella sa kaniya. “Akyat ka sa taas at kunin mo sa kwarto ko iyon nasa kama naming. Gamitin mo na lang mamaya kapag nagustuhan mo o hindi kaya kapag may mga party kang pupuntahan,” sabi ni Ate sa kaniya.
"Talaga, Ate?” tugon niya na pinasigla pa ang boses.
"Oo. Pumunta ka na lang sa kwarto at kunin mo sa kama naming,” utos nito sa kaniya.
"Opo."
Iniwan na kaagad ni Ezrah ang Ate Ezella niya saka tumungo sa kwarto nito. Napansin niya kaagad ang kahon sa kama ng Ate at Kuya Zion niya kaya nilapitan na niya ito kaagad. Ang plano niya sanang pagbukas ng box ay napurnada nang bumukas ang pinto ng banyo at isang hubad na lalake ang lumabas doon.
"Austine!” bulalas ng isip niya.
"Ay!" tili niya.
Wala itong suot na damit at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito.
Ang ganda ng katawan ni Austine, mukhang alagang-alaga dahil sa walang makikitang taba sa tiyan nito at may abs pa ito.
"Ayan na ba ang tinatawag na six packs abs?” tanong niya sa sarili.
Napabiling siya bigla sa naiisip dahil kung saan-saan napunta ang isip niya dahil sa nakikitang magandang katawan ngayon.
Bagong paligo si Austine dahil basang-basa pa ang katawan at buhok nito sa ulo. Napatingin ito sa kaniya marahil dahil narinig ang pagtili niya.
"K-kuya Austine," nauutal na sabi niya.
Nawala ang gulat sa mukha ni Austine at at nangunot ang noo nito na pinagtaka naman niya bigla.
"Will you please stop calling me Kuya. You're not my younger sister!" inis na sabi ni Austine na ikinagulat niya.
"S-sorry."
Mabilis niyang kinuha ang box na nasa kama at nagmamadaling umalis doon para tumungo sa kwarto ng mga pamangkin niya. Nakadama siya nang matinding kahihiyan dahil sa paninita sa kaniya ni Austine at damang-dama niya ang pag-iinit ng mukha niya.
"Nakakahiya! Bakit ba kasi kinu-Kuya pa ko pa siya, eh, mukha naman magka-edad lang kami. Pero sabi ni Kuya Zion ay i-Kuya ko raw sila dahil matatanda sila sa akin at pag 'di ko sila kinuya para raw hindi ko na siya ginalang?” tanong niya sa sarili.
"Pero 'yong Austine ay ayaw patawag na Kuya!" sigaw ng isip niya bigla. "Ang sungit pala niya. Akala ko siya ang pinakamabait sa kanila sa lahat dahil lagi itong nakangiti at laging nagbibiro sa kanila. Ang gwapo pa naman niya."
Nanlaki ang mga mata ni Ezrah sa sinabi ng isip niya.
"Gwapo?" biglang sabat na tanong ng isip niya. "Bakit ko ba nasabi 'yon? Ano ba nakakahiya pinagpapantasyahan ko ba siya?" Nanlaki ang mata niya sa isiping iyon. "Tigilan mo 'yan! Nakakahiya kay Kuya Zion kapag nalaman niyang pinapantasya mo kaibigan niya! Pero kasi, ang gwapo naman niya talaga, 'di ba?" tanong na naman niya sa sarili. "Oo, pero 'wag mo na lang tignan nang hindi ka matukso. Oo tama, tama iiwasan ko na lang."
Napakagat siya ng labi nang mapagtatantong kinakausap na niya ang sarili at napailing-iling na siya. Hindi niya akalain mapapaisip siya nang ganoon ng dahil lang kay Austine, siguro talagang nagagwapuhan lang siya sa binata.
Talaga namang magandang lalake si Austine, maamo ang mukha nito, mapungay at maganda ang kulay brown na mga mata, mapula ang labi at matangos din ang ilong nito. Kung ihahambing ito sa mga nagagwapuhang artista, ay hindi naman ito patatalo sa mga iyon saka ang ganda pa ng katawan ganoon na rin ang height nito na bumabagay sa laki ng katawan.
Kahanga-hanga naman talaga si Austine kaya kahit sinong babae ay mapapalingon sa kagandahang lalake ni Austine. Kaya natural lang na kahit siya ay magagwapuhan sa binata. Hindi niya kailangan mag-alala sa nararamdaman niya dahil normal lang siyang babae na humahanga sa mga magandang lalake at paghanga lang iyon dahil sa magandang katangiang panlabas nito at hanggang doon lang iyon.
Nakahinga naman ng maluwang si Ezrah sa ganoong isipin dahil ibig sabihin ay walang pagnanasa siyang nararamdaman kay Austine kundi paghanga lang bilang isang normal na babae na makakita ng gwapong lalake.
SUMAPIT na ang hapon at nag-umpisa na ang handaan kaya ang daming mga naging bisita at abala ang Kuya Zion at Ate Ezella niya sa mga bisita. Hawak din ng mga ito ang dalawang bata kaya siya ay nakaupo lang sa sala at nakamasid sa mga tao.
Sa totoo lang, hindi siya sanay na makihalubilo sa maraming tao dahil kung hindi sa opisina ay nasa bahay lang siya kaya kapag ganitong may mga handaan palaging hindi siya pumupunta o hindi kaya ay nasa isang tabi lang at nananahimik lang siya. Pero ngayon ay naaaliw siya sa mga bisita at lalo pa't may mga bata pa na kasama.
Inilinga niya ang paningin at nahagip ng mga mata niya kay Austine na may katabing sexy na babae sa upuan at nakaakbay pa ang binata sa babae at magkalapit ang mukha nila na nag-uusap.
"Ang sakit nila sa mata. Hindi ba nila naisip na ang daming bata rito? Mga wala silang pili!” sita niya kay Austine sa isip.
"Hi, Ez."
Napatingin si Ezrah sa bumati sa kaniya at kaagad nanlaki ang mga mata niya at lumabas ng ngiti sa labi nang makilala ito.
"Ate Cristy!" bulalas niya at napangiti rito.
Si Cristy ay ang kaibigan ng Ate Ezella niya noong nasa probinsiya pa sila at naging kaklase rin ito ng Ate niya noong College. Minsan na niya itong nakilala at nakasama kaya ganoon din siya kalapit kay Ate Cristy.
Umupo si Ate Cristy sa tabi niya."How are you?" tanong nito sa kaniya.
"I'm fine. What about you, ‘Te?” tugon at tanong din niya rito.
"Ito, I'm getting married." Ipinakita niya ang wedding ring.
"I'm happy for you!" masayang bulalas niya.
"Buti nandito ka. Mamaya after party, sumama ka sa amin. Mag-bar tayo," aya nito sa kaniya.
"Bar? P-pero ayaw ni Kuya—“
"Wala rito ang Kuya mo kaya okay lang 'yan. I'm with my friends and I'm sure, magugustuhan mo sila."
"But—“
"Sumama ka na. Minsan ka lang mawala sa poder ng Kuya mo tapos hindi mo pa sulitin,” sulsol pa rin nito sa kaniya.
Napaisip tuloy si Ezrah.
Matagal na niyang gustong makapasok ng bar at ito na pagkakataon niya. Hindi pa niya kasi naranasang pumasok at magpalasing doon dahil isa iyon sa ipinagbabawal ng Kuya niya at baka raw mapahamak siya.
Sinabi iyon ng nakakatandang kapatid nang minsan ay magkaroon ng party na sa kompanya at sa bar gaganapin ang party pero hindi siya nakasama kahit nandoon naman ang nakakatandang kapatid dahil ayaw nito.
"Sige," nakangiting pagpayag na niya.
Alam din naman niyang hindi siya titigilan ni Cristy hangga't hindi siya pumapayag kaya mabuti na rin na pumayag at sumama na siya lalo pa at wala sa tabi ang Kuya niya.
Pagsapit ng gabi at natapos na rin ang handaansaka wala ng mga bisita maliban lang sa mga kaibigan ng Kuya Zion at Ate Ezella niya na pauwi na rin kaya nasa labas sila ng bahay para magpaalam sa mga ito. Isa pa, aalis na rin sila nina Ate Cristy para magpunta ng bar.
"Kayo na bahala sa kapatid ko, ha, 'wag niyong hahayaang uminom nang marami 'yan at hindi sanay uminom 'yan," bilin ng Ate Ezella niya kila Cristy.
Pumayag kasi ang Ate Ezella niya na sumama siya mag-bar at ngayon todo ang pagbibilin nito sa mga kaibigan.
"Ano ka ba, Ezie, kaming bahala sa kapatid mo. Hindi siya mapapahamak sa amin," paninigurado ni Cristy.
"Kung hindi ko lang kasama 'tong si Janus ko, eh, sasama ako sa inyo kaso kasama ko. Tsaka tumawag na 'yong kumag na ama nito at pinapauwi na kami."
Napatingin si Ezrah sa nagsalita.
Isa ito sa mga kaibigan ng Ate niya. Jana ang pangalan nito at hawak-hawak nito ang anak.
"Oo, binilin ka sa akin ni Jared. Kaya baka gabihin pa tayo masiyado kaya umuwi na tayo Jana," yaya ni Gian.
Napanguso si Jana dahil sa sinabi ni Kuya Gian at halatang ayaw pa talaga nitong umuwi pero wala naman itong magawa dahil kasama nito ang anak.
Ang cute ni Jana dahil hindi ito mukhang mas matanda sa kaniya kung titignan.
"Kayo Slant, Austine? Hindi pa ba kayo sasabay sa akin?" tanong na rin ni Gian sa dalawa.
"Sige, sasabay na ako dala ko kotse ko," tugon ni Slant.
"Ikaw, Aus?" tanong ulit ni Gian kay Austine.
"Ha! Ah eh—“
"Hindi ba, Aus, sasama ka sa amin?" sabat ng babaeng kanina pa kausap ni Austine. Ang alam niya isa ito sa kasama ni Jana.
"Oo nga! Sasama ako sa kanila mag-bar," sabi ni Austine kila Gian.
"Ano? Kasama namin siya?” hindi makapaniwalang tanong ni Ezrah sa sarili.
Hindi kasi niya akalain na kasama pala si Austine sa pagpunta sa bar.
"Teka! Hoy ikaw, Heart, hindi kita isinama rito para makahanap ng lalandiin, ah! Mamaya pagalitan ako ni Rafael dahil napaano ka na diyan sa tropa nitong si Valde!" talak na sabat naman ni Jana.
Napanganga siya sa pagiging madaldal at ang tapang nito. Napakamot iyong Heart sa ulo at halatang nahiya.
"Sumabay ka na sa amin, Heart, saka na kayo maglandian kapag hindi mo kami kasama,” aya ni Ate Jana kay Heart.
"Ihahatid ko siya pauwi, promise!" sabat ni Austine.
"Mukha mo! Alam ko mga kaha niyo, 'no!" tugon naman ni Jana.
Gusto niyang mapangiti sa pagiging prangka ni Ate Jana kay Austine.
"Aus, hayaan mo nang sumabay kay Jana 'yang si Heart. Tama naman si Jana," singit ni Zion.
"What do you mean, she's right? So you think I will harm Heart?" hindi makapaniwalang tanong ni Austine kay Zion.
"No, not that. Kargo ni Jana si Heart dahil siya nagdala sa kaniya rito kaya ano man ang mangyari sa kaibigan mo, eh, siya masisi," paliwanag ni Zion.
"Tama! Buti pa itong si Valde na-gets 'agad!" ayon ni Jana kay Zion.
"Tara na!" aya ni Jana at hinila si Heart sa kamay.
Wala namang nagawa si Heart kundi magpahila kay Jana pasakay ng kotse.
"KJ!" inis na bulalas ni Austine. "Iyon ba talagang babaeng 'yon ang nagustuhan mo, Gian? Napakataklesa!” inis na tanong pa nit okay Kuya Gian.
"Asar ka lang kasi napurnada ang plano mo!" tatawa-tawang sabi ni Slant.
"Shut up!" sita ni Austine kay Slant.
"Umuwi na tayo. Baka gabihin pa tayo,"aya na ni Gian.
"Bukas na ako uuwi! Sasama pa rin ako sa pagba-bar nila. Zin, dito na ako magpapalipas ng gabi."
"Sasama ka?" nagulat na tanong niya kay Austine.
Napatingin ito sa kaniya at ngumiti. Nagulat pa siya nang akbayan nito.
"Oo naman, I will take care of you like my little sister. 'Di ba Zin, Ezie, okay 'yon? Ako na maghahatid sa little sister natin pauwi rito mamaya."
"Basta ba, hindi mo siya hahayaan," paninigurado ng Ate niya.
"Oo naman. So, guys let's go na?” tanong ni Austine sa mga kasama niya.
"Aus, si Ezrah, ha!" may halong banta ang bilin ni Zion.
"Oo nga! Hinila na siya ni Austine palabas ng bahay.
Pito sila na pupunta ng bar. Sina Cristy, Austine at mga kaibigan ni Jana at ng Ate Ezella niya, sina Jay, Belle, Luane, Mike at siya.
Paglabas nila ni Austine sa gate ng bahay ay binitawan na siya nito at lumapit kina Belle at Luane, sa mga ito na nakipag-usap si Austine at siya ay ni tingin hindi nito ginawa.
"Ayan bang klase ng lalake ang pagpapantasyahan mo? Mukhang magaganda at sexy lang ang pinapansin, maliban sa mga kaibigan niya! At ikaw walang-wala ka sa mga nagiging babae niya kaya dedma ka lang sa kaniya."
Napatingin siya sa bintana ng kotse dahil nakadama ng panliliit sa pagpapamukha ng isip niya sa kaniya at napatingin sa katawan. Tama naman ang isip niya dahil walang-wala siya sa mga babaeng pinapansin ni Austine.
"Ang panget mo kasi, eh!” sabi niya sa sarili.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.