"DO you really like me, kaya naisipan mong ipa-kidnap ako noon?" narinig ni Ezrah na tanong ni Amihan na dahilan kaya siya napahinto sa paglalakad at pagtungo sa nag-uusap na sina Amihan at Austine.
Nagulat at nanlaki ang mga mata ni Ezrah sa tanong na iyon ni Amihan at iyon na pala ang nagiging pag-uusap ng dalawa.
"Oo,” narinig niyang tugon ni Austine na lalong ikinagulat niya at imbes na puntahan ang dalawa ay nagmamadali siyang tumalikod at nagmamadaling iwanan ang mga ito.
“Hanggang ngayon gusto pa rin ni Austine si Amihan at inamin pa niya iyon sa pinsan ko,” sabi niya sa sarili hanggang sa nakarating siya sa sala at nakasalubong niya ang Mamang niya roon.
“Oh, iha, nasaan ang pinsan at asawa mo bakit—“
“Mamang pupunta lang po ako sa kwarto ko para po kunin ang ibang mahahalaga kon……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.