NAKATITIG si Ezrah, sa bahay nila at kinakabahan siya pero kailangan niyang gawin ito at kailangan niyang harapin ang kapatid niya. Pinindot niya ang door bell at mabilis naman bumukas ang gate saka sinalubong siya ng guwardiya.
"Ma'am, pasok po kayo," sabi ng isang guwardiyan sa kaniya.
"Nandiyan ba si Kuya?" tanong niya.
"Opo, Ma'am," tugon naman nito kaya mabilis siyang pumasok sa gate saka diretso sa loob ng bahay.
"Ez?" gulat na bulalas ni Amihan.
"Ami." Nilapitan niya kaagad si Amihan at masuyong niyakap.
"Anong ginagawa mo rito? ‘Di ba dapat na kay Austine ka?" hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya.
"I need to talk Kuya. Hindi niya kami p’wedeng ipakasal na ganun-ganun na lang!" matigas na sabi niya.
"Pero, Ez, mas mabuting na kay Austine ka na lang saka kapag tumutol ka na naman ay b……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.