TINITIGAN ni Ezrah ang invitation na hawak-hawak at napapangiti siya sa litrato nilang dalawa na nandoon din sa invitation. Ngayong araw kasi ay magbibigay sila ng invitation sa mga malalapit nilang kaibigan o kakilala at nandoon na rin ang date ng kasal nila at kung saang church gaganapin ang kasal nila.
Ang gwapo ng picture ni Austine sa invitation at bagay na bagay sa lalake ang suot na suit nito. Nakayakap pa ito sa likod niya habang siya naman ay nakasuot ng kulay peach na gown at parehas silang nakangiti.
"Malapit na tayo sa bahay ni Slant, Ez, ihanda mo na invitation niya," untag sa kaniya ni Austine.
"Ito na, oh,” tugon niya saka ipinakita ang hawak na invitation na para kay Slant.
Nang makarating at nakapasok sa bahay ni Slant ay napahanga siya sa ganda at pagkakaayos ng bahay nito. H……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.