SA pamamalagi nila sa Paris ay kung saan-saan ipinasyal si Ezrah ni Austine at pumunta rin sila sa Eiffel Tower na talagang ikinasiya ni Ezrah. Sa bawat pamamasyal nila ng asawa ay hindi maalis kahit sa labas ng bahay ang pagiging sweet ni Austine sa kaniya at walang oras na magkasama sila na hindi siya nito niyayakap, hinahalikan at palagi siya nitong pinapangiti.
Sa loob man ng bahay o sa labas ay ganoon ang pakikitungo ni Austine kay Ezrah na waring tunay silang bagong kasal na mag-asawa at nasa stage ng honeymoon kaya mas lumalalim tuloy ang nararamdaman ni Ezrah rito na hindi niya kayang pigilan.
Dahil wala na si Ezrah sa poder ng nakakatandang kapatid ay sinubukan na rin niyang magbago ng pananamit na sinuportahan naman ni Austine at kasama niya itong namili ng mga bago at magagandang……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.