DAHIL hindi nakatulog si Ezrah nang maayos ay tinanghali siya ng gising at nang magising siya ay wala na sa tabi niya si Austine at tirik na ang araw sa binta ng kwarto niya kaya mabilis siyang kumilos at nagtungo sa banyo para maligo. Pagbaba niya ay nasa dinning area na ang Ate Ezella, Kuya Zion at si Austine at nag-uumpisa ng mag-agahan.
"Oh, Ez, tinanghali ka 'ata ng gising?" tanong ng Ate Zellay sa kaniya.
"Oo nga, Ate, eh. Hindi kaagad ako nakatulog kagabi marahil naninibago pa rin ako sa kwarto. Ganoon din ako nang nagbakasyon ako sa’yo dati rito para sa birthday ng mga bata,” tugon naman niya saka umupo sa upuang bakante at katabi si Austine.
"Oh really? Pero nakatulog naman ako kaagad kagabi," sabat ni Austine sa usapan nilang magkapatid.
"Oo nga, eh, mabuti ka pa. Siguro dahil pagod ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.