"YOU’RE welcome," nakangiting tugon ni Gian kay Ezrah.
"Oo nga pala, Ez, sila nga pala ang mga kaibigan namin ng Kuya Zin mo. Si Slant, ang pinsan ni Kuya Zin mo."
"Hi po," bati ni Ezrah kay Slant.
"Nice meeting you." Inilahad ni Slant ang kamay at mukhang nagulat naman si Ezrah saka inabot din nito ang kamay at nakipagkamay kay Slant.
"Me too, K-Kuya Slant,” nauutal na tugon ni Ezrah.
Matipid na ngumiti si Slant. "You're cute," puri ni Slant na ikinapula ng mukha ni Ezrah.
"At siya si Austine--“
"Hi, Ez, nice meeting you," putol niya sa sasabihin pa sana ni Gian at binigyan niya si Ezrah nang nakakahalinang ngiti.
Namula lalo si Ezrah at napayuko.
"Stop it, Austine!" sita sa kanya ni Slant.
"What?" nagtataka at kunwaring tanong niya kay Slant.
"Nice meeting you, K-Kuya Austine," nauutal na tugon ni Ezrah.
"Kuya Austine? What the f**k!" sigaw ng isip niya.
"Sige na po. Babalikan ko na ang mga bata," paalam ni Ezrah sa kanila saka tuluyan silang iniwanan.
"You look disappointed?" pansin ni Slant sa kanya.
"I'm just shocked. Do I look so old? Tinawag niya kasi akong Kuya?” hindi makapaniwalang tanong niya kay Slant.
"Hindi lang naman ikaw ang kinuya niya? Ako rin at si Slant, kaya 'wag kang OA diyan!" sita naman ni Gian sa kanya.
"Come on, guys! Eh, mas matanda naman talaga kayo sa akin! Lalo ka na Gian!” diin niya.
"Eh, 'di tawagin mo rin si Gian ng Kuya nang matahimik ka. Isa pa, magka-edad lang tayo, Aus, anong mas matanda ako sa’yo?" tugon naman ni Slant.
"Magalang lang talaga si Ezrah saka mahiyain kasi iyon. Paano kinulong 'ata ni Rocky kung saan kaya napaka-inosente." Napalatak pa si Gian.
"Who's Rocky?" tanong niya naman kay Gian.
“One of Rafael’s friends and band-mates, and Ezella's older brother,” seryosong tugon ni Gian sa kanya.
"Iyong taong bumaril kay Zin?" naniniguradong tanong niya kay Gian.
"Oo."
"Naipakulong na ba nila Zin ang taong iyon?" tanong niya.
"Hindi na nila kinasuhan pa," tugon ni Slant.
"But why? Muntikan nang mamatay si Zin dahil doon?” hindi makapaniwalang tanong niya.
"Nakiusap kasi si Ezella sa amin at kay Zin na huwag nang kasuhan ang kapatid niya. Isa pa, ang sabi ni Ezella may PTSD si Rocky at na-trigger iyon nang panahon na mabaril si Zion kaya nawala sa sarili noon ang kapatid niya,” tugon naman ni Gian.
“Ganoon na lang iyon? Hahayaan na lang natin ang Rocky na iyon sa nagawa niya kay Zion?” inis na tanong niya kay Gian.
“Pagbigyan na lang natin ang desisyon ni Zin at Ezella. Hindi na rin naman nagreklamo si Zin dahil na rin sa kagustuhan ng asawa niya,” tugon naman ni Gian.
"Pasalamat siya dahil kapatid siya ni Zelle kung hindi ay nasa kulungan na siya at baka lumpo na ngayon!" galit na sabat ni Slant.
"Hay naku! Change topic na nga at magsikain na kayo diyan dahil may aasikasuhin pa tayo," utos na sa kanila ni Gian saka umalis na ito at iniwan sila.
Dahil iniwan na sila ni Gian ay sinunod na lang nila ang inutos ni Gian at inubos ang pagkain na inihain sa kanila. Nang matapos silang kumain ay tumulong si Slant kay Zion sa pag-aayos ng mga upuan na gagamitin sa party at siya naman ay tumulong kay Gian sa pagluluto ng barbecue.
Nakadama siya ng init sa katawan hindi nagtagal dahil sa suot na long-sleeve polo at dagdag pa ang init na mula sa pinag-iihawan ng barbecue. Nang inamoy niya ang suot na damit ay amoy barbecue na iyon na niluluto niya.
"Bakit ba kasi hindi na lang sa isang class na restaurant or nagpa-cater na lang kayo, Zin, nang hindi tayo nagpapagod ng ganito!" reklamo niya kay Zion nang lumapit ito sa kanya.
Naiirita na siya dahil sa init at amoy ng suot niya. Hindi rin siya sanay na mapagod ng ganoon dahil kahit kailan ay hindi siya tumutulong sa mga ganoong party. Ito ang una niya at hindi rin naman siya makatanggi dahil matalik niyang kaibigan si Zion.
"Ganito kasi ang gusto ni Zella para hindi raw masyadong magastos. Total naman daw noong unang birthday ng kambal ay binonggahan naman namin kaya okay na raw na simple lang ngayon," katwiran ni Zion sa kanya.
"Nakakapagod kaya ang ganito!" reklamo pa rin niya.
"Nagpa-cater naman kami. Nagluto lang ng ilan pagkain si Zella pangdagdag at itong barbecue."
"Tama na ngang kaka-reklamo, Aus! Nagpapaypay ka lang naman dito, eh,napagod ka kaagad?" inis na sita ni Gian sa kanya.
"Ang init kaya at pawisan na ako tapos amoy barbecue na suot ko! I want to take a bath!" maktol niya.
"Punta ka sa room namin sa taas. Kumuha ka ng damit ko at doon ka na rin maligo," sabi sa kanya ni Zion,
"Talaga?" Napangiti na siya. "Thank you, bro."
"Sige na. Bago pa magbago isip ko,” nakangiting sabi ni Zion sa kanya.
Kaagad na niyang iniwan ang mga kaibigan at tinungo ang kwarto nila Zion. Alam niya kung saan iyon dahil ilang beses na silang nakapunta rito at minsan ay dito na rin sila nagpapalipas ng gabi kaya hindi na bago sa kanya ang bahay na ito.
Nang makapasok sa kwarto ng mag-asawa ay tumungo siya sa banyo at naligo upang mapawi ang init na nararamdaman. Matapos makaligo ay lumabas siya ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Alam naman niya kasing mag-isa lang siya sa kwartong iyon dahil abala ang mag-asawa kaya hindi niya inaasahan na may taong makakakita sa paglabas niya na tanging nagtatakip lang sa katawan ay ang tuwalya sa pang-ibaba.
"Ay!” Nagulat at napalingon siya sa napatili.
Namumula ang mukha nito at malaki ang matang nakatingin sa hubad niyang katawan na hindi natatakpan ng tuwalya.
"Ezrah!” bulalas niya sa isip.
"K-Kuya Austine!" bulalas nito.
Napakunot ang noo niya.
He felt so disgusted when she called him Kuya, and he did not know why.
"f**k that, Kuya-Kuya!” iritadong sigaw ng isip ni Austine.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.