Chapter 6

Her Tears 1832 words 2023-04-12 04:31:02

“K-Kuya...” sambit ko, at napaiwas ako ng tingin sa kan’ya.

Hinayaan muna naming maglaro ang mga anak ko dahil mas mabuting hindi nila maririnig ang pag-uusapan namin ni kuya Erin.

“You made us worried. Nawala ka ng parang bula, tapos babalik ka na parang walang nangyari?” hindi makapaniwalang tanong ni kuya Erin, pero halata mong naiinis siya sa ginawa ko.

Napatingin na lang ako sa mga anak ko na masayang naglalaro. Naramdaman ko nanaman ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Huminga ako ng malalim at nilingon ko siya.

“Kuya Erin, hindi madaling umalis, pero kailangan...” sambit ko. Nagulat naman siya sa sinabi ko kaya napangiti na lang ako ng mapait.

Hindi madaling umalis ng nag-iisa. Hindi rin madaling mabuhay ng nag-iisa. At hindi madaling magpalaki ng mga anak ng nag-iisa. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Claire na kahit anong mangyari nasa tabi ko lang siya.

“Hindi mo man lang ba naisip sila tita at tito? Hindi mo man lang ba naisip ang pamilyang iniwan mo dito? Tapos babalik ka na may dalawa ka ng anak?!” nagtitimping tanong ni kuya sa’kin.

Napayuko naman ako at napatakip na lang sa bibig para pigilan ko ang paghikbi ko. Ayokong magtaka ang mga tao kung bakit ako umiiyak kahit na alam kong kilala nila ako bilang isang Knight.

“Kuya Erin, please? Ayoko muna ‘tong pag-usapan.” sambit ko at tumayo na ako para puntahan sana ang mga anak ko, pero natigilan ako sa tanong niya.

“Will you run away again?”

Hindi ako agad nakapagsalita dahil hindi ko rin alam kung anong maaari kong sabihin. Tatakbo na nga lang ba ako ulit? Tatakbuhan ko na lang ba ulit ang problema?

Yeah, I’m still coward. Hanggang ngayon hindi ko parin kayang harapin ang problema.

Huminga ako ng malalim at nilingon ko si Kuya Erin saka siya nginitian. “Kung yun ang kinakailangan ay gagawin ko.” kumuyom ang mga kamao ko. “Tatakbo ulit ako dahil ayokong pati mga anak ko masasaktan.” sambit ko at pinunasan ko ang mga luha ko saka ko siya iniwan na nagtatanong pa rin.

I’m sorry, Kuya Erin. Hindi pa ako handang sabihin sa’yo ang lahat.

Tahimik lang kaming dalawa ni Kuya Erin habang kumakain kami sa isang restaurant, habang ang mga anak ko naman masayang nagkukuwento sa naging buhay nila sa probinsya.

“You know what, tito Erin, si mama po palagi pong sad hindi rin po namin alam, kung paano namin siya pasasayahin ni kuya,” nakangusong sambit ni Carrie kay Kuya Erin at nabigla naman ako saka kami nagkatinginan ni kuya Erin pero ako agad ang unang umiwas.

“Bakit naman siya sad?” nakangiting tanong ni Kuya Erin kay Carrie. Nalungkot naman ang anak ko kaya nataranta ako. Hindi ko alam na minsan napapansin pala nila ako.

“Because of our dad? I don't know po eh. Palagi ko po siyang nakikitang umiiyak,” malungkot na sambit ni Carrie na agad naman akong napaiwas ng tingin.

Hindi ko akalain kapag mag-isa na lang ako sa kwarto ay doon ko na lang nilalabas ang sama ng loob ko. Dahil sa tuwing mag-isa ako, si Dominic pa rin ang palaging laman ng isip ko. Kung paano niya ako pinagtaksilan. Kung paano niya sinayang ang ilang taong pagsasama namin. At kung paano niya binali ang mga pangako niya sa’kin.

Hindi ko naman alam na pinapanood pala ako ni Carrie habang umiiyak.

“Carrie.” banta ng kapatid niya. Ngumuso naman si Carrie.

"Malay mo, matulungan niya si mama, kuya. Ayoko na kasing sad si mama,” nakangusong sambit ni Carrie sa kuya niya. Napakuyom ang mga kamao ko at bigla akong tumayo kaya  nagulat sila sa’kin.

“M-mama, I-I’m s-sorry po...” nakayukong sambit ni Carrie. Nginitian ko naman siya at hinaplos ang buhok niya.

“I’m okay. Rest room lang si mama,” sambit ko. Nginitian ko sila at agad akong nagpunta ng rest room. Ni-lock ko ang pintuan saka ako napasandal at unti-unti nanamang tumulo ang mga luha ko.

Bakit parang ang hirap ng lahat para sa’kin? Bakit pati mga anak ko kailangan madamay sa kaguluhan ng buhay ko? Hindi naman ito ang pinangarap ko sa mga anak ko. At hindi rin ito ang buhay na ipinangarap ko para sa kanila.

Baka tama nga si kuya. Tumatakbo nanaman ako sa problema. Umiiwas upang hindi masali sa gulo, pero kahit anong gawin ko hinding-hindi ko na maiiwasan ito. Hinding-hindi ko na mapipigilan ang lahat. Dahil alam kong mismong pamilya ko nagtatanong na kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon.

Nag-ayos na ako ng sarili saka ako lumabas ng rest room pero tila gusto kong bumalik sa loob ng rest room at magtago nang makita kong muli ang dalawang tao naging dahilan pagiging miserable ko.

“You’re so clingy to my uncle Erin,” mataray na sambit ng anak ni Sophia kay Carrie na napatago naman sa likod ni Kuya Erin.

“Anong ginagawa niyo rito, Sophia?” tanong ni Kuya Erin sa kanila.

“Ahm... Gusto namin ipag-shopping si Tara, kuya.” sambit naman ni Sophia. Napansin ko rin si Dominic na parang problemado dahil sa fiance niya.

“Bakit ba hindi na lang kayo bumalik sa pinanggalingan niyo?” mataray ulit na tanong ni Tara kay Carrie na nagsisimula nanamang umiyak.

“Shut up!” sigaw naman ni Agustin kay Tara na nabigla naman sa kan’ya.

“Why? Totoo naman, di ba? Sampid lang kayo sa pamilya!”  sambit ni Tara sa mga anak ko.

Kumuyom ang mga kamao ko manang-mana talaga siya sa ina.

“Tara...” banta ni Dominic sa anak na agad namang napayuko.

“Paano kami naging sampid?! Eh Knight naman ang mama ko! Anak siya nila grandma at grandpa!” sambit ni Carrie sa kan'ya. Kumuyom ang mga kamao ko dahil ang ayoko sa lahat ang umiiyak ang mga anak ko.

Huminga ako ng malalim at nilapitan ko sila kaagad.

“Mama!”

Yumakap sa’kin si Carrie, kaya agad ko siyang binuhat at dinukdok nanaman niya ang mukha niya sa balikat ko. Narinig ko na lang ang hikbi niya. Napakagat ako sa labi at hinimas ko ang likuran niya bago ako humarap sa dalawang taong nanakit sa’kin.

“Hindi mo ba tinuruan ng magandang asal yang anak mo, Sophia?” tanong ko sa kan'ya. Nanlaki naman ang mga mata niya at agad na nilayo si Tara sa’min.

“Baka anak mo ang hindi mo tinuturuan ng magandang asal! Sinaktan niya ang anak ko!” sigaw niya sa'kin kaya napangisi ako sa kaniya.

Here we go again...

Bumuntong-hininga ako. “Maganda at maayos ang pagpapalaki ko sa mga anak ko, kahit nag-iisa lang ako.” Ngumisi ako kay Sophia. “Tinuruan ko sila kung paano maging Knight. Eh yang anak mo? Anong tinuro mo? Ang pagiging tamad mo?” tanong ko at natawa pa ako ng bahagya dahil napapahiya na siya.

“Sa susunod na pagsalitaan pa ng anak mo, ang mga anak ko... Hindi mo alam kung anong magagawa ko.” sambit ko. Hinagod ko na ang likuran ni Carrie na kanina pa humahagulgol.

“Bakit ba kayo nandito? Kung nasaan ako, nando’n din kayo. Hindi naman kayo siguro bumubuntot sa’kin, ano?” tanong ko. Nanlaki naman ang mga mata niya na para bang nagulat pa siya sa tanong ko kaya mas lalo akong napangisi.

I know you too well, Sophia. Inaalam mo kung sasabihin ko kay Kuya Erin ang totoong nangyari sa’kin. You’re so pathetic.

“Scarlett.” tawag ni Dominic sa’kin pero inosente akong humarap sa kan’ya at binalik ko ang tingin ko kay Sophia na nanahimik naman sa tabi.

“Ito pakatatandaan mo, Sophia. Sa susunod na kakantiin mo ang isa sa mga anak ko. Malalaman ni chairman ang totoo. Malalaman niya kung sino ang taksil sa’ting dalawa.” sambit ko na nagpatigil sa kanila. Natigilan din ako sa mga sinabi ko dahil nararamdaman ko ang tingin ni Kuya Erin sa’kin.

F–ck. You’re an idiot, Scarlett.

Bumalik ang tingin ko kay Sophia na para bang natataranta siya.

“W-what are you talking about? W-what are you saying?”

Natawa na lang  ako at napailing sa kan’ya na parang wala talaga siyang alam. Na parang hindi niya alam kung anong pagtataksil ang ginawa niya. Kumuyom ang mga kamao ko dahil bahala na kung anong magiging reaction ni Kuya Erin.

“Nakakatawa lang yung sinabi ni Chairman na gayahin kita sa pagpili ng lalaki?” tumawa ako at napasuklay sa buhok ko. “Nakakatawa! Sa sobrang nakakatawa ka ay naaawa ako sa’yo. You know what I mean.” sinamaan ko pa siya ng tingin bago ko hinila si Agustin at saka kami lumabas ng restaurant.

Gusto ko silang sampalin. Gusto ko silang saktan katulad ng ginawa nila sa akin noon pero hindi ko magawa dahil ako lang magmumukhang kawawa. Wala namang maniniwala sa’kin.

“Ano ang totoo, Scarlett?”

Natigilan ako ng maalala ko na kasama pala namin si Kuya Erin na naguguluhan sa mga nangyayari sa aming magkapatid.

What to do, Scarlett?

“Bakit parang pakiramdam ko may nagaganap sa inyong tatlo?” tanong niya. Napailing ako dahil kahit ano mang mangyari... Hinding-hindi ako aamin.

“Sasabihin mo ba sa’kin o ako mismo ang aalam? Hindi matutuwa si Kuya Carter kapag nalaman niya ‘to. Alam mo kung gaano ka kahalaga para sa kan’ya.” sambit niya at natigilan naman ako. Hindi ko yata malulusutan ‘to. Kinakabahan din ako na baka kapag sila pa ang kumilos mas lumala pa ang lahat.

Damn it.

Hindi ko na kayang si Kuya Carter pa ang ang makakaalam dahil mas malala pa siya sa lahat. Si Kuya Carter ang pinaka panganay sa mga Knight. Kilala ko siya kung paano siya palihim na kumilos. Natatakot ako na baka kapag nalaman ng pamilya namin mas lalo lang gugulo ang sitwasyon.

Napahinga ako ng malalim at inihiga ko si Carrie sa kandungan ko na nakatulog na sa kakaiyak. Siya talaga ang iyakin sa dalawa, kaunting salita lang umiiyak na si Carrie at sa akin niya ‘yon namana. Magkaiba sila ng kakambal niya.

Si Agustin naman, just like his father. Matalino pero hindi niya namana ang kapilyuhan ng kan’yang ama na parang mas nagmana pa nga yata siya kay Kuya Carter.

Napangiti na lang ako dahil sila lang talaga ang kahinaan ko dahil ayokong madadamay sila sa gulo. Huminga ako ng malalim at tumingin ako kay kuya na nagdadrive. Nakapagdesisyon na ako na sasabihin ko na kay Kuya Erin dahil may tiwala ako sa kanya. Alam kong hindi niya magagawang sabihin sa buong pamilya ang totoong dahilan ng lahat.

Huminga ako ng malalim at kumuyom ang mga kamao ko. “Handa na akong sabihin sa’yo ang lahat, basta ipapangako mo lang na hinding-hindi mo ‘to sasabihin sa ‘ting pamilya.” sambit ko sa kanya.

Hindi na ako tatakbong muli. Haharapin ko na ‘tong mag-isa. Hindi na rin ako magtatago, hinding-hindi na.

I’m just going to let fate go.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.