Chapter 17

Her Tears 3124 words 2023-06-16 04:18:09

SCARLETT’s POV

Alam kong ito na rin ang oras para malaman ng mga pinsan ko ang totoong nangyari kung bakit ako nawala para aware sila kung ano ang pinagaawayan namin ni Sophia.

Alam din nilang lahat kung gaano kami ka-close ni Sophia noon na halos hindi kami mapaghiwalay, pero nung tumatanda na kami napapansin ko, o namin na nagiiba na ang ugali ni Sophia pero hinahayaan ko lang dahil baka may problema lang siya pero hindi ko akalain na magagawa niya akong trydurin at siraan sa buong pamilya namin.

Alam ko rin na lahat sila naniniwala sa sinabi ni Sophia hindi naman kataka-taka ’yon dahil alam ko naman na isa yun sa mga iisipin nila kung bakit ako umalis ng hindi nagsasabi at iniwan ang responsibilidad ko para sa pamilya.

Lahat ng desisyon ko sa buhay, hindi naging tama at iisa lang ang naging tama yun ang palakihin ko ng maayos ang mga anak ko.

Tumingin ako sa mga pinsan ko na nag-aabang sa sasabihin ko, maliban kay kuya Erin at Claire dahil alam nila ang totoo. Pwera kay Rios na hindi ko alam na tila parang may alam siya sa nangyayari.

“Sorry, Ven. Aminado akong medyo naniwala ako kay Sophia dahil hindi ko rin alam kung bakit ka umalis ng hindi nagsasabi sa amin. I’m sorry, kung may nagawa man akong mali.” sambit ni Lux habang nakayuko. Napangiti na lang ako sa kan’ya.

“No, it’s my fault.” ngumiti ako sa kanila. “Nagtago ako ng limang taon sa inyo at bumalik na parang walang nangyari pero hindi dahil wala akong pakialam sa pamilyang ‘to, kun’di dahil mahirap para sa‘kin na malaman niyo ang totoo na alam kong magkakaroon ng malaking gulo,” sambit ko, at hinimas ko lang ang kamay niya para ipaalam na wala siyang kasalanan.

“Hindi ko kayo masisisi kung yun ang iisipin niyo pero hindi ‘yon ang totoo. Hindi totoong sumama ako sa lalaki kaya ako nawala. That’s not true. May rason ako kung bakit ako tumakbo o nagtago.” Huminga ako ng malalim at napasandal ako sa upuan.

“Nung umalis ako, I was pregnant at the time...” panimula ko. Natawa na lang ako nang makitang nagulat sila sa sinabi ko.

“What the hell...?” tumango ako sa kanila at ngumisi.

“Nakakagulat, right? Sa mahabang panahon, ngayon ko lang aaminin na nagkaroon ako ng nobyo or should I say, nagkaroon ako ng asawa na isa sa pinagbabawal na batas.” sambit ko. Nanlaki naman ang mga mata nila.

Sino ba naman kasing hindi magugulat? Isang miracle baby ng pamilya nagkaroon ng nobyo/asawa na alam ng lahat ng pinagbabawal sa akin ‘yon dahil wala pa ako sa tamang edad noon.

“A-asawa? Nagkaroon ka ng asawa, Ven? Yun ba ang ama ng mga anak mo?” gulat na tanong ni Lux. Napatango naman ako.

“Naging nobyo ko siya, bago kami tuluyang nagpakasal na walang nakakaalam na kahit na sino sa pamilya maliban kay Sophia.” napahinto ako ng itaas ni Ara ang kamay niya na tila inaabsorb ang mga sinasabi ko.

“W-wait, so alam ni Sophia na may asawa ka? And she didn’t tell us?!” tanong niya.

Napailing naman ako. “Ako mismo ang nagsabi sa kaniya na ‘wag ipapaalam ang lahat dahil ayokong magkaroon ng gulo. I know chairman, ayokong mawala ang tiwala niya sa’kin noon kaya inilihim namin na nagpakasal ako.” napatingala ako sa kisame at napangisi dahil ano mang oras ay iiyak nanaman ako.

“Ven, who is this guy? I’m going to kill him!” sambit ni Arthur, kaya napalingon ako sa kan’ya dahil handa na siyang sugurin kung sino man ang lalaki na ‘yon. Natatawang napapailing ako sa kanila.

“Hindi lang siya kung sino, Art. He’s not just a random guy. Isa rin ang pamilya niya na maimpluwensya sa negosyo,” sambit ko habang nakangisi.

Kumunot naman ang noo nila na tila iniisip kung sino ang taong ‘yon. Wala pa ba silang hinala kung sino? Kilalang kilala naman nila kung sino ang tinutukoy ko.

Tumaas naman ang kilay ko dahil mukhang hindi talaga nila maisip kung sino kaya napabuntong-hininga na lang ako. “Isa siyang Stone. Si Dominic Austin Stone ang dati kong asawa.” sambit ko, pero bigla ako napahawak sa pisngi ko nang maramdaman kong basa na ito.

Ha... Umiiyak nanaman ako. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing nababanggit ko ang pangalan niya. Simula nung gabing nag-away kami dahil sa nangyari, hindi ko na siya nakita pang dumadalaw dito sa mansion. Miski ang mga anak ko nagtatanong kung kailan ulit nila makikita ang kanilang ama.

“What?! No way!” sigaw ni Lux habang nanlalaki ang mga mata sa gulat.

“What the f-ck?! I’m going to kill that asshole!” sambit naman ni Arthur. Tumango naman ang mga pinsan namin para sumang-ayon sa kan’ya.

Nagkaroon na rin ng commotion dito dahil sa nalaman nila. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa mga reaksyon nila.

“That f-cking dickhead!”

“Damn! I wish I could kill him right now! Ven cried because of him!”

“Alam mo ‘to Erin?! Damn!”

Napapailing na lang ako. Hindi rin ba kapani-paniwala na maaari kaming magkatuluyan ni Dominic?

“I knew it!” biglang sambit ni Hill at tumingin siya sa’kin. Tumango naman si Aaron at Eron.

“Yeah! Iba si Dominic nung gabing binubugbog niya si Young dahil asawa niya pala si Ven.” Nakangising sambit ni Eron. Inis naman siyang nilingon ni Ara at Lux.

“May hinala ka na pala! Hindi ka man lang nagsasabi!” sambit ni Ara, at binatukan si Eron. Natatawa na lang ako at pinunasan ko na ang mga luha ko.

“Dati para kayong aso't-pusa, huh? Walang araw na hindi kayo nag-aaway noon.” sambit naman ni Aiden. Napangisi naman ako dahil yun naman talaga ang totoo. Nai-kwento ko naman sa inyo nung mga nakaraang kabanata ng kwento ko.

Natigilan ako nang maalala ko noon na mahal na mahal namin ang isa't-isa at halos hindi kami nagtatalo sa ibang babae pero ngayon hindi ko alam kung kaya ko pa bang ibalik ang lahat sa dati.

“Kaya pala parang hawig ni Agustin si Dominic dahil siya pala ang ama.” sambit naman ni Aaron. Nilingon nila akong lahat at natahimik sila nang makita nila ako.

“Oh, my gosh! I’m sorry Ven! Pinipilit ka pa namin isama sa bridal shower! I’m sorry!” sambit ni Lux, at niyakap nila ako. Napangiti naman ako at tinapik ko lang sila sa balikat.

“Anong meron naman sa inyo ni Sophia?” natigilan ako at nilingon ko si Sander na kanina pa pala tahimik. Napaiwas ako ng tingin sa kanila.

“Napakasaya ko nung ikinasal kami ni Dominic. Walang araw na hindi niya ako nililigawan kahit kasal na kami. Palagi ring dumadalaw si Sophia sa amin para makibalita.” ngumiti ako habang naluluha nanaman ako. “Hindi rin naman ako naghinala kay Sophia dahil ate ko siya kahit na alam kong may gusto siya kay Dominic noon dahil akala ko suportado niya ang lahat ng meron sa amin,” huminga ako ng malalim at napayuko na lang ako dahil halos manginig na ako sa pagk-kwento.

“Pero tila nagbago si Dominic nung nagkaroon ng party ang mga Knight. Hindi ako nakasama noon dahil masama ang pakiramdam ko.” umangat ang tingin ko sa kanila.

“Ah, I know na. Nando’n nga si Dominic at si Sophia. May napapansin na ako pero hindi ko pinapansin kasi baka magkamali ko. Damn that bitch.” sambit ni Ara kaya napangiti na lang ako sa kan’ya.

“Napapansin kong tila natutulala si Dominic at halos palagi niyang sinasabi sa’kin na ‘wag ko siyang iiwan kahit anong mangyari. Ako naman nagtataka sa sinasabi niya dahil naguguluhan ako kung ano ba ang nangyayari sa kan’ya.” napailing ako at huminga ng malalim. “Ang pagkakaalam ko rin na baka may problema lang siya sa opisina kaya halos hindi na siya makausap. Napapansin ko rin na kapag nando’n si Sophia sa bahay namin may nararamdaman akong kakaiba at nawawala si Dominic tuwing gabi sa tabi ko.”

Natigilan ako nang mag-umpisa nanamang tumulo ang luha ko kaya nataranta sila.

“Hindi ako naghinala kasi may tiwala ako sa kaniya na hindi niya ako lolokohin, na hindi niya ako pagtataksilan pero hindi ko akalain na may nangyayari na pala. Kung hindi ko pa sila mahuhuli mismo sa kama namin.” napayuko na ako nang humagulgol na ako ng iyak na mas lalo naman silang nagpapanic.

“Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nung mga oras na ‘yon. Ubos na ubos ako hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Yun din yung araw na sasabihin ko na pinagbubuntis ko na ang mga anak namin, pero iba ang nangyari.” napatakip na ako sa mukha para pigilan ko rin ang paghagulgol ko. “Kaya nag desisyon akong umalis at tumakbo sa problema para hindi madamay ang mga anak ko pero hindi ko akalain sa pagbabalik ko mas lalong gumulo ang lahat.”

Napayuko ako at napahagulgol na lang ako ng iyak. “I’m sorry, kasalanan ko ang lahat. I’m sorry, kung hindi dahil sa’kin dahil hindi magkakaproblema mga magulang ko. I’m sorry kung napaka-selfish ko!” sambit ko. Akala ko magagalit sila pero niyakap nila ako.

“Oh, my gosh! Don’t cry, Ven! Gosh! Pati ako naiiyak na!” sambit ni Ara habang nagpapanic dahil sa pag-iyak ko. “Hindi ko alam na ganito na pala ang pinagdadaanan mo! I want to kill that b-tch!”

Pinunasan ko ang mga luha ko at ngumiti ako sa kanila. “Kahit papano gumaan na ang pakiramdam ko,” sambit ko.

Napatingin na lang ako sa mga pinsan ko na nagbibiruan at napangiti na lang ako sa kanila. Kahit papaano nakaramdam ako ng pamilya sa mga yakap nila. Pinagkakatiwalaan ko sila kahit nagkaroon sila ng doubt sa’kin noon. Hindi yun matutumbasan ng pagmamahal namin bilang isang pamilya.

“I know everything, Ven.” sambit ni Rios. Natigilan naman ako pero tumango siya. “I know everything. Alam ko kung saan ka nagtatago. At alam ko rin ang lahat ng pinagdaanan mo.”

Nanlaki ang mga mata ko at napatulala na lang ako sa kan’ya. Kailan pa niya nalaman? Napatingin naman kaming lahat kay Rios.

“What? Alam kong may rason siya kung bakit siya nagtago kaya hindi ko sinabi kung nasaan siya kahit matagal ko na siyang nahanap.” ngumisi siya at umupo sa upuan. “Nando’n ako nung araw nang panganganak mo, nando’n din ako sa bawat araw ng pagpapalaki mo sa mga pamangkin namin. Ako ang bumili ng lupa para negosyong itinaguyod mo sa probinsya.” sambit ni Rios. Natulala na lang sa sinabi niya.

Matagal na niya akong nahanap?

“Bakit hindi ka nagpakita?” tanong ko sa kaniya. Ngumisi siya, at bumuntong-hininga bago nakapamulsang lumapit sa pwesto ko.

“Dahil alam ko ang rason mo at alam ko rin na ayaw mong magpakita sa amin kaya hindi ko na ipinaalam sa’yo na nahanap na kita.” ginulo niya ang buhok ko kaya sinamaan ko naman siya ng tingin. “Hindi rin ako lumapit dahil nakikita kong masaya ka kasama ng mga anak mo. Wala akong rason para pauwiin o pigilan ka sa mga desisyon mo.” sambit ni Rios at tinapik niya ang balikat ko.

“Nandito ako para suportahan ka sa lahat ng gagawin mo. I know you’re strong, Ven.” nginitian niya ako at akmang aalis na siya ng yakapin ko siya.

“Thank you Rios! Thank you!” sambit ko habang naluluha. Ngumiti naman siya, at hinaplos niya ang mukha ko at hinalikan sa noo.

“Ikaw pa rin ang Venice na kilala ko.” Ngumisi siya at tuluyan na siyang naglakad palabas pero bago yon lumingon muli siya. “May malaki tayong kalaban. Nandito lang siya sa paligid.” sambit niya bago siya tuluyang makalabas.

Nagkatinginan naman kaming lahat pero nagkibit-balikat lang sila dahil sa pagiging misteryoso ni Rios.

“May kakaiba talaga diyan kay Rios,” sambit ni Claire. Tumango naman ako dahil tama nga naman siya na may kakaiba nga kay Rios lalo na sa mga kinikilos niya.

May iba pa bang nalalaman si Rios?

Nagkwentuhan lang kaming lahat dahil namiss daw nila ako lalo na’t limang taon akong nawala kaya kinuwento ko na lang sa kanila kung ano ang naging buhay namin sa isla. Gusto raw nilang puntahan ang rest house ni Claire at makita ang buong isla pati na ang mga tao bilang pasasalamat nila sa pag-aalaga raw sa’kin habang buntis ako noon.

“Kapag may free time kayo, wala namang masamang puntahan natin ang isla. Mas matutuwa ang mga tao roon na dadayuhin ang isla nila.” sambit ko. Tumango naman sila at napasigaw na lang dahil gustung-gusto na raw nila magbakasyon pero ayaw naman silang payagan ni chairman.

Natigilan ako nang maalala ko ang naging meeting ng buong angkan at ang pagpapalit sa trono. Hindi na rin ako umapela dahil wala naman akong karapatan pero maliban na lang sa pinsan ko na nagagalit dahil sa mga desisyon ni lolo.

Napabuntong-hininga na lang ako at pinagmasdan ko ang buong lugar, dahil mukhang alam ko na kung anong lugar ’to.

“Nandito rin ba si Young?” tanong ko. Natigilan naman ang mga pinsan kong lalaki kaya ngumiti ako sa kanila.

“Oo, pero hindi nanamin alam kung ano pa ang ginawa ni Kuya Carter sa kan’ya. Basta binigyan lang namin siya ng leksyon.” sambit ni Aaron. Napatango naman ako dahil hindi ko pala makakausap si Young.

“Sa pagkakaalam namin, nasa hospital si Young ngayon dahil sa matinding mga pasa at sugat ang tinamo niya kay Kuya Carter. Comotose si Young! Geez.” sambit ni Lux habang napapahimas sa mga braso niya. “He’s a madman!” Napangiwi naman ako dahil tama naman si Lux, lalo na nandito na ngayon si Kuya Carter.

“Okay ka na ba, Ven? Wala naman bang ibang ginawa si Young sa’yo?” tanong ni Sandro. Umiling naman ako dahil yun naman ang totoo. Ako pa nga yata ang may gagawin sa kan’ya, kung hindi lang ako napigilan baka ako pa ang makakapatay sa kan’ya.

Damn. Wala rin pala akong mapapala kay Young dahil hindi ko talaga siya makakausap lalo na comatose siya. Tumayo na ako at napatingin ako sa relos ko, mukhang hinahanap na ako ng mga anak ko.

“Babalik na ako sa mansion baka hinahanap na ako ng mga anak ko. Babawi na lang ako sa inyo sa mga susunod na araw,” sambit ko at ngumiti na ako sa kanila. Nalungkot naman sila pero naiintindihan naman nila na may mga anak na ako at may trabaho rin ako.

Lumabas na kami ni Claire ng hideout nila at dumiretso naman siya sa motor niya para makauwi na siya.

“See you tomorrow!” sambit ni Claire kaya kumaway na ako sa kan’ya ’tsaka niya pinaharurot ang motor niya palayo.

Napangiti na lang ako at bumalik na ako sa mansion pero natigilan ako nang makita ko si Sophia na mukhang inaabangan ang pagdating ko. Hindi ko naman siya pinansin at nilagpasan ko lang siya pero hinawakan niya ako sa braso para patigilin.

“Anong sinabi mo sa kanila?” tanong niya. Napalingon ako sa kan’ya at binawi ko ang braso kong hawak niya.

“Wala kang pakialam kung ano man sabihin ko sa kanila,” sambit ko at tinitigan ko siya bago ko siya lagpasan pero hindi pa rin talaga siya tumitigil.

Sa tuwing nakikita niya ako ay palagi talaga siyang may eksena. Gusto palagi sa kan’ya yung spot. Napailing na lang ako at nilingon ko muli siya.

“Gusto mo talagang lagi kang umeeksena. Bakit natatakot ka ba kung ano man ang sasabihin ko sa kanila?” tanong ko at nilapitan ko siya. “O natatakot kang mawala ang tiwala nila sa’yo?” Ngumisi ako nang matigilan siya.

“N-no! Shut up!” sigaw niya at dinuro ako. “Wala ka ng kapangyarihan sa bahay na 'to Scarlett! Isa kana lang na Knight na bahagi ng pamilyang ‘to. Lahat ng meron ka mapupunta na sa’kin. Ang pamilya, ang mga pinsan natin pati na ang mga magulang natin. Para sa huli ikaw ang kusang aalis.” sambit niya. Napakuyom ang mga kamao ko at huminga ako ng malalim.

“Oh, yes! Na sayo na ang lahat! Kinuha mo na, ‘di ba? Ano pa ba ang kailangan mo sa’kin?” tumingin ako sa kan’ya. “Ang guluhin muli ang buhay ko, at ang buhay ng mga anak ko?” napakagat ako sa labi at napapikit dahil babalik at babalik lang kami sa umpisa.

Napabuntong-hininga ako at tinignan ko muli siya. “Hindi mo ako mapapaalis dito, Sophia. Dahil kahit anong gawin mo, isa pa rin akong Knight.” natigilan naman siya at alam kong mas lalo lang siyang naiinis. “Nagagalit ka ba sa’kin dahil hindi ka na pakakasalan ni Dominic? O baka dahil nandito pa rin ako?” nanlaki ang mga mata niya.

“Pakakasalan ako ni dominic dahil mahal niya ako!” sigaw niya sa’kin. Tumango ako sa kan’ya para kunwari sumasang-ayon ako sa sinasabi niya.

“Mahal ka ni Dominic? Mahal ka ng asawa ko, Sophia? Nagpapatawa ka ba?” tanong ko habang natatawa sa kan’ya. Napailing na lang ako dahil naaawa ako sa kan’ya. Masyado na siyang desperada para lang makuha ang lahat.

“Hindi ka na niya asawa!” Sigaw niya. tumango ako.

“Oo, hindi na kami mag-asawa dahil sa’yo.” sambit ko at dinuro ko siya. “H’wag kang um-acting na parang ikaw ang inagawan ng asawa dahil unang-una, ako ang una niyang naging asawa.” lumapit ako sa kan’ya. “Kahit magpakasal kayong dalawa magiging kabit pa rin ng asawa ko, Sophia. Hindi ba ikaw ang pumirma ng divorce paper namin?” ngumisi ako sa kaniya nang hindi siya makapagsalita.

“Kaya bago ka magsalita, mag-isip ka muna. Dahil kahit anong gawin mo hinding-hindi mo ako mahihigitan.” sambit ko. Ngumisi ako sa kaniya bago ko siya itulak para makadaan ako. Hinding-hindi na nila ako masasaktan.

“Mommy!”

Napangiti ako ng masilayan ko ang mga anak ko pero nawala ang ngiti ko nang makita ko si Dominic na nasa harap ng mga anak ko. Lumingon siya sa’kin at nanlaki ang mga mata ko ng makitang namumugto ang mga mata niya.

Mukhang alam na rin niya ang buong katotohanan. Ang katotohanan na anak niya sila Agustin at Carrie.

Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba, o mas ikakagulo ng lahat. Mukhang dito na magkakaroon ng isang malaking gulo sa pagitan naming tatlo.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.