Chapter 26

Her Tears 3605 words 2023-07-13 08:48:18

Pagdating ko sa lugar kung saan ang apartment ni Ken, bumaba na ako ng sasakyan at nagpunta ako sa harapan ng gate.

"Ken!" sigaw ko sa pangalan niya pero walang sumagot mula sa loob ng apartment nila kaya kinalampag ko ang gate nila.

"Ken! Si Ma'am Scarlett 'to!"

Wala pa rin ang sumasagot. Napakagat na ako sa labi ko at napahagod sa buhok ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko kung aakyatin ko ba ang gate nila.

"Ken!" Muli kong sigaw at kinalampag muli ang gate nila pero wala pa ring sumasagot. "Ken!"

Nanghihina na ang mga tuhod ko dahil wala pa ring lumalabas mula sa apartment nila.

Sinilip ko ang loob pero hindi ko masyadong masilip dahil sarado ang buong apartment kaya napapadyak na lang ako sa inis.

Napapikit ako at napahinga ng malalim bago ko tignan muli ang apartment bago ako sumampa sa gate pero natigilan lang ako ng may nagsalita.

"Si Ken ba ang hinahanap mo?"

Lumingon naman ako at ang landlady pala ng apartment kaya bumaba ako para harapin siya.

"Yes, nand'yan ba siya?" Tanong ko. Tumingin naman siya sa akin at bigla naman siyang yumuko.

"Ah, Miss Knight!"

Nginitian ko lang siya at hinawakan ang kamay niya para hindi na siya payukuin pa sa harapan ko.

"Nand'yan ho ba si Ken? Isang linggo na siyang hindi pumapasok sa bar ko. Gusto ko lang sanang kamustahin," sambit ko dahil ang totoo nag-aalala ako sa kalagayan ni Ken at nang buo niyang pamilya.

"Isang linggo na ring walang tao ang apartment na 'yan."

Natigilan ako at kumunot ang noo ko dahil saktong isang linggo na rin siyang hindi pumapasok.

"Totoo po ba?"

Tumango siya sa'kin at inilahad niya ang susi ng apartment.

"Nung nakaraang linggo parang balisa siya. Binayaran nga niya ako para sa huling renta ng apartment at ibinalik niya sa'kin ang susi dahil aalis na raw sila kasama ng kan'yang buong pamilya. Parang nagmamadali pa nga ata siya na para bang may pinagtataguan."

Napakagat ako sa labi at muli kong sinilip ang buong apartment at bumalik yung tingin ko sa may-ari ng apartment.

"May napapansin ho ba kayong kakaiba sa kan'ya maliban sa pagiging balisa niya?" tanong ko. Napaisip naman siya at tinitigan niya ako.

"Sa kan'ya wala na akong napapansin pa maliban sa pagiging balisa niya pero nung mga nakaraan lang parangay umaaligid pa sa apartment niya." sambit ng landlady habang nakakunot ang noo. "Natatakot na nga ang mga tenants ko rito dahil everynight, may mga lalaking umaaligid sa apartment ni Ken."

F-ck! Kumuyom ang mga kamao ko pero pilit na ngumiti lang ako sa landlady.

"May problema ho ba, Ms. Knight?"

Umiling lang ako sa kan'ya at hinawakan lang siya sa kamay.

"Mauuna na ho ako, salamat po." sambit ko at tumakbo na ako pabalik ng motor ni Claire. Pagsakay ko, tumunog naman ang phone ko kaya kinuha ko ito nang malaman si Claire ang tumatawag.

("Hoy! Nasaan ka?! Bakit bigla kang umaalis? May nangyari ba?")

Napahinga ako ng malalim at napapikit. "S-Si Ken..."

"Oh, anong meron kay Ken? Bakit hindi siya pumapasok?" Seryosong tanong niya sa'kin.

Huminga ako ng malalim at pinigilan ko ang mga luha ko.

"I-tipon mo lahat ng empleyado natin. May mahalaga akong sasabihin." yun lang na sambit ko at pinatay ko na yung tawag niya.

Huminga ako ulit ng malalim bago ko tinawagan si kuya Carter. I need help to find--

("Do you want to find Ken?")

Natigilan ako sa tanong niya sa akin. Paano niya nalaman na yun ang sasabihin ko sa kanya? May alam ba siya?

"Alam mo bang nawawala siya?"

("Yes, I know.")

Kumunot ang noo ko sa kan'ya. Alam na niya?

"Paano mo nalaman na nawawala siya? F-ck! What the hell is going on?!" Inis na tanong ko sa kanya. Natawa naman siya kaya mas lalo akong naiinis sa kanya.

Kaya pa niyang tumawa sa ganitong sitwasyon?

("Alam kong kikilos na sila. Meron tayong kalaban.")

Mas lalong kumunot ang noo ko sa kan'ya dahil hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.

"W-wait, anong bagong kalaban?! Hindi kita maintindihan!" Sigaw ko sa kan'ya.

("Alam kong nag-aalala ka sa empleyado mo, Scarlett, but this is a reality. May kalaban ang buong angkan natin. Nasa paligid lang natin sila.")

Natigilan ako. No. Hindi ang buong angkan ang target, kundi ako ang target nila. Nabasa ko ang mga death threat na meron si Ken, at ako ang tinutukoy do'n.

"Ang angkan nga ba ang target nila? O ako? Wala akong natatandaan na ginawan ko sila ng masama! Nanahimik ako ng ilang taon sa probinsya para makalayo sa gulo! F-ck!" galit na sambit ko sa kanya.

Akala ko si Young lang amg inutusan para patayin ako pero hindi ko akalain pati si Ken, inuutusan nilang sirain ako.

"I can't take it anymore, kuya! Bakit hindi nila ako kayang harapin?! Bakit kailangan gumamit pa sila ng ibang tao?!"

Napahawak na ako sa ulo ko dahil para na akong mababaliw sa mga nangyayari. H'wag lang talagang madadamay ang mga anak ko sa mga ginagawa nila dahil kung hindi... Hahanapin ko sila!

Narinig ko naman amg buntong-hininga ni Carter.

("Ang lahat ng nangyayari sa'yo ngayon ay kagagawan nila. Ang pagiging topic mo sa headlines, ang pagsasara ng bar mo at ang pagkawala ng isa sa mga empleyado mo. Lahat yun ay plano nila.")

Natigilan ako at bumalalas na lang ako ng tawa dahil maraming nadamay dahil lang sa yun ang plano nila.

"Dinamay nila ang mga anak ko! Ginamit nila si Young, at ngayon binabalak pa nilang gamitin si Ken para kalabanin ako!" Nahampas ko ang Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanila."

Napahampas na lang ako sa hawakan ng motor.

("I know, ako na ang bahala sa lahat. Sa ngayon umuwi ka sa mansion at pauwiin mo na sila tita hindi pa natin sigurado ang seguridad nila sa probinsya. Mas matindi ang kalaban natin ngayon.")

Bumuntong-hininga ako ng malakas at napahagod sa buhok ko.

"Sa ganitong sitwasyon kuya hindi ako hihinahon! Kailangan kong mahanap si Ken para masigurado na nasa mabuti silang kalagayan! Ang mga anak ko kuya hindi sila pwedeng madamay dito!"

("Shh... Please, listen to me. I know na ikaw ang target nila, we need protect you.")

Ha... I knew it! Natatawa na lang ako at mariin kong pinunasan ang mga luha ko.

"Sorry, pero gagawin ko ang nais kong gawin. Kung iniisip niyo ang kalagayan ko, I'm sorry, pero mas iniisip ko ang kalagayan ng mga taong nasa paligid ko." seryosong sambit sa kan'ya at akmang magsasalita pa siya nang patayin ko na ang tawag.

Tinignan ko pa ang phone ko bago ko nilagay muli sa bulsa ng pants ko, at saka ko sinuot ang helmet.

Ako mismo hahanap ng sagot kung bakit nangyayari ang mga ito. Kung ako talaga ang target nila, hangga't maaga pa, huhulihin ko na sila. Hangga't wala pang nadadamay na iba.

Humigpit ang hawak ko sa hand clutch at saka pinaharurot ko pabalik ng bar.

***

THIRD POV

"What?!"

Napatayo si Dominic sa swivel chair niya nang mabalitaan ang headlines tungkol kay Scarlett.

"Yes, sir!"

Inilapag ng tauhan niya ang diaryo sa lamesa niya para kumpirmahin kung totoo ba ang nabalitaan niya.

"Sinabi kong bantayan niyo siya! Baakit ganto ang nangyayari?!" Sigaw ni Dominic, at nagsipagyuko naman sila. Nagagalit siya dahil nadadamay pa ang mga anak nila.

Simula nung nalaman ni Sharlene ang lahat, siya na ang kusang lumayo dahil mas magiging matindi pa ang galit nila kapag nalaman ang totoo sa pagitan ni Dominic at Scarlett. Kahit na gano'n ang nangyayari, nagpursige si Dominic na makabawi sa mga anak kahit malayo ito sa kanya.

Pinili niyang ipabantay na lang sila sa mga tauhan niya para maprotektahan ito pero hindi pa rin gano'n ang nangyari.

"Paano nakalabas sa publiko ang issue na 'to?!" Tanong ni Dominic at napahawak na lang siya sa noo dahil sa mga problema.

"Hindi lang yan boss, naipasara na rin ang bar ni Ms. Knight dahil sa kadahilanan na iinspeksyunan nila ang buong lugar."

Napapikit na lang siya at nahampas niya ang lamesa dahil walang ginagawa ang mga tauhan niya.

"Bakit hinayaan niyong mangyari 'to?!"

Napayuko naman ang mga tauhan niya kaya nasipa na lang niya ang lamesa niya sa galit.

"Patawad, boss. Hindi namin aakalain na may makakalusot pa rin."

Huminga siya ng malalim at niluwagan niya ang neck tie niya dahil hindi na rin alam ni Dominic ang gagawin niya.

"Ano pang ginagawa niyo rito?! Gumawa kayo ng paraan! Hanapin niyo ang nagsulat ng article!" Sigaw niya pero napaiwas naman ng tingin sa kanya ang mga tauhan niya kaya napakunot ang noo niya. "What?!"

"Ah... Boss, hinarang po kami ng mga Knight. H'wag na raw kami makikialam dahil sila na daw ang bahala."

Napahampas na lang ako muli sa lamesa.

Ganyan ang mga Knight, ayon kay Dominic dahil ayaw nilang humingi ng tulong sa iba dahil kaya naman nila pero kahit na! Si Scarlett naman at ang mga anak nila ang concern niya rito.

Tumayo na siya at kinuha ang susi ng sasakyan niya para puntahan si Scarlett. Hindi niya hahayaan na mapahamak si Scarlett dahil alam niyang malaking problema ang kinaharap nito ngayon.

Hindi siya mapapakali hangga't wala siyang ginagawa. Kikilos pa rin siya sa gusto niya dahil ayaw niyang i-asa ang lahat. Kaligtasan ng pamilya niya ang iniisip niya at wala ng iba.

"Magkamatayan man pero poprotektahan ko ang pamilya ko."

***

SCARLETT's POV

Pagdating ko sa parking lot, bumaba na ako para kausapin ang lahat ng empleyado namin.

"Scarlett, anong meron? Bakit mo sila itinipon lahat?" tanong ni Claire pagdating ko sa office ko.

Umupo muna ako sa swivel chair ko at napasandal para tignan silang lahat. Kumuyom ang mga kamao at saka huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko dahil hindi ako makakapag-isip ng tama kapag ganito ako.

"Sino ang mga nakausap ni Ken bago nagkaroon ng problema?" Tanong ko sa kanilang lahat.

Nagkatinginan naman sila at biglang nag taas ng kamay si Samuel ang kaibigan ni Ken.

"May napapansin ka bang kakaiba sa kan'ya?"

Napaisip naman siya at tumingin sa'kin.

"Meron po akong napapansin sa kanya, palagi siyang balisa at palagi rin siyang nakatitig sa loob ng locker niya." sambit ni Samuel.

Napatango naman ako sa kan'ya at tinignan ko pa ang iba pero may isang waitress ang pumukaw sa attensyon ko na tahimik lang sa tabi at hindi kumikibo pero parang may gusto siyang sabihin sa'kin pero natatakot lang siya.

"Jasmine."

Napatalon naman siya sa gulat at hindi makatingin.

"May gusto ka bang sabihin sa'kin?" Tanong ko. Napayuko lang siya pero hindi siya nagsasalita. "May nalalaman ka ba sa nangyayari kay Ken?"

Tumingin siya sa'kin at tumango. "Nakausap ko ho si Ken bago siya mawala." sambit niya habang nakayuko kya napakunot ang noo ko.

"Bago siya mawala? What do you mean?"

Naguguluhan ako, ibig sabihin may alam siya sa nangyari kay Ken.

"Ang sabi niya sa'kin baka hindi na raw siya makabalik dito dahil may kasalanan daw siya sa inyo."

Anong kasalanan ang sinasabi niya?

*** FLASHBACK

"Ken, balik na daw sa trabaho." Sambit ni Jasmine kay Ken na nakatulala lang sa tabi at may hawak na papel.

Sinilip naman ni Jasmine at nanlaki ang mga mata niya nang mabasa ang nilalaman na sulat.

"K-Ken, A-ano 'yan?! Death threat?!" Tanong ni Jasmine na agad mamang tinakpan ni Ken ang bibig niya.

Natatakot siya dahil may kakaiba sa kaibigan niya. Hindi na ito yung Ken na nakilala niya.

"Shh... Baka marinig ka nila,"

Kumunot ang noo ni Jasmine at tinanggal niya ang kamay ni Ken na nasa bibig niya.

"Huh?! Ano bang nangyayari sa'yo?! Nag-iba ka na!" Inis na sambit ni Jasmine sa kan'ya at kinuha niya ang papel na kanina pa hawak ni Ken. "Death threat 'to, Ken! Bakit may ganito ka?! Kailangan malaman ito ni Ma'am Scarlett ! Tatawagan ko siya!" Sambit ni Jasmine at tumalikod na para tawagan si Scarlett.

Inagaw naman ni Ken ang phone niya at hinulog sa sahig para tapakan ang phone.

"H-h'wag mong gagawin 'yon! Hindi maaaring malaman ni Ma'am Scarlett!" sigaw ni Ken kay Jasmine na nakatulala na lang at mangiyak-ngiyak siyang nakatingin kay Ken.

Hindi na maintindihan ni Jasmine ang nangyayari sa kaibigan dahil ilang linggo na niya itong nahahalata na nag-iba sa kilos ng lalaki.

"Ken, ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong ni Jasmine habang umiiyak. Umiling lang si Ken sa kanya.

"Kapag tinawagan mo si Ma'am Scarlett, baka mapahamak siya!" sigaw ni Ken. Natigilan si Jasmine at napakunot ang noo niya dahil wala siyang naiintindihan.

"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?! Hindi kita maintindihan!" sigaw niya.

Nagpalakad-lakad naman si Ken sa harapan niya at hindi ito mapakali.

"Makinig ka Jasmine, walang pwedeng makaalam nito, okay? Kung ayaw mong mapahamak kayong lahat." sambit ni Ken habang nagpapaikot-ikot siya sa harapan ni Jasmine na naguguluhan naman sa kan'ya.

"A-ano ba 'yang sinasabi mo? H-hindi na magandang biro 'yan, Ken!"

Tumigil si Ken at hinarap niya si Jasmine na mas lalong kinakabahan naman sa kan'ya.

"Aalis na ako rito sa bar bago pa mahuli ang lahat, at baka hindi na rin ako makabalik pa." Ngumiti si Ken. Nanlaki naman ang mga mata ni Jasmine at napatakip na lang sa bibig. "Kailangan kong lumayo para wala ng mapahamak pa. Isa pa may nagawa akong malaking kasalanan kay Ma'am Scarlett, pakisabi sa kan'ya patawarin niya ako." sambit ni Ken at kinuha niya ang mga gamit niya rito sa bar at natira lang ang uniform niya bilang waiter at hindi napansin ni Ken na nailagay niya ang papel sa ilalim ng uniform niya.

"Ingatan niyo ang mga sarili niyo. Gagawin ko ang lahat para protektahan si Miss Scarlett." nginitian lang ni Ken si Jasmine at tinapik niya ito sa balikat bago siya umalis ng bar.

Napakurap naman si Jasmine at hinabol si Ken. "K-Ken!" sigaw niya pero hindi na niya ito naabutan.

*** END OF FLASHBACK

"Y-yun po ang totoong nangyari, h-hindi agad ako nakapagsalita dahil natatakot ako." sambit ni Jasmine habang umiiyak.

Napaiwas naman ako ng tingin at napahagod sa buhok ko dahil nagawa pa akong protektahan ni Ken pero hindi niya kailangang gawin 'yon dahil kaya ko ang sarili ko.

"S-siya rin ho ang naglagay ng mga ipis at daga sa loob ng bar para maipasara ito. Nahuli ko siya noon ngunit hindi ako nakapagsalita dahil alam kong mabuting tao si Ken at hindi niya 'yon magagawa sa inyo."

Natigilan ako at napatitig na lang ako kay Jasmine na tumango sa amin. Damn it. Ginamit nila si Ken against me.

"Sinabotahe tayo ni Ken?!" Galit na tanong ni Claire kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Claire."

Napailing lang siya sa'kin at hindi na nagsalita pero alam kong nag-aalala rin siya kay Ken dahil caretaker nila ito sa resthouse nila sa probinsya.

Kumuyom ang mga kamao ko at napabuntong-hininga na lang ako.

"Pinuntahan ko ang apartment ni Ken, ngunit wala ng tao ro'n." Napalunok ako at tinignan ko sila. "Kaya ko kayo itinipon lahat para alamin kung sino ang mga huling nakasama niya at huling nakausap niya. Ipapahanap ko siya at kapag hindi siya nahanap sa loob ng 24 hours, missing na ang kaso niya." sambit ko. Nagbulungan naman sila at nagkatinginan na halatang nag-aalala rin para sa kasamahan.

"Mabuting tao si Ken, alam kong hindi niya gagawin 'yon kung walang nag-uutos sa kanya. Alam ko rin hindi siya gagawa ng ikakapahamak nating lahat,"

Tumayo na ako at lumabas na ako ng opisina ko. Napahawak na lang ako sa pader at inilabas lahat ng galit at hinanakit dahil sa mga problema. Hindi ko alam kung ano pa ba ang dapat kong gawin. Damn it.

"Scarlett..."

Napahinga ako ng malalim at napatingala ako sa taong nasa harapan ko at mapait lang akong ngumiti sa kan'ya.

"Bakit nangyayari ang lahat ng 'to sa'kin?"

Nanghihina akong napaupo at napatakip na lang ako sa mukha ko at inilabas lahat ng mga luhang kanina pang gustong tumulo.

"Shh... I'm here. I won't leave you, haharapin natin 'to ng magkasama." bulong ni Dominic.

Napahawak ako sa damit niya. "M-may nagawa ba ako? May nagawa ba ako para mangyari lahat ng 'to? H-hindi ko na alam k-kung anong uunahin ko!" sambit ko at niyugyog ko siya. "S-sabihin mo sa'kin, i-ito na ba ang karma ko? Ito na ba ang karma ko nung sinuway ko ang pamilya ko? Nung pinili kong sumama sa'yo?"

Hindi siya sumagot pero niyakap lang niya ako.

"K-kabayaran n-na ba lahat ng ito sa mga kasalanan ko? Sana pala hindi ko na lang piniling mahalin ka, sana pala sinunod ko na lang ang kagustuhan ni lolo, s-sana pala hindi na ako nagtiwala sa'yo." umiiyak na sambit ko at pinaghahampas ko siya habang nakayakap sa akin.

"Scarlett..."

Napahagulgol na lang ako ng iyak sa harapan niya. Kahit ngayon lang maging mahina naman ako, hindi ko na kinakaya ang problema.

"Ako naman ang lalaban para sa'yo, mahal kita higit pa sa buhay ko. Pinapangako kong lalaban ako para sa'yo at para sa mga anak natin."

Hindi na ako sumagot at napapikit na lang ako dahil bukas o sa mga susunod na bukas panibagong pagsubok muli ang mararanasan ko.

Hindi pa rito nagtatapos ang lahat dahil alam kong mag-uumpisa pa lang ang tunay na laban ko, sa pag-ibig, sa pamilya, at sa responsibilidad ko sa pamilya. Oh, god.. Guide me!

***

THIRD POV.

"Gumising ka!"

Hindi niya masyadong maimulat ang mata niya dahil namamaga ang mga ito dahil sa sobrang bugbog niya.

"May gustong kumausap sa'yo!"

Hinila siya ng mga ito at pinaupo sa isang upuan at tinalian ang buong katawan at ang mga paa nito para hindi siya makawala.

"Hello, Mr. Ken!"

Napaangat si Ken pero napangiwi siya dahil sa sugat sa labi niya.

"TSK! Bakit hindi niyo pa ako pinatay?" tanong ni Ken at napasandal sa upuan dahil nanghihina na ang katawan niya.

Natigilan lang siya nang marinig niyang tumawa ang kausap niya.

"Dadating din tayo d'yan. H'wag ka masyadong magmadali, may huli pa akong ipapagawa sa'yo."

Napailing na lang si Ken dahil baliw na ang kausap niya. Hindi pa niya ito nakikita dahil tanging boses lang ang naririnig niya.

"Tapos na ang pinagagawa niyo. Nasira niyo na si Scarlett Knight, di ba? Hindi pa ba sapat 'yon?"

Natawa muli ang kausap niya. "Hindi pa sapat 'yon. Kulang pa 'yon, gusto ko mawala siya sa mismong landas naming lahat siya lang din ang makakasira sa mga plano namin."

Napangisi si Ken sa kausap at napatingala siya.

"Hindi ko na gagawin 'yon. Ayoko ng gawan ng kasalanan si Miss Scarlett kaya tumigil na kayo dahil hindi niyo kakayanin ang isang Knight." sambit ni Ken habang napapailing sa kausap pero ang hindi alam ng nagbabantay sa kanya na gumagawa na ng paraan si Ken para makatakas.

Bago man siya mamatay, gusto na niya munang makausap si Scarlett kahit sa huling sandali niya. Wala na ring siyang dahilan pa para mabuhay pa siya, dahil ang mga taong kausap niya ay ang mga taong pumatay sa pamilya niya.

"Manahimik ka!"

May lumapit nanaman na isang tauhan at tinurukan nanaman siya ng injection, napapikit na lang siya at napakagat na lang sa labi.

"Hindi niyo kaya ang isang Knight kaya ginamit niyo ako para masira si Miss Scarlett, sa publiko."

Pinagpapawisan na rin si Kenbdahil mas lalong lumalala ang mga tama niya sa katawan.

"Huling pabor para sa huli mong sandali!" Halakhak nito.

"Bakit hindi pa ngayon? Kinuha niyo na lahat sakin, di ba? Hindi pa ba sapat 'yon?! Pumatay kayo ng inosente! Pinatay niyo ang pamilya ko!" sigaw ni Ken at nagpupumiglas siya sa tali pero hinila lang siya ng mga tauhan ng kausap niya at tinurukan muli siya ng injection.

"Ikaw ang may kasalanan kung bakit nadamay ang pamilya mo, kung hindi ka lang tumakas baka sakaling buhay pa ang asawa at anak mo."

Napakuyom na lang ang mga kamao ni Ken at napailing na lang siya dahil nababaliw na ang kausap niya.

"Simple lang naman ang gagawin mo. Kidnapin mo ang mga bata at dadalhin mo sila rito, and yhen, you free to leave. Ako na ang bahala sa mga bata."

Nanlaki ang mga mata ni Ken sa narinig at pumigla muli siya sa tali sa upuan pero tinuturukan lang siya ng injection.

"A-ano?! Kikidnapin ko ang mga anak ni Miss Scarlett?! Nababaliw ka na! Patayin mo na lang ako kaysa madamay ang mga bata!" sigaw ni Ken at patuloy lang siya sa pagpupumiglas sa tali.

"Meron kang 24 hrs para gawin, at kung hindi... I will kill you."

Nagngitngit lang ang mga ngipin ni Ken. "Isa kang duwag! Lumabas ka sa lungga mo! Lumabas ka!" sigaw ni Ken pero sinusuntok siya ng mga tauhan nito para lang manahimik siya.

"Manahimik ka!"

"Magsama-sama kayo ng amo niyong baliw!" Sigaw ni Ken kasabay ng pagtanggal ng tali niya at sinuntok niya ang lalaking nasa harapan niya at sinipa at saka siya tumakbo palabas ng silid.

Napahawak siya sa t'yan niya ng maramdaman niya ang hapdi.

"Habulin niyo!"

Tumakbo lang si Ken palabas ng gusali at laking gulat niya puro talahiban ang nakikita niya. Hindi niya alam kung saan siya dadaan dahil baka maligaw siya sa laki ng talahiban.

"Hulihin niyo siya!"

Lumingon si Ken at nakita niyang hinahabol siya ng mga tauhan nito kaya tumakbo na lang siya sa kaliwang daan kahit matalahib, pinilit niyang makadaan para makatakas.

"Tumigil ka!"

Hindi niya 'yon pinansin at nagpatuloy lang siya sa pagtakbo hanggang sa napaluhod na lang siya dahil may tumama nang bala sa legs niya

"F-ck!"

Pagapang siyang nagpatuloy habang hawak niya yung legs niya na may tama ng baril.

"Kailangan kong makaabot sa mansion ng mga Knight!" bulong niya habang gumagapang palabas ng talahiban.

Kailangan niyang masabi ang lahat kay Scarlett bago pa mahuli ang lahat.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.