Chapter 21

Her Tears 2720 words 2023-07-06 05:12:15

“What happened?” tanong ni Rios at pinaandar na niya ang sasakyan niya. Nakangisi naman na umiling lang ako kay Rios.

“Wala lang. Gusto daw ako ihatid, eh ayoko nga siya makita miski anino niya.” sambit ko at napakrus na lang ako sa braso dahil late nanaman ako sa meeting. Napailing na lang si Rios at pinaharurot na niya ang sasakyan niya paalis ng mansion.

“Para kayong mga bata kapag nag-aaway,” nakangising sambit ni Rios.

Nawala naman ang ngisi ko at umiwas ako ng tingin sa kan’ya. Nahihiya rin akong harapin siya dahil sa ginawa ko sa kan’ya kagabi.

Bumuntong-hininga na lang ako at umiling. “Wala ng maibabalik, Rios.”

He nodded. “I know, dahil hindi rin naman talaga madali ang mga pinagdaanan mo at saksi rin ako ro’n pero—” Napahinto siya at nilingon ako bago ngumisi sa'kin “—malay mo naman may magandang dahilan si Dominic kung bakit niya nagawa 'yon, at malay mo rin yung taong ahas na 'yon eh, ahas talaga.” sambit niya habang nakangisi kaya nilingon ko siya pero diretso lang ang tingin niya. Napakunot naman ang noo ko pero pinagkibit-balikat ko na lang dahil minsan kakaiba talagang mag-isip si Rios.

Minsan din hindi talaga namin mabasa ang mga kilos niya. Kay kuya Carter yata siya nagmana.

Sabagay do’n sila nagkakasundong dalawa, TSK.

“May galit ka ba kay Sophia?” tanong ko. Natawa lang siya at napailing lamg dahil mukhang akala niya isang malaking joke ang tanong ko.

“Kung sa galit lang, sobra. Lalo na yung ginawa niya sa’yo. Walang kapatawaran ang ginawa ni Sophia kung hindi ko lang siya pinsan o 'di kaya kapatid mo, baka matagal ko na siyang hindi ni respeto.” seryosong sambit niya sa'kin at napalunok na lang din ako dahil kakaiba rin siya kapag nag seryoso. “Don’t worry, malalaman din natin ang may kagagawan ng lahat.”

Kumunot ang noo ko pero tikom pa rin ang bibig ko. Ano yung sinasabi niya para malaman namin kung sino ang may kagagawan ng lahat? Yung nangyari bang engkwentro sa pagitan ko at sa pagitan ng mga tauhan ni Young?

Isa yun sa mga gusto kong malaman kung sino ang gusto talagang pumatay sa’kin.

“We’re here.”

Napakurap naman ako nang makarating na kami sa office at tinanggal ko na ang seatbelt tsaka ko nilingon si Rios.

“Magtataxi na lang ako mamaya. Thanks, Rios.” bineso ko na siya at bumaba na ako ng sasakyan niya pero tumingin ulit ako sa kan’ya. “I’m sorry for last night.” sambit ko. Umiling lang siya at ngumisi sa’kin kaya lumayo na ako sa sasakyan niya at tinapik na lang ang sasakyan.

Akala ko aalis na siya pero binaba pa niya ang bintana ng sasakyan niya.

“Ipapasundo kita kay kuya!” sigaw niya mula sa loob ng sasakyan.

Umiling lang ako sa kan’ya at kumaway na lang bago ako tumakbo papasok sa loob ng bar at dumiretso ako sa opisina ko pero papasok pa lang ako, naririnig ko na ang sigaw sa loob ng opisina ko.

‘Where is the owner?! Sayang ang pagpunta ko rito kung malalate lang siya!”

“Parating na ho siya Ms. Madrid.”

“Disrespectful!”

Inayos ko na ang sarili ko bago ko binuksan ang opisina ko kaya natigilan ang mga nasa loob.

Lahat sila nag bow sa'kin kaya nginitian ko lang sila. Napatingin ako sa babaeng nakatayo at kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya kilala.

“Ah!” Lumapit sa’kin si Lisa at pinakilala niya ako sa matandang babae na nakataas ang kilay sa akin. “Ms. Knight, this is Solen Madrid, one of our investor,” sambit niya.

Investor? Kailan pa kami nagkaroon ng investor? Tinignan ko ang mga empleyado ko.

“Kailan pa tayo nagkaroon ng investor?” tanong ko sa kanila. Natigilan naman sila at napaiwas ng tingin kaya bumalik ang tingin ko sa matandang babae. “Who are you again?”

Nabigla naman ang matanda at umayos siya ng tayo para magpakilala ulit sa’kin.

“I am Solen Madrid.”

Tumango naman ako at umupo na ako sa swivel chair ko. “Nice to meet you, Ms. Madrid.” ngumiti lang ako sa kanya pero umirap naman siya sa’kin.

Ngayon ko lang din narinig ang pangalan niya sa business industry. Nakakagulat lang na sa bar ko pa talaga napili niyang mag-invest.

“So, you’re Scarlett Knight?”

Tumango ako sa kan’ya. “Sorry, I’m late.” sambit ko at sinenyasan ko na ang secretary ko para ipakita sa’kin ang naging market namin nung mga nakaraang linggo.

Lumapit naman si Lisa at binigay niya sa’kin ang tablet. “Ms. Knight, ito po ang sales natin ngayong taon. Mas tumaas po kumpara sa nakaraang taon at marami na rin pong gustong mag endorse ng mga bagong alak na galing pa pong ibang bansa,” nakangiting sambit ni Lisa.

Tumango naman ako at tinignan ko isa-isa ‘yon at natuwa ako na mas mataas nga ang mga sales namin ngayong taon kumpara last year mas mataas nga lang siguro ang market namin sa province dahil mas maraming politiko ang dumadalaw sa bar ko.

“Kaya naisip po namin na magpatayo muli tayo ng susunod na branch para mas lalong umunlad ang negosyo.”

Tumang lang ako habang nakikinig ako sa paliwanag ng secretary ko, pero napapatingin ako kay Solen Madrid na nakangisi habang nakatingin sa'kin.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kan’ya dahil iba ang nararamdaman ko sa kan’ya. Wala rin akong tiwala sa partnership niya sa negosyo namin ni Claire dahil hindi ko siya kilala.

“Nandito po si Ms. Solen Madrid para mag-invest para sa susunod po nating branch,” Nilingon ni Lisa si Solen Madrid at yumuko sa harapan nito. “Thank you, Ms. Madrid, hayaan niyong hindi namin kayo bibiguin.”

Ngumisi lang siya sa lahat at tumayo na.

“Bakit masyado namang bata ang owner? May alam ba ‘yan tungkol sa negosyo?”

Natigilan ako at napasandal ako sa swivel chair ko habang nakatitig kay Solen Madrid, habang tinititigan ko siya parang may mali sa kan’ya.

“Apo ho siya ng chairman ng mga Knight, at hindi naman kami binigo ni Ms. Scarlett.”

“Oh, really? Hindi masasayang ang pera ko? Ang balita ko ang bunso ng mga Knight matagal nawala at ang bali-balita pa sumama sa ibang lalaki—” Hindi ko na siya pinatapos magsalita ng ibato ko ang dartpin sa board. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil muntikan na siyang matamaan nito.

“Ops. I’m sorry, Ms. Knight yun lang naman ang nalaman ko—” Natigilan siya nang makita niyang nakataas na ang kilay ko sa kan’ya.

“How about you? Saan ka nanggaling? Kung tutuusin hindi kita kilala.” Napaiwas naman siya ng tingin at kumuyom ang kamao niya kaya ngumisi ako. “Nakakapagtaka lang na gusto mong mag-invest sa bar ko. What is your purpose as an investor in our business?” tanong ko. Ngumisi lang siya at tinignan ang bawat sulok ng opisina ko.

“Be careful, Ms. Knight. Baka isang araw mawala na ang negosyo mo.” nakangising sambit niya bago siya lumabas ng opisina ko.

“P-pasensya na po, Ms. Knight,” sambit ni Lisa. Tinanguan ko lang sila at nginitian.

“H’wag niyong tatanggapin ang alok niya.” sambit ko. Nagkatinginan naman silang lahat pero tumango lang sa’kin bago sila lumabas ng opisina ko.

Napabuntong hininga naman ako at napasandal sa swivel chair ko.

Paano nakalabas ang issue na 'yon Ako at ang buong pamilya ko lang ang nakakaalam na nawala ako ng halos limang taon. May traidor ba sa buong angkan?

Napa tap naman ko sa swivel chair at tinawagan ko si Kuya Carter.

(“What do you want from me?”)

Ngumiwi naman ako dahil yun agad ang bumungad sa akin. Napairap naman ako at napakagat sa labi.

“May kilala ka bang Solen Madrid?” tanong ko kay Kuya Carter sa kabilang linya.

Natahimik naman si Kuya Carter kaya kumunot ang noo ko sa kanya at tinignan ko ang phone ko dahil baka binaba niya ang tawag pero mukhang hindi naman niya binaba ang tawag ko.

“Hello, Kuya Carter? Are you still there?”

Hindi pa rin siya sumasagot kaya nasipa ko na lang ang lamesa ko dahil bakit ang tagal niyang sumagot.

“Kuya Carter! Hello?! I’m asking you!” sigaw ko. Narinig ko naman ang buntong-hininga niya.

(“No, wala akong kilalang Solen Madrid.”)

Napatango na lang kahit hindi niya nakikita. Yun lang naman ang isasagot niya, ang tagal pa niyang sabihin, TSK.

“May traidor ba sa angkan?”

Mukhang natigilan kami parehas at nahampas ko na lang ang bibig ko dahil kung bakit ko pa naitanong ’yon? F-ck.

(“I have a meeting. Call you later!”)

Magsasalita pa lang sana ako ng ibaba na niya ang tawag. Napahawak naman ako sa noo ko dahil mukhang wala rin akong mapapala kay Kuya Carter, pero feeling ko may ginagawa ’yon nang hindi ko alam.

Nagkibit-balikat na lang dahil may tiwala naman ako sa kan’ya para naman siguro yon sa ikakabuting angkan. Pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko dahil hindi ko tatanggapin ang alok ni Solen Madrid dahil sa kanya ako walang tiwala.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil kung ano na lang nasa isip ko, masyado nang maraming nangyayari kaya magfofocus na lang muna ako sa trabaho ko ngayon.

Napahilot na ako sa ulo at napaunat dahil inabutan nanaman pala ako ng gabi. Mukhang mas maraming customer ngayon dahil akala ko talaga mawawalan na kami ng customer dahil na rin sa nangyari sa pagitan ko at sa pagitan ni Young, mabuti na lang hindi sila nagpaapekto baka mawalan pa kami ng negosyo.

Bumaba na lang ako para tignan ang buong bar at ang mga bagong deliver na alak ngayon na galing sa ibang bansa. Marami rin kasi ang nag-sponsor dito lalo na yung mga kakilala ng pamilya ni Claire. Pagdating sa business isa si Claire sa mga hinahangaan ko dahil marunong talaga siyang makipag negotiate at magaling mang-uto ng sponsor, TSK.

Napansin ko naman ang isa sa mga empleyado namin na naging caretaker ng rest house ni Claire sa probinsya, isa sa mga nakasama ko nung nagbubuntis pa lang ako sa mga anak ko. Kinuha siya ni Claire para maging empleyado namin dito sa bar sa maynila.

“Ken!”

Napalingon naman siya sa direksyon ko at nanlaki ang mga mata niya pero lumapit pa rin siya sa akin.

“May kailangan po ba kayo?” tanong niya pero may napansin akong kakaiba sa kan’ya ngayon na para bang natatakot.

Napatitig lang ako sa mga kinikilos niya. “Nasubukan mo na ba ang mga bagong deliver na alak?” Tumango naman siya sa’kin at ngumiti pero halatang pilit lang ’yon. “Ayos ka lang ba?”

Mukhang hindi naman siya mapakali tsaka ko naman napansin na pumayat na siya at parang walang maayos na tulog.

“Okay lang po ako. Babalik na ho ako sa trabaho,” sambit niya at yumuko na siya kaya tinanguan ko na lang siya kahit nagtataka na ako sa kilos niya.

Limang taon ko ng kilala si Ken dahil na rin caretaker siya ni Claire sa rest house pero isa siya sa mga nakasama namin habang nagpapatayo kami ng negosyo ni Claire sa probinsya at gusto rin siya ng mga anak ko dahil mahilig sa bata si Ken lalo na ngayong nanganak na ang asawa niya.

Mabait ang pamilya nila na parang pamilya na rin namin kaya malaki ang tiwala ko kay Ken na hindi siya magtataksil.

Pinagmasdan ko lang si Ken at bumuntong-hininga baka may problema lang siya kaya gano’n ang mga kilos niya. Nagpatuloy ako sa pag-iikot sa buong bar, at binabati ako ng customer ko na ninginginitian ko lang sila.

Napahikab na ako habang napapatingin sa relo ko na halos manlaki ang mga mata ko dahil inabutan nanaman kami ng madaling araw. Marami kasing customer ang dumadayo tuwing madaling araw lalo na ang mga kilalang tao rito sa bansa.

“Ms. Knight, uuwi na po ako.” sambit ni Lisa at tumango lang ako sa kanya. Sunod namang lumapit si Ken.

“Ms. Scarlett...”

Ngumiti lang ako kay Ken at binigyan ko siya ng sobre. “Bonus mo dahil buong araw ka nagtrabaho,” sambit ko. Tumanggi naman siya dahil may naitabi naman daw siya mula sa mga sahod niya sa bar.

“Sige na, Ken. Magagalit ako sa'yo kapag hindi mo ito tinanggap.” Pagpupumilit kong tanggapin niya ang bonus na binigay ko.

Napakamot naman siya sa ulo at natawa na lang. “OK, malaking tulong din ito dahil sa pangangailangan ng anak ko.” Ngumiti siya sa’kin at nabigla ako ng makitang umiiyak na siya. “Maraming salamat po sa lahat Ms. Scarlett, tatanawin ko pong utang na loob ‘to hanggang sa kamatayan ko.” sambit niya at pinunasan ang mga luha niya.

Kumunot ang noo ko dahil wala akong naiintindihan sa mga sinabi niya. Sa mga narinig ko mula sa kanya parang namamaalam na siya. Paglingon ko sa kanya, wala na siya sa pwesto niya at natanaw ko na lang na sumakay na siya ng taxi.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil para akong nakaramdam ng kaba. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kan’ya, di ba? Hindi naman siguro siya gagawa ng kung ano mang bagay na alam niyang ikakapahamak niya. Napailing na lang ako at nasampal ko na ang pisngi ko para magising ako dahil inaantok na rin ako.

Napabuntong-hininga na lang ako at sinarado ko na ang buong bar dahil parang gusto ko na lang humilata sa kama buong magdamag. Aish.

Naglakad na ako patungo sa gilid ng kalsada para tumawag ng taxi habang humihikab ako. Damn it. Konting tiis makakauwi ka rin, Scarlett.

May bigla namang humintong sasakyan sa harapan ko kaya sumakay na lang ako dahil baka si Kuya Erin na ang sumundo sa akin. Alam ko kasing hindi ako hahayaan ni Rios na bumiyahe mag-isa.

Damn. Nakakainis kasi si Dominic, hindi tuloy ako nakapagdala ng sasakyan dahil sa kan’ya. Napabuntong-hininga nalang ako at sumandal na lang.

“Thank you kuya Erin—Dominic?!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil si Dominic ang nagdadrive at hindi si Kuya Erin kaya napatigil din ako sa pagsusukbit ng seatbelt dahil sa lalaking katabi ko.

“Hinintay mo ako?!” tanong ko sa kan'ya. Tumango lang siya at matiwasay niyang pinaandar ang sasakyan niya

“Ihahatid lang kita. Wala akong gagawin sa’yo, kaya ‘wag kang kabahan.”

Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na lang akong sumandal ulit at napakrus na lang sa braso. Hindi talaga siya titigil. Sana naman kahit isang araw lang, pagbigyan akong hindi ko sila nakikita sa paligid ko dahil umiinit lang ang ulo ko.

“Nag-aaya sila Carrie na mamasyal sa susunod na linggo,” sambit niya. Tumango lang ako at pumikit dahil gusto ko na talagang matulog.

“Walang problema. Need ko rin mag-rest. Mas okay na rin na mag-bonding kayo dahil matagal ka na nilang gustong makasama. Hindi rin naman sila magastos dahil hindi ko sila pinalaki para lang maging maluho.”

Napabuntong-hininga naman siya. “Gusto nila kasama ka,”

Natigilan ako pero hindi na ako sumagot dahil wala naman akong choice kundi ang sumama dahil baka umiyak lang si Carrie buong mag-hapon kapag nalaman niyang hindi ako sasama.

Kahit naman ayokong makasama ‘tong lalaking ‘to sa tabi ko, wala akong magagawa kundi ang sumama na lang para sa mga bata.

“Fine, for my kids, sasama ako. Madaling magtampo si Carrie,” sambit ko. Narinig ko naman na natawa siya.

“Parang ikaw madaling magtampo,”

Inirapan ko lang siya. “Whatever. Bilisan mo na lang dahil gusto ko ng matulog.”

Natawa na lang siya at pinaharurot na ang sasakyan niya pauwi ng Knight mansion.

Kahit na ano pang gawin niya, umiyak pa siya ng dugo... Hindi na no’n mababago ang nakaraan. Nangyari na ang hindi dapat nangyari. Hindi na rin mababago ang panahon na nagtaksil sila sa akin dahil habang buhay ko na yung dadalhin na isa sa mga masalimuot na alaala mula sa nakaraan.

I know someday, magiging maayos din ang lahat.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.