"Wah! Mommy, I'm so tired" sambit ni Carrie habang pinupunasan ko siya. Tumigil na rin kasi sila sa pag-swimming dahil medyo natagalan sila sa pagbabad sa pool.
"Nag-enjoy ka naman ba?" tanong ko. Ngumiti siya sa'kin at tumango-tango.
"Sobrang enjoy, mommy! Tinuruan po kami nila uncle Rios na lumangoy!"
Napangiti naman ako at hinalikan ko yung tungki ng ilong niya. Mukhang nag-enjoy naman sila at mukhang nakalimutan na rin nila ang pangyayari kanina.
Binuhat ko na si Carrie at hinawakan na sa kamay si Agustin para magpunta na sa kwarto nila kasabay namin ang mga pinsan ko.
"Gosh, next time maki join ka sa amin, Scarlett." Sambit ni Lux. Ngumisi lang ako at tinapik siya sa balikat dahil mukhang pati sila nag-enjoy.
"Oo nga! Gosh! Nakakaasar pa 'tong si Rios, nilulunod ako! Akala naman niya hindi ako marunong lumangoy!" sambit naman ni Ara habang nakasimangot at pinaghahampas ng malakas si Rios na nakangisi lang.
"Hindi ka naman talaga marunong lumangoy!"
"You f*****g asshole!"
Natatawa na napailing na lang ako sa kanila pero natigilan kaming lahat ng makarinig kami ng ingay mula sa sala.
"Yah! I'm so happy daddy! Thank you for this!"
Nagkatinginan kami ng mga pinsan ko at napatingin ako kay Carrie na nawala na ang ngiti at dumukdok na lang sa balikat ko. Niyakap ko na lang si Carrie at nagpatuloy kaming pumasok sa loob pero nasalubong namin si Sophia kasama ng anak niya.
"Oh, hi mga cous. Say hi to your uncle and auntie, Tara." Nakangising sambit niya at tinulak ang anak para lumapit sa amin.
"Hi, uncles and auntie!" bati ni Tara
Umismid naman si Rios at ngumisi. "Hindi mo ako uncle," sambit niya kaya napalingon kami sa kanya.
"Rios." Sabay-sabay na sambit namin sa pangalan niya at napataas naman ang kilay niya sa'min.
"Si Carrie at Agustin lang pamangkin ko, right, baby?" Hinaplos ni Rios ang buhok ni Carrie na nginitian lang siya.
Tsaka niya sinampay ang towel sa balikat niya bago siya umakyat sa kwarto niya rito sa mansion.
"Pft. Stupid Rios!" natatawang bulong ni Lux at Ara sa likuran ko na sinaway ko naman silang dalawa
"Pamangkin niyo ang mga bastardo?"
Natigilan kami nang magsalita si Sophia at natahimik naman yung dalawang pinsan kong babae at seryoso nilang tinignan si Sophia na napapalunok naman.
"Watch your mouth, Sophia." sambit naman ni kuya Erin na hinaplos din ang buhok ng mga anak ko bago sumunod sa kapatid niya.
"S-Scarlett.."
Tumingin ako kay Dominic na pakiramdam ko gusto niyang magpaliwanag sa ginawa niya sa mga anak ko pero hindi ko siya pinansin. Dahil binigyan ko siya ng pagkakataon pero sinayang lang niya.
Dumating naman si nanay Lydia at kinuha si Carrie sa akin. "Scarlett, ako na bahala sa mga bata." sambit niya. Tumango naman ako at hinalikan ko sa noo si Carrie. Hinawakan naman ni nanay Lydia si Agustin at tuluyan na silang umakyat sa kwarto nila.
Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin ako kay Sophia na nakataas na ang kilay.
"Ito nanaman ba tayo, Sophia? Kailan ka titigil sa panggugulo sa akin at sa mga anak ko?" tanong ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin.
"Totoo naman ang mga sinabi ko. Mga bastardo ang mga anak mo. Nakakahiya ka sa pamilya." sambit ni Sophia habang natatawa pa.
"Sophia!" sigaw ni Dominic. Umirap lang si Sophia.
"Totoo namang nakakahiya siya sa pamilya namin. Sumama sa ibang lalaki tapos nagpabuntis, TSK." umiiling iling pa si Sophia na akala mo naaawa. "I feel sorry for you my sister." sambit niya.
Napataas naman ang kilay ko at natatawa na lang ako sa mga sinasabi niya. "How about you? Nagpabuntis ka sa may asawa. Sa madaling salita, isa kang mistress, my sister." Nakangising sambit ko.
Nanlaki naman ang mga mata niya at kumuyom ang mga kamao. "Hindi ako mistress! Walang naging asawa si Dominic!" sigaw niya.
Napalingon ako sa paligid dahil baka may makarinig sa pag-aaway namin pero mukhang kami lang ang nandito ngayon sa sala kaya bumalik na ang tingin ko kay Sophia.
"Oh, really?" Ngumisi ako. "Mahilig ka pumatol sa may asawa. Para kang isang linta na sumisiksik para makuha ang lahat." Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit hindi mo ayusin ang buhay mo nang may magawa ka naman? Para hindi ka manggulo nang buhay ng iba. Don’t waste your precious time just for me." sambit ko. Natawa naman si Lux at Ara at napasipol na lang sila.
Hindi naman makasagot si Sophia kaya tinignan ko pa siya bago ako umakyat pero natigilan ako sa sinabi niya.
"Anak sa labas ang mga anak mo! Wala silang karapatang tumira rito!"
Natigilan ako at bigla na lang nandilim ang paningin ko. Hindi ko na alam ang ginagawa ko basta ko na lang sinugod si Sophia at sinakal. Nanlaki naman ang mga mata nila at sinigaw ang pangalan ko pero tila wala akong narinig.
"Ulitin mo yung sinabi mo." gigil na sambit ko sa kanya at humigpit pa lalo ang pagkakasakal ko sa kanya. "Ulitin mo!" sigaw ko. Nakita ko ang takot sa mga mata niya habang hinahampas ang kamay ko.
"B-bitawan m-mo ako!"
Ngumisi lang ako sa kanya at mas hinigpitan ko lang ang hawak ko sa leeg niya.
"Sophia, don’t mention that word again." Nilapit ko ang bibig ko ko sa tenga niya. "I can kill you, right here... right now." mariin na bulong ko sa kanya. Mas lalo pang nandilim ang paningin ko at wala akong ibang iniisip kundi ang patayin si Sophia.
"F-ck! Scarlett! Enough!"
Nararamdaman kong pinipigilan ako ni Lux at Ara pero mas lalo lang umiinit ang katawan ko at mas lalo lang dumidilim ang paligid ko. Natigilan lang ako nang makarinig kami ng sigaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nawawalan na ng hininga si Sophia kaya nabitawan ko siya at napahawak ako sa ulo ko dahil sumasakit ito.
"What's going on here?!"
Napapikit ako at napakagat sa labi dahil hindi ko alam kung anong nangyayari. Napaatras na lang ako at napatingin ako kay Lux at Ara na nakaalalay sa akin.
"She almost killed me!" sigaw ni Sophia habang nakaduro sa akin. Natigilan naman ako at kumunot ang noo ko dahil wala akong naiintindihan sa sinasabi niya.
Nilingon ko si Lux at Ara na napaiwas ng tingin kaya natikom ko ang bibig ko, so totoo ang sinabi ni Sophia?
"What? Who are you referring to?" tanong ni Chairman at nilingon niya kami pero napayuko ako.
"Who else?! Scarlett almost killed me! Her eyes was empty! She’s evil!"
Natigilan si chairman at kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin pero iniwas ko lang ang mga mata ko sa kan’ya.
"Lux and Ara? Is that true?"
Nilingon nila si chairman at umiling. "No, that’s not true. Scarlett won’t do that." sambit ni Ara habang seryosong nakatingin kay chairman. Nagtama ang paningin namin ni Ara pero ngumisi lang siya at kumindat sa akin.
"Yes! She’s lying," sambit naman ni Lux habang nakatingin kay Sophia na nanggagalaiti na sa galit.
"What?! No! I’m not lying!" Sigaw niya at lumapit siya kay chairman na para bang nagpapaaawa. "Totoo ang sinabi ko! Sinakal niya ako! Look!" Tinuro ni Sophia ang leeg niyang may markang kamay na namumula pa.
Nanlaki ang mga mata ko at napatulala na lang dahil kahit malayo ang distansya ko mula kay Sophia, nakita ko ang marka at ayoko mang maniwala pero kamay ko nga yon.
"What the hell!" sigaw ni chairman at nilingon niya ako. "Scarlett, what did you do to your older sister?!" galit na tanong niya. Napayuko naman ako at napahinga ng malalim.
"H-hindi ko alam..." umiling ako dahil hindi ko talaga maalala ang ginawa ko.
"You’re lying! Ikaw ang sumugod sa akin! Wala akong ginagawa sa’yo pero basta mo na lang ako sinugod! You are a killer!" sigaw niya. Napakuyom na lang ang mga kamao ko at napakagat sa labi.
Natigilan kami nang biglang sampalin ni Ara si Sophia. "Ikaw ang sinungaling dito. Ikaw ang maraming sinasabi tungkol sa mga anak ni Scarlett. Kung tutuusin ikaw ang walang karapatan tumira rito!" Kumuyom ang mga kamao ni Ara at sinamaan niya ng tingin si Sophia. "Hindi ka lang mangaagaw, sinungaling ka pa!"
Napangisi si Sophia at natawa na lang. "Wala akong inagaw! Ako ang pinili kaya tanggapin niyo yon!"
F-ck. Hindi ko alam ang gagawin ko kung aawatin ko ba sila o hindi. Mahirap awatin si Ara. Kilala ko sila mula noon pa. Nakikipag riot na talaga sila nung high school pa lang.
"Ah talagang hindi ka pala titigil! Kanina pa ako nanggigigil sayo!" sigaw ni Lux at akmang susugurin niya si Sophia nang sumigaw muli si chairman.
"Enough!" Sigaw ni lolo kaya natigilan kami. "Delux! Arabelle! Ano bang nangyayari sa inyo?! Nasa harap niyo ako pero kung umasta kayo para mga bata!" sinamaan kami ng tingin ni chairman kaya natahimik na lang kami. "Siya ang papalit sa akin kaya dapat respetuhin niyo siya bilang pinsan niyo!"
Napansin ko namang palihim na ngumisi si Sophia kaya napakuyom na lang ang mga kamao ko.
"Scarlett Venice!"
Napatayo ako ng maayos ng tawagin ako ni chairman kaya nilingon ko siya.
"Hindi mo na ba talaga ako kayang respetuhin bilang lolo mo?! Pinayagan ko kayo na manatili rito kasama ng mga anak mo para sa ikakatahimik ng lahat!" sigaw niya kaya napayuko ako. "Nagiging suwail ka na! Sumama ka sa lalaki tapos uuwi kang ganito ka na?! Akala ko matalino ka?! Bakit mo sinuway ang batas?!"
Napapikit ako at kumuyom ang mga kamao ko na nanginginig ang mga ito, hindi dahil sa takot kundi dahil sa mga masasakit na salitang sinasabi niya. Damn it.
"Chairman, ano ba yang sinasabi mo sa anak ko?!"
Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni mom kaya ngumiti lang ako sa kanya.
"Masyado niyong ini-spoiled si Venice kaya nagiging matigas ang ulo niya! Balak pa niya agawin si Stone kay Sophia, and she almost killed her!"
Natigilan si mom at humarang siya sa harap ko at sinamaan niya ng tingin si chairman. "Chairman, all due respect! Anak ko ang kausap mo! Apo mo! Apo niyo ni Lady Josephine! Hindi naman yatang tamang kay Scarlett isisisi mo ang lahat! Baka nagkakalimutan tayo kung sino si Sophia sa pamilyang 'to!" umiiyak na sambit ni mom kay chairman na natahimik naman at napaiwas ng tingin.
"Lolo, si Sophia ang nagsimula ng away. She deserves it."
"Yeah, she's right!"
Napapikit si lolo at napahinga ng malalim. "We are family here! Respetuhin niyo ang bawat isa! I'm done with this!" Galit na sambit ni lolo at muling umakyat sa kwarto niya.
Niyakap naman ako ni mom nang umakyat na si lolo.
"You b***h!"
Sinugod ni Lux si Sophia na napaatras naman kaya kumuyom na ang mga kamao ko at ngumiti lang kay mom bago sila puntahan. Pinigilan ko na si Lux na umatras na para harapin si Sophia.
"Sophia, yung natatanging respeto ko sayo bilang kapatid ko, inubos mo na. Sagad na sagad na ang pasensya ko sa'yo." Napakagat ako sa labi. "Tumigil ka na kung ayaw mong malaman ni lolo at nang buong pamilya kung sino ang totoong taksil." Sambit ko. Tinalikuran ko siya para umakyat na sa kwarto ko pero hindi pa ako nakakahakbang nang magsalita na si mom.
"Anong meron sa inyong dalawa? May dapat ba kaming malaman?"
Napahigpit ang hawak ko sa hagdan at nilingon ko si mom. "I'm sorry, but.. I'm tired." sambit ko. Umiling lang si mom at lumapit sa akin.
"No, tell me the truth! What's going on with you two?!"
Napabuntong-hininga ako. "Please, mom..." umiling ako dahil ayoko pang sabihim sa kanila.
"No, Ven. Tell mommy the truth, please?"
Napahinga ako ng malalim at napakagat ako sa labi at nilingon ko si Dominic na kanina pa hindi umiimik ni hindi na niya napansin ang anak niyang kanina pa umiiyak.
"Sophia and I are no longer siblings," sambit ko. Nanlaki naman ang mga mata ni mom sa sinabi ko at napatingin siya kay Sophia na natahimik na.
"W-what?"
Ngumisi ako at pinunasan ko ang mga luha ko. "Hindi na kami magkapatid, nung naging kabit siya ng asawa ko."
Nanlaki ang mga mata ni mom at napalingon siya kay Sophia na natataranta namang umiling.
"N-no! She's lying! That's not true!" Sigaw ni Sophia pero walang nakinig sa kan'ya.
"Scarlett, this is not a joke." naiiling na sambit ni mom na alam kong hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
Natawa naman ako at napahagod ako sa buhok ko. "Magbibiro pa ba ako sa ganitong sitwasyon, mom? Sa tingin mo gagawin kong tanga ang sarili ko para lang gumawa ng kwento?" Napangisi ako at napahinga na lang ng malalim. "Mom, this is the truth. Hindi ako gagawa ng kwento para lang may mapatunayan ako."
Nilingon ko si Dominic na nakayuko na kaya napaiwas na lang ulit ako ng tingin sa kan’ya.
"Yes, nagkaroon ako ng asawa, college pa lang ako. Nilihim namin ang relasyon namin dahil alam naming parehas kung anong batas ang meron sa pamilya natin at ayoko ring biguin si lolo kaya tinago namin ang pagiging mag-asawa namin at nagkaroon ng anak."
Napatakip naman si mom sa bibig at gulat na gulat sa nalaman. "Oh my gosh! Y-you mean.."
Tumango ako sa kan'ya. "Hindi totoong sumama ako sa lalaki na alam niyong hindi ko magagawa 'yon. Tinakbuhan ko ang lahat, dahil ayoko ng makadagdag ng problema sa krisis ng pamilya natin." sambit ko at pinunasan ko muli ang mga luha ko.
"Bakit ako umalis at tumakbo, mom? Dahil hindi ko kaya na makasama ang asawa ko na may kasiping na ibang babae na parang aakto ako na parang walang nangyari." Natawa ako at napakagat sa labi. "Mahal na mahal ko yung asawa ko, mom, pero mas pinili kong lumayo habang buntis ako noon, at alam mo ba kung sino ang babae ng asawa ko, mom?"
Nakangiti ako habang patuloy na tumutulo ulit ang mga luha ko, dahil naaalala ko nanaman ang lahat.
"Ang kapatid ko. Siya ang babaeng kasiping ng asawa ko sa kama namin kaya simula noon tinapos ko na ang pagiging magkapatid namin." sambit ko. Naluluhang lumapit sa'kin si mom at niyakap niya ako.
"Oh my god! Why didn't you call me? I'm your mom, Scarlett. Ni hindi ko manlang alam na may pinagdadaanan ang anak ko! Oh, god! I'm sorry!" Umiiyak na sambit niya habang yakap niya ako.
"Y-you're lying!" Sigaw ni Sophia at susugurin niya sana ako ng biglang lingunin siya ni mom at sinampal siya.
"M-mom? You believed her?!" tanong ni Sophia na nagulat sa ginawa ni mom sa kanya. Ngumisi lang si mom at natawa.
"Yes. No wonder, kung saan ka nagmana." sambit ni mom at mariin niyang pinunasan ang mga luha niya at sinamaan ng tingin si Sophia.
"M-mom?"
"Don't call me that!" Sigaw ni mom, at muli niya akong niyakap. Ngumiti lang ako at tinanggal ko ang yakap niya sa’kin.
"Mom, gusto ko na munang mapag-isa." sambit ko sa kanya. Hinaplos naman niya ang buhok ko.
"Kwentuhan mo ako sa naging buhay mo sa probinsiya okay? I love you." Hinalikan niya ako sa noo kaya umakyat na ako pero nilingon ko muli si mom.
"Si Mr. Stone ang dati kong asawa." Huling sambit ko bago ako tuluyang umakyat sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, napasandal na lang ako sa pintuan at napahinga ako ng malalim.
Tama yung desisyon mo, Scarlett. Si mommy naman 'yon at hindi ibang tao. Hindi ko na rin kasi kaya pang itago sa kan'ya ang lahat dahil alam kong mas mag-aalala siya sa'kin.
Napayuko na lang ako sa tuhod ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
-
SOPHIA’s POV
Damn her. Napahawak ako sa pisngi kong sinampal ni Sharlene. F-ck!
"Natuto ka na ba?"
Sinamaan ko ng tingin si Lux na nakangisi sa'kin. Isa pa sila, kung hindi lang kay lolo sinugod ko na sila.
"Sa lahat ng gagawan mo ng kwento. H'wag kami, okay? Alam ko namang umaakting ka lang sa harap ni lolo. Sa susunod galing-galingan mo pa, yung tipong mapapaniwala mo kaming lahat." sambit ni Lux at tinapik niya ako sa balikat bago siya umakyat sa taas.
"Yeah, baka isang araw, tuluyan ka ng mapatay ni Scarlett. Hindi mo siya kilala kung paano siya kumilos." sambit naman ni Ara bago siya sumunod kay Lux.
Umirap lang ako sa kanila at hinimas ko ang leeg ko. Damn. They’re right! She almost killed me!
"What are you doing, huh?"
Napataas ang kilay ko kay Sharlene. Simula nung kinakampihan niya si Scarlett noon, hindi ko na siya tinuring na mommy.
"What? What did I do?"tanong ko sa kan'ya kasabay ng pag-irap ko sa kan'ya.
"Talagang may pinagmanahan ka, huh? Hindi na ako magtataka pa. Lux is right. Galing-galingan mo sa pag acting, iha," nakangising sambit niya at nilingon niya si Dominic bago niya kami talikuran.
Inambahan ko lang siya kahit hindi niya nakikita. F-ck!
Napahagod na lang ako sa buhok ko at lumingon ako kay Dominic. "Did you see that?! Mga wala silang respeto!" sigaw ko.
"Enough, Sophia."
"Kung hindi lang--"
"I said, enough!"
Sinamaan niya ako ng tingin kaya natahimik ako.
"Tigilan mo na si Scarlett. Tigilan mo na rin ako. Alam mo na ang totoo na anak ko ang ang mga anak ni Scarlett kaya tumigil ka na."
Irita ko siyang nilingon. "Anak mo rin si Tara! Ano naman kung anak mo sila?! Magiging bastara pa rin sila kapag naikasal na tayo!"
Bumuntong-hininga siya at napailing na lang. "Walang kasal na magaganap! Kapag hindi ka pa tumigil hindi ko na papalapitin yang anak mo sa'kin!" Galit na sambit niya at umalis na lang siya ng mansion.
"Daddy! No!" Sigaw ni Tara na hinahabol si Dominic pero hindi na niya nilingon pa ang anak ko.
Napasigaw na lang ako sa inis. Binuhat ko si Tara para magpunta sa kwarto namin.
Kailangan kong gumawa ng paraan para mapalayas si Scarlett dito sa palace at matakwil na siya ni old man.
"Gawin niyo na ang inuutos ko."
"Yes, ma’am."
Binaba ko na ang tawag ko kaya napangisi na lang ako. Tignan natin Scarlett kung hanggang saan ang kaya mo.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.