SCARLETT’s POV
Pag-uwi namin sa mansion hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari, hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako kung sino ang nagbabalak na patayin ako, at kailangan pang i-damay si chairman.
Napabuntong hininga na lang ako at tinanggal ko na ang seatbelt ko dahil gusto ko nang magpahinga at makita ang mga anak ko.
"Ven, are you sure na okay ka lang?" Tanong ni Hill kaya napalingon ako sa kan’ya at tumango. Bumaba naman siya ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.
Huminga ako ng malalim at kinuha ko na ang bag ko ’tsaka ako bumaba ng sasakyan.
“Get some rest, Ven.” sambit ni Hill, at inalalayan niya akong maglakad patungo sa pintuan ng mansion. “Pupuntahan ko sila dahil ayokong mahuli sa party,” napailing naman ako dahil mukhang wala yung mga pinsan namin at hindi ko alam kung saan nila dinala si Gino.
Hindi na rin muli pang nagparamdam si Dominic, pagkatapos nung nangyari dahil mukhang galit pa rin siya. TSK.
Hindi pa kami nakakapasok sa pintuan ay nakaabang na sa’min si Lux at si Ara. Napatingin naman ako kay Hill pero nagkibit-balikat lang siya sa’kin.
“Scarlett, what happened to your face?!” gulat na tanong ni Ara nang makitang may pasa ako sa mukha. Ngumisi lang ako pero hindi na ako nagsalita kaya napalingon sila kay Hill.
“Kuya, what happened to her?!” inis na tanong ni Lux sa kuya niya. Napakamot naman sa ulo si Hill at bumuntong hininga dahil alam niyang hindi titigil si Lux na tanungin siya.
“Mahabang kwento. Sa ngayon pagpahingahin muna natin si Venice,” sagot ni Hill sa kapatid. Sinamaan lang siya ng tingin ni Lux at hinampas.
“Saan ba kayo pumupunta? Sila Rios, wala rin dito!” sambit ni Ara at napakrus siya sa braso niya. Napalunok naman ako at umubo para hindi nila mahalata na may nangyari.
Wala pa akong sa mood para magpaliwanag sa kanila.
“Dinalaw lang namin si Venice sa bar niya.” sambit ni Hill. Nanlaki naman ang mga mata nila Lux at pinaghahampas nila si Hill.
“Bakit hindi kayo nag-aaya?! Gusto rin namin makita yung bar ni Ven!” sigaw ni Lux. Natawa na lang si Hill, at lumingon sa’kin saka niya ako tinanguan para pumasok na sa loob kaya ngumiti na lang ako sa kanila.
“Papasok na ako sa loob,” sambit ko sa kanila at akmang papasok na’ko sa loob ng mansion ng biglang humarang si Lux at Ara kaya kumunot ang noo.
“A-ahm... Manatili muna tayo rito! Hehehe! Magkwentuhan muna tayo, Ven! Matagal ka rin naming hindi nakita!” sambit ni Lux pero ramdam kong may tinatago sila. Napailing na lang ako at pinilit kong makapasok sa loob pero mas humarang lang sila sa daan ko.
Napaatras naman ako at kumuyom ang mga kamao dahil bakit parang ayaw nila akong papasukin sa loob. Lumapit na si Hill para kausapin ang kapatid niya at si Ara.
“Kailangan ng magpahinga ni Scarlett,” sambit ni Hill at hinila niya ang dalawa para lumayo sa pintuan pero mas pinilit pa rin nilang harangan ang daan.
“Ah! Ven! Kwentuhan mo naman kami tungkol sa mga babies mo!” nakangiting sambit ni Ara. Kumunot muli ang noo ko dahil tama ang hinala ko na may tinatago sila na ayaw nilang ipaalam sa’kin.
“Ara at Lux!” sigaw ni Hill dahil naiinis na siya si kinikilos ni Ara at Lux. Napaiwas naman sila ng tingin kay Hill pero nanatili pa rin sila sa pwesto nila.
Napayuko naman si Lux, “K-Kuya Hill, hindi talaga pwede—” natigilan si Lux nang makarinig kami ng sigawan na nanggagaling sa loob ng mansion kaya tinignan ko si Lux at Ara na hindi naman makatingin sa'kin kaya tinulak ko sila para makapasok ako ng tuluyan sa loob.
Natigilan ako nang makitang nag-aaway si mom at si dad. Napansin ko rin na nandito din si Sophia na nakataas ang kilay kay mom.
A-ano ang nangyayari?
Tumingin ako kay Lux at Ara pero umiling sila sa’kin dahil mukhang hindi rin nila alam ang nangyayari, at ayaw lang nilang sabihin sa’kin na nag-aaway ang mga magulang ko.
Bumalik naman ang tingin ko sa mga magulang ko at napatakip na lang ako sa bibig.
“You really believe her?!”
Napaiwas ako ng tingin habang naluluha dahil sa pag-aaway nila. Hindi lang naman ’to isang beses na nakikita ko silang nag-aaway pero mas malala ngayon.
“Sharlene, please.”
“No, Vernon! Simula nung nawala si Scarlett ay nag-iba ka na! Para kang walang pakialam sa anak natin!”
“Don’t say that!”
“No, Vernon! Naniwala ka sa anak mo na sumama sa lalaki ang anak ko na alam mong hindi yun totoo!”
“What the f–ck?! Alam mong hindi rin ako naniwala!”
Napakagat na ako sa labi at napayuko. Tama ba ang desisyon kong umalis noon? Naging tama nga ba ang desisyon kong takbuhan ko ang lahat ng problema? Napaka selfish ko para iwanan sila.
Kumuyom ang kamao ko at natigilan lang ako ng hawakan ni Hill ang nanginginig kong kamao. “Venice...” sambit ni Hill sa pangalan ko. Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang mga luha ko.
Hindi ko namang aakalain na ganito na sila simula nung tinakbuhan ko ang lahat. Palagi na lang akong gumagawa ng gulo sa pagitan ng pamilya ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagod na akong umunawa at umintindi.
“Hindi ko akalain na magbabago ka! Simula noon Vernon inintindi kita!”
“Sharlene...”
I-I’m sorry, m-mom and dad, kung hindi dahil sa’kin, hindi kayo mag-aaway ng ganito.
“Bakit pati sa trono pumayag ka?! Alam mong si Scarlett ang gusto ni Lady Josephine!”
Natigilan ako, o sabihin nating natigilan kami nang marinig namin ’yon kay mom. Parang hindi na rin nagustuham nila Hill ang mangyayari.
“Anong ibig sabihin ni Tita Sharlene, Lux at Ara?” tanong ni Hill sa dalawa. Umiling naman sila na parang naguguluhan din.
“Hindi rin namin alam, basta naabutan na lang namin na nag-aaway na silang dalawa.” sambit ni Lux at lumingon siya sa’kin. “I’m sorry, Ven. Ayaw lang naming mag-alala ka.”
Umiling lang ako dahil alam ko namang nag-aalala lang sila sa’kin.
“Lola is dead! Bakit hindi mo na lang tanggapin na ako ang mas gusto ni daddy kaysa kay Scarlett?!”
Natigilan kami nang magsalita si Sophia kaya lumingon kami sa kan’ya.
“Totoo naman ang sinabi ko na sumama si Scarlett sa lalaki na alam niyong pinagbabawal yun ni lolo! Sinuway niya ang batas! Tanggapin mo na lang ’yon!” inis na sigaw ni Sophia kay mom. Kumunot ang noo ni mom at nilapitan niya si Sophia.
“How could you say that Sophia, huh? Kapatid mo si Scarlett!”
“Oh, whatever mom! Pati si Dominic nilalandi niya!” sambit ni Sophia. Mas lalo kaming natigilan at naramdaman kong napatingin sa’kin ang mga pinsan ko.
Natawa na lang ako habang nakangisi dahil hindi ko akalain na gagawa pa ng kwento si Sophia para ako ang maging masama rito. Napatingala ako at napakagat ako sa labi.
“W-what?!”
“Yes! Hindi niyo alam?! Nilalandi niya ang fiance ko!”
Ngumisi ako at hindi na ako nakatiis sa mga pinagsasasabi niya... Tumakbo na ako para sampalin si Sophia. Nagulat at natigilan naman silang lahat sa ginawa ko. Hindi pa ako nakuntento sa ginawa ko dahil sinampal ko pa siya ng isang beses. Nanlalaki naman ang mga mata niya at napaatras habang nakahawak sa pisngi niya.
“Scarlett? Oh, my gosh! What happened to your face?”
“Venice!”
Nilapitan ako ng mga pinsan ko pero hindi ko sila pinansin dahil nakatitig lang ako kay Sophia.
“What did you say?” tanong ko sa kan’ya. Natigilan naman siya at napaiwas ng tingin sa’kin. “Sinasabi mo bang nilalandi ko si
Dominic? Coming from you Sophia?!” natatawang tanong ko sa kaniya. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
“Totoo naman amg sinasabi ko! Nilalandi mo ang fiance ko!” naiiyak na sigaw niya sa’kin. Natawa naman ako dahil sa pagiging best actress niya.
“Ha... Sophia, h’wag kang magpatay malisya na parang wala kang alam!” sigaw ko. Nanlaki naman ang mga mata niya habang nagpapanic. “Ilang beses na kitang pinagbigyan, ilang beses ko nang pinalampas ang lahat ng kasalanan mo! Pero hindi ka pa rin tumitigil!” sambit ko at akmang sasampalin ko ulit siya nang matigilan ako kaya binaba ko na lang ang kamay ko.
Huminga ako ng malalim at sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi ko rin akalain na sasabihin mo sa pamilya natin na sumama ako sa lalaki kaya ako nawala ng limang taon. Alam mo sa sarili mo kung bakit ako nawala. Alam mo yun.” sambit ko, at mariin kong pinunasan ang mga luha ko.
“Sa ating dalawa, ikaw ang may kasalanan.” napailing ako at natawa na lang. “Hindi ko akalain na magagawa mo akong traidurin Sophia.” sambit ko at napahawak na ako sa dibdib ko dahil tila sumisikip nanaman ito.
Hindi naman siya makasagot sa’kin dahil alam niya kung ano ang tinutukoy ko. Alam niya sa sarili niya kung anong ginawa niya, kaya h’wag na ’wag niyang babaliktarin ang mga pangyayari.
Nilingon ko siya. “Mukhang alam mo na ang tinutukoy ko. Ngayon, alam mo na ba kung sino sa atin ang taksil?” walang emosyon na tanong ko sa kan’ya. Hindi naman siya makatingin sa’kin pero napansin ko ang pagkuyom ng mga kamao niya. Inayos ko na yung jacket na suot ko at napahinga ako ng malalim.
“Ilang beses na kitang winarningan, Sophia, pero hindi ka nakinig. Isipin mo naman ang ibang tao, h’wag lang puro ang sarili mo.” sambit ko at naglakad na ako patungo sa taas pero natigilan ako sa tanong ni dad.
“Scarlett, what do you mean? Anong meron sa inyong dalawa? What’s going on?” tanong ni dad. Nabigla naman si Sophia at nilapitan niya si dad para siguro magsabi nanaman ng kasinungalingan kaya napangisi ako at tinaasan sila ng kilay.
“Why don’t you ask her dad? Tutal naniwala ka naman sa mga sinasabi niya.” sambit ko. Natigilan naman siya at naglakad naman siya palapit sa’kin.
“V-Venice...” sambit niya at hahawakan niya ako nang umiwas ako at napailing dahil nadismaya ako sa kan’ya.
“I’m disappointed dad.” sambit ko, ngumisi lang ako ng mapait sa kanila at dumiretso na akong umakyat sa kwarto ko.
Narinig ko pang tinatawag nila ako pero ni isa wala akong nilingon. Dismayado ako sa kanilang lahat hindi ko akalain na maniniwala sila sa isang kasinungalingan.
Inaamin ko rin ang pagkakamali ko, hindi lang bastang lalaki ang sinamahan ko. Hindi lang siya bastang lalaki kung bakit mas pinili kong pakasalan siya pero ang gawin ang binibintang ni Sophia? Hindi ko kailanman ’yon gagawin. Mas pagtutuunan ko na lang ng pansin ang mga anak ko kaysa sa ibang bagay.
Pagkapasok ko sa kwarto ko, napasandal na lang ako sa pintuan at napatakip sa mukha sa labis na pagod at sakit na nararamdaman ko. Masyado nang maraming nangyari ngayong gabi kaya hindi ko na alam kung ano pa ba dapat na gawin.
Pinipilit ko namang ayusin ang lahat pero bakit mas lalo lang gumulo? Pinipili kong bumalik sa kung ano ang buhay ko noon pero bakit mas lalo lang akong nahihirapan? At pinipilit ko ring bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa pamilya pero bakit ang hirap?
Napapikit na lang ako at hinayaan ko na lang sarili kong malunod sa dilim hanggang sa maging manhid na lang ako at wala na akong maramdaman pa.
I’m sorry, I’m worthless...
***
Tulala lang ako paggising ko, dahil nakatulog na pala ako kagabi sa kakaiyak. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi kaya napayakap na lang ako sa sarili ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.
Mas naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung anong nangyari sa’kin kagabi, saka yung sinasabi ni Hill na empty raw ang mata ko. Lalo na yung ang mga sinasabi ni Young na binayaran lang siya para lang patayin ako. Lubos ko talagang iniisip kung may matindi ba akong kaaway noon at ngayon lang nila ako binabalikan dahil nalaman na nilang nagbalik na ako rito sa mansion? O baka dahil sa mga mission namin noon? F–ck.
Napahilamos ako sa mukha ko at tumayo na ako para magbihis na dahil wala akong ganang pumasok ngayon sa trabaho mas gusto ko na lang muna magpahinga. Natigilan muli ako nang maalala ko ang nangyari sa mga magulang ko at kay Sophia. Kaya pala napapansin kong iniiwasan ni mom si dad dahil magkaaway sila.
Dahil ba yun sa nangyari sa’kin? At umalis ako nang walang nakakaalam? Napaupo naman ako sa kama at napatingin sa larawan naming apat. Kinuha ko ’to at hinimas ang picture frame at napangisi na lang nang mapansin na para bang isa kaming masayang pamilya sa larawan na ’to pero ang totoo... Matagal ng wasak ang pamilya namin dahil sa mga problemang nararanasan namin ngayon.
“Hindi na maibabalik amg masayang pamilya natin, dahil matagal ko nang tinapos ang pagiging magkapatid namin ni Sophia dahil sa ginawa niyang pagtataksil sa’kin.” sambit ko at humigpit ang hawak ko sa picture frame saka ko pabagsak na nilapag sa lamesa.
Labas na sila sa problema namin, kaya hindi na sila kasali kung ano man ang meron sa’min ni Sophia. Tama nang sarilihin ko na lang ang problema ko dahil may kasalanan rin ako.
Tumayo na ako at kinuha ko na ang towel at pumasok sa banyo. Iisipin ko na lang siguro ang mga anak ko kaysa sa ibang bagay. Gagawin ko pa rin naman ang responsibilidad ko para sa pamilya.
Napabuntong-hininga na lang ako, saka ko tinapos na ang routine ko. Kumuha na lang ako ng robe at lumabas ng banyo pero natigilan ako nang makitang nakaupo si Claire sa kama ko.
“Friend!” sambit ni Claire at niyakap niya ako. Napangiti na lang ako dahil bukod sa mga pinsan ko, si Claire lang ang mapagkakatiwalaan ko. “Sorry! Whaaa! Sorry kung wala ako kagabi!” sambit niya habang nakayakap sa’kin. Mahina ko lang siyang tinapik sa balikat niya para kumalma siya.
Bumitaw naman siya sa’kin at tinignan ang mukha ko. Hindi ko na rin nagamot ang mga pasa ko dahil sa nangyari kagabi kaya medyo namamaga pa siya.
“Look at your face! F–ck!” sigaw niya at pinindot ang pasa ko sa labi na siyang kinangiwi ko lang. “I heard what happened! Sinisisi pa ako ni Erin dahil hindi kita sinamahan kagabi!” inis na sambit niya at hinila niya ako sa kama. Napatitig na lang ako sa kan’ya pero nabigla ako na biglang bumuhos muli ang mga luha ko.
“Oh, my gosh! Alam mong hindi tayo pwede dahil straight ako! Pero hindi mo kailangan umiyak!” sambit niya habang nagpapanic dahil umiiyak na ako sa harapan niya.
Napayuko na lang ako at napatakip sa bibig ko dahil akala ko iniyak ko na ang lahat kagabi pero hindi pa rin pala dahil mas kailangan ko ng kaibigan ngayon.
Umupo naman siya sa tabi ko at niyakap ako. “I-I’m sorry... si dad kasi palaging wrong timing!” sambit ni Claire pero umiling lang ako sa kan’ya. It’s not her fault.
Ako ang may kasalanan ng lahat dahil pati ang pagtatalo ng mga magulang ko ay kasalanan ko. Wala na talaga akong ginawang tama puro na lang gulo ang laging dala ko. Ang gusto ko lang din naman tahimik na buhay kasama ng mga anak ko pero hindi yun ang nangyayari dahil simula nung bumalik ako mas lalo lang naging magulo ang lahat.
Siguro nga tama si Sophia na gulo lang ang dala ko sa pamilya.
Nang mahimasmasan na ako ay lumayo na ako at pinunasan ko ang mga luha ko. “Thank you...” sambit ko kay Claire, at ngumiti na lang.
Bumuntong hininga si Claire. “Sigurado bang okay ka na? May ginawa ba si Young sa’yo?”
Isa pa ’yan.
Halos nakalimutan ko na ang ginawa niya pero ngayong naalala ko ulit parang gusto kong balikan si Young at patayin na siya pero hindi ko na gagawin ’yon dahil alam kong natuto na siya sa mga ginawa niya.
“Ayos lang ako. Dumating naman ang mga pinsan ko at si... Dominic.” sambit ko, at napaiwas na lang ng tingin sa kan’ya.
Napabuntong hininga naman siya at tumingin sa’kin. “Nabalitaan ko ngang galit na galit si Dominic sa nangyari sa’yo. Hindi ba nila nahalata ang ginawa ni Dominic?” tanong niya. Natigilan ako at napalingon ako sa kan’ya. “Bakit gan’yan ka makatingin sa’kin?” tanong niya at napaatras dahil sa mga tingin ko. Napailing naman ako dahil puro kalokohan nanaman ’tong si Claire. TSK.
“Kamuntikan ko ng mabulgar ang lahat kagabi. Mabuti na lang hindi na sila nagtanong pa.” sambit ko, at napahiga ako sa kama.
“Bakit ba kasi ayaw mo pang sabihin na may nakaraan kayo? Nang may mga anak na kayo para sa gano’ng tapos na ang problema mo.” sambit niya. Napailing ako at napahinga ako ng malalim habang nakatingala sa kisame.
"Kapag sinabi ko ba... may magbabago ba? Kapag ba sinabi ko ba ang totoo, magtitiwala ba ulit sila sa’kin? Kapag ba sinabi ko ba, hindi na ba masasaktan ang mga anak ko?” tanong ko. Natahimik naman si Claire kaya mas lalo lang akong napangisi ng mapait sa kaniya.
“Walang magbabago Claire. Mas lalo lang lalala ang sitwasyon. Ikakasal na si Dominic at si Sophia kaya ayokong ng maging hadlang pa.” ngumisi ako at pinatong ko ang braso ko sa noo ko dahil may mga luha nanaman ang umagos. “Mas okay na sa’kin na ganito na lang sitwasyon kesa madamay pa ang mga anak ko sa kung anong gulong meron ang pamilya ko.” sambit ko. Hinila naman ni Claire ang braso ko kaya napatingin ako sa kan’ya pero napaiwas din dahil umiiyak nanaman ako.
“May magbabago, Scarlett.” sambit niya at naramdaman kong humiga siya sa tabi ko. “Para malaman na rin nila na hindi lang basta kung sino lang lalaki ang ama ng mga anak mo.” humarap siya sa’kin pero nanatili lang akong nakatalikod sa kan’ya. “Gusto mo bang habang buhay makihati ng attention ang mga anak mo kay Dominic? Habang buhay nilang dadalhin ang salitang bastardo? At Alam naman natin na mas mahal ka ni Dominic.” sambit niya. Napaiwas naman ako ng tingin dahil alam ko naman ’yon pero mas magiging kumplikado lang ang lahat.
Pinunasan ko ang mga luha ko at bumangon na ako sa kama. “Claire, maraming problema ang pamilya ko ngayon. Ayoko ng dagdagan pa ’yon. Mas gusto ko na lang ng tahimik na buhay para na rin sa mga anak ko. Sa ating lahat sila ang mas maaapektuhan sa gulo.” sambit ko pero napabuntong hininga na lang siya dahil mukhang hindi naman na niya ako mapipilit.
“Kung ’yan na ang desisyon mo wala na akong magagawa pa. Basta nakasuporta lang ako sa’yo kapatid,» sambit niya, at tinapik niya ako sa balikat na parehas lang kaming natawa sa mga sarili namin.
Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito si Claire sa tabi ko mula noon hanggang ngayon. Siya lang din talaga ang maaasahan ko maliban pa sa mga pinsan ko.
“Ang hirap pala, noh? Wala man lang akong kaalam-alam na nagkakaproblema ang mga magulang ko dahil sa’kin.” ngumiti ako. “Mas pinili kong tumakbo kaysa harapin ang mga problema ko kaya pati sila mom and dad, nag-aaway ng dahil sa’kin. I’m selfish and pathetic, right? Mas iniisip ko lang ang nararamdaman ko kaysa sa nararamdaman ng pamilya ko,” sambit ko at napayuko na lang ako.
“It’s not your fault. Dito kayo susubukin ng tadhana, Scarlett. Bukas ang isipan ng pamilya mo, kaya maiintindihan ka nila sa oras na malaman nila ang totoo kung bakit ka umalis ng walang pasabi.” hinila niya ako para humarap sa kan’ya at hinawakan niya ako sa balikat ko
“Alam ko rin na kakayanin mo ang problema. Ikaw kaya si Scarlett Venice Knight. Isa kang knight kaya malalampansan mo rin ’to,” nakangiting sambit niya at inakbayan niya ako. Napangiti na lang ako pero nawala ang ngiti ko nang may naalala ako.
“Claire, mukhang tama ang hinala ko na ako ang target at hindi si chairman.” sambit ko at napatingin naman siya sa’kin kaya tumango ako. “Sinabi sa akin ni Gino. Ako talaga ang target nila at dinamay lang nila si Chairman. Ang sabi pa niya, binayaran lang siya para patayin ako.” dagdag ko pa. Kumunot naman ang noo niya na parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
“F–ck. Mukhang tama ka nga. Pinag-aralan ko yung CCTV na nakuha ko nung gabing naka engkwentro natin ang mga tauhan ni Young. At yung iba pang anggulo ng CCTV bago mo pinasabog ang sasakyan nila.” napahawak siya sa chin niya at tinignan ako. “May gusto ngang pumatay sa’yo. Damn it. Kailangan ’tong malaman ng mga pinsan mo!” sambit niya at tumayo na pero hinila ko siya para maupo ulit.
“Hindi muna nila pwedeng malaman. Baka marami silang nakapaligid sa’tin. Mas mabuting wala munang nakakaalam dahil gusto kong kumpirmahin muna ito.” bulong ko at ngumisi sa kan’ya. “Mangako ka na wala kang pagsasabihan na iba. Hindi na rin natin makakausap si Young dahil hindi ko alam kung anong ginawa ng mga pinsan ko sa kan’ya kaya medyo hindi pa malinaw ang lahat.” sambit ko at tinapik ko siya sa balikat.
“Bakit tayo bumubulong?” bulong niya. Ngumiwi naman ako at tinulak ko na siya ng malakas para lumayo siya sa’kin.
“Puro ka kalokohan! Ewan ko sa’yo!” inis na sambit ko pero tinawanan niya lang ako.
“Eh, ikaw ’tong bumubulong—” Natigilan kami parehas nang bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya nilingon namin kung sino ’yon.
Natigilan lang ako nang malaman kung sino siya. “M-Mom...” ngumiti siya at lumapit na siya sa’min.
“Pinapatawag tayong lahat ni chairman,” sambit niya, at hinaplos niya ang buhok ko. Natigilan kami ni Claire at nagkatinginan na dalawa.
Ano kayang dahilan bakit nagpatawag ng meeting si chairman? Dahil ba ito sa nangyayari ngayon sa pamilya? At ito ba ang tinutukoy ni mom kagabi?
Ngayon pa lang kinakabahan na ako... Sana maging maayos ang pag-uusap ngayon.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.