RAFAEL's POV
NALAMAN ko mismo kay Hana ang parusa na ipinataw kay Jana. Kaya pala ganoon na lang ang iyak ni Jana dahil pinababalik na siya ng probinsya at pinahihinto sa pag-aaral. Hindi ko inaakala na aabot sa ganoong kalalang parusa ang ipapataw sa kaniya. Nakiusap sa akin si Hana na kausapin ko raw ang Papa niya at pakiusapan na baguhin ang desisyon dahil ayaw ni Hana na mahiwalay sa kaniya ang kapatid. Kinausap na raw ng Mama niya ang Papa niya at kahit si Hana pero mukhang buo na ang desisyon ng Papa ni Hana.
Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko rin naman din mangyari iyon kay Jana kaya nagdesisyon din akong kausapin ang Papa ni Jana.
Ngayon ay nandito ako sa bahay nila Jana at nasa sala kaharap ang Papa niya habang katabi ko naman sa upuan si Jana na tahimik at mukhang malungkot.
"Rafael wala kang ginawang masama kaya hindi mo kailangan humingi ng tawad. Isa pa, maraming beses ng ginawa ito ni Jana at palaging may nagrereklamong magulang sa kaniya dahil sa katapangan niya saka napapatawag pa kami ng Mama niya sa guidance noong high school siya dahil sa pang-aaway niya. Hindi naman ikaw ang dahilan kung bakit ko iyon ang naging desisyunan ko kaya wala kang kasalanan sa amin lalong-lalo na kay Jana.
"Sa tingin ko kasi ay dapat nang makaranas ng parusa na matindi si Jana nang matigil na ang pagiging salbahe niya at maiwas na rin siya sa mga gulong palagi niyang kinasasangkutan nang magtanda at maging mabuting tao," paliwanag ni Tito sa akin.
Napatingin ako kay Jana at napahikbi siya sa narinig na desisyon ng Papa niya. Hindi siya nagsasalita at tanging nakayuko lang siya sa tabi ko. Nawala ang matapang na Jana na unang nakilala ko at wala siyang anuman naging reklamo sa naging desisyon ng Papa niya.
"Tito, ako na lang po ang bahala kay Jana. Babantayan ko po siya at sisiguraduhing titigilan na niya ang pambu-bully. 'Wag niyo lang po siya paalisin at papuntahin ng probinsiya. Kapag hindi ko pa po siya mapabago o mapatino ay ako na po mismo ang magsasabi sa inyo na pauwiin niyo siya sa probinsiya. Please po, Tito, hayaan niyo po akong makabawi sa kabutihan niyo sa akin," pakiusap ko sa Papa ni Jana.
Ayokong dahil sa akin ay malungkot si Hana na napakabait na bata kaya ko sinasabi ang lahat ng ito sa Papa nila.
Napatingin sa akin si Jana at si Tito naman ay napailing.
"Pasalamat ka, Jana, at mabait si Rafael pero gusto kong sundin mo siya dahil alam kong mapapabuti ka sa kaniya. Kapag hindi ay paaalisin na kita rito sa bahayat doon ka sa probinsiya kasama ang Lola mo," sabi ni Tito kay Jana.
Napangiti naman ako dahil napabago ko na ang desisyon ng Papa nila Jana kaso napaisip ako bigla dahil responsibilidad ko na ngayon si Jana at parang napasubo ako sa lahat ng mga sinabi ko.
Napatingin ako kay Jana na gulat din ang namumutawi sa emosyon ng mukha dahil marahil sa sinabi ko.
"My God! Bakit ba kasi 'yon ang naisip ko?" tanong ko bigla sa sarli ko,
Wala naman akong nagawa dahil napasubo na ako kaya paninindigan ko na lang ang desiyon ko.
Kinabukasan sinundo ko si Jana sa bahay nila para sabay na kaming pumasok.
"Ate, nandito na si Kuya Rafael sabay raw kayo papasok," sigaw ni Hana na siyang nagbukas ng pinto.
Pinapasok na ako ni Hana kaya sa sala na ako dumiretdo.
"Ha? Wala naman siyang sinabi sa akin, eh?" ismid na tugon ni Jana na nagsusuot ng sapatos.
"Bakit ayaw mo ba?" tanong ni Tito sa kanya na umiinom ng kape.
"Hindi po, Papa, sasabay po ako sa kanya. Hindi ba Raffy?" tugon ni Jana.
"Ha? You call me, Raffy?" nagulat na tanong ko.
"Oo, ang cute kaya. From now on I will call you Raffy." Ngumiti si Jana na ng nang-sasar.
"Ah, okay. Let's go, Baby," tugon ko naman.
Akala siguro ni Jana wala akong laban sa pang-aasar niya.
Nanlaki ang mata ni Jana sa tinawag ko sa kanya at umawa naman si Tito.
"Baby?" hindi makapaniwalang bulalas ni Jana.
"Oo. You look baby kasi nang nakita kitang umiyak, and I think it's not that bad to call you baby, 'di ba Tito?" tanong ko rin sa Papa ni Jana at naghanap pa ako ng kakampi.
"Oo naman. Bagay sa'yo, Jana, baby height ka naman," ayon din ng Papa ni Jana na ikinalapad ng ngiti ko.
"Papa!" reklamo ni Jana.
"Nagrereklamo ka ba?" istriktong tanong ni Tito.
"Hindi po," kaagad na tanggi ni Jana pero halata na tutol siya, "tara na, Raffy," yaya na ni Jana sa akin.
Nang makalabas kami ay nagmamadaling lumakad si Jana na halos iwanan na ako sa sobrang bilis.
"Baby!" tawag ko.
"Stop calling me baby, you asshole!" galit na sigaw niya sa akin.
"Asshole? Paano kaya kapag nalaman ni Tito, that you called and treat me like that. Ano kaya gagawin niya?"
Huminto si Jana at naiinis na nakatingin sa akin.
"Oo na! Call me all you want! Nakakairita ka!" sumusuko pero ayon na rin ni Jana na ikinalapad nang ngiti ko.
"Just be nice to me, okay. And we will be good friends."
Inirapan ako ni Jana."Fine!
Iyon ang simula nang pagiging malapit na magkaibigan namin ni Jana. Naging nice naman siya sa akin pero hindi ang nice na inaasahan ko. Salbahe pa rin siya pero sa akin na lang 'ata. Mahaba lang pasensiya ko at nanahimik naman si Jana kapag nagagalit na ako. Takot din siya sa akin kasi alam niya kung paano ako magalit at napapasunod ko naman siya. Pero sa kabila ng lakas na ipinapakita ni Jana ay alam ko na mahina siya, hindi man halata pero alam ko na hindi siya ganoon kalakas kagaya ng inaasahan nang marami.
End of flashback.
Napangiti ako sa ala-alang iyon at nakadama rin ako ng kalungkutan.
"Nakaka-miss ang dati," sabi ko sa sarili.
JANA's POV
KUNG saan-saan lang kami pumunta ni Brix at kumain sa restaurant. Hindi naman boring kasama si Brix at kahit paano ang sama ng loob ko kay Rafael ay nawala dahil sa kanya.
Nasa isang mall kami at namimili ng damit. Nagpasama kasi si Brix na bumili ng bagong coat and tie at nagpatulong kung ano ang babagay sa kanya. Habang naghahanap ako sa ibang direksyon na hiwalay sa kay Brix ay may pamilyar akong boses na narinig at nang silipin ko siya ay hindi ako nagkamali.
"Rome!"
"Oo, Love, after nito pupunta ako diyan. Of course, ikaw pa ba?"
Tumawa pa si Romeo at nadurog kaagad ang puso ko nang malaman na may ibang karelasyon na siya tapos ako ay hindi pa maka move-on sa hunghang na 'to? Nasaan ang katarungan?
"Oo na, promise! I love you too." Nakinig pa si Romeo sa cellphone niya, "sige bye."
Ibinaba na ni Romeo ang phone at napatingin siya banda sa kinaroroonan ko kaya iniwasan ko kaagad siya tingin.
"Jana?" Kaagad lumapit sa akin si Romeo.
"Hey! How are you?" masayang tanong ko.
Pinasaya ko ang boses ko para hindi halata ang sakit na nararamdaman ko pero nagulat ako nang yakapin niya ako.
"I miss you!" bulalas ni Rome.
"Hala siya? Anong I miss you ka diyan? Bitawan mo nga ako," mahinahong kong sabi at itinulak si Romeo pahiwalay sa akin.
"Jana, alam ko naging masama ako sa'yo. Five years tayo-
"Rome, you don't need to apologize. Okay na ako nang katulad sa iyon, actually, may boyfriend na ako, and we love each other so much," pagsisinungaling ko.
Gusto ko nang maiyak pero pinipigilan ko lang.
"Hindi ba ikaw rin meron ka na?" Tumango si Romeo.
"Jana, tingin mo ba bagay-
Hindi natuloy na sabi ni Brix at napatingin kay Romeo.
"Siya ba?" tanong ni Romeo.
Tumango lang ako.
"Iyan na ba napili mo, hal? Maganda 'yan bagay sa'yo."
Nakita ko ang pagtataka ni Brix pero parang na-gets naman kaagad ni Brix ang palabas ko.
"Talaga mahal? Gusto ko nga ito, eh." Inakbayan ako ni Brix, "sino pala siya mahal?
"I'm Jana's ex-boyfriend," tugon ni Romeo.
"Oh? Ikaw pala? You know what, bro, sinayang mo lang si Jana," sabi ni Brix kay Rome,"sige bro, alis na kami may date pa kasi kami nitong girlfriend ko," paalam na ni Brix kay Romeo saka tinapik sa balikat si Romeo at umalis na kami doon.
Nang makalabas na kami ng shop ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko.
"You still love him, right?" tanong ni Brix. Tumango lang ako at patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko, "gusto mo ba ihatid na kita pauwi?" nag-aalalang tanong sa akin ni Brix.
"No. Gusto ko makalimutan siya kahit sandali. Kahit sandali lang Brix, kay tara uminom tayo."
"Pero, Jana, hindi mawawala ang nararamdaman mong sakit sa pag-inom," tutol ni Brix.
"Please, Brix."
Tuloy-tuloy pa rin ang luha ko at hindi ko na talaga kaya ang sakit na nararamdaman ko at gusto ko itong makalimutan.
Kahit sandali lang.
RAFAEL's POV
ALAS- onse na ay hindi pa umuuwi si Jana. Tinatawagan ko siya pero hindi niya sinasagot ang cellphone niya. Si Hana rin ay wala pa at nang tawagan ko siya ay mag-overnight daw siya sa kaklase niya para sa thesis.
Mabuti pa si Hana ay alam niya kung nasaan pero si Jana dis-oras na nang gabi wala pa rin. Ang alam pa naman niya ay nakipag-date si Jana sa Brix na 'yon.
"Subukan niya lang pakialaman si Jana. Mapapatay ko siya!" gigil na banta niya sa sarili.
Tinawagan ko ulit si Jana at nag-ring na naman ito at may sumagot na sa wakas!
Pero hindi si Jana dahil boses lalaki ang sumagot ngayon.
"Who the hell is this?" galit na tanong ko sa sumagot sa tawag ko kay Jana.
"Hi, I'm Brix, Jana's workmate."
"Where is she? Bakit ikaw ang sumagot sa phone niya?" galit pa ring tanong ko.
"Nasa bar kami-
"What? You're asshole! Bakit niyaya mo siya sa bar? Are you out in your mind?"
Labas na litid ng ugat ko sa leeg sa galit sa kausap ko ngayin.
"No. Sinubukan ko siyang pigilan pumunta rito kaso mapilit siya. Nakita niya kasi ex niya at nasaktan siya, pare, eh. Sorry ulit."
"Where is she?" huminahon nang tanong ko.
Nang marinig ko kasi na nakita ni Jana ang ex niya na si Romeo ay biglang nakadama ako ng pag-aalala lalo kay Jana tapos sabi pa ay nasaktan si Jana dahil sa ex niya.
"She's drunk. Pero iuuwi ko na siya," tugon ni Brix.
"f**k! She's drunk!"
"No. Ako na! Nasaan ang location niyo?" tutol at tanong ko kay Brix.
Nang malaman ko kung saan banda ang bar na kinaroroonan nila nina Jana at Brix ay kaagad akong pumunta roon. Pagpasok pa lang ay napakaraming tao na ang naabutan ko sa bar. Nagsisisayawan, nag-iinuman at may magkakadikit pa na mukhang mga lasing na. Hinanap ko kaagad si Jana pero hindi ko siya makita kahit saang table.
"Jana, please stop it! Parating na kapatid mo!" narinig kong sumigaw na sa likod ko.
Marahil sa lakas ng tugtog kaya siya sumisigaw. Kaagad ko itong hinanap at nakita ko si Jana na sumasayaw. May lalaki sa likod niya na mukhang wala nang magawa. May mga lumapit pa na dalawang lalaki para sayawin si Jana.
"Hey, bro! Don't touch her she's my girl!" iritadong sita ni Brix.
"We don't care! I think your girl enjoy our company. So, get lost!" matapang na tugon ng isang lalaki at tinulak pa si Brix. Iyong isa naman ay hinawakan na sa bewang si Jana at parang wala naman kay Jana ang lahat.
"Bullshit! Sinugod ko kaagad ang lalaking humawak sa bewang ni Jana at sinuntok.
"What the-
Nakita ko naman ang takot ng lalaki nang makita ako. Lumapit ang kasama niya na tumulak doon sa Brix.
"Let's go, 'tol, malaki iyan baka mapuruhan tayo diyan!" aya kaagad ng kasama niya sa kanya saka sila nagsialisan at lumapit naman si Brix.
"Hi, are you Jana's brother? I'm Brix." Nakipagkamay si Brix pero hindi ko ito tinanggap kenwelyuhan ko pa siya.
"Next time don't date a girl if you can't protect her! You're a coward!" gigil na sabi ko kay Brix saka ko siya tinulak.
"Sorry, hindi na po mauulit. I will take care of your sister next time."
"Hindi na talaga mauulit dahil hinding-hindi na siya makikipag-date sa'yo! Isa pa, I'm not Jana's brother!"
Nilapitan ko si Jana at hinawakan ang braso niya saka hinila pero binawi naman iyon ni Jana.
"Don't touch me, Brix! Let me dance here!"
Nainis si Rafael at hinarap sa kanya si Jana. Pulang-pula na ang mukha at halatang naparami na siya ng inom.
"I'm not, that jerk!"
Nagulat si Jana nang makita ako.
"What are you doing here?' tanong ni Jana, "Brix?" tawag niya sa Jerk na iyon.
"Jana! I'm here," tugon ni Brix.
"Let's go home, Jana!" inis na utos ko.
"No! I'm not going home! I just want to enjoy it. Just let me enjoy, Raffy, let me, please."
Hinawakan ni Jana ang mukha ko at nakikiusap ang mga mata niya.
"No! Let's go."
Hinila ko ulit si Jana pero pumalag siya at tinulak ako. Nilapitan niya si Brix at kumapit sa braso ng lalaki.
"Don't let that guy get me, please, Brix," pakiusap na ni Jana kay Brix.
"Pero Jana-
"Please, Brix."
"s**t, Jana! You need to go home! Look at you? You're so wasted!" iritadong bulalas ko kay Jana.
"Uuwi ako pero si Brix ang mag-uuwi sa akin. Ayoko sa'yo! Ayoko!" tugon sa akin ni Jana.
"Bro, ako na lang mag-uuwi kay Jana. Don't worry I will taking care of her-
Sa inis ko sinuntok ko na si Brix kaya natulala namang napatingin si Jana sa natumbang si Brix.
"B-brix!"
Dadaluhan pa sana ni Jana si Brix pero hinila ko na siya at parang sako ng bigas na binuhat.
"Let me go! Let me go!"sigaw ni Jana at nagpalalag,"Brix! Brix, help me!" tawag pa ni Jana kay Brix.
Nang makalabas kami ay ibinaba ko siya at binuksan ang pinto ng kotse.
"Get-in!" maotoridad kong utos kay Jana.
"No!" tutol na sigaw ni Jana.
Sa inis ko ay hinawakan ko braso ni Jana at ipinasok patulak sa kotse saka ako pumasok sa kotse.
"I hate you! I hate you! I hate you!" sigaw ni Jana.
s**t! Kaya ayaw kong umiinom si Jana, eh, nababaliw kasi siya kapag nakainom at kung hindi siya nananakit ay nagwawala.
"Shut up!" sigaw kong saway kay Jana.
"Let me go! Let me go! I hate you! Pare-pareho lang kayona iniiwanan ako! I hate you, Raffy! I hate you, Rome!" sigaw ni Jana
Umiyak nang malakas si Jana at napatitig lang ako habang naggpapalahaw siya ng. Ilang minuto rin kaming nasa kotse bago ko pinaandar ang kotse.
"I hate all of you! I hate you!" paulit-ulit pa ring sabi ni Jana habang nagbabiyahe kami.
Nang makarating kami sa bahay ay binuhat ko siya at dinala sa kwarto niya. Dinala siya sa banyo at binuksan ang shower. Napasigaw pa si Jana sa gulat at marahil sa lamig ng tubig na dumaan sa katawan niya.
"Stop it, Raf. Stop it!"
Tatayo pa sana si Jana pero hindi ko hinayaan kaya wala siyang magawa. Hanggang tumahimik siya at nakita kong nahimasmasan na siya. Itinayo ko na si Jana sa pagkakaupo niya at pati ako parang naligo na rin dahil basang-basa na rin ako. Iniwan ko na muna siya para kumuha ng towel at nang makakuha ako saka ko siya binalikan.
"Hubarin mo damit mo at kukuha ako ng masusuot mo. Ito pantakip mo sa katawan mo," utos ko sa kanya.
Tumango naman si Jana at inabot ko ang towel saka lumabas ng banyo. Nang bumalik ako, nakaupo na uli si Jana pero hindi nakalapit ang pang-upo niya sa sahig. Marahil lamig na lamig na siya. Nakatapis na siya ng towel.
"Oh, isuot mo," utos ko kay Jana at inabot ang damit. Tumalikod na rin ako para makapag-bihis na siya, "sabihin mo kapag tapos ka na, ha."
"Tapos na."
Pagharap ko kay Jana ay nakabihis na siya at kinuha ko ang towel saka pinunasan ang buhok niya. Hinila ko siya sa kama at pinagpatuloy ang ginagawa ni Jana.
"Sinabi ko na sa'yo 'di ba? Huwag kang uminom. Bakit uminom ka pa rin? What happened to you? You really out of your mind!" inis ko pa ring sermon kay Jana.
"I just want to forget," mahinahong tugon sa akin ni Jana kaya nangunot na ang noo ko.
"Forget? Do you think alcohol makes you forget?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Jana.
"It's hurting me so much, RAF, all of you are leaving me. I feel so hopeless, first ikaw kasi hindi mo na kinaya ugali ko tapos si Rome, kasi madamot ako. Feeling ko ang sama-sama ko at hindi ko kayang mag-alaga ng mga mahal ko sa buhay kaya mas pinipili niyong iwan ako."
Panay na naman ang pagtulo ng luha ni Jana. Nakadama ako nang matinding awa sa kanya kaya niyakap ko na siya.
"I'm sorry to feel you like that, Baby. Hindi ako umalis dahil sa hindi ko kinaya ugali mo. Ano ka ba? Kaya kong tiisin ang ugali mo at alam mong napakahalaga mo sa akin, eh," puno nang lambing na pag-aalo ko kay Jana.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.