JANA's POV
"Who are you?” gilalas na tanong ko.
Nagulat lalo ako nang umupo rin ang hindi kilalang tao na nasa harapan ko kaya kinuha ko kaagad ang unan at malakas na pinaghahampas ang estrangherong nasa kama ko ngayon.
"Walang-hiya ka! Sino ka? Bakit ka pumasok sa bahay naming? Magnanakaw ka, ano? Magnanakaw! Magnanakaw!" sigaw ko at malakas na pinagtatadyakan ko siya.
"Aray! Tama na!” pigil na sigaw naman ng estranghero.
"Anong tama na? Walang-hiya ka!” gigil na tugon ko sa kanya.
Matapos kong malakas na hampasin ng unan ang estranghero at tadyakan pa, ay malakas ko pa siyang sinuntok sa mukha kaya bumagsak siya sa kama at nahulog pa siya sa sahig.
"f**k!" sigaw na naman niya at halatang nasaktan.
Lumuhod na ako sa kama at humanda. Nakaamba pa ang kamao ko habang patayo siya.
"f**k it, Jana! Ganyan mo ba ako iwe-welcome?" reklamo pa niya at hawak pa ang nasuntok kong pisngi niya.
Matiim akong napatitig at hindi ko maaninag ang itsura niya kaya kaagad akong tumayo at binuksan ang ilaw. Naaninag ko na ang mukha niya at nang makilala ko kung sino ang taong iyon ay nagulat ako.
Malaki kasi ang pinagbago niya.
Mahaba na ang buhok na hanggang balikat at may balbas na siya. Lumaki rin ang katawan niya, hindi tulad noong huli ko siyang nakita at nag-matured siya ngayon pero mas dumagdag naman iyon sa ka-gwapuhan niya.
"Raffy?” kaagad kong banggit sa pangalan niya.
"Oh, yeah,” tugon niya.
Sinugod ko kaagad siya at nakita ko na tinakpan ni Rafael ang mukha niya pero nagpatuloy pa rin akong lapitan siya at yakapin. Unti-unting tumulo ang mga luha ko na hindi ko napigilan.
"Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mong nawala, ah, saan ka ba pumunta?" tanong ko sa kabila ng paghikbi ko.
"Hey!” Humiwalay si Rafael sa akin,"are you okay? Why are you crying?” nag-aalalang tanong niya sa akin.
"I miss you, Raf, bakit ba kasi iniwan mo kami?" Niyakap ko ulit siya.
"I'm sorry, Baby." Niyakap din niya ako ng mahigpit, "I miss you too. Kayo ni Hana,” aniya.
Nakadama ako ng pagkahilab ng tiyan at nasusuka ako kaya humiwalay ako sa pagyakap kay Rafael saka mabilis naglakad papasok sa banyo at doon ko inilabas ang lahat ng kinain ko. Isinuka ko iyon at mayamaya ay naramdaman ko na may humimas sa likod ko.
"Are you drunk? Kailan ka pa natutong uminom?" narinig kong tanong ni Rafael na may bahid ng galit.
Pinunasan ko ang labi ko at humarap kay Rafael. "Kasalanan mo iyan. Iniwan mo kami, eh, hindi mo tuloy napigilan ang pag-iinom ko!” paninisi ko kay Rafael.
"Nababaliw ka na ba? Tumayo ka na at maghilamos na!" inis pa ring utos ni Rafael sa akin.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at mabilis akong humiga sa kama ko. Antok na antok na talaga ako at kailangan ko ng itulog ito.
"Sa susunod ay huwag kang iinom ng marami kung hindi mo naman kaya!" narinig ko pang sermon ni Rafael bago pa ako tuluyang nakatulog.
RAFAEL's POV
NAKATITIG lang ako sa nahihimbing na si Jana. Naiinis ako dahil sa paglalasing niya pero tama naman siya, umalis kasi ako kaya hindi ko tuloy siya napigilan sa pag-iinom niya. Napabuntonghininga ako at inalis ang sapatos ni Jana sa paa.
Wala pa rin siyang pagbabago. Matapang pa rin at palaban pa rin siya katulad lang ng dating Jana na nakilala ko.
Tinitigan ko ang mukha ni Jana, napaka-simple lang niya pero maganda at kahit maliit lang na babae ay maganda naman ang katawan niya. Mukha siyang bata sa edad niya at kung titignan ay mukha lang siyang twenty-years old at ang cute-cute pa rin ni Jana na kagaya pa rin noong iniwan ko sila. Nag-matured man siya ng konti pero mukha pa ring bata sa tunay na edad niya.
Napalingon ako sa biglang pagbukas ng pinto at si Hana ang kaagad na iniluwa ng pintong iyon.
"Ate,” sabi ni Hana at bumakas ang gulat sa mukha nang mapatingin siya sa akin.
"Hi, little sis," bati ko sa kay Hana na bunsong kapatid ni Jana.
"Kuya Rafael?” gulat na bulalas ni Hana.
Nginitian ko lang si Hana at bumakas ang ligaya sa mukha niya saka kaagad akong sinugod ng yakap.
"Kuya Rafael, buti umuwi ka na," masayang sabi ni Hana saka humiwalay na rin sa pagkakayakap sa akin.
"Nabasa ko iyong death threat sa akin ng Ate mo at isa pa, ga-graduate ka na pala? Gusto ko rin masaksihan iyon," tugon ko at ginulo ang buhok ni Hana.
"Death threat?” nagtatakang tanong ni Hana.
"Oo. Napaka-sweet talaga kahit kailan ng Ate mo. Once in a blue moon na nga lang magme-message para pang death threat."
Natawa naman si Hana. "Si Ate talaga kahit kalian."
Tumingin si Hana sa kapatid at nagtaka naman siya sa itsura ng Ate Jana niya.
“Oh, anong nangyari sa kanya? Teka, nakapag-usap na ba kayo?” tanong ni Hana sa akin.
"Oo, nakapag-usap na kami ng Ate mo at nasapak na nga niya ako, eh. Uminom iyan at mukhang naparami kaya bagsak siya ngayon,” tugon ko.
"Nasapak ka ni ate?” hindi makapaniwalang-tanong ni Hana.
"Oo. Wala pa ring pagbabago.”
"Si Ate talaga! Tapos uminom na naman siya, napapadalas na 'yan,” sumbong sa akin ni Hana.
"Bukas na natin kausapin ang Ate mo. Nga pala, bakit ngayon ka lang umuwi? Masyado ng gabi?” nag-aalalang tanong ko kay Hana.
"Tinapos ko pa po kasi thesis namin. Alam mo na po, graduating at marami ang ginagawa,” tugon ni Hana.
"Okay lang naman iyon pero sa susunod ay huwag kang gagabihin ng ganito. Delikado para sa kagaya mo,” payo ko kay Hana.
Hindi na kasi iba sa akin si Hana at parang nakakabatang kapatid ko na siya. Pamilya na rin kasi ang itinuring ng mga magulang nila Hana sa akin at ganoon na rin ang turing ko sa kanila.
"Opo,” nakangiting tugon ni Hana.
Kagaya ng ate ni Hana ay maganda rin siya, mas pala-ayos lang siya at matangkad sa nakakatandang kapatid pero magkamukhang-magkamukha sila ni Jana. Naiba lang ang mga mata at labi ni Hana na alam kong nagmana sa Papa niya at isa pa, mas mabait si Hana sa Ate niya at may mahinahong ugali. Hindi tulad ng Ate niya na napakatapang at pala-away lalo na noong kabataan siya.
"Kuya, kumain ka na ba?” untag na tanong sa akin ni Hana.
"Oo, tapos na. May pagkain diyan sa ref niyo kaya ininit ko na lang. Pasensya na, hindi kasi ako makapasok sa bahay sa kabila kasi nawala ko ang susi ko. Nasa inyo pa ba duplicate key ng susi sa kabilang bahay?”
"Nasa amin pa, Kuya. Ano ka ba! Alam mo naman hindi ka na iba sa amin kaya kahit maglabas-masok ka rito sa bahay ay okay lang." Napangiti na lang ako, "Kuya, magpahinga ka na. Doon ka na lang matulog sa dating kwarto nina Mama at Papa. Ginawa na naming guest room 'yon at malinis naman doon."
"Sige, pagod din talaga ako. Tulog na ako kanina kaso nagising lang ako rito sa kapatid mo."
"Mukhang kadarating mo pa lang ang dami mo ng na-experience kay Ate. Malas mo naman Kuya Rafael. Hayaan mo bukas na bukas pagagalitan ko si Ate Jana,” aniya.
"Ako rin. Mukhang simula nang nawala ako ay ang dami ng kalokohan ng Ate mo, eh.”
"Hay naku, Kuya! Kung alam mo lang. Kwento ko sa’yo ang lahat bukas at magkwento ka rin sa akin, ha, kung saan ka nagpupunta nang umalis ka rito at kung anong nangyare na sa’yo.”
"Oo naman at oo nga pala. Marami akong pasalubong sa inyo at bukas mo na rin alamin 'yon."
"Na-excite naman ako bigla sa pasalubong mo pero dahil kailangan mo nang magpahinga. Sige. Bukas na lang,” sabi ni Hana.
"Ano ba! Ang ingay niyo!” Napatingin kami ni Hana at walang iba iyon kundi si Jana. Umupo pa siya at tumingin sa amin, "bakit ba dito kayo nag-uusap? Magsilayas nga kayo rito,"sigaw pa rin ni Jana at namumula ang mukha niya.
"Oo na, Ate, lalabas na kami," tugon ni Hana.
"Tara na Kuya, baka awayin pa tayo ni Ate," aya sa akin ni Hana.
Tuluyan na kaming lumabas sa kwarto ni Jana pero bago ako lumabas ay tinignan ko muna siya at nakahiga na siya padapa sa kama. Napabuntonghininga ako at mataman ko siyang pinagmamasdan habang sinasara ko ang pinto ng kwarto ni Jana.
JANA POV
"ANG sakit ng ulo ko! Aray!” reklamo ko.
Umupo na ako sa higaan at tinignan ko ang orasan na nasa bedside table ko. Maaga akong nagising kaya makakagayak pa ako para pumasok sa trabaho.
Tumayo na ako kaagad at dumiretso sa banyo para maligo. Nang makaligo ako kahit paano ay natanggal ang hang-over ko pero pakiramdam ko ay lutang pa rin ako kaso kaya ko naman at alam ko mayamaya ay mawawala na rin itong lutang na pakiramdam ko.
Bumaba ako ng hagdan at dumiretso patungo sa kusina. Mga tawanan ang sumalubong sa akin. Dalawang taong nagtatawanan na napatingin naman sa akin nang mapansin ang pagpasok ko sa kusina.
"Good morning, Ate," bati ni Hana sa akin.
“Good morning,” tugon ko.
Napadako ang paningin ko kay Rafael na nakatali ang mahabang buhok, naka-suot ng black na T-shirt, maong pants at balbasarado rin kagaya ng naalala ko kagabi na itsura niya. Totoo pa lang bumalik na siya at ngayon ay nasa harapan ko na siya. Akala ko panaginip lang ang lahat ng iyon.
Niyakap ko pa siya kagabi at umiyak dahil miss na miss ko talaga siya at dahil lasing ako ay nailalabas ko ang lungkot ko kaya nagawa ko iyon pero ngayon na nasa huwisyo na ako at kaharap ko siya ay muling nakadama ako ng inis sa lalaking ito.
Hindi sa nag-iinarte ako pero masakit pa rin sa akin ang pag-iwan niya sa amin. Ewan ko ba sa kapatid ko kung bakit wala man lang siyang naging sama ng loob sa pangit na iyan?
"Papasok ka?" tanong sa akin ni Rafael at hindi ko siya pinansin saka iniwas ko na ang tingin sa kanya.
"Ate? Papasok ka ba raw?" ulit ni Hana sa tanong ni Rafael.
"Oo. Hindi ba obvious?" pabalang kong tugon.
"Kape, oh." Inilapag ni Rafael ang kape sa mesa malapit sa akin at kinuha ko naman ito saka ininom.
Ang sarap! Na-miss ko ang ganitong timpla ng kape.
Si Rafael lang kasi ang ganito magtimpla ng kape. Ewan ko ba, kung ano ang nilalagay niya sa kape at bakit ganito kasarap?
Sinabayan ko naman ng pagkain ang kape ko at tumabi sa akin si Rafael na nakangiting tumitig sa akin habang kumakain.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano?" panunungit ko kay Rafael.
"Kumusta? Wala akong balita sa’yo, ah, maliban sa pagiging lasenggera mo?”
"Pwede ba. Wala ako sa mood makipag-usap sa’yo!" iritado kong tugon sa kanya.
"So, how's your life? Don't you miss me, Baby?" malambing na tanong niya sa akin.
"Bakit ko mami-miss ang taong nang-iwan sa amin? Saka sa tingin mo ba, gusto kong makita ang pangit mong mukha? Nakakairita ka!” iritado kong tugon kay Rafael.
Ang aga-aga pinapainit niya ang ulo ko!
"Ate!" saway sa akin ni Hana.
"Kahit kailan talaga, Baby, ang sweet mo sa akin," nakangiting sabi ni Rafael at ginulo ang buhok ko.
"Papasok na nga ako!” sabi ko at tumayo na.
"Ingat ka, Baby ko, umuwi ka ng maaga at huwag kang maglalasing," bilin pahabol pa ni Rafael sa akin. Tinignan ko lang siya nang masama at matapos niyon ay umalis na ako nang tuluyan.
Wala pa ring pagbabago si Rafael noon pa man ay ganyan na siya at kahit pa anong masasakit na salita ang sabihin ko sa kanya, saktan ko siya, physically and emotionally ay parang wala lang sa kanya kaya lalo akong naiinis sa kanya kasi ako na lang lagi ang nagmumukhang masama at siya ang mabait.
Hindi ko alam kung bakit pagdating sa kanya ay naipapakita ko ang lahat ng pangit ng ugali ko. Siguro dahil lagi niya lang akong pinababayaan kahit nasasaktan ko na siya at palagay ako na hindi siya magagalit at gagantihan ako para saktan din.
RAFAEL's POV
"PAGPASENSIYAHAN mo na si Ate, Kuya Rafael, may hang-over pa siguro iyon," hinging-pasensiya ni Hana sa akin.
"Sanay naman na ako sa Ate mo kaya okay lang." Kinuha ko ang iniwang kape ni Jana at ininom ko.
"Kuya! Bakit iyan ang iniinom mo hindi ka na lang nagtimpla ulit?” nagulat na tanong sa akin ni Hana nang makitang ininom ko ang tirang kape ng kapatid niya.
"Okay na sa akin ito. Iyang Ate mo, wala pa rin pagbabago kahit sa pag-inom ng kape ay ganoon pa rin at hindi kayang ubusin ang isang baso.” pansin ko.
"Naku, Kuya! Simula nang umalis ka ay lagi akong nagtatapon ng kape na natitira niya. Minsan nga, kami na naghahati kasi hindi kayang umubos ng isang baso niyan ni Ate, dati kasi kayo ang laging magkahati. Nasanayan na rin siguro niya,” nakangiting tugon ni Hana.
"Dapat kasi kalahati na lang tini-timpla niya nang hindi nasasayang."
"Ewan ko kay Ate."
Napailing na lang ako at muling humigop ng kape.
"Kuya Raf, sa’yo ba iyong kotse na nakaparada diyan sa labas ng bahay?” usisa ni Hana sa akin.
"Oo."
"Astig ng kotse mo, ah. Ang ganda niya Kuya, hindi ba Audi 'yon?” humahangang tanong sa akin ni Hana.
"Oo. Audi A3 Cabriolet, last year ko pa nabili iyan,” tugon ko.
"Iba talaga kapag anak mayaman, ano? Mabibili lahat ng gusto."
"Hindi naman ang yaman ko ang ginamit kong pambili ng kotseng iyan. Kumayod ako para diyan."
"Ano pala naging work mo Kuya, simula nang umalis ka?” usisa ni Hana sa akin.
"Gig. Nagpe-perform sa mga iba't-ibang bansa,” tugon ko.
"Gig?” Bakas ang gulat sa mukha ni Hana.
"Sa tatlong-taon ay ginawa ko ang lahat ng gusto ko. Sumali ako sa banda ng isa kong kaibigan at nag-perform kami sa iba't-ibang bansa. Nakakapagod pero masaya,” nakangiting sabi ko.
"Wow! Ang galing mo naman! Nagawa mo na ang gusto mo ay nakalibot ka pa sa iba't-ibang bansa tapos kumikita ka pa!” humahangang bulalas ni Hana, “pero Kuya, buti nagka-time ka pumunta rito kahit ang busy ka pala?”
"Siyempre, para sa inyo ng Ate mo ay gagawin ko ang lahat basta sabihin niyo lang,” nakangiting tugon ko kay Hana.
Bumakas ang saya sa mukha ni Hana sa narinig niya mula sa akin. “Salamat Kuya kong gwapo kahit long hair!" tugon niya.
"Gwapo naman talaga ako. Ang Ate mo lang ang napapangitan sa akin,” sabi ko.
"Sus! Maniwala ka doon kay Ate! Gwapong-gwapo sa’yo iyon, nagpapabebe lang iyon at sigurado ko miss na miss ka na rin niyon. Alam mo naman si Ate, pagdating sa’yo napaka-pabebe, bini-baby mo rin kasi eh,” nakangiting sabi sa akin ni Hana.
“Alam mo naman ang Ate mo, malakas sa akin eh,” nakangiting tugon ko.
Napailing-iling si Hana pero nakangiti naman.
"Ay Kuya! Maiwan na kita kasi papasok na ako at baka ma-late pa ako,” paalam niya bigla sa akin.
"Ihatid na kita," alok ko na kay Hana.
"Talaga? Sige. Maranasan ko naman na makasakay sa astig na kotse,” payag kaagad ni Hana na ikinangiti ko na naman.
Sumasaya talaga ako kapag kasama ko silang magkapatid. Iba ang saya ko nang ginagawa ko ang gusto kong pag-perform sa stage bilang singer sa saya na kapiling ko si Hana lalo na ang Ate niyang si Jana. Mas higit na mas masaya ako.
JANA POV
NAKATUTOK ako sa computer ko at nagpapaka-abala sa trabaho nang mapahinto ako bigla sa ginagawa ko.
"Oo nga pala! Kailangan kong makausap si Sir!” sabi ko sa sarili nang maalala ang binilin sa akin ni Sir, nang huli naming pag-uusap.
Tumayo na kaagad ako at lumakad papuntang opisina ni Sir Gian pero may kontra-bidang kaagad nakapansin sa pag-alis ko at mukhang may three-sixty siyang mga mata kaya kaagad niya akong nakita.
"Hoy! Saan ka pupunta?” mataray na salubong sa akin ni Samanta. Tumaas naman agad kilay ko.
"Tingin mo saan? May papunta bang restaurant dito?” pabalang kong tanong sa kanya.
"Wala! Sa opisina ka ni Sir pupunta, ano?” kaagad na hinuha niya.
"Alam mo naman pala nagtatanong ka pa!” iritadong sabi ko.
"Bakit? Masama bang magtanong?” mahinahon ng tugon niya. Namumula na ang mukha ni Samantha dahil napahiya na sa pangbabara ko sa kanya.
Huwag niya akong inisin ngayon dahil kaninang umaga pa ako iritado!
"Hindi! Pero ang pagtatanong na alam mo naman ang sagot ay katangahan iyon. Kaya kung ayaw mong magmukhang tanga ay huwag kang nagtatanong ng obvious naman!” pagpapamukha ko kay Samantha saka ko siya nilampasan.
Dumiretso na kaagad ako sa opisina ni Sir Gian na hindi naman kalayuan at kaagad na kumatok sa pinto niya.
"Come-in," narinig kong sabi ni Sir Gian kaya kaagad kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob ng opisina.
"Oh, Ms. Alejandra, may kailangan ka ba at nagpunta ka pa rito?" magiliw at nakangiting tanong sa akin ni Sir Gian.
"Sir, bumalik na po siya."
Nakita ko ang pangingislap ng mga mata niya at mas lumapad pa ang ngiti niya sa akin.
"That's good news! Halika rito at maupo ka nang makapag-usap tayo,” aya niya sa akin na hindi ko naman tinanggihan at kaagad akong umupo sa inaalok niyang upuan.
“Maari ko na kaya siyang puntahan para makausap?” tanong kaagad sa akin ni Sir Gian.
"Huwag po muna, Sir, kadarating lang po kasi niya baka po mabigla at mas maging negatibo ang kalabasan,” tugon niya.
"Sige. Sana Ms. Alejandra, tulungan mo akong ma-convince siya,” hiling sa akin ni Sir.
"I'll do my best, Sir."
"Thanks, Ms. Alejandra."
Ngiti lang kay Sir Gian ang naging tugon ko. Hindi kaagad ako nakaalis sa opisina ni Sir Gian dahil pinag-usapan pa naming ang taong gusto niyang makausap para ibigay ang kompayang ito na pinagta-trabahuan ko at kinumusta niya pa ito sa akin.
Matapos kung naming mag-usap ng boss ko ay kaagad na akong bumalik sa table ko para mag-umpisa na ulit magtrabaho at nakasalubong ko pa si Brix na may magandang ngiti kaagad sa akin.
"Hi Jana," bati sa akin ni Brix.
"Uy Brix!” tugin niya, “oo nga pala iyong kagabi, sorry ha, na-ekwento na sa akin nila Jay iyong ginawa ko sa’yo. Actually, iyong iba ay naaalala ko pero hindi ko alam kung bakit ang init ng ulo ko kahapon tapos nasaktan pa kita. Sorry talaga, Brix,” hingi ko ng despensa sa nagawa ko kagabi kay Brix.
"Okay lang, Jana, atleast nakita ko iyong ganoong side mo at mas na-turn-on pa ako sa’yo,” nakangiting tugon ni Brix.
"Hala ka! Ano ka masokista? Natu-turn-on sa mga babaeng mapanakit?” gulat na tugon ko.
Hindi ko inaasahan na magugustuhan pa ako ni Brix sa ginawa ko sa kanya kagabi kaya nagulat talaga ako sa sinabi niya ngayon.
Natawa naman si Brix. "Hindi naman iyon. Ang cute mo kasi lalo kagabi eh,” aniya.
"Ay! Magtrabaho na nga tayo wala nang nararating ang usapan natin,” tugon ko.
"Hindi ka ba babawi sa akin, Jana?" tanong ni Brix na ikinataka ko.
"Babawi saan?” takang tanong ko.
"Dapat kapag nagso-sorry ka ay may pangbawi rin,” aniya.
"Ano bang gusto mong bawi?” tanong ko kay Brix, “ang dami pa kasi nitong satsat!” reklamo ko na rin.
"Date tayo mamaya. Kahit iyon lang ay makabawi ka sa akin," sabi na ni Brix.
Napatitig naman ako kay Brix at napabuntong hininga.
"Papayag na nga ako. Date lang naman,” payag ng isip ko.
"Ngayon lang kita pagbibigyan kasi may nagawa akong kasalanan sa’yo pero after this, wala na akong kasalanan sa’yo,” paglilinaw ko sa binata.
"Oo naman!” tugon ni Brix at masayang-masaya pa na ngumiti.
"Sige na, magtrabaho na tayo at baka makita pa tayo na oras ng trabaho ay nagke-kwentuhan lang," taboy ko na kay Brix.
"Sige . Basta mamaya, Jana,” paalala niya sa akin.
"Oo na.” tugon ko.
Nginitian ko na si Brix at saka na kami pareho bumalik sa kanya-kanya naming desk para bumalik sa trabaho.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.