JANA's POV
MATAPOS ng graduation ay kumain kami sa labas at si Rafael ang nagyaya at nanglibre. Treat niya raw kay Hana at may ibinigay pa siyang regalo sa kapatid ko.
"Ano ito, Kuya Rafael?" interesadong tanong kaagad ni Hana kay Rafael.
"Buksan mo na lang," utos ni Rafael kay Hanna.
Kaagad binuksan iyon ni Hana ang regalo ni Rafael at nanlaki ang mga mata ni Hana at tuwang-tuwa dahil isang bagong-bagong laptop ang regalo sa kanya ni Rafael.
"'Yan ang gagamitin mo sa America para ma-contact mo kami ng Ate mo, ha, kaya wala kang idadahilan para hindi mo kami kumustahin," sabi ni Rafael sa kanya.
"Oo naman po, Kuya, salamat po," masayang tugon ni Hana kay Rafael.
"You're welcome."
"Nahiya naman ako bigla dahil sa bonggang niregalo sa'yo ni Raffy samantalang ako simpleng necklace lang……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.