JANA's POV
MATAPOS nang usapan naming iyon ni Rafael ay naging pormal na kami sa isa't-isa at dahil pinapaayos pa ni Rafael ang bahay niya sa kabila ay sa bahay na muna namin siya tumutuloy. Sa tagal niyang hindi umuwi ilang bahagi ng bahay niya ang nasira, ang pintura at pati ang mga gripo ay nasira kaya pina-renovate na niya muna ito kaya sa bahay na muna si Rafael tumuloy at kahit tumutol ako alam ko naman na hindi papayag si Hana.
Isa pa, ang lupit ko naman para itaboy siya samantalang ang laki ng nagawa niya sa amin at sa pamilya ko. Baka biglang bumangon ang mga magulang ko sa libingan kapag ginawa ko kay Rafael iyon. Mahal na mahal kasi nila Mama si Rafael mas mahal pa 'ata nila siya kaysa sa akin pero wala naman akong sama ng loob sa parents ko. Madali lang talagang mahalin bilang kapamilya si Rafael at marami siyang nagawa para sa pamilya ko at para sa amin magkapatid.
"Good morning, Baby," bati ni Rafael sa akin isang umaga.
After one-week ay nawala rin pagiging pormal ni Rafael at abnormal na naman siya.
"Good morning," ganti ko na rin sa kanya.
May hawak na kape si Rafael at kinuha ko saka hinigop.
"Ang Baby ko, gustong-gusto talaga ng timpla ko ng kape," masayang pansin sa akin ni Rafael.
"Hindi, ah, tinatamad lang talaga akong magtimpla," tugon ko, "si Hana ba ay gising na?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. Wala namang pasok 'yon ngayon, 'di ba?" Tumango ako"ikaw?" usisa niya sa akin.
"Wala. Pero may lakad ako," tipid na tugon ko.
"Saan?" usisa pa rin ni Rafael.
"Wala ka na doon!"
"Alam ko na. May date kayo ng jerk 'di ba?"
Tinaliman ko si Rafael ng tingin.
Jerk na naman kasi tawag niya kay Brix.
"Oo. Hindi kasi natuloy last day-off namin dahil may inasikaso siya," sabi ko na lang para matahimik na ang kumag na ito sa katatanong sa akin.
"Sasama ka pa rin talaga sa kanya?" seryoso ng tanong ni Rafael sa akin.
"Hindi ako makikipag-inuman, okay? Kaya kung ano man iniisip mo ay hindi mangyayari 'yon."
"Pero wala akong tiwala sa kanya."
"Raf, pwede ba? Kaya ko sarili ko kaya huwag mo na akong pakikialaman pa! Sarili mo ang intindihin mo!" Natahimik si Rafael at nakatitig sa akin, "wala ka pa bang trabaho?" pag-iiba ko nang usapan na tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot.
"Matagal na ang pagpapahinga mo, ah, wala ka bang planong magtrabaho?" usisa ko pa rin kay Rafael.
"May pera pa naman ako," tipid na sagot niya.
"Hindi ka ba naboboring dito? Saka buti nakakaya mong mabuhay nang ilang araw na walang ginagawa?"
"Buhay ko ito hayaan mo ako at sarili mo ang intindihin mo," tugon niya sa akin.
Nakadama ako ng inis.
Pahiya tuloy ako. Paano ba naman kung ano ang sinabi ko sa kanya tungkol sa pakikialam niya ay binalik din niya sa akin.
Kinuha ni Rafael ang kape niya at ininom.
"Tsaka pwede ba? Magtimpla ka ng sarili mong kape kaya mo naman sarili mo 'di ba?" may iritasyon na sa boses niya.
"Oo na! Sorry, ha."
Kumuha na lang ako ng plato at nagsandok ng pagkain para kumain. Narinig ko ang pagtunog ng cellphone. Hindi akin dahil hindi ko ringtone iyon.
"Sa'yo ba 'yon?" tanong ko kay Rafael.
"Oo."
"Sagutin mo ang ingay! Nakakairita!" utos ko sa kanya.
"Bakit naaabala ba ng pagkain mo ang ringtone ng phone ko? Ano 'yang bibig mo tenga mo at nabibingi sa tunog?" nang-uuyam na tugon ni Rafael.
Masama ko siyang tinignan. Naiinis na talaga ako sa pamimilosopo sa akin ngayon ni Rafael.
"Don't look at me like that! Hindi ako tatalaban niyan at hindi lang ikaw ang may karapatang ma-bad trip sa umagang ito kaya umayos ka!" seryoso niyang banta sa akin.
Kinabahan tuloy ako at pinagpatuloy na ang pagkain. Nagpatuloy pa rin ang pagtunog ng cellphone niya pero dedma pa rin siya. Napapatingin tuloy ako kay Rafael na busy sa pagkain.
"Raf," mahinahon kong tawag sa kanya. Malamig siyang tumingin sa akin, "sagutin mo na, baka mahalaga 'yan."
Kinuha naman ni Rafael ang cellphone niya at nang tignan niya kung sino ang tumatawag ay nakita ko na sumimangot siya.
"Lalong na-bad trip ang hinganteng ito. Baka mapag-initan ako nito. Umalis na kaya ako," kinakabang sabi ko sa sarili.
"What now?" narinig kong tanong ni Rafael sa kabilang linya.
Naputol tuloy pag muni-muni ko.
"I told you before, I don't want the company!" matigas na tugon niya sa kausap. Natahimik si Rafael at mukhang nakinig sa sinasabi ng kabilang linya, "I don't care! Give them that company and let me do whatever I want!"
"Parang alam ko na, kung ano pinag-uusapan nila. It's all about his father's company, na ang alam ko ay siya dapat ang nagma-manage."
"Oh really? You never care about me, Mom," nang-uuyam na tugon ni Rafael. Napatitig ako sa kanya at kita niya ang sakit sa mga mata ni Rafael, "alam ko na ang company lang ang iniisip mo at hindi ako. Kaya Mom, stop acting that you're a caring mother. Hindi bagay sa'yo," insultp pa ni Rafael sa Mama niya.
"s**t! Ang sama niya sa Mama niya. Dati-rati dene-dedma niya lang ito, ngayon pinagsasalitaan na niya nang hindi maganda. Kahit pa nagkulang ito sa kanya ay Mama pa rin niya ito at hindi niya dapat ginaganun!"
"Goodbye, Mom, my decision is final! I will never manage that company! Saka binaba ang phone.
Napatitig ako kay Rafael at napansin naman kaagad niya iyon.
"What?"masungit na tanong ni Rafael sa akin.
"Hindi mo dapat ginaganun ang Mama mo. Kawawa naman siya," mapagkumbabang sabi ko.
"You don't know her, so you can talk like that," mahinahong tugon ni Rafael sa akin.
"Kahit na. She just wants to secure your future that will make you better. Tama naman na dapat i-manage mo ang company niyo, eh, kaysa sa iba niyo ipa-manage," tugon ko.
"Stop it, Jana, i'm done with it and I already have a decision."
"Why don't you try? Even Sir Gian wants to talk to you and I think he wants you to manage the company."
"So, that's it!" mataas ang boses na sabi ni Rafael, "kinausap ka ng boss mo tungkol sa akin at sa kompanya na iyan! Anong kapalit kapag pumayag ako, Jana? Pag-increase ng sahod mo? Kaya ngayon nakikiayon ka sa kanila" galit nang tugon ni Rafael.
"Hindi Rafael! Kaya sinasabihan kita na tama sila kasi alam ko na makakabuti iyong pagtanggap mo ng kompanya ng Papa mo," katwiran ko kaagad kay Rafael.
"Paano mo nasasabing nakakabuti ko lang ang gusto nila, Jana? Bakit kilala mo ba sila?" tanong sa akin ni Rafael.
Hindi ko nagawang magsalita. Hindi ko naman kasi talaga kilala ang Mama ni Rafael dahil hindi pa dumating ang punto na nagkausap kami nito.
"So, speechless ka ngayon? Huwag ka kasing makikialam kung wala kang alam!" galit ng tugon ni Rafael at nakadama ako nang pagkapahiya.
"Na-real talk na naman ako. Pakialamera ka kasi! Ayaw mong pinapakialaman pero ang hilig mong mangialam!" sermon ko sa sarili ko.
Tumayo na lang ako. "Alis na ako," paalam ko at umalis.
RAFAEL's POV
PINAGMASDAN ko na lang ang pag-alis ni Jana. Bigla tuloy akong nakonsensiya sa ginawa ko sa kanya, mukhang sumobra ako ngayon. Hindi ko naman sana siya mapagsasalitaan ng ganoon kung hindi na siya kumampi pa kay Mama at sa Gian na iyon.
Bakit ba iniisip nilang lahat na makakabuti sa akin ang company na 'yon, eh, sa kanila nga hindi nakabuti? Nagdulot lang lahat iyon sa mga kamag-anak ko ng pag-aaway. Ayokong makisali sa gulo at agawan nila at kahit kailan hindi ko pinangarap na makasama sa gulo ng pamilya dahil lang sa kayamanan na pinag-aagawan.
Sa kanila na lang ang company at buong pag-aari ni Papa. bahala silang pag-agawan iyon at ako AY mananahimik lang.
Napabuntong hininga ako.
Hindi na ba kami babalik sa normal ni Jana? IYong normal na kagaya noon kung gaano kami kalapit sa isa't-isa?
"I miss her so much."
Hindi ko na ipinagpatuloy ang pagkain dahil nawalan na ako ng gana.
Naalala ko na naman tuloy kung paano kami unang nagkakilala ni Jana at kung paano nagsimula ang pagiging magkaibigan namin.
Flashback
"Uy! Ikaw nakaupo diyan?" tanong sa akin ng isang maliit na babae.
Nasa room ako at nakaupo na sa isang upuan nang dumating ang babaeng ito kasama ang mga kaibigan niya at tinanong ako. First year College ako at nasa second semester na ngayon nang ma-transfer sa school na ito.
"Yes?" tanong ko rin sa kanya.
"Ah, transferee ka?" tanong ng babae sa akin.
"Yes."
"Kaya pala. Hindi mo alam na nakapangalan na sa amin ang pwesto na 'yan," aniya.
"Oh? But where? I don't see any names here?" tanong ko.
"Pilosopong englisherong ito, ah! Hoy Kuya, pwede ba umalis ka na nga at uupo kami!"
Kinuha niya ang bag ko at itinapon na lang basta palayo sa inuupuan ko. Nagulat ako at napatingin sa bag ko na kaawa-awang inihagis sa sahig.
"Ang yabang nito! Akala mo katangkaran! Pasalamat ka 'di ako pumapatol sa babae!" inis na sabi ko sa sarili.
Tumayo na lang ako at kinuha ang bag ko saka ako naghanap ng ibang pwesto. Hindi na ako makikipag-away pa dahil bago pa lang ako sa school na ito.
"Lakas talaga ng trip mo, Jana, alis siya eh," natatawa pang sabi ng kaibigan ng babaeng nagpaalis sa akin sa inuupuan ko.
"Ayaw umalis, eh, ayan tuloy lumipad ang niya," natatawang tugon pa ng tinawag na Jana.
"Jana ang name niya? Dapat Janu, mas bagay sa kanya iyon dahil masyadong matapang! Akala mo lalaki!" inis na sabi ko pa rin sa sarili.
Matapos ang klase ay umuwi na ako sa bahay. Ako lang ang mag-isa na naninirahan sa lugar na ito at walang magulang na nag-aalaga sa akin noon pa man. Tanging Lolo ko lang ang nagpalaki sa akin hindi siya nagkulang sa akin at napakabuti ni Lolo. Ang mga magulang ko naman ay may kanya-kanya ng pamilya at tanging ang Papa ko lang ang tanging nakakaalala na dalawin at kumustahin ako.
Si Papa rin ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan ko, si Lolo siya ang Papa ni Papa. Kilala ko naman si Mama sa mukha pero hindi niya ako kailan man inalagaan. Ni kumustahin pero hindi ako nagagalit sa kanya dahil iyon ang turo sa akin ni Lolo, ang maging mabuting tao at magkaroon ng pasensya kaya lang wala na rin si Lolo dahil iniwan na niya ako kaya ako na lang mag isa. Dumadalaw-dalaw pa naman si Papa pero busy kasi siya sa company niya at may bago na siyang pamilya kaya iniintindi ko na lang at dahil nasa tamang-edad naman ako ay pinili ko na rin mamuhay mag-isa kahit gusto noon ni Papa na isama ako sa bahay nila.
Napabuntong hininga ako nang makarating ako sa bahay ko na two-storey pero malungkot ang presensiya nito dahil ako lang ang nakatira. Papasok na sana ako sa gate ng bahay nang may batang lumapit sa akin.
Kilala ko siya. Si Hana ang kapit-bahay ko at may mababait siyang magulang kagaya ng batang ito.
"Kuya! Sabi ni Mama doon ka na raw kumain sa bahay total naman wala ka naman daw kasabay kumain eh," yaya ni Hana sa akin.
Napangiti ako."Nakakahiya naman."
"Sige na Kuya saka nandiyan na si Ate at ipapakilala namin siya sa'yo. Kagabi lang siya umuwi galing probinsiya," excited na sabi ni Hana sa akin.
Palagi na nilang naeke-kwento na may panganay pa sa batang ito na halos kaedaran ko lang. Isang taon lang daw ang tanda ko sa Ate ni Hana at nagbakasyon lang siya sa probinsya dahil semestrial break tapos siya naman dating ko rito.
"Sige. Magbibihis lang ako," payag ko na rin.
"Sige Kuya."
Saka umalis si Hana at mabilis naman akong nagbihis saka pumunta sa kabilang bahay.
"Pasok ka, Rafael, 'wag ka na mahiya," yaya sa akin ng Papa ni Hana.
"Oo nga. Umupo ka na rin dito," dagdag naman ng Mama ni Hana.
"Salamat po sa invite, Maam, Sir-
"Ano ka ba, Rafael, tawagin mo kaming Tita Janina at siya naman si Tito Henry. Huwag ka na kasi mahiya sa amin," sita sa akin ni Tita Janina.
"Opo. Salamat Tita, Tito." Nginitian naman nila ako.
"Jana, kakain na. Bumaba ka na riyan," tawag ni Tita Janina sa taas.
"Jana? Kapangalan pala niya iyong sigang babae sa school namin?"
"Opo. Nandito na."
Nakarinig ako ng yapak ng pababa sa hagdan kaya pinagmasdan ko na ang pababang tao.
Nagulat si Jana nang makita ako at kahit ako ay nagulat na si Jana sa school na nang-bully sa akin at Jana na Ate ni Hana ay iisa pala. Pinagmasdan ko siya nang mabuti at hindi ako nagkakamali.
Nakasuot siya ng pink na blouse at short, nakataas ang buhok niya at mukha siyang bata sa itsura niya at parang hindi ito teenager.
"Ikaw? Ikaw ang nang-bully sa akin sa school?" bulalas ko.
"Ano? Binully ka ni Ate? Magka-klase kayo?" nagulat na tanong ni Hana.
"Yes, Hana. Pinaalis niya ako sa upuan ko at tinapon niya ang bag ko," kaagad kong tugon kay Hana.
"H-hindi, ah, hindi ko sinasadya na mailaglag bag mo," kaagad na pagsisinungaling ni Jana.
"I saw you. Tinapon mo ang bag ko," seryoso ko ng diin kay Jana.
"Hindi! Sinungaling ka!" sigaw na ni Jana.
"Jana!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses ni Tito kaya napatingin ako kay Tito at masama ang tingin ng Parents ni Jana sa kanya.
"Akala ko ba tumigil ka na sa pambu-bully mo? Until now pala ginagawa mo 'yan!" Namutla si Jana at halatang natakot sa Papa niya.
"Papa, hindi-
"Stop lying, Jana, binalaan na kita pero ginawa mo pa rin!" may pinalidad ang pagsasalita ni Tito kay Jana.
"Papa, sorry na. Hindi ko na po uulitin." Tumingin sa akin si Jana,"sorry na sa'yo Kuya, magpapakabait na ako sa'yo."
"Kumain na muna tayo at pagtapos nito ay may pag-uusapan tayo, Jana, ang parusa sa pagiging salbahe mo," matalim ang tingin na sabi ng ama niya kay Jana.
Napayuko naman si Jana at umupo sa tabi ko. Naramdaman kong siniko ako ni Jana kaya napatingin ako sa kanya.
Tinignan niya ako nang masama. Gusto kong matawa ang cute niya kasi talaga pero ngumiti na lang ako sa kanya kaya nagsalubong na ang kilay niya.
"Jana! Ano 'yan? Nang aaway ka na naman?" sita kay Jana ng Papa niya.
"Hindi Papa, nagkatinginan lang kami. 'Di ba?"
"Opo Tito," ayon ko na lang.
Matapos namin kumain ay nag-saty pa ako kina Tito at Tita at nakipag-usap kay Hana.
Masayang kausap si Hana, mabait kasing siyang bata at mana sa mga magulang hindi kagaya ng Ate niya.
Saan kaya niya namana iyong pagiging salbahe niya? Base sa sabi ng Papa nila ay maraming beses na niyang ginawa mang-bully. Bakit kaya ganoon ugali ni Jana?
Nakita ko ang pagbaba ni Jana sa hagdan umiiyak. Nakadama naman ako ng awa sa kanya dahil mukhang naparusahan na siya ng Papa niya at kahit umiiyak ay ang cute pa rin niya na parang baby lang.
"Siguro, matindi binigay na parusa ni Papa kay Ate. Kasi hindi iiyak si Ate basta-basta kapag hindi naman ganoon katindi sinabi ni Papa sa kanya," sabi ni Hana. Napatingin ulit siya kay Jana na lumapit sa Mama niya at niyakap siya ng ina, "mabait naman si Ate Jana, Kuya Rafael eh, may pagka-salbahe pero mabait siya. Saka mahal na mahal ko siya kasi kahit kailan ay hindi nagkulang si Ate sa akin kaya sana patawarin mo na si Ate, Kuya."
Ginulo ko ang buhok ni Hana. "Wala na 'yon. Kung alam ko lang na mapaparusahan Ate mo ay hindi ko na sana sinabi pa na ginawa niya iyon sa akin."
"Alam mo Kuya, tingin ko kapag naging magkaibigan kayo ni Ate ay magkakasundo kayo," nakangiting sabi ni Hana.
Ngumiti rin ako at tumango lang pero sa isip ko tumututol ako.
"Mukhang hindi naman kami magiging magkaibigan ng babaeng 'yon. Kawawa ako at baka pagtripan lang ako palagi niyon kaya mas okay na iyong hindi kami maging magkaibigan," sabi ko sa sarili at kompiyansang hindi magiging kaibigan ang Jana na iyon.
Wala talaga akong planong kaibiganin ang salbaheng si Jana na mukhang napakalapit din sa gulo. Gusto ko ng katahimikan sa buhay kaya mas mabuting huwag kong ilapit ang sarili ko sa katulad ni Jana.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.