RAFAEL's POV
"BUT why did you left me, Raffy?" puno ng sama ng tulog na tanong sa akin ni Jana. "Sobra akong nahirapan nang iwanan mo ako. Wala akong naging karamay, naging lakas lalo na nang naghiwalay kami ni Rome, na naging sobrang sakit para sa akin. I want to endure it, kasi wala naman akong mapaghihingian ng lakas nang kagaya ng nakukuha ko sa'yo. Lahat sila iniisip na malakas ako kaya tingin nila kaya ko lang ang lahat ng sakit, and I thought I can. But I can't and it's killing me softly."
Mahigpit pa akong niyakap si Jana. Hindi ko alam na ganito na ang sakit na nararamdaman niya at nagsisisi ako na iniwanan ko siya.
"I will never leave you again, Jana, I promise."
Mahigpit ko siyang niyakap.
JANA's POV
NAGISING ako na masakit ang ulo ko at parang binibiyak ito saka napatingin ako sa paligid. Nasa kwarto na ako at nang tignan ko ang suot kong damit ay iba na sa damit na suot ko kagabi. Naparami talaga ang inom ko kagabi at mukhang nalasing nga ako nang sobra dahil wala akong matandaan kung paano ako nakauwi rito sa bahay at kung sino ang nag-asikaso sa akin.
Pero sigurado naman na safe akong naihatid ni Brix dahil buo pa naman ako ngayon at dito pa sa bahay ko at marahil ay si Hana ang naabutan ni Brix dito sa bahay nang ihatid niya ako. Kaya lang siguradong mapapagalitan na naman ako ni Hana dahil umuwi na naman akong lasing.
Tumayo ako kahit hilo pa at feeling ko, ay hindi ko kayang pumasok dahil baka magkakasakit ako. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko. Tuluyan na akong tumayo at dumiretso ng banyos at matapos maghilamos ay bumaba muna ako para mag-agahan at makainom ng gamot.
"Uy, Ate, no nangyari sa'yo?" nagulat na tanong ni Hana sa akin.
"Uminom na naman iyan kagabi." Si Rafael na ang sumagot.
Umupo ako sa upuan na kaharap lang ni Rafael.
"May gamot ba tayo, Hana, ang sakit ng ulo ko, eh," ungot ko sa kapatid ko.
"Wait lang, Ate, kukuha ako."
Iniwanan ako ni Hana at mayamaya rin ay bumalik siya at binigyan ako ng isang tabletang gamot. Agad ko naman itong ininom.
"Napaparati na 'yang pag-inom mo, Ate, ha. Hindi na 'yan maganda," panenermon na ni Hana at napakagat ako ng labi saka nagpapaawang tumingin kay Hana.
Sinasabi ko na nga ba, pagagalitan ako ni Hana.
"Sorry, Hana, nag-enjoy lang talaga kami kagabi. Bakit nga pala ngayon mo lang nalaman na uminom ako? Hindi ba ikaw ang nag-asikaso sa akin kagabi?" nagtatakang napatingin ako kay Hana.
"Ate, hindi ako umuwi kagabi rito. Nag-overnight ako sa thesis namin," tugon ni Hana sa akin.
"Ha? Pero teka kung hindi ka umuwi ay sino--"
Napahito ako sa sasabihin ko sana at napatingin ako kay Rafael na busy siya sa pagkain.
"Siya ang nagpalit ng damit ko?" hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili.
"Ate, aalis na ako," paalam na ni Hana.
"Sige. Ingat ka ha," paalala ko.
"Hatid na kita, Hana,"alok ni Rafael.
"Hindi na, Kuya, dadaanan ko pa kaklase ko, eh. Dito ka na lang at ikaw na bahala kay Ate."
"Sige. Basta mag-ingat ka," paalala rin ni Rafael kay Hana.
"Opo." Saka tuluyang umalis si Hana.
"Kumain ka na," utos sa akin ni Rafael.
"Mamaya na," tugon ko kay Rafael.
"So, you don't remember anything about last night?" tanong ni Rafael na ikinataka ko naman na napatingin sa kaniya.
"Wala. Bakit sinapak na naman ba kita?" tanong ko.
Umiling lang si Rafael at pinagpatuloy ang pagkain. Narinig ko ang pagtunog ng cell phone ko kaya tumayo ako at nakita ko ang bag ko sa sofa at doon ko kinuha ang cellphone ko.
"Si Brix!"
Kaagad ko sinagot ang cellphone ko at umupo sa sofa.
"Oh, Brix?"
"Kumusta ka na?" kaagad na tanong ni Brix sa akin.
"Sobrang sakit ng ulo ko, grabe! Hindi na nga muna ako papasok ngayon kasi ang sama ng pakiramdam ko," tugon ko kay Brix.
"Magpahinga ka na muna at ako na magsasabi kay Sir na nagkasakit ka kaya hindi ka makakapasok," sabi nama ni Brix sa akin.
"Sige. Salamat. At saka, Brix, thanks din kagabi dahil safe and sound ako nakauwi sa bahay. Nakakahiya sa'yo kasi ginamit na kita sa ex-boyfriend ko para hindi ako magmukhang kawawa tapos hinatid mo pa ako ng lasing na lasing. Sobra-sobra na ang abala ko sa'yo kagabi. Siguro, nahirapan ka sa akin kagabi?"
"Jana, wala ka bang matandaan sa nangyari kagabi?" tanong ni Brix sa akin.
Nagtaka na naman ako biglang nakadama ng kaba sa tanong ni Brix sa akin.
"Bakit? May napatay ba ako kagabi?" kinakabahang tanong ko.
"No, Jana, bakit iyon naman naisip mo? Masyadong exaggerated!" tugon niya sa akin.
"Eh, kasi naman makatanong ka. Kinabahan tuloy ako, ano ba kasi 'yon?"
"Hindi na kita naiuwi kagabi dahil dumating ang kapatid mo."
"Si Hana? Siya nag-uwi sa akin?" naguguluhang tanong ko.
"No. Iyong lalaki, but he told me last night, na hindi mo raw siya kapatid. Sinuntok pa nga niya ako, eh."
"Kapatid na lalaki na hindi ko kapatid?" Naguluhan tuloy lalo ako.
"Yup! Hanggang balikat buhok niya at matangkad siya."
"Oh my God! Si Rafael ang tinutukoy niya! s**t! "
"Nagalit siya kagabi, eh, binuhat ka nga niya para maiuwi."
Napatingin ako sa kusina nakita ko si Rafael na busy pa rin sa pagkain.
"Pero paano niya nalaman kong nasaan tayo?"
"He called you last night. Eh, sobrang lasing ka na kagabi at wala sa sarili kaya sinagot ko na. Nagtanong siya kung nasaan tayo. Ihahatid naman sana kita kaso galit na siya sa phone pa lang, akala ko naman kapatid mo iyon kaya sinabi ko na."
"He's not my brother," pagtatama ko na rin kay Brix.
"Eh, sino siya?"
"Close friend at parang kapamilya na rin namin."
"Kaya pala ganoon na lang ang pag-aalala sa'yo. Nakakatakot din siya kasi ang tangkad niya at bago pa ako ay may sinuntok na siya na nambastos sa'yo." kuwento sa akin ni Brix.
"s**t! Ang dami palang nangyari kagabi at wala akong matandaan."
Nakadama ako nang sobrang hiya sa paglalasing ko kagabi.
"Mukha nga, eh, lakas na ng tama mo kagabi."
"Brix, pasensiya na, ha, ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ni Raf sa'yo at salamat rin."
"Okay lang. Naiintindihan ko naman siya, eh."
"Salamat ulit."
"Sige, pasok na ako. Bye."
"Bye."
Tumayo ako sa pagkakaupo at bumalik sa kusina. Nagsandok ako ng pagkain at umupo sa upuang kaharap ni Rafael.
"Sinong tumawag?" untag na tanong ni Rafael sa akin na ikinagiulat ko pa kaya hindi kaagad ako nakasagot at nag-isip na muna.
"A-a friend."
"Si Brix ba?"
Muntikan na akong mabulunan sa kinakain ko. Napainom tuloy ako ng tubig.
"So, siya nga? Did he tell you what happened last night?" Mataman ang tingin ni Rafael sa akin kaya umango lang ako.
"Salamat pala kagabi at sorry. Nabugbog ba kita?"
"No. You're just shouting I hate you all the time when we're on our way."
"s**t! Nagwawala pala ako kagabi!" hiyang-hiya na bulalas ko.
"What is the reason why you and Rome, broke up?"
Napatingin ako sa kanya na nagtataka. Kinabahan tuloy ako bigla.
"Ha? Hindi mo pa ba alam? Hindi ba kenuwento ni Hana?" kinakabahang tanong ko.
"Sabi ni Hana, naghiwalay na raw kayo kasi nagkulang si Rome sa oras, sa effort and also you fall out of love? Is that right?"
"Iyon na nga. Kasi alam mo naman nagkasawaan na."
"Really?" hindi makapaniwalang sabi ni Rafael.
Tumango naman ako bilang patunay.
"Kagabi kasi iyak ka nang iyak at sinasabi mo na kaya kayo naghiwalay ni Romeo dahil madamot ka. So, what's that mean?" usisang tanong pa rin ni Rafael sa kanya.
"Madamot ako sa time at efforts, that's all!" diin ko pa kay Rafael.
"Oh, but you told me na na fall-out of love ka? Because he doesn't have time and effort. Ano ba talaga totoo?" seryoso ng tanong ni Rafael.
"Raffy, five-months nang nakalipas iyon kaya hindi na natin dapat binabalikan pa ang past!" iritado ko nang tugon kay Rafael.
"I just want to know the truth. Pero sige, kung ayaw mo talagang sabihin ay okay lang."
Nakahinga naman ako nang maluwang.
Mabuti at hindi na nangungulit ang taong ito dahil baka mabuking pa niya ako at mahirap na.
"Fifth floor room 1450, Laguna," sabi ni Rafael pero hindi sa akin kundi sa sarili niya at may binabasa siya sa Cellphone.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ang binanggit ni Rafael na Room at kung saang lugar.
"s**t! Condo unit ni Rome 'yon!"
"Saan nga 'to sa Laguna?" Nakatingin sa cellphone,"I know this place. Madali naman pala siyang hanapin," sabi pa rin ni Rafael sa sarili.
"Raf, 'di ba kila Rome 'yan?" tanong ko na sa kanya.
"Oo, siya na lang tatanungin ko kung ayaw mong sabihin."
"No! 'Wag mong gawin 'yan!" tutol ko kaagad.
Siguradong malaking gulo ang naiisip kong gagawin ni Rafael.
"Don't worry, hindi ko naman siguro mapapatay si Rome-
"s**t! Okay fine! I will tell you the truth. But please, Raf, don't touch him!" Napatayo na ako.
Sinindan ako ng tingin ni Rafael at nag-aantay sa sasabihin ko.
Napabuntong hininga ako at tumingin kay Rafael. "Nahuli ko siyang may ka-s*x sa condo niya."
"What? He is the son of a b***h!" kuyom ang kamao na sabi ni Rafael.
"Fifth-year anniversary namin at isu-surprise ko sana siya pero ako pala masu-surprise." Mapait akong ngumiti, "sabi niya lalaki lang siya at nangangailangan. Hindi ko kasi naibigay sa kanya 'yon, eh, sa limang-taon namin ay hindi ko naibigay sa kanya ang sarili ko. Tingin ko, kasalanan ko rin naman kasi naging madamot ako."
"It's not your fault! Bullshit!" gigil na tugon ni Rafael, "dahil lang sa hindi ka nakikipag-s*x sa kanya ay naghanap na siya ng iba? Napaka-unreasonable ng dahilan niya!"
Naiiyak na naman ako.
Naaalala ko na naman kasi si Romeo at nang nakita ko siya kahapon at kung gaano ako nasaktan muli dahil kay Romeo. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin at si Rafael iyon at niyakap niya ako marahil para aluin.
"Huwag mong sayangin ang luha mo sa kanya. He doesn't deserves you."
Niyakap ko na rin si Rafael."But what if, nagbigay ako, Raf? Hindi siguro kami aabot sa ganito. Baka-
"Shh, hindi mo dapat iniisip 'yan. Walang masama sa naging desisyon mo, na hindi ibigay sa kanya ang sarili mo. Kaya 'wag mong sisihin sarili mo. It's all his fault, not yours." Humiwalay ako sa pagyakap kay Rafael.
"Na-miss ko 'to," nakangiting sabi ko kay Rafael.
"Ako rin. I really miss the old Jana na iyong iyaking," nakangiting sabi ni Rafael.
"Iyakin ka riyan, kapal mo!"
"Iyakin ka pa rin until now, na-realize ko lang kagabi."
"Umiyak ba ako sa'yo kagabi?"nagulat na tanong ko.
"Oo." Sumeryoso bigla si Rafael," Jana, sorry kung iniwan ko kayo dati pero hindi ako umalis dahil diyan sa iniisip mo. I just really want to do the things I want but in the end I always come back here with you and Hana."
"Raffy, dapat ba kiligin na ako? Pang love-story movie ba 'to?" nakangising tudyo ko kay Rafael.
"Crazy!" Ginulo ni Rafael ang buhok ko, "sige na kumain ka na puro ka na naman kalokohan, eh."
"Oo nga. Tingin ko gutom lang 'to, eh."
Nakangiti nang tumingin ako kay Rafael. Inabot niya ang kape niya sa akin at tinanggap ko naman iyon saka ininom.
"ATE, bakit hindi ka na lang sumama sa akin sa America after graduation ko? Total naman wala na kayo ni Kuya Romeo, eh," suhestiyon ni Hana sa akin.
Nasa mall kami at naggo-grocery.
"Naisip ko rin 'yan, eh, lalo pa na matagal na akong pinapapunta ni Tita doon, hindi lang ako pumapayag noon kasi kay Romeo."
"Pero, Ate, naisip ko paano pala si Kuya Rafael? Maiiwan natin siya."
"After graduation mo rin naman 'ata aalis na rin 'yon, eh. 'Di ba may trabaho 'yon?"
"Oo nga, ano."
"Siguro susunod na lang ako sa'yo kasi aasikasuhin ko pa ang mga papeles ko tapos ire-renew ko pa ang visa ko," paliwanag ko kay Hana.
"Mauuna pala ako."
"Oo, malapit na pala pag-alis mo? Hay! Iiwan na pala ako ng bunso ko."
Nakadama ako nang lungkot dahil ito ang una naming paghihiwalay ni Hana.
"Kaya nga, eh, mami-miss kita, Ate, ayoko nga sanang umalis at iwan ka kaso nahihiya na kasi ako kay Tita, matagal na niyang gustong pumunta tayo sa ibang bansa." Bakas rin ang kalungkutan sa mukha ni Hana.
"Kaya nga, eh. Siya lang kasi nag-iisang namuhay doon. 'Di bale, Hana, hindi ba susunod naman ako. Antay ka lang dahil wala ng Rome na pipigil sa akin."
"Tapos paalam natin kay Kuya Rafael kung nasaan tayo para makadalaw siya doon," suhestiyon ni Hana.
"Oo naman."
"Pero, Ate, ayos na ba kayo ni Kuya Rafael?" tanong sa akin ni Hana.
"Oo, bati na kami."
Napangiti si Hana."Para kayong mga bata, may pabati-bati pa kayong nalalaman. Alam mo, Ate, kung hindi ka lang nain-love noon kay Kuya Romeo at nagkaroon kayo ng relasyon pati na rin si Kuya Rafael doon sa ex niya ay kayo na talaga anginaasahan ko na magkatuluyan, eh, kasi para sa akin okay naman si Kuya Rafael at bagay na bagay kayo," mahabang litanya ni Hana.
"Hindi ka ba nangingilabot, Hana? Isipin mo kami ni Raf?" Napangiwi ako sa isipin na magkarelasyon kami ni Rafael," para na akong nakipagrelasyon sa kadugo ko."
"Hala! Si Ate, grabe siya! Hindi naman natin kadugo si Kuya Rafael saka look at him, he's so handsome at yummy pa. Husband material rin siya. Siguro kung si Kuya Rafael ang makatuluyan mo ay sigurado sina Mama at Papa ay magdidiwang sa kalangitan ngayon."
"Anong yummy ka riyan? Hana ha, pinagpapantasyahan mo ba si Raf?" nagdududang tanong ko na kay Hana.
"Ate naman! Anong pinagpapantasyahan? Kuya ko lang si Kuya Rafael 'wag ka nga mag-isip ng ganyan!" sita sa kanya ni Hana.
"Iyon na nga, eh, ikaw nga nangingilabot sa inisip ko sa'yo paano na lang ako sa amin ni Raf? Ano ka ba? Kahit si Raf kapag sinabi mo iyan, tignan ko lang kung hindi masuka 'yon."
"Masuka sa alin?
"Ay! Pusang nasuka!" gulat na bulalas ko.
Napalingon kami ni Hana sa biglang nagsalita sa likod namin at napanganga ako, as in literal pati si Hana sa sumalubong sa paningin namin sa nagsalita na nasa likuran namin.
Si Rafael!
Naka-coat and tie at nagpagupit na siya ng buhok. Wala na siyang mumunting balbas sa mukha, malinis na at kitang-kita na ang gandang lalaki niya.
"s**t! Nakakapanglaglag panty naman 'to! "
"Magtigil ka! Si Raffy, 'yan ! 'Di ba nangingilabot ka kanina, ngayon lalaglag panty mo?
Napangiwi siya.
Oo. Gwapo talaga si Rafael, sino ba namang babaeng hindi hahanga sa kanya? Pero iyong ako na lalagpas pa doon? Tingin ko ay hindi ko kaya. Kapamilya na kasi talaga turing ko sa kanya at walang kahit anong malisya sa aming dalawa.
"Kuya Rafael ang gwapo mo, ah!" bulalas ni Hana.
"Saan ka pala galing bakit ganyan suot mo? At ayos mo?" tanong ko naman kay Rafael.
"Nag-apply ako ng trabaho," tugon naman ni Rafael.
"Oh? Bakit ka pa mag a-apply? May-
Napatigil ako nang makita kong nagseryoso si Rafael at napakagat ang labi ko.
-Eh may- may work ka hindi ba? 'Yong pagba-banda mo?' pagbabago ko nang sasabihin sana.
"Plano kong umalis na doon and stay here for goods. Kaso maghahanap ulit ako ng maa-applayan."
"Bakit, Kuya, hindi ka natanggap?" interesadong tanong ni Hana kay Rafael.
"Hindi naman kaso over-qualified daw ako, eh. Ang gwapo ko masyado."
"Hay naku! Hindi ka gwapo 'no! Nabawasan lang konti kapangitan mo dahil nagpagupit ka at nag-ahit ka na rin sa wakas!" tutol ko naman kaagad kay Rafael.
"Hindi pala, ha. Papatunayan ko sa'yo, Jana, na gwapo ako."
Ngumiti nang nakakaloko si Rafael at nagtaka naman ako dahil lumakad siya at may nilapitan siyang dalawang istudyante.
"Hi girls, can I ask you a question?" tanong ni Rafael sa dalawang istudyante
Nakita namin ni Hana ang gulat sa mukha ng dalawang istudyante. Naka-uniform ang dalawang babae kaya malalaman na istudyante sila. Napanganga pa sila at mayamaya ay nagpa-cute na't ngumiti kay Rafael.
"How do I look now? Did I look ugly in my attire?" nakangiting tanong ni Rafael sa dalawang istudyante.
Natawa naman si Hana at ako natanga talaga.
"Nakakahiya!
Sinugod ko kaagad si Rafael at siniko sa tiyan.
"Girls, pasensya na kayo. Hindi kasi nakainom ng gamot 'tong kasama ko, eh."
Hinila ko si Rafael at kita pagtataka sa dalawang istudyante.
"Sorry for my girlfriend ha, selosa kasi 'to!" sabi pa ni Rafael sa dalawang istudyante.
"Girlfriend ka diyan! Sira-ulo!" Siniko ko ulit si Rafael at napalakas kaya napaiki na siya.
"Aray! Ang sakit ha," reklamo na ni Rafael sa akin at kita sa mukha na talagang nasaktan siya.
"Kulit mo kasi, eh! Tara na nga. Ikaw umayos ka ha, nakakahiya ka!" sita ko na kay Rafael.
"Si Ate kasi! Sabihin mo na kasing gwapo si Kuya para hindi na niya patunayan sa'yo," tudyo ni Hana na ngising-ngisi.
"Oo nga. Ikaw lang ang bukod-tanging napapangitan sa akin," ayon din ni Rafael.
"Mukha kang tao! Ayan na! Okay na? Huwag ka ng mag-inaso pa!"
Nauna na akong naglakad at iniwalang sina Hana at Rafael hindi naman naglaon ay sumunod ang dalawa na tataw-tawa pa.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.