JANA's POV
"SIR Gian," bati ko nang makita ko si Sir Gian na nakaupo sa sofa at tumayo naman siya saka nginitian ako.
"Ms. Alejandra,"tugon naman sa akin ni Sir Gian at gumanti na rin ako kaagad ng ngiti kay sa kanya.
"Ang gwapo talaga!" humahangang bulalas ng isip ko.
"Upo po kayo, Sir," alok ko kaagad sa kanya na hindi naman niya tinanggihan at sabay na kaming umupo sa sofa at nasa harap niya ako ng sofa umupo.
"Iniwan ko sina Mama at Jared para makapag-usap sila ng sarilinan. I think they need one on one talk," sabi ni Sir Gian.
"Sana mapapayag na ng Mama mo po Sir, si Rafael, kasi kung sakali mang mawala ang kompanya ay maaari ring mawalan ng trabaho kaming mga empleyado sa kompanya," sabi ko.
"Oo. Pero depende sa bibili ng kompanya. Maari nga iyon."
"Sana nga po, Sir, talaga tanggapin na ni Rafael iyon."
"Stop calling me Sir. We're not at work. You can call me at my first name, Jana,"
"s**t! Ang husky ng pagtawag niya sa pangalan ko."
"Sir, pwede pakiulit?" hiling niya kay Gian.
"Pakiulit ang?" nagtatakang tanong sa akin ni Gian kaya bigla akong natauhan at nakadama ng hiya.
"Wala, Sir, ah, eh, Gian pala."
Ngumiti ulit si Gian sa akin na mukhang nasisiyahan sa narinig kong tawag sa kanya.
"Close talaga kayo ni Jared ano? If you don't mind, Jana, can I ask you a question?"
"Sige," kaagad kong tugon.
"Wala ba kayong relasyon ni Jared? Like girlfriend-boyfriend or live-in partner?" tanong ni Gian sa akin.
"s**t!" gulat kong sabi,"ah, Sir, oh, Gian, I'm sorry. Nagulat lang po talaga ako sa tanong mo."
"It's okay."
"Hindi po kami mag-girlfriend-boyfriend ni Rafael lalo na po na live-in partner. Ew!" sabi ko.
Napangiwi pa ako at natawa naman si Gian na ikinatulala ko.
"Shock! Gian please, 'wag kang tumawa lalo ka kasing nagiging gwapo, eh."
"Sorry for asking you that kind of question," natatawa pa rin na sabi ni Gian.
"It's okay, Gian. Kami ni Rafael we're just friend a really close friend at kapamilya na rin ang turing namin sa kanya. Kaya ang makipag relasyon sa kanya ay para sa akin at alam ko kahit kay Rafael ay parang hindi pwede kasi alam mo 'yon, Gian, para na kaming nakipag-relasyon sa kadugo namin."
Napangiwi na naman ako sa nakakadiring isipin na karelasyon ko si Rafael at ewan ko ba kung OA na sa pandinig ng iba pero iyon din talaga pakiramdam ko.
" 'Wag kang magsalita ng tapos dahil malay mo kayo talaga ni Jared. Minsan kasi iyong hindi mo inaasahan iyon ang nangyayari."
"Gian, 'wag kang magbiro ng ganyan. Nakakasuka po."
"No. I'm not kidding. Marami kasing nangyayaring ganyan, eh. Iyong lalake at babaeng magkaibigan ay may isang nafa-fall-in love talaga. Hindi naiiwasan 'yon, eh," paliwanag ni Gian.
"Dapat pala i-Guinness word of record na kami ni Rafael kasi wala pong na-fall sa amin kahit halos araw-araw na kaming magkasama. Naniniwala rin ako, Gian, na mas hindi ka mai-in-love sa taong nakakasama mo araw-araw kapag binigyan mo ng limitation ang sarili mo."
"What do you mean limitation?"
"Limitation sa pagbibigay ng feelings sa lahat ng ginagawa sa'yo ng isang lalake or babae. Kapag alam mo naman na, for friends lang ang ginagawa na effort ng isang guy or girl ay 'wag mag-assume masyado."
"But love is mystery. Minsan hindi mo inaasahan ay nararamdaman mo na siya bigla at walang ka-warning warning."
"Nakakatuwa, Gian." Napangiti, "nakakausap kita nang ganito ngayon? Parang hindi kita boss," sabi ko at napangiti.
"I'm not your boss here. You are the boss because this is your house."
"Ay, may ganun? Sige, ako pala boss kaya maghugas ka ng plato."
"Ha?" Natawa naman ako sa itsura ni Gian.
"Joke lang, Air-
Napatingin kami sa biglang dumating na si Rafael at kasama ang Mama ni Gian. Nakangiti ang Mama ni Gian nang lumapit sa amin kaya napatayo ako at ganoon din si Gian. Seryoso naman si Rafael na nakatingin sa akin.
"You are Jana, right?" tanong sa akin ng Mama ni Gian.
"Yes po, Maam."
"Call me Tita and I'm Rose Franco, nice meeting you, iha."
"Same to you po." Nagkamayan kaming dalawa ng ginang.
Mukhang mabait ang ginang base pa lang sa magiliw na ngiti niya sa akin at sa mabait na tono ng boses niya sa pakikipag-usap sa akin. Maganda si Tita Rose kahit nababakasan ang katandaan niya at kita pa rin ang kagandahan niya. Magkamukhang-magkamukha sila ni Gia parang si Tita Rose ang babaeng version ni Gian at matandang version din na naiba lang ang mga mata dahil marahil sa Papa ni Gian namana iyon.
"Lagi kang naeke-kwento sa akin ng unico-iho ko." Tumingin kay Gian," at tama ang Gian ko na cute ka nga."
"Mom!" saway ni Gian.
Namula bigla si Gian sa sinabi ng ina niya.
"Thank you po," nakangiting tugon ko kay Tita Rose.
Kahit sa totoo lang nagulat ako na naeke-kuwento pala ako ni Gian sa Mama niya.
"May kapatid ka 'di ba? Where is she?" usisa ni Tita Rose.
"Nasa taas po. Tatawagin ko lang po," paalam ko sa kanila, "maupo po muna kayo," alok ko.
"Sige,"tugon ng ginang at naupo sila ni Gian sa sofa.
"Sasamahan na kita," alok ni Rafael at hinila niya ko paakyat sa taas.
"Wait lang! Nagmamadali? May lakad?" tanong ko nang makaakyat kami sa taas.
"Shut up! Tandaan mo may kasalanan ka pa sa akin!" seryosong pagpapamukha sa akin ni Rafael.
"Sorry na, 'wag ka ng magalit," parang maamong tupang tugon ko.
"So, close na pala kayo talaga ni Gian? Kaya pala tinraydor mo sarili mong kaibigan. Actually, I'm not your only friends. We're more than just friends!" seryosong sumbat ni Rafael sa kanya.
"Sorry na, Raffy, hindi naman kita tinraydor. Hindi ko magagawa sayo 'yon at mas mahal kita doon kay Sir," naglalambing kong sabi kay Rafael dahil baka mawala na galit niya sa akin.
" 'Wag mo na akong bilugin at mag-usap tayo mamaya."
Saka niya ako iniwan at kinatok ang kwarto si Hana.
"Oh, Kuya?" tanong kaagad ni Hana nang pagbuksan kami ng pinto.
"Baba ka na muna. Gusto kang makilala ni Tita Rose," utos ni Rafael kay Hana.
"Sige po."
Bumaba na rin kami kaagad at pinakilala si Hana sa dalawang bisita. Matagal pa kaming nag-usap-usap bago nagpaalam sina Tita Rose at Gian na aalis na.
"Thanks for the time, Tita," pasasalamat ni Rafael, "sayo rin Gian."
"Sana magkita tayo sa Monday sa office, bro." Inabot ang kamay para makipag-kamay si Gian kay Rafael.
"Pag-iisipan ko, bro, salamat pa rin," nakipag-kamay na rin kay Gian.
"You're always welcome, anak," tugon ni Tita Rose kay Rafael, "sige na, aalis na kami," paalam muli ni Tita Rose sa amin.
Inihatid pa namin sina Tita Rose at Gian sa labas ng bahay at hanggang sa nakaalis na sila lulan ng kotse.
"Pasok na tayo, Kuya, Ate. Mainit rito," aya ni Hana, sa amin.
"Pumasok ka na, Hana, kasi kami ng Ate mo ay doon na muna sa bahay ko. May ginawa kasing kasalanan to, eh."
"Ha? Teka-
Nagulat na lang ako nang buhatin ako ni Rafael na parang sako ng bigas at naglakad.
"Ay! Raf! Ibaba mo ako! Ano ba!" sigaw ko kay Rafael.
Tatawa tawa naman si Hana habang nakatingin sa amin.
"Hana!" hingi ko ng saklolo kay Hana pero tinawanan niya lang ako
Naipasok na ako sa bahay ni Rafael at iniupo ako sa sofa kasunod niyon humarap siya sa akin, malapit na malapit at naka-tukod lang dalawang kamay ni Rafael sa sofa na kinakaupuan ko kaya hindi ako makaalis.
"Okay. Magde-deal tayo and of course you need to say yes."
Seryoso si Rafael kaya wala akong choice kundi tumango.
"Nakagawa ka ng kasalanan kaya dapat may parusa ka."
Tumango na naman ako at lalo tuloy akong kinabahan baka sakalin na ako ni Rafael.
"Diyos ko, please, help me. Ilayo mo ako sa higanteng ito! "
"Tapos na ang renovation ng bahay at linis na lang ang kulang dito at kaysa mag-hire ako ng maglilinis dito na gagawin ko sana ay ikaw na gagawa at kapag hindi ako natuwa sa paglilinis mo, humanda ka!" may panganib na banta ni Rafael sa akin na ikinalunok ko ng laway.
"Oo aayusin ko." Tumayo na si Rafael at umupo na sa sofa.
"Mag-umpisa ka na," utos ni Rafael sa akin at wala na naman akong nagawa kundi tumango.
Wala akong choice kundi gawin nga ang pinagagawa ni Rafael kaso medyo malaki ang bahay niya kaya tingin ko ay mapapagod talaga ako at mag-isa pa akong maglilinis ng bahay niya.
Nang tanghalian na ay pumunta si Hana sa bahay ni Rafael na may dalang pagkain na niluto na niya. Nasa sala ako at pinupunasan ang salaming pinto papunta sa garden ng bahay. Pawis na pawis na ako at ito pa lang ginagawa ko.
"Oh, Ate, kain ka na muna," aya sa akin ni Hana.
"Sige gutom na rin ako, eh."
Tumigil muna ako sa paglilinis at nakisalo sa kanila para kumain.
"Tutulungan kita maglinis, Ate, pagtapos kumain," sabi ni Hana.
"Huwag na, Hana-
"Hindi mo siya pwedeng tulungan, Hana, that's her punishment," tutol kaagad ni Rafael sa kapatid niya.
"Pero, Kuya, medyo malaki ang bahay mo. Masyadong mapapagod si Ate kapag siya lang."
"Huwag mo nang ituloy paglilinis mo, Jana, tatawag na lang ako ng gagawa."
Tumayo si Rafael at iniwan sila.
"Mukhang lalong nagalit. Hinayaan mo na lang sana ako, Hana," sabi ko kay Hana.
"Hindi naman po pwede, Ate, baka hindi kayanin ng katawan mo. Ano ba kasi ginawa mo kay Kuya Rafael?"
Wala siyang nagawa kundi magkwento.
"Mali naman talaga ginawa mo, Ate, dapat tinanong mo muna siya bago mo ginawa 'yon," paninisi sa akin ni Hana nang malaman niya ang buong kwento.
"Kaya nga ready naman akong gawin ang pinapagawa niya, eh." Napabuntong hininga ako.
Nakadama talaga ako ng matinding konsensiya dahil sa padalos-dalos na pagdedesisyon ko at hindi ko na naman naisip ang kahahantungan nito at ni Rafael.
RAFAEL's POV
NASA kwarto ako at nakatingin sa picture ni Papa na kasama ako. Naramdaman ko ang mga luha na tumulo sa pisngi ko at nagsisisi rin ako dahil hindi rin ako nag-effort noon na makasama si Papa at maka-bonding. Ngayong patay na siya ay wala na akong magagawa pa.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko at napalingon ako.
"Raffy, sorry na. 'Wag ka na-
Napatitig si Jana sa akin at nagulat.
Kaagad siyang lumapit sa akin na may nag-aalalang mukha.
"Hala! Sorry na, hindi ko naman talaga gustong traydurin ka, eh, sobrang nasaktan ba kita kaya umiiyak ka ngayon." Hinila ko siya at niyakap.
" 'Wag ka nga assuming dahil hindi dahil sayo 'to 'no!" tugon ko sa kanya.
"Eh, kanino pala?" usisa niya sa akin.
"Kay Papa."
Hindi ko na naman namalayan ang pagtulo ng luha ko.
Nakakainis dahil kalalaki kong tao para akong babae kong umiyak pero hindi ko mapigilan, eh, nasasaktan talaga ako.
"I hate myself, Jana, hindi man lang ako gumawa ng paraan para mapalapit kay Papa at hindi ko siya pinapansin dahil nagpadala ako sa galit ko. Sana pala noon pa man ay gumawa na ako nang paraan para makasama ko siya at para magkaroon kami ng magandang ala-ala.
"Para bago siya nawala ay may masaya kaming ala-ala at hindi siya malungkot na umalis sa mundong ito. Hindi niya tinatawag ang pangalan ko at humihingi ng tawad ng panahon naghihingalo na siya," emosyonal na paglalahad ko kay Jana.
Umupo sa kama si Jana at humiwalay sa pagyakap sa akin at tinitigan niya ako sa mukha saka hinawakan ng dalawang kamay niya ang mukha ko.
"It's not your fault, Raffy, wala kang kahit anong naging kasalanan. Hindi mo man naipadama sa Papa mo na mahal na mahal mo siya, alam ko na alam niya na mahal na mahal mo rin siya. Nararamdaman niya 'yon at nakikita niya iyon, Raf, kaya hindi mo dapat sisihin ang sarili mo."
"Nami-miss ko si Papa," umiiyak na sabi ko. Nakita ko sa mukha ni Jana ang awa sa akin at kahit siya ay napaiyak na rin at niyakap niya ako.
"Sige Raf, iiyak mo lang 'yan. Nandito lang ako hindi kita iiwan."
Mahigpit kong niyakap si Jana at doon umiyak.
JANA's POV
NAHIMASMASAN na rin si Rafael at tumigil na siya sa pag-iyak.
"Ayos ka na ba?" nag-aalalang tanong ko pa rin sa kanya.
"I'm okay, thank you," nakangiting tugon sa akin ni Rafael.
"So, pinapatawad mo na ako?" naniniguradong tanong ko.
Tinignan ako ng masama ni Rafael kaya napanguso tuloy ako. Mukhang hindi pa niya ako napapatawad sa nagawa ko.
"Oo na, sabi ko nga na hindi pa."
Hinila ako ni Rafael at kinabig palapit sa kanya napatili tuloy ako sa gulat.
"Sa Monday tulungan mo ako sa isusuot ko kasi first day ko na sa trabaho sa Monday," aniya.
"Ha? May trabaho ka na?" gulat na tanong ko.
"Oo and I will be your new boss." Napahiwalay ulit ako sa kanya.
"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko kay Rafael.
"Yup!" Napatili ako at niyakap siya ulit.
"Pero Raf, bakit ka pumayag?" nagtatakang tanong ko sa kanya matapos kong humiwalay sa pagyakap.
"Iyon ang gusto ni Papa at kahit dito na lang maipakita ko kung gaano ko siya kamahal," seryosong tugon sa akin ni Rafael.
"Sige, akong bahala sa susuutin mo sa Monday. Wala na ba akong punishment sa'yo kasi tutulungan na kita sa Monday, eh," sabi ko.
"Wala na pero 'wag mo ng uulitin 'yon."
"Oo," nakangiting sagot ko.
"Promise mo rin sa akin, Jana, hinding-hindi mo ako iiwan," seryoso ng hiling sa akin ni Rafael. Nakadama na naman tuloy ako ng awa sa kanya.
"Promise, hinding-hindi kita iiwan." Ngumiti na si Rafael," baba na tayo, nasa baba pa si Hana at baka nagtataka na 'yon bakit ang tagal natin," aya ko na sa kanya.
"Ah, oo nga. Nagalit ba sa akin si Hana dahil sa pinagagawa ko sa'yo?" usisa ni Rafael.
"Hindi. Sinabi ko sa kanya ang totoo."
"Buti naman. Tara na, gusto ko rin makausap si Hana."
Tumango lang ako at tumayo na si Rafael sa pagkakaupo saka kami sabay na lumakad para bumaba sa kusina.
Nang sumapit ang Lunes para sa unang pagpasok ni Rafael sa trabaho niya ay aaga akong gumising at tinulungan ko siyang makahanap ng susuutin.
"Hindi ako marunong maglagay nitong necktie kailangan pa ba nito?" nagrereklamong tanong ni Rafael sa akin.
"Oo ano ka ba? Akin na nga!" Kinuha ko ang necktie at ako na mismo ang naglagay sa kanya nito at nag-ayos.
"Ayan, mukha ka ng boss," nakangiting puri ko kay Rafael.
Tinignan ko si Rafael mula ulo hanggang paa at bagay na bagay sa kanya ang coat and tie niya at lalo siyang naging magandang lalake.
"So, let's go na?" tanong sa akin ni Rafael.
"Sige."
Sabay na kaming pumunta ng office at pagpasok sa pa lang sa building na pag-aari ng pamilya ni Rafael ay halos lahat ng mga empleyado ay kay Rafael nakatingin at halos lahat ay paghanga ang makikita sa mga mukha nila.
Pagsakay namin sa elevator ay naabutan namin sina Jay, Belle at Luane.
"Beshong! Sino 'yang kasabay mo? Ang yummy ha," bulong kaagad sa akin ni Jay.
"Mamaya makikilala niyo 'yan," tugon ko.
"Ay! Pabitin?"
Tumunog ang elevator at nandoon na kami sa floor namin kaya nagsilabasan na kami at inihatid ko na muna si Rafael sa office ni Gian.
"Ayan, ha, inihatid pa kita. Goodluck! Kaya mo 'yan!" pagpapalakas ko ng loob kay Rafael.
"Thank you. Mamaya sabay na tayo mag-lunch," paalala sa akin ni Rafael.
"Opo. Kapag tumanggi ba ako papayag ka?"
"Syempre, hindi no!"
Natawa naman ako sa sagot ni Rafael. "Sige na, pumasok ka n at baka nag-aanatay na sa'yo si Sir Gian," utos ko na kay Rafael.
Ngumiti lang si Rafael sa kanya at saka na siya pumasok sa opisina ni Gian. Nang tuluyan ng nakapasok si Rafael ay siyang alis ko at pumunta ng table ko.
Matagal-tagal din ang pag-uusap nina Gian at Rafael pero matapos nila ay lumabas sila at ipinakilala na si Rafael sa lahat ng empleyado bilang bagong CEO ng company. Lahat sila ay nagsilapitan at kinamayan si Rafael at ako ay hindi na.
Pwede ko naman gawin iyon mamaya dahil sabay rin naman kami sa uuwi.
Nang matapos ang pagpapakilala kay Rafael ay nag-announce na rin si Gian ng biglaang meeting after lunch pero si Rafael na ang magme-meeting sa aming lahat. Bilang bagong CEO at boss namin dito.
Napangiti ako dahil kita ko ang tuwa sa mukha ni Rafael lalo pa't masayang wene-welcome siya at kinakamayan ng mga magiging tauhan niya.
"Hay! Boss ko na pala ang Raffy ko. Ang taas niya bigla, ah, samantalang ako empleyado niya lang."
"Raffy ko? Kailan pa naging iyo, si Rafael?" biglang tanong ng isip ko.
"Akin siya hangga't 'di siya nakakahanap ng mapapangasawa! haha ! At kahit boss ko siya ay ako pa rin boss sa amin dalawa!" diin ko rin sa sarili ko.
Napangiti ako sa isipin na 'yon. Walang magbabago sa amin dalawa at alam ko 'yon dahil alam ko hindi naman gusto ni Rafael na mawala ako sa kanya at kahit siya naman sa akin.
Nang sumapit ang tanghalian ang planong pagsabay sana namin ni Rafael ay hindi natuloy kaya kina Jay, Luane at Belle ako sumabay.
"Ang gwapo ni Sir Jared, ano? My god! Ang hot niya," kinikilig na sabi ni Luane.
"Ikaw bruha ka? Bakit magkasabay kayo ni Sir Jared kanina? Ini-stalk mo siya ano? Type mo si Sir, ano?" pagtataray na sunod-sunod na tanong sa akin ni Jay.
"Magtigil ka nga dahil nakakakilabot ang sinasabi mo!" sita ko kay Jay.
"Anong nakakakilabot? Sa gwapo niya? My god! Walang babaeng hihindi kay Sir Jared!" bulalas ni Jay.
"Ano nga, Jana, bakit kayo magkasabay ni sir Jared kanina?" singit na tanong ni Luane.
"Kasi-
"Hi, Jana."
Kaagad na napalingon kaming lahat sa bumati at nagulat pa ako nang makilala kong sino iyon.
"Oh, Sir Gian?" gulat kong bulalas.
"Hi po, Sir Gian," halos sabay na bati ng mga kasama ko.
"Hello," balik na bati ni Sir Gian sa mga kaibigan ko, "p'wede ko bang hiramin si Jana sa inyo? Magpapasama lang ako mag-lunch," paalam ni Gian sa mga kaibigan ko.
Nagkatinginan pa kami ng mga kaibigan ko at may ngisi sa labi ang mga ito.
"Sige po, Sir," kinikilig na payag kaagad ni Jay.
"Shall we?" tanong sa akin ni Gian.
Napatango naman ako at kaagad na tumayo sa kinaupuan ko.
Napalingon muna ako kina Jay at kita ko pa na nakanganga sila at nginisian pa nila ako ng nakakaloko kaya napangisi lang din ako sa kanila.
Nakadama naman ako ng kilig dahil niyaya ako ni Gian mag-lunch ang gwapo kaya niya at kahit sino ay kikiligin kapag niyaya ka ng tulad ni Gian saka mabait na boss pa kaya sino ako para hindi kiligin?
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.