Third Person's POV
Lahat ay abala na para sa gaganapin na prom ngayong araw, gabi pa naman ang nasabing event pero umaga pa lang ay meron ng nag tungo sa kani kanilang glam team para magpa ayos. Ang iba naman ay nag extend ng kanilang beauty rest para fresh kapag dumating sa venue. Pero iba si Maureen, halos hindi sya nakatulog kagabi kakaisip sa pag aya sa kanya ni Ralph, ang taong iniisip nya kahapon na sana eh syang kasama nya sa pinaka memorableng gabi na iyon. Mabilis na umiikot ang kamay ng relo sa orasan pero mabagal na tumatakbo ang mga isipin ni Maureen, sya na class president ng kanilang buong klase ay ngayon ay inaya ng isang hardcore athlete na may pagka playboy. Iniisip nya kung paano tatakbo ang gabi nilang dalawa, ngayong madaming mata ang nakatingin sa kanila dahil kumalat na din sa internet ang nasabing pagiging mag partner nila. Natapos na ang araw at sobrang nag nining ning ang suot, mata, at ang buong mukha ni Maureen, hindi maitanggi ni Ralph ang excitement dahil makikita nya na si Maureen suot ang kanyang dress. Karaniwan na pantalon at tee shirt lang ang suot nito sa araw araw nilang klase, hindi nya man lang ito nakitang mag dress o kaya naman ay naka palda lang ito pero hindi ganoon ka higpit.
Ralph's POV
"Anak let me see nga, mukhang okay naman ang suot mo ah"
"Eh mommy talaga bang maganda? Ayokong mapahiya sa mga magulang ni Maureen, at kay Maureen mismo"
"Itong anak ko talaga, pagdating sa mga babae ganyan na ganyan ka, ewan ko ba bakit mo pa yan namana sa ama mo"
"Hayaan na natin si papa ma. anyway aalis na po ako? Naghihintay na si Maureen and the party is about to start, ayokong m traffic kami at ma late"
Naka black tuxedo ako ngayon at sinuot ko ang pinaka mabangoo kong pabango.
"Okay sige anak kong gwapo, mag iingat sa pag drive ha! Uwi ka ng safe anak ko ha"
"Yes po Ma, kayo din po mag iingat dito sa bahay. I'll be back siguro before 12, ayoko naman na mag worry kayo"
"And another thing anak ko, alam ko naman na iinom kayo but please control it. And make sure na kaya mo pang mag drive kahit na naka inom ka ha"
"Yes Mom, thank you. I love you
"I love you more my son."
Pina andar ko na ang makina ng kotse, malamig ang simoy ng hangin kaya nagdala ako ng extra jacket. Inabot din ng kalahating oras dahil medyo traffic na sa way na dadaanan ko papunta kila Maureen. Aaminin kong kinakabahan ako ngayon.Iniisip ko pa lang na makikita ko si Maureen at napili nya akong maging kapareha sa prom na ito. Matagal ko ng binabalak na sya ang maka pareha ko. Maganda at simpleng babae lang si Maureen pero mabait sya at matalino, mga katangian na nakita ko sa kanya na sana ay hindi pa nakikita ng ibang lalake, ayokong may mauna pa sa akin sa kanya.
Ginilid ko na ang kotse at saka bumusina para ipaalam na nandito na ako, bumaba ako ng kotse para kunin si Maureen sa kanyang mga magulang. Nang makita ko sya ay hindi ko alam ang gagawin, sobrang ganda nya mula ulo hanggang paa ay kitang kita ko kung paano nya pinaghandaan ang okasyon na ito.
"Magandang gabi po sainyo Ma'am, Sir, Maureen. You look stunning"
"Ikaw din Ralph, you look good with tuxedo"
"Oh ayan ikaw na bahala sa anak namin ah? Basta yung usapan natin, hanggang before 12 AM lang ang anak ko, sana nagkaka intindihan na tayo dyan?"
"Oo naman po Tito, tita promise po ibabalik ko po sya before mag 12 AM"
"Okay iho, ipagkakatiwala namin sya sa'yo kasi alam namin at nararamdaman namin na maibabalik mo ang bunso namin ng safe"
"Tara na Maureen?"
"Okay, let's go"
I opened the door for her and led her the way. Napaka gracious ni Maureen kung kumilos sya, sana lang ay hindi na matapos ang gabing ito para palagi ko lang sya na kasama.
Habang nasa byahe ay naka feel kami ng awkward silence, hindi inaasahan dahil parehas ata kaming nabigla sa itsura naming dalawa. Kaya imbis na mag salita ay nagpa tugtog na lang ako ng kanta.
Now Playing: You Look Perfect Tonight
Saktong sakto ang kanta sa nararamdaman ko ngayon.
Maureen's POV
Hindi ko alam kung ako lang ba o may namumuo talagang awkward silence ngayon sa paligid ng kotse. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Narinig kong gumalaw ang kamay ni Ralph, nagpapatugtog sya ngayon at hindi ko maiwasan na mamula sa isipin na baka para sa akin ang tugtog na ito ngayon. I tried my best to look great this evening, even convinced my mom na magsusuot ako ng make up para naman presentable tignan.
Sa wakas ay nakarating na kami sa venue, medyo malayo iyon sa school kaya medyo natagalan din kami. I was about to open my door nang pigilan nya ako.
"Uhm wait, let me open the door for you"
He sweetly open the door for me at inalalayan akong maka labas ng pinto, kahit na medyo mabigat ang gown ko ay hindi ako nahirapan dahil andun sya para alalayan ako.
"Thank you, Ralph"
"No problem. Comfortable ka ba sa suot mo? We can adjust that naman if you want"
"No, I am okay. I can do this minsan lang naman eh"
"Sige sige, tara na ba?"
"Okay, let's go."
We headed inside the venue at nandun na din ang mga tropa namin, mga tropa ko at tropa ni Ralph ay magkaka relasyon. Kung tutuusin nga eh mapagkakamalan na din kami na magkasintahan dahil kami ang partner ngayon, di na ako magtataka kung madaming rumors ang lalabas pagkatapos nito, napaka maisip pa naman ng mga tao sa paligid namin.
"Uy! Andito na pala yung last minute partner eh"
"Hey bestieeeee!! I knew it! Babagay talaga sa'yo yang ganyang color and ganyang style ng gown"
"Thank you girls, kanina pa ba kayo dito? Sorry ah natagalan medyo traffic kasi"
"Nah, it's okay. Tara na dito sa may table natin. Pwede tayo for drinks pero moderate lang naman ang effect nito so makakapag sober up ang boys Incase na may malasing and kailangan mag drive. Pero sis, wait lang ah. Kelan pa kayo nag decide ni Ralph na maging mag partner?"
"Well, nung time na pumunta tayo sa mall para bumili ng susuotin, pumunta din pala sya sa bahay to ask my parents if he could date me sa prom and they said yes naman. And they told me to tell him what is my decision about it."
"So in short, pumayag ka?! Omg!! the world must be healing then?"
"Ano ba kayo, he's a nice guy din naman, hindi lang yun makita ng iba kasi pagiging playboy nya pinapalabas nya"
"Teka lang Maureen ah, nauntog ba yang ulo mo or what? Ikaw ba talaga yan? Kasi hindi yan gagawin ni Maureen na kilala ko eh, baka naman mamaya sinapian ka lang pala"
"Mga sira talaga kayo, it's me guys ano ba. Natuto lang ako na may iba't ibang sides ang tao, hindi mo dapat kaagad bigyan ng judgement lalo na at hindi pa naman kayo gaano nagkakasama ng matagal, diba?"
"Tantanan nyo na nga si Maureen. Saka tropa naman ng mga boyfriends natin si Ralph kaya mapapagkatiwalaan sya diba?"
"I just really hope so. Kahit ba magkakaibigan yang mga yan eh mga boyfriend lang naman natin ang kilala natin sa kanila ah"
"Shh shhh! Tama na, nag aaway na kayo eh. Sige na let's go back to our places na lang"
Naglakad na kami pabalik sa mga boys at nag aalala na ang mukha nila nang dumating kami, narinig ata nila ang sigawan namin sa kabilang table.
"Okay ka lang ba?"
Tanong naman sa akin ni Ralph.
"Oo, okay lang ako. Sa'kin ba to na drink?"
"Umiinom ka ba?"
"Ngayon lang, inumin ko na ah"
I immediately drank it at sobrang pait pala, buti na lang inabutan agad ako ng lemon ni Ralph na sya namang nakapag pawala ng tama ng inumin na ininom ko.
"Bat mo naman kasi nilagok? Ano mahapdi ba sa lalamunan? May losenges ako sa bag, gusto mo?"
"No, no I'm okay. Saka kaya naman. Don't worry"
Napuno ng musika at sayawan ang paligid. Hindi ko mabilang kung ilang ulit kaming bumalik sa dance floor para mag sayaw, kaming grupo, silang mga lalaki at kanya kanyang grupo.
"And now! We will announce the darling of the night. The Ms. Prom Queen for this year's Prom is none other than, Ms. Maureen!"
Nagulat ako nang ako na ang tawagin sa stage, biglaan lang ang lahat ng sinuot ko ngayong gabi kaya di ko talaga kaya na humarap sa lahat ng tao at baka husgahan pa nila ako. Nang i-announce naman kung sino ang Prom King, iyo ay walang iba kung hindi si Ralph. Nakangiti nyang tinanggap ang award at lumapit sa pwesto ko.
"Congratulations, Ms. Prom Queen"
"Likewise, Mr. Prom King" at nagtawanan na lang kaming dalawa.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.