Maureen's POV
Mataas na ang sikat ng araw pero ramdam ko pa din ang lamig sa pinagkakahigaan ko ngayon. Nakaka panibago dahil hindi ganito ka lambot ang kama na meron ako sa bahay. Sandali kong dinahan dahan ang pag mulat ng mga mata ko lalo na at sobrang sakit din ng balakang ko at ng pang ibabang pribadong parte ng katawan ko. Gusto ko sanang magpunta ng banyo nang bigla akong may masagi. May braso sa gilid ko kaya agad kong nilingon yun. Sa gilid ko ay si Ralph na mahimbing ang tulog. Nagulat ako kaya tinandaan ko kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon.
s**t! Mom and Dad are gonna be worried.
Sa sobrang takot ko na mapagalitan ay kinuntyaba ko ang mga kaibigan ko na ipagpaalam ako sa mga magulang ko na doon ako sa kanila natulog.
"Hello, Cole. Uhm may favor sana ako sa'yo eh"
"Oh oo nga pala, saan ka ngayon? Tumawag na sila Tita and Tito dito they were looking for you!!"
"I knew it. Hindi yan mapapakali sila mommy. Especially si Mommy. Yun na nga yung dapat kong sasabihin sa'yo. Tell them na sa bahay nyo ako natulog or something like that. Kailangan mapaniwala mo sila"
"But before I do that, can you tell me kung nasan ka talaga? I am also worried about you. First time mo pa naman na pinayagan tapos parang hindi na mauulit"
"Ganun ba sila kagalit?"
"Yeah. Lalo na kay Ralph, which is speaking of nasaan kaya yun ngayon?"
"Uhm he is here. Kasama ko sya kagabi pa"
"OMG girl don't tell me na binigay mo ang unang experience kay Ralph?"
"Uhm I guess you're right."
"I can't believe you Maureen! Hindi mo yan gagawin kung kilala na kita matagal na"
"I was so drunk kagabi and kailangan ko lang ilabas kung anong nararamdaman ko"
"Tell me your location, oh my goodness!"
Sinend ko na sa kanya ang location ko at sinabi nyang sya na daw ang bahala sa mga magulang ko. Sa totoo lang ay sa alak lang talaga ako kumuha ng lakas ng loob kagabi para magawa ang lahat ng yun. Kung nasa tamang wisyo naman ako ay hinding hindi ako gagawa ng ganito katangang problema.
Nang makaligo ako ay bumangon na din si Ralph
"Oh ang aga mo ata? Good morning"
"Ralph, what happened last night... it was just a mistake okay? Wag mo sanang iisipan ng iba pang meaning yun. Lasing lang tayo pareho and di naman natin sinasadya na gawin yun eh.You get me naman diba?"
Nakatulala lang sya at tumango sa mga sinabi ko, hindi ko alam kung nauunawaan nya talaga o sadyang wala pa sya sa tamang wisyo nya para makinig at maintindihan ang mga sinasabi ko.
"Ako na ang bahala magpaliwanang sa mga magulang ko. Ipapasundo na lang daw ako ng driver nila Cole. Yun din kasi yung ni reason out ko sa mga parents ko"
"Okay sige."
Pansin ko ang paglamig ng kanyang pakikitungo sa akin, bagay na hindi ko inaasahan na gagawin nya dahil nakuha nya naman na ang lahat sa'kin, nakita at nahawakan nya na ako kaya naman wala ng dahilan para mag tampo pa sya at kung sakali man na sumama ang loob nya na aksidente lang ang lahat well sorry naman dahil yun lang naman talaga ang nakikita kong rason kung bakit nangyari ang lahat ng ito nung nakaraang gabi.
Tapos na din mag ayos si Ralph at tahimik lang kaming naghihintay sa susundo sa'kin. Minamasdan ko ang mga galaw nya na para bang balisa na malungkot na mataray, hindi ko malaman kung ano talaga ang nararamdaman nya sa mga oras na yun pero alam kong hindi nya tanggap na kakalimutan na lang namin nang basta basta ang mga nangyari lalo na at hindi ganun kadali dahil masyadong naging mahaba ang oras namin na natulog.
Sa wakas ay dumating na ang driver nila Cole at akala ko naman ay ihahatid ako ng driver lang nila
"Sir, can I accompany you? Kailangan ko lang po ma make sure na makakauwi ng maayos si Maureen, ako po kasi ang nag care of sa kanya"
"Okay sir, no problem naman po. Or kung gusto nyo po sumabay na kayo samin"
"No, I have my car. Maureen go with kuya na susunod lang ako sainyo"
Kahit napaka cold ni Ralph ay kita ko pa din naman na nagmamalasakit sya sa akin. Tama lang ang pagpapatakbo ng driver nila Cole at kitang kita ko sa rear view mirror na nakasunod pa din sya.
"Ma'am, boyfriend nyo na po ba yung sumusunod satin ngayon?"
"No kuya, he's just a friend. Friend din po sya ng boyfriend ni Cole"
"Ah ganun po ba. Mukhang may gusto po sainyo eh"
"I don't know kuya. I don't want to assume unless it's stated. Saka wala pa naman po sa isip ko ang pagkakaroon ng boyfriend. Masyado pa po akong hinihigpitan nila Mommy eh"
"Eh hindi naman nila malalaman yan Ma'am, saka mukhang gusto nyo din naman po sya. Maalaga saka mukhang mabait din naman si sir Ralph"
Natahimik na lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga papuri nya kay Ralph
Nang makarating na sa bahay ay bumaba na ako at umalis din kaagad ang driver nila Cole
"Salamat po sa paghatid and tell Cole my regards. Ingat po kayo"
"Kayo din po Ma'am"
Papasok na sana ako nang biglang bumaba si Ralph ng kotse nya.
"I can't just let you get scolded alone. Let's go"
He held my hand at kinakabahan ako para sa kanya dahil grabe kung magalit si dad and Mom sa mga ganitong pagkakataon.
"Buti naman at nandito na kayo? What the hell did you do with my daughter? Diba sinabi ko na sainyong hanggang 12 lang si Maureen?!"
Akmang sasampalin na ni Mommy si Ralph but I stopped her. Kitang kita ko sa mukha nya ang gulat pati na din si Daddy. Hinding hindi ko hahayaan na saktan nila si Ralph lalo na at ako naman ang initiate kaya nangyari yun. Sa totoo lang habang nasa car ng driver nila Cole, napag isip isip ko na napaka tanga ko na sinabi ko kay Ralph na kalimutan nya na, nagmumukha akong w***e and one sided.
"Ralph has nothing to do with this"
"ABA !? MAUREEN!? KELAN KA PA NATUTONG GUMANYAN SAMIN HA!? WALANG HIYA KANG BATA KA. BAKIT MO KO PINIGILAN HA? ANO MAY NANGYARI NA BA SAINYO? MGA BASTOS! MGA IMORAL KAYO! PINAGKTIWALAAN NAMIN KAYO TAPOS GANYAN LANG IGAGANTI NINYO SA AMIN?! EXPLAIN YOURSELF TO ME MAUREEN, DOON TAYO DA KWARTO MO!"
Hinila na ako ni Mom and naiwan na sa baba si Ralph and si Dad. Ayoko na sana na lumaki ang gulo pero ayoko naman na may masaktan pa dahil sa dumb decisions ko. I must make this right.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.