Ralph's POV
Nagising ako sa matinding sikat ng araw, nang ma realize ko na Sunday ngayon at anong oras na ay agad akong tumawag kay Maureen.
"Hi Maureen, good morning. Sorry I just woke up, di ko namalayan yung time eh. Prepare na din ako agad and diretso na dyan sainyo"
"Okay lang. No worries. Ingat ka na lang"
Call Ended.
Naligo, kumain at nag toothbrush. Bago ako tuluyan na pumunta sa kanila ay dumaan muna ako ng bakeshop para bumili ng cake at iilang pastries na dadalhin sa bahay nila. Laging turo sa akin ng mga magulang ko na don't come over a house empty handed. Kung kaya mo naman na mag bigay edi why not?
"Tao po! Tao po!"
Pinag buksan naman ako ng gate ng katulong nila.
"Magandang Umaga po, ako po yung friend ni Maureen. Gagawa po kami ng project eh"
"Magandang umaga din po Sir, sige po kaina pa po naghihintay sainyo si Ma'am Maureen eh"
She then led me sa may pool area nila.
"Hey, good morning"
"Morning. Ano yang dala mo? Yung pinasa mo kay Yaya?"
"Just a simple snack, just like my mom thought me"
"Wow obedient, that is one thing."
"Naman, nasaan nga pala parents mo?"
"Hmm umalis lang sila nang mabilisan. May pupuntahan kasi silang importante pero before lunch nandito na din yun"
"Hmm I see, so saan tayo magsisimula?"
"Gusto kong makapag isip muna tayo individually, tapos saka natin tipunin yung ideas natin, siguro after 20 minutes. Is that okay?"
"Oo, sige kung saan ka masaya"
Nanahimik nga sa loob ng 20 minutes ang dalawang magka partner. Ang dalaga ay busy sa paghahanap sa internet ng pwede nilang gawin ang habang ang isa ay nagpapanggap na busy sa kanyang laptop pero ang totoo ay nagnanakaw lamang ng tingin at picture sa dalaga. Makalipas ang 20 minutes ay muli silang nag harap at nagbigay ng opinion para sa kanilang project.
"Sige Maureen, let's hear your side first."
"Hindi ba pwedeng ikaw muna? Kanina kasi tinitignan kita di ka naman gumagawa eh"
"Hala? Tamang hinala ka naman dyan! Meron akong idea 'no! Dali na kasi mauna ka na!"
"Okay fine! Naisip ko na gumawa na lang tayo ng flow chart, pero interactive dapat"
"Actually same lang tayo ng naisip eh"
"Same lang o wala ka talagang naisip?"
"Grabe ka talaga Maureen, naku masama yan ah mapang husga ka masyado"
"Kung ayaw mong husgahan kita, sige nga patingin ng laptop mo? Anong mga nilagay mo dyan ah?"
"Yung mga ideas ko! Pero wag na natin haluhugin yan, sayang sa oras eh!"
"Hmm fine, I think okay naman yung idea ko eh, ikaw ba okay ba yan sa'yo?"
"Oo naman, eh same nga lang talaga kasi tayo"
"Okay, sige. Teka check ko lang sa storage room kung kumpleto pa yung mga gamit namin. Uhm, kain ka din muna ng snack. Maaga pa naman eh."
"Sige. Hintayin kita dito"
Wala ang mga magulang ni Maureen kaya naman nakagawa kami sa bahay nila, pero kung tutuusin eh malawak naman ang bahay nila para hindi kami payagan. Nang makabalik si Maureen ay akala ko makakapag simula na kami pero yun pala eh halos wala mag materyales na meron kami.
"Wala na din pala kaming mga materyales eh. Naubos na nung nakaraan na group. Pabili na lang tayo "
"Okay continue with what are you doing okay? Uhm iutos ko na lang siguro to kay Manong?"
"Uy wag na Mau, kailangan nilang standby sa mga stations nila incase ng emergency"
"Eh paano tayo makakabili nyan?"
"Edi tayo na lang mismo"
"Us? How are we gonna get there?"
"Dala ko yung motor ko. Angkas ka sa'kin
saka para makapili din tayo ng mas accurate na material"
"Well you have a point, just let me change okay?"
"Go madam"
Hindi naman talaga masungit yang si Maureen eh, talagang pressured lang ng mga magulang at kapatid nya. Masyado kasing ginalingan ng mga kapatid nya kaya ayan, dapat kung anong narating ng mga kapatid nya eh ganun din dapat sya, which is sad. Ma swerte na nga akong nakaka usap ko na sya, halos di kami mag usap noon eh.
"Ready na ako. Okay lang ba suot ko para sa motor?"
"Medyo nag effort ka, pero okay lang kung yan naman talaga nasa closet mo eh. Ano tara na ba?"
Nakasuot lang sya ng jeans at t-shirt pero ang lakas ng dating ni Maureen, hindi ko maipagkakaila ang pagkaka ganda nya, kahit na simpleng outfit lang.
Nang makarating na kami sa bilihan ng mga gamit ay medyo nahirapan pa sya sa pagpili ng mga gagamitin kaya tinulungan ko na sya na mamili.
"Eto na lang kaya? Sa tingin mo okay na to?"
"Sige okay na yan. We have to hurry up. Kalahating araw na tayong nag uusap wala pa tayong nasisimulan eh."
"Eto na nga po boss madam"
Tumirik na naman ang mga mata nya dahil sa inis, eh hindi naman ako nakikipag biruan sa kanya. Malapit na kami sa bahay nila nang biglang may bumusina naman samin.
"HOY PRE! ANO YAN AH? BABAKURAN MO NA SI MS PRESIDENT EH MAY KA MATCH KA NA SA BUMBLE AH!"
Langya naman talaga oh! Si Troy talaga kung ano ano na lang sinasabi!
"Hoy wag kang imbento dyan ah! May project tayo by partner pare! Baka di ka na naman aware dyan! Naku Jennie, iwan mo na yang boyfriend mo, di na alam ang mga ganap sa classroom kakagala"
Bumusina na lang kami sa isa't isa. Halos ganyan talaga kami kapag nagkaka salubong sa daan, may dala man na sasakyan o wala.
"Ang kukulit din pala ng mga friends mo ano?"
"Ah oo medyo hahahahaha masanay ka na sa mga yan. Kahit naman ganyan sila magagaling naman yan sa klase, nagbibiruan lang kami kanina pero for sure meron na silang nagawa for this project"
"Tapos eto tayo? wala pa din nasisimulan"
"Ano ka ba, kaya natin yan mahaba pa ang araw oh, malapit na tayo, kapit ka lang dyan"
Nang makarating kami sa kanila ay naabutan namin ang parents nya na para bang bad mood.
"Maureen!? Who told you na pwede kang sumakay ng motor?!"
Agad naman akong sumabat para maiwasan ang galit nila kay Maureen, ako naman itong nag pumilit sa kanya na sumakay kami sa motor ko.
"Good day, Mr. and Ms. Anderson. I am so sorry but it's on me. Ako po ang nag suggest na mag motor na lang kami. Kailangan na kailangan na po kasi namin ang materials, the due is on tomorrow na po kasi for that project"
"Oh? Don't you know na baka kung ano na lang ang nangyari sa anak ko because of that reckless action? Sana naman nag kotse na lang kayo, nandyan naman si Manong to drive you both"
"I am so sorry po Tito and Tita for thinking recklessly. Hindi na po ito mauulit"
"Okay na iho, sige na ako na ang bahala sa tita mo. Anak kumain na lang kayo ha mauuna na kami ng mama mo, kumain naman na kami sa labas with our friends. Iho, don't forget to eat ha"
"Thank you so much po Tito, Tita."
Hindi na umimik pa si Tita at hinila na lamang sya ni Tito papunta sa taas.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.