Ralph's POV
Nahihiya akong pumunta sa bahay nila Maureen ngayon. Wala kaming project o ano pa man na ganap sa school, pupuntahan ko sya sa mismong bahay nya para magpaalam mismo sa mga magulang nya, lalong na lalo na sa Mommy nya na sobrang higpit sa kanya.
"Wow bro, iba ka na talaga, stick to one na ba talaga?"
"Aba hindi pa ba dapat? Ikaw talaga! Kapag nagbago isip nyan malalaman natin pag di pumayag mga magulang ni Maureen nasa bar na yan saka naka open na ulit ang bumble app"
"Mga tarantado, palibhasa may mga girlfriend kayo, eh ginayuma nyo lang naman yan."
"At least kami na mismo gumawa ng paraan tsong, ang iba kasi dyan napaka hina akala mo naman di gwapo at mabait para di magustuhan eh"
Minsan talaga ay kinakain na lang ako ng mga insecurities ko kaya kahit pa gaano ko ka gusto ang isang tao ay naiiwan akong hindi umaamin hanggang sa may nahanap na pala yung taong gusto ko. Pero this time tama sila, it's now or never. This will be the last time na makakasayaw ko sya, at kailangan ko ng kunin to.
Nagmamadali na akong mag ayos ng bulaklak na ibibigay kay Maureen at sa mama nya, ako mismo ang nag ayos ng mga bulaklak dahil hindi lang naman ako athlete sa school, hobby ko din ang manuod at matuto ng mga pagbabalot ng bulaklak dahil gustong gusto iyon ng mommy ko at sana naman ay magustuhan din ng future daughter in law nya at future biyenan ko. Este ni Maureen at ng Mommy nya.
"Tao po! Tao po!"
"Ay iho! Wala dito si Maureen eh, bakit may project ba ulit kayo?"
"Ah wala naman po, pero may ibibigay at may ipagpapaalam ko po sana sa mga magulang nya"
"Ah bali po ba sila Sir at Madam po ang hanap nyo? Nandito po sila at libre naman daw po ang oras nila ngayon. Makaka pasok na kayo"
Dahan dahan akong pumasok at pina upo sa napaka laking sofa, tama nga si Sofia, hindi ko nga kakayanin ang ganitong buhay. Napaka rangya at halos hindi mo maabot.
Ilang sandali pa ay bumaba na ang mag asawa at halatang may pupuntahan ito sa ayos pa lang ng kanilang suot.
"Ay halika na po kayo, wala na po ba kayong sasakyan, hatid na po sana namin kayo doon sa kotse nyo"
"Ay naku wag na iho hindi ka namin tauhan"
"nga pala, anong pinunta mo dito?"
"Pagpapaalam ko lang po sana si Maureen, Tito & Tita na baka po pwede ko po sya maka partner para po sa upcoming prom namin. I brought you flowers din po. I personally arranged it dahil hilig ko din po yan. Maureen also mentioned na favorite nyo daw po"
"Well, that is right. Thank you iho"
Simpleng thank you lang ni Tita ay para bang wala lahat ng alalahanin ko dahil parang tanggap na ako kaagad ng pamilya nila.
"Well, mukhang payag naman ang tita mo. Ako papayag na din, pero nasa desisyon pa din ni Maureen ang masusunod ha? Are you willing to face the truth?"
"Yes naman po sir. gusto ko lang po talagang ipagpaalam sya dahil sya na lang po ang nakakasama nyong anak, naiintindihan ko din naman po kung San kayo nanggagaling eh. Mahal nyo lang po ang anak nyo kaya grabe kayo maka protekta sa kanya"
"Hmm, okay. Nung unang punta mo naman dito mabait ka naman. Pero as I've said, maagang uuwi ang anak ko, she can't be out the whole night"
"Noted Ma'am and Sir. Ako po ang bahala kay Maureen"
Nang matapos kaming kumain ay umalis na din ako at nagpaalam sa kanila.
Maureen's POV
"Hey besty! Tara na! Ano ba tinatayo tayo mo dyan?"
"Well, I forgot my wallet in the house, ngayon ko lang naalala eh"
"May E wallet ka naman diba? Yun na lang gamitin mo, you're worrying as if problema sayo ang pera"
Wala na akong nasabi sa dami ng say ng mga kaibigan ko. Nasa mall kami ngayon para bumili ng mga kakailangnin namin sa prom, masyado silang excoted habang ako eh di ko pa din alam kung may makaka partner pa ba ako, o kaya naman idea para sa susuotin ko.
"Tulala na naman si Maureen, kausapin nyo nga yan"
"Mau, ano ba problema? Kanina ka pa dyan tulala ah??"
"Eh kasi..."
"Come on Maureen, hindi ka maglilihim sakin ha. Alam mo naman na first prom natin to and wala akong kahit na sinong ka close na guy sa campus, diba?"
"Oh I think gets ko kung anong sinasabi ng girlie natin, nag iisip ka pa din na baka walang mag alok sa'yo? Eh andito naman kami ah? Sinabi na namin yan sa'yo, kahit wala ka kasama, at kahit may kasama kami, sa'yo at sa'yo pa din naman kami eh, you can have us, walang maleleft behind, okay?"
I was touched by the girl's sayings, ramdam ko naman yun pero hindi ko lang maiwasan na sana meron din tao na mag aya sa'kin, or baka naman ang pinupunto ko talaga ay ayain nya ako?
Nang pauwi na kami dahil nakapag shopping na din naman ay naabutan ko si Daddy na nasa bakuran kasama si Mommy at nakangiti.
"Oh? Anak! Buti naman dumating ka na!"
"Why daddy? diba po nag paalam naman po ako sainyo?"
"Oo anak, wala namang problema pero kasi may taong nandito kanina, hinahanap ka, pero isa din kami sa hanap nya eh"
"Oh? Really? Sino po yun?"
"It's the guy who brought you here. Si Ralph, he was asking us eagerly na kung pwede ka daw ba nyang maging ka partner sa prom?"
I was so shocked na marinig na mula yun kay Ralph, sa lahat ng tao na pwedeng mag alok sakin sa campus, sya pa talaga?
"W-what did you say po?"
"Of course pumayag kami, kasi di naman yun magpupunta dito kung hindi okay nag intention nya"
"Yes anak, kaya magpapaalam yun sa'yo, ikaw na bahala kumausap sakanya ah?"
Umakyat na nga ako nang kwarto at may nakitang bouquet ng mga pulang Rosas, kasama nito ang sulat na nagsasabing
Dear Mau,
Will you be my Prom Date?
Love,
Ralph
Ito na ata ang pinaka mapula at mainit na pisngi na nahawakan ko, hindi matanggal
ang ngiti sa mukha ko na halos hindi ko na din ito maramdaman.
Ilang segundo lang ay tumawag na sa'kin si Ralph, tinatanong nya na kung pumapayag na daw ba ako
"Hi Maureen, I'm sorry kung wala akong courage na tanungin ka sa personal, so anong sagot mo?"
I can't help but to blush at aaminin kong gusto ko pa sana syang pahirapam pero para saan pa? Sya lang ang taong naiisip ko na makasama sa kahit anong hamon ng buhay kaya naman ay um-oo na ako.
Mahaba haba pa ang gabi at hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako, excited na ako para sa prom na yun.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.