Ralph's POV
Maganda talaga ang pasok ng umaga ko dahil nakita ko kaagad si Maureen na papasok ng classroom. Sinusundan ko lang sya ng tingin pero akmang akma sa kanya ang ayos nya ngayong araw. Ang mga mahahaba nyang buhok ay nakatali sa pinaka mataas.
"Oh bro. bro what is the meaning of this?"
"Ano na naman ba sainyo? Di na kayo nanahimik eh, ako na naman nakita nyo ah"
"Eto si Ralph di man lang mabiro oh, chill bro"
"Di naman mainit ang ulo ko, sadyang di lang kayo mapakali"
Dumiretso na lang din ako sa loob kesa hintayin pa ang walang kwenta nilang rebat sa'kin. Hindi na muling nagparamdam pa si Bumble girl kaya naman hinayaan ko na lang ang bumble ko na naka tengga buong hapon.
"Uy bro may practice daw tayo mamaya ah, wag ka mawawala don"
"Kelan ba naman ako nawala sa practice? Tutulad mo pa ko sa'yo eh"
"Sige mauna na ako ha, sunod ka na lang"
Nag aayos pa ako ng gamit nang lumapit sakin si Maureen
"Hello Ralph, gusto ko sana ulit mag thank you in person sa'yo, napaka laking tulong kasi nung ginawa mo eh. Ayoko kasi talaga kapag center ako ng attention all the time na ultimo mga di ko kilala eh lumalapit sa'kin"
"Ah wala yun saka napansin ko naman na kailangan mo ng makaalis sa sitwasyon yun, if it makes you uncomfortable di mo naman kailangan na ipilit just because malalagay ka sa alanganin"
"I will keep that in mind, nga pala narinig ko may practice daw kayo. Eto oh have this na, kailangan mo yan para di ka mapagod kaagad"
She handed me the energy drink at Gatorade.
"Wow, this is so thoughtful if you Maureen. Thank you so much ha, nag abala ka pa"
"Wala yun, tinulungan mo naman ako eh, it this sparks rumors just clear it out to them ha? Nakasalubong ko kasi sila dyan sa pathway, baka kung anong isipin ng mga yun"
"No problem, uhm may sasakyan ka na ba?"
"Actually yeah, naghihintay na sa'kin si Manong. I got to go, galingan mo sa game ah, good luck!"
"I will, goodbye! Thank you ulit dito"
I waved my hand at tinignan na syang unti unting nawawala sa paningin ko at tuluyan na ngang umalis ang kanilang sasakyan
"BASTA VOLLEYBALL PLAYER, LOVER BOY!"
Ito na nga ba ang sinasabi ko, tatarantaduhin na naman ako ng mga ka teammates kong ito. Wala na talaga silang ginawang tama. Tsk tsk tsk.
"Oh? Siguro naman narinig nyo ang sinabi nya diba? Don't spark rumors about this"
"Luh, ikaw Ralph eh di naman namin yun narinig"
"Oo nga, mapag bintang ka masyado, ganyan ba kapag inaabutan ng Gatorade an?"
"Angas nyo din eh, alam kong nandyan kayo kanina pa. Mga kupal kayo eh"
"Tara na nga tama na yan guys para naman matapos tayo agad at makapag bebe time na ang mga dapat mag bebe time!"
"Yan sige para makausap nyo na mga girlfriend nyo"
Ang mukha ko eh naka poker face lang pero at the back of my mind kinikilig ako na parang ewan dahil ang alam ko lang naman eh magkalaban kami ni Maureen when it comes to academics pero ngayon biglang lumambot ang puso nya just because of what happened? I can't believe na aabutan nya ako ng something habang naglalaro, sayang nga lang at di nya ako mapapanood.
Natapos na ang laro at pauwi na din ako, wala akong na receive na text galing kay Bumble girl na kausap ko sa dating app, kamusta na kaya sya? Nasa bumble pa din kaya sya? Bakit kaya di sya nag reply sa'kin? May kulang ba? May mali ba?
Hindi ko na kayang magtiis na hindi pa din sya nagsisend ng message sa akin kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan, nag open na ako ng app at nakitang wala na sya doon, deleted na ang kanyang account.
Langya naman oh! Kung kailan balak ko nang mag seryoso wala na?
Nawalan na ako nang gana, kaya nag palit ako ng description sa bio ko. Ginawa ko itong amoy playboy at side chicser. Marami ang nag add sa akin at nag swipe right, kinausap ko sila isa isa. Lumipas ang ilang mga araw at linggo at nakipag meet na din ako sa kanila, nakipag date at wala kahit isa ang kayang pantayan ang pakiramdam na pinaramdam sa'kin ni Maureen at ng nakilala ko sa Bumble, kahit isa sa kanila ay wala man lang naibigay na ganung feeling sa'kin. In short, kagaya ng chismis ng iba, naging playboy ako. Na post ako sa mga freedom wall ng kada page ng mga sikat na universities dito samin. Ultimo nga mga professor kinakausap na din ako kung ano daw ba ang nangyari sa'kin at tila ba pinabayaan ko na yung image na na build ko nang tumungtong ako sa paaralan na to, pasensya na kayo ah? Nasaktan lang kasi ako. tao din ako may nararamdaman.
Maureen's POV
"Hoy Maureen! Nabalitaan mo na ba yung kay Ralph?"
"What is happening?? Di ako updated eh. malapit na finals di ko pa din tapos mga pendings ko, what was it ba?"
"Ay, naka lock in ka pala. Teka lang, nasa bumble ka pa din ba?"
"Sadly, wala na. Sayang nga eh, may kausap ako don mukhang okay naman sya kaso di ko na kaya. Sabay sabay na pendings ko at di ko na sya maeentertain so nag uninstall na lang ako. I heard it's uso daw?"
"Gaga! Sorry sa word ah. Pero kasi Besty, di ka man lang ba nagpaalam don sa guy? Naku dami kasing nafree freedom wall ngayon sis, lalo na yan si Ralph"
"Na freedom wall si Ralph because of what?"
"Well, may bago na syang title bukod sa campus heartthrob, ngayon naman eh playboy na sya. Naglapag ng bagong resibo yung mga nasa campus, well. Mukhang true naman yung mga picture at screenshots"
"Whatever it is, labas na ako doon. Ralph and I are getting to know each other pa lang naman. And kung may issue man sya na ganyan it's none of my business at lalayo na lang muna siguro ako sa kanya. I can't stand someone na hindi mapakali sa iisang babae lang"
"Well tama ka naman dyan. Ewan ko ba dyan kay Ralph, di naman yan ganyan noon. Saka mostly athlete, academics, and family lang bisyo nyan. Ngayon naging babae na, hay. Men can be disappointment sometimes"
"They are. So wag na kayo mag expect sa mga yan"
Hindi ko na sila muli pang pinakinggan at di na din ako nag engage sa conversation nila about Ralph, it is so absurd na marinig ang pangalan nya, especially sa tagal na wala kaming communication at kahit katiting na interaction sa campus.
Lumipat na ng building ang dalawang kaibigan ko kaya ako na lang ang mag isang naglalakad papunta sa susunod naming subject. Medyo malayo ang classroom na yun at nasa fourth floor pa kami, sa kamalasan naman talaga.
Malayo pa ang lalakarin ko nang may humintong motor sa harap ko.
"Hop in"
Naka helmet ang lalaki kaya hindi ko nakita o alam kung sino ang sakay nito
"Uhm do I know you?"
Tinanggal nya ang kanyang helmet at nakita kong si Ralph iyon.
"It's me, Ralph. Kaklase mo sa class mo ngayon"
Nang ma realize ko na sya nga yun ay tatanggi na sana ako nang sinabi nyang
"Huwag ka mag alala, naka helmet naman ako at saka wala pang alam nitong motor ko, bago to kaya walang makaka alam na kasama ka ng isang playboy"
I feel bad na ganun ang inisip nya, pero tama pa din naman sya na ganun nga ang pinag aalala ko. Masyado akong nag sumikap, I can't afford to lose all the recognitions I've had ever since first year. Nung una hesitant pa ako na makipag team up ako kasi wala naman na akong chance para maglakad pa ng malayo.
Sumakay na ako at saka nya naman pinaharurot ang motor nya. In no time ay nakarating naman ako sa campus namin at dumiretso na din sya.
"Wait for me Maureen"
Wala pa din akong imik dahil sa takot kong mabanggit ang tungkol sa mga nagkalat na balita tungkol sa kanya, as much as possible naman eh ayaw kong ma open ang topic na uncomfortable sa isang tao.
"Hmm?"
Yan na lang ang nasambit ko, the less the words are, the less na magkakaroon ng topic.
"Ako na sa mga gamit mo"
"Uh no I can manage"
"Kahit hanggang fourth floor?"
Pinag isipan kong mabuti at medyo mataas taas nga yun kaya pumayag na lang ako, nakakawala man ng poise eh dedma na lang kesa naman magmukhanh haggard pagdating sa taas.
The whole time na nasa stairs kami ay tapak lang ng mga paa namin ang dinig na dinig sa buong palapag, no one dares to talk. Nang makarating sa classroom ay binawi ko naman na ang mga gamit ko at nag thank you na din sa kanya.
That was awkward fore real.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.