Maureen's POV
Today is our presentation day at hindi ko na alam ang gagawin ko dahil late na akong nagising. Agad ko naman na sinabihan ang mga kaklase ko na pakiusapan ang professor namin ngayon na late na kami makakapag present ni Ralph.
"Oh, iha bakit ngayon ka lang nagising? Anong oras na oh? Ganyan na ba dapat ngayon ah? Aba I am not paying for that expensive tuition para lang ma late ka ah"
"Mom, I am sorry I was very tired kagabi kasi nag review pa ako for the next reporting. But I will not eat breakfast anymore. Where is manong na po?"
"Wala na si Manong hinatid somewhere else si Dad mo. Need for work."
"Then how am i going to school? Bitbit ko pa yung project namin ni Ralph."
"That is not my problem anymore, Maureen. Malaki ka na figure it out on your own."
"Why can't you just let me have my own car Mom? Legal age naman na ako and I can drive naman po."
"I will not let you, Mau. Alam mo naman ang nangyari sa kapatid mo dahil sa pagda drive na yan diba?"
Wala na akong nagwa kung hindi mag book ng na lang ng sasakyan kesa maubos ang oras ko kaka argue ay Mommy about sa issue na hindi nya ma let go. Muntik na kasing ma aksidente dati ang mga older siblings ko kaya naman grabe sya kung mag alala sakin. Nag book na ako ng Grab pero wala pa din lumalabas na available sila, nakapag cancel din yung isang na book ko dahil malayo daw. Text na nang text sakin ang mga kaibigan ko na nag uumpisa na raw ang unang grupo, at kapag hindi nakapag present ngayon ay malalagot kami ni Ralph dahil hindi na ulit magbibigay si sir ng palugit.
Text Message from Ralph:
"Maureen, where are you? The presentation is already starting"
"Ralph I tried to book a Grab pero walang may gustong tumanggap ng booking ko. Wala ang driver namin kasi pinag drive nya si dad somewhere else important"
"Dala mo na ba yung project natin?"
"Yes, why?"
"Maghintay ka lang dyan, ako na susundo sayo"
Third Person's POV
Mas mabilis pa sa speed of light kung magpatakbo ngayon si Ralph dahil kung hindi nya bibilisan ay baka wala na silang maabutan na professor pagkabalik. Halos paliparin nya na din ang motor nya pero may pag iingat pa din naman. Nang makarting sya sa bahay nila Maureen ay nasa labas na ang dalaga.
"Hop in. Akin na yung project"
"But how are you going to drive?"
"I will put the project dito sa unahan ko, just hold on tight to me, I cant let you get a bruise. Does your Mom know?"
"No, but who cares? We need to hurry na"
"Kapit ka ah"
Mas mablilis ngayon ang pagpapatakbo nya pero nasa isip nya palagi ang kaligtasan ni Maureen at ang sasapitin nyang sermon at galit sa mga magulang nito kapag nagalusan o kaya naman na aksidente sila. Makalipas lang ang 10 minutes ay nakarating na sila sa school at saktong nakahabol pa pag present. Maayos nilang na deliver ang kanilang mga hinandang sasabihin para sa presentation na hinanda nila.
Nakakuha sila ng mataas na marka at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ng buong klase kung gaano naging kasaya ang dati ay mag karibal sa klase, na naging mag partner at nagkasundo.
Maureen's POV
"Wow Mau, ang galing ninyo kanina ni Ralph ah! Talagang pinaghandaan! Good job, pwede naman pala kayong magkasundo eh! Bakit di nyo na araw arawin yan?"
"Oo nga Mau, may mas chemistry kayong dalawa kapag nagkakasundo kayo eh. Saka okay naman kayong dalawa ah. Wala naman kaming nakikitang mali sa pag uusap nyong ganyan"
They're right. Maganda nga ang naging chemistry namin kanina ni Ralph, halos wala ding sabit ang presentation namin kahit na late kami ng dating at ang gaganda din ng feedbacks nila
"Let's see girls. Okay naman talaga kami, hindi lang maiwasan na maging conflict ang academics, alam nyo naman kung gaano ako ka strict pagdating sa acads diba?"
"Yeah we know that. Nga pala wala na ba kayong klase ngayon?"
"Ako wala na. Ikaw Mau?"
"Uh wala na din naman why?"
"Let's go mag bar tayo!"
"Lunes pa lang?"
"Eh ano naman? Naku minsan lang naman. Okay lang na di ka na uminom ng alcoholic drinks Mau. We got you. We will make sure na makakauwi ka ng di ka papagalitan. Try mo lang, it's fun. At saka wala naman tayong pasok ng umaga bukas eh. It's our free cut day kaya ano g ka na!"
Pumayag na lang ako dahil mukhang di naman ako mapapahamak lalo na at nandun din ang mga boyfriend nila na naging malapit na din sa akin pati na si Ralph.
"Looks like kailangan na tayong mag share ng table with the boys, Mau okay lang ba sa'yo?"
"Of course, parang kaibigan ko na din naman mga boyfriend nyo eh."
"But they are with Ralph?"
"Yeah I'm good"
Agad naman kaming umupo ng pabilog.
Notification from Bumble:
You got a match! Tap now to start a conversation!
Ito ang notification na nabasa ko sa phone ko, habang sila ay busy sa pagpapakalasing ako heto at susubok na kumausap ng taong hindi ko kilala at kahit kailan ay di ko pa nakita sa isang dating app.
Conversation ng user_boy at ni Maureen sa bumble:
"Hi!"
"Hello!"
"What is up?"
"I am at the bar, trying to get unwind. Kakatapos lang ng hell week eh"
"Parehas pala tayo. But I am also at the bar? Baka pwedeng mag meet muna tayo?"
"Oh I am with my friends, I can't leave them"
"Oh, okay I respect that. Saang bar ka ba?"
"Hmm for the thrill, di ko muna sasabihin sa'yo. pero madalas ako dito lalo na kapag marami akong problema"
"Oh I see you're the type of guy"
"Hey, don't judge me too quickly miss. Di naman ako umiinom kapag nasa bar. Gusto ko lang talaga ng something na maingay at sobrang madaming tao kapag stress ako. Gusto ko lang maramdaman na hindi ako mag isa"
Sobrang sentimental naman pala ng taong kausap ko ngayon, hindi ko inaakalang may ganito pa pala mag isip sa panahon ngayon.
"Oh I see, sorry sa pag iisip ng hindi maganda about you. Anong year mo na pala?"
"3rd year na ako, ikaw?"
"Same, same age din tayo nyan for sure. Curious sana ako kung anong school ka pero you can tell me about it kapag ready ka na"
"Yeah, thank you for understanding. I hope na ngayong nasa bar ka, ma ease mo ang nararamdaman mo."
"Thank you. Pwede ka ba mag bigay ng pangalan? Kahit 3 letters lang, para lang may maitawag ako sa'yo. You can call me Ry"
"You can call me Ree, that's the shortest I can give you sorry"
"No, Ree is a great name. Nice to meet you Ree. Sana mag enjoy ka kasama friends mo."
I did not expect him to be this polite knowing na sa dating app na magsisimula ang communication namin. Hindi ko pa man sya nakikilala ng lubusan ay magaan na ang loob ko sa lalaking ito. Nang hindi na muna sya nag reply ay napatingin ako kay Ralph na busy sa cellphone nya. Naramdaman ko ang uhaw kaya naman pumunta ako ng counter para umorder ng non alcoholic drinks at habang naghihintay ay may lumapit sa'kin na lalaki.
"Hello Miss, mag isa ka lang ba?"
"No, I am with my friends"
"Oh, I see. Yung magugulo sa dance floor ba?"
"Oh, yeah it's them. Why?"
"Wala lang. Okay lang ba na tabihan ka?"
"Yeah sure no problem"
Dinaldal ako ng katabi ko at siguro ay mga 30 minutes din kaming magka usap pero nararamdaman kong napapahaba na ang pagsasalita nya at malikot na din ang kamay nya. Hindi ako makapag sabing pupunta na ako ulit sa table namin dahil nahihiya naman akong gumawa ng eksena.
Someone please help me.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.