ZION POV
SIMULA nang gabing ibinigay sa akin ni Ezella ang sarili niya may nagbago sa kanya. Malambing pa rin naman siya at paulit-ulit ko pa siyang naaangkin, pero naging parang balisa siya at malayo ang iniisip, kaya tuloy nag-aalala na ako sa kanya.
"Wifey, may problema ka ba?" tanong ko. Nasa hapag-kainan kami at kumakain.
"Ha? Ako? Wala!" agad na tanggi niya.
"Lagi ka kasing balisa, tapos malayo ang iniisip. Nag-aalala na tuloy ako sayo,"sabi ko sa kanya.
"Nai-stress lang talaga ako, sa isang subject ko. Parang alanganin kasi na makapasa ako, eh." Hinawakan ko ang kamay ni Ezella.
"Ginawa mo naman ang lahat, kaya 'wag kang matakot. Papasa ka niyan."
"Paano nga kung hindi?"
"Bumawi ka na lang sa susunod. 'Wag mong masyadong dibdibin at problemahin baka magkasakit ka pa niyan."
Ngumiti……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.