EZELLA POV
"SABI ni Gelo ay hindi ka na raw nakatira sa bahay nila?" kaagad na tanong ko kay Zion pagdating niya sa bahay at nagulat pa siya sa tanong ko.
"Si Gelo talaga, ang daldal!" bulalas ni Zion.
"Bakit ayaw mong malaman ko? Girlfriend mo ako kaya dapat alam ko!" nagtatampo kong sabi.
Hinawakan ni Zion ng dalawang kamay niya ang mukha ko.
"Eh, kasi ayokong mag-aalala ka, Girlfriend, kaya nilihim ko muna."
Humalukipkip ako at hinila siya papasok sa loob at sakto namang lumabas ng kwarto si Papang.
"Oh, iho, nandito ka pala. Balita ko ay hindi ka na raw nakatira kina Gelo? Saan ka na ngayon nakatira?" usisa ni Papang kay Zion.
"Diyan lang po. Nangungupahan po."
"Eh, kung kasal lang kayo ni Ellay ay pwede ka sana rito kaso kasi hindi pa kayo kasal, eh," sabi ni Papang na ikinalaki ng……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.