ZION POV
"WOW! Englishero!" bulalas ng Nijel ang pangalan.
Sa totoo lang wala akong tiwala sa itsura niya dahil mukha siyang basagulero at gulo lang ang dala kay Ezella.
"'Wag Zin! Magagalit si Papang." Nakita ko ang takot sa mukha ni Ezella.
"Kung ganoon ay 'wag ka ng sumama sa kanya. Mamalengke na tayo nang makauwi na," pinal na desisyon ko
"Teka nga? Sino ka ba para pakealaman si Ezie? Gusto niyang sumama sa akin kaya 'wag mo siyang pigilan," may iritasyon ng pansin ni Nijel sa akin.
"Let's go, Zella,"aya ko na kay Ezella at hinila ko na siya.
"Aba'y bastos ka! Kinakausap pa kita." Kenwelyuhan na ako ni Nijel.
"Nijel! Bitawan mo siya ano ba!" awat ni Ezella.
"Let me go or I will force you!" banta ko na kay Nijel.
"Maangas ka talaga, ha?"
Ikinuyom na ni Nijel ang kamao niya……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.