EZELLA POV
"ANG galing mo!" puri ko kay Zion nang lapitan ko siya.
Tapos ng mag-emcee sa party si Zion at tapos na rin kaming kumanta. Malaking tulong ang ginawa ni Zion sa amin dahil wala talaga akong nahanap na mag-e-emcee sa party na ito mabuti na lang at isinama ko siya.
"Galing mo rin. Thank you for this new experience," nakangiting tugon sa akin ni Zion.
"Kahit napapasubo ka lang dahil sa akin?" nakangising tanong ko,
"Okay lang. May bayad naman," nakangiting sabi niya.
"Ano ba kasi 'yon?" interesadong tanong ko bigla sa kanya.
Hindi kasi kaagad sinabi sa kanya ni Zion ang kabayaran na gusto niya sa akin.
"A date."
"Date?" Namilog ang mga mata ko sa gulat sa sinabi ni Zion.
Seryoso ba si Zion? Niyayaya niya akong makipag-date sa kanya?
"Oo. Huwag kang tumanggi umo-oo ka na kanina," na……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.