EZELLA's POV
"KAYONG dalawa! Anong trip niyo?"
Nanlalaki butas ng ilong ko sa inis habang masama ang tingin sa dalawang lalaking bisita.
Paano ba naman ay sinabi nilang dalawa na nanliligaw itong si dayo-boy sa akin. Akala tuloy nina Mamang at Papang, eh, nanliligaw nga talaga siya sa akin at paniwalang-paniwala talaga sila.
Potek! Paano ko sasabihin sa kanila na hindi naman totoo 'yon?
Nasa labas na kami ng bahay nina Zion at Angelo para kausapin ko ang dalawa sa mga kasinungalingan nila sa Mamang at Papang ko.
"This is Angelo's fault, dahil siya ang nagsabi sa Lolo at Lola mo," paliwanag ni dayo-boy.
Kaya mabilis at malakas kong sinapok kaagad sa ulo si Angelo.
"Kahit kailan talaga, eh! Ang gago mo!" inis na sabi ko kay Angelu.
"Hey, lady, don't say bad words! sita sa akin ni dayo-boy.
"Eh, paano ko sasabihin kina Mamang at Papang na trip lang ni Angelo 'yon? Baliw kasi 'to!" inis pa ring tugon ko.
"Hindi ko naman kasi alam na seseryosohin nila. Sorry na, Zellay," nakokonsensiyang sabi ni Angelo.
"Alam mong matatanda na 'yan sina Mamang at Papang at hindi na nabibiro ang mga 'yan at isa pa, matagal na nilang gustong may umakyat ng ligaw sa akin. Dahil natatakot sila na baka nga raw tomboy ako," tugon ko sa sinabi ni Angelo.
"Kasi naman ikaw, eh! Magbago-bago ka rin nang may umakyat ng ligaw sa iyo," paninisi pa sa akin ni Angelo.
"Sira-ulo! Bakit ako magbabago, eh, ito ako! Isa pa, bata pa ako para sa boyfriend-boyfriend na 'yan. Alam mo naman dito 'pag nag-nobyo ka ay diretso na pag-aasawa na. Ayoko nga! Gusto ko pang mag-kolehiyo."
"So, iyon din iniisip ng Mamang at Papang mo sa atin? Na 'pag naging tayo ay tuloy tayo sa pag-aasawa?" tanong sa akin ni Zion.
"Oo! Kaya kung ako sa'yo ay bumalik ka na sa pinanggalingan mo nang hindi ka mapikot dito," banta ko kay Zion.
"Pipikutin mo ako?" gulat na tanong niya sa akin na ikinalaki ng mata ko.
"Gunggong! Hindi ako 'no! 'Yong iba rito dahil alam mo bang mainit ka sa mga mata ng kadalagahan dito kasi taga-Maynila ka at tingin ng nakakarami rito kapag taga-Maynila ay may kaya sa buhay at sikat sila rito. Isa pa, may itsura ka kaya baka kapag maglagi ka pa rito ay baka hindi ka na makabalik mag-isa sa Maynila," kaagad na paliwanag ko kay Zion.
Nakadama rin ako bigla ng hiya dahil sa tanong ni Zion sa akin na pipikutin ko raw siya at para matakpan ang kahihiyan na iyon at hindi mahalata ang hiyang nadaramang iyon ay kaagad na nagdahilan ako, na pawang katotohanan naman dahil talagang usap-usapan si Zion sa lugar namin at ang dami nagkakagusto na kadalagahan sa kaniya.
"Eh, paano kapag umalis ako? Anong sasabihin mo sa Mamang at Papang mo? Ang alam nila nililigawan kita." tanong niya sa akin.
"Sasabihin ko na hindi mo kinaya ugali ko. Mas mabuti ngang umalis ka na lang para wala nang maraming paliwanagan," tugon ko.
"Kaso ayokong umuwi sa amin. Dito lang ako," aniya.
"Sige, ganito na lang. 'Wag ka na lang papakita rito banda sa amin at papakitang magkasama tayo. Para maniwala sina Mamang at Papang na umayaw ka sa ugali ko," suhestiyon ko sa kaniya.
"Pero okay lang ba 'yon?" tanong niya sa akin.
"Oo. Ako ng bahala sa kanila," tugon ko.
"Pasensiya ka na talaga, ha," hinging paumanhin ni Zion sa akin.
"Hindi mo naman kasalanan. Kasalanan ng gunggong na 'to. Utak biya kasi!" sabi ko at masamang tinignan muli si Angelo.
"Sobra! Utak-biya talaga? Ang sakit mo naman magsalita, Zellay," nagtatampong sabi ni Angelo.
"Sapak, you want?" Ipinakita ko kamao ko kay Angelo.
"Hindi. Oo, utak-biya nga ako," pag-ayon na lang ni Angelo sa akin.
Matapos naming mag-usap nina Zion at Angelo ay umalis na rin kami kaagad papunta sa bar na pagta-trabahuan ko bilang performer doon. Kumakanta kami sa bar na iyon at ang mga manonood ay ang customer na pumapasok doon. Hindi lang sahod sa bar ang kinikita namin kundi pati ang tip ng mga customer sa amin kapag nagustuhan nila ang performance ng banda namin.
Nandoon na rin ang mga ka-banda ko nang dumating kami nina Zion at Angelo at may maliit na stage sa gitna ng bar kung saan kami magpe-perform. Nakahanda na doon ang mga music instrument na gagamitin ng kabanda ko para magpatugtog.
"Dito na muna kayo at kakanta lang ako," paalam ko kina Zion at Angelo.
"Sige. Good luck," nakangiting sabi sa akin ni Zion. Nginitian ko rin siya.
Kung titignan si Zion ay hindi siya mukhang kagaya namin na mahirap. Ang kinis kasi ng balat niya, ang puti ng mga ngipin, ang ganda ng buhok na parang napakalambot at ang bango-bango rin niya kaya nakakapagtakang dito lang siya sa lugar naming nakatira at kasama pa nina Angelo sa bahay nila. Kahit sa pananalita niya, na napaparati ang pag-English at fluent pa ay nakakagulat din kasi kahit naman hindi ako nakapag-kolehiyo ay alam ko ang magaling sa pagsasalita ng English na lenguwahe kaysa sa mga nagyayabang lang. Pero si Zion ay matatas mag-English kaya nakakapagtaka lang talaga.
Gwapo rin talaga ang binata at kung tutuusin ay papasa siyang modelo at artista sa TV kaya nga instant sikat siya sa kadalagahan sa amin. Kadadayo pa lang niya sa amin pero palagi ko nang naririnig sa mga tsismosa sa tindahan ni Aling Nene, ang binatang bagong nakatira kina Angelo kaya nang nakita ko siya na kausap nina Amihan, ay hindi na ako nagtaka kasi talagang gwapo, matangkad at may magandang katawan kahit sa murang edad niya.
Kahit nga ako humanga sa kaniya pero siyempre ay hanggang paghanga lang ako. Alam ko naman na hindi ako matitipuhan ng katulad ko ni Zion napaka-simple ko lang at isa pa, sa ngayon ayoko na munang magkagusto. Dahil pangarap ko pa talagang mag-aral sa kolehiyo at makapagtapos. Ayokong magaya sa ibang kadalagahan dito na pagdating ng disi-otso ay nagpa-plano na para sa pag-aasawa.
"Ezie, ready ka na?" tanong sa akin ng ka-banda ko na ikinalingon ko sa nagsalita.
"Start na ba tayo?" tanong ko.
"Oo." Nasa stage na ako kaharap ang mic at may hawak akong gitara, nang mag-umpisa na kaming tumugtog ng instrument.
Isang masiglang kanta ang penerform ko ngayon ang kanta ng singer na si Avril Lavigne na Complicated. Ang singer na iyon ay isa sa mga paborito kong singer at kinakanta ko ang halos lahat ng kanta niya. Maganda rin magsimula kami sa masiglang performance para ganahan ang mga customer na manood sa amin habang umiinom ng alak at kumakain ng pulutan na nakahain sa mesa nila.
Matapos kuong kumanta ay may sumunod na kanta pa ako at naka-tatlo pa ako bago lumapit kina Zion at Angelo. May mga alak na sa mesa nila at pulutan nang tuluyan akong makalapit sa kanila na ikinakunot ng noo ko.
"Umiinom ka pala?" gulat na tanong ko kay Zion dahil sakto sa paglapit ko ay tinutungga niya ang isang bote ng alak.
"Ah, oo. Sa Maynila ay mahilig din akong pumunta ng mga bar, of course, with friends," tugon niya sa akin.
Umupo na ako sa tabi nila at dumukot ng chicharon na pulutan at kinain habang nguunguya ay nakatingin ako sa dalawang binatang kasama ko at nanlaki ang mga mata ko nang uminom din si Angelo ng alak sa harapan ko.
"Hoy! Ikaw, Gelo! Alam ba ni Aling Rosing na iinom ka ng alak ngayong gabi?" sita ko kay Angelo nang iinom pa ulit sana siya ng alak.
Kaagad naman niyang binitawan ang bote ng alak sa takot marahil sa sinabi ko.
"Napaka-KJ mo naman, Zellay! Minsan na nga lang ito, eh, at libre pa," kumakamot na reklamo ni Angelo.
"Eh, 'di, uminom ka! Hindi ko lang ipapangako na hindi ako magsasabi kay Aling Rosing!" tugon ko kay Angelo.
"Bawal ba siya uminom? Ikaw, Zelle, hindi ka ba umiinom?" tanong niya sa akin. "Oh, maki-join ka sa amin" Inabutan pa ako ni Zion ng alak.
Sumimangot ako at tinignan siya ng masama."Hindi porke't nagta-trabaho ako rito, eh, umiinom na ako! Masama sa katawan ang alak at ang bad influence mo!" inis kong sabi kay Zion.
"Hey! I'm not a bad influence. Isa pa, kasama sa buhay ang pag-inom kaya 'wag kang KJ, Zelle, kung ayaw mong uminom 'di wag, but don't stop Gelo," aniya.
"Alam mo bang hindi umiinom 'yan si Gelo? Tapos ini-impluwensiyahan mo!" inis na pangongonsensiya ko kay Zion.
"Wait lang? Ano bang dapag ginagawa rito sa bar? 'Di ba uminom? Are you expecting us to just watch your performance?" tanong na tugon ni Zion sa akin.
Natahimik ako. Medyo napahiya kasi ako sa sinabi ni Zion kaya hindi ko na natugunan pa ang tanong niya sa akin.
Nakakainis! Dapat pala hindi na lang ako pumayag na sumama sila. Kung alam ko lang ang gagawin nila rito!
"Bahala na nga kayo sa gusto niyo!" inis na tugon ko at iniwanan ko sila.
Matapos ng dalawa pang kanta ay binayaran na kaagad ako ng may-ari ng bar at nag-ayos na ako pauwi. Malaki-laki ang kinita namin dahil marami rin ang nagbigay ng tip na customer at nag-request pa ng kanta sa kanila.
"You have a lovely voice, ah, no! A great voice," nakangiting compliment sa akin ni Zion.
Tinignan ko lang si Zion. Naamoy ko ang alak sa kaniya pero mukhang hindi pa naman tinatamaan hindi katulad ni Angelo na pulang-pula na ang mukha.
"Uuwi na ako. Dito na muna ba kayo?" tanong ko sa kaniya.
"We're going home too," tugon naman niya.
"Tara na," aya ko.
Dala-dala ko na ang gitara ko na hiniram ng isa sa ka-banda ko at iuuwi ko na. Nagulat pa ako nang kuhanin ito ni Zion at dalhin ang gitarang iyon.
"Sorry, Zelle." Napatitig ako kay Zion.
"Para saan?" tanong ko.
"For being a bad influence," tugon niya.
"May amats ka na yaata, eh, Pag-uwi mo ay itulog mo na 'agad 'yan," sabi ko.
"Tipsy lang ako pero wala pa akong tama. Na-realize ko, na dapat hindi ko dinadala rito ang ugali ko sa Maynila," paliwanag sa akin ni Zion.
"Mali din naman ako, eh, masiyado akong nagiging pakialamera," amin ko.
"No, you're just worried about Gelo. Siyempre magkababata kayo at alam mo na hindi naman umiinom si Gelo," tugon sa akin ni Zion.
"Oo, hindi talaga umiinom 'yan. Mabait 'yan si Gelo at masunurin sa magulang niya." Ngumiti si Zion.
"He has good parents, not like me. I have a father, but I hate him so much. He ruins our family," tugon ni Zion sa kaniya.
Nagulat ako sa sinabi ni Zion at hindi ko ini-expect na may ganito siyang pinagdadaanan.
"Eh, Mama mo nasaan?" usisa ko na rin.
"She's dead." Mapait si Zion na ngumiti. "What about you? Where are your parents?" tanong na rin niya sa akin.
"Wala na sila. Pareho ng sumakabilang buhay," tugon ko.
"I'm sorry about that."
"Anong sorry ka diyan? Wala 'yon at matagal naman na silang wala. Sina Mamang at Papang na ang nagpalaki sa amin ni Ezrah at ng pinsan kong si Amihan," sabi ko.
"You're still lucky to have grandparents who care for you and raise you," matatas na English na sabi sa akin ni Zion.
"Pero may Tatay ka naman kaya mas maswerte ka pa rin sa amin," tugon ko naman.
"You don't know my father. He has never been a good father to me," aniya.
"Pero Papa mo pa rin iyon," tugon ko
"Yeah, but I wish that he's not my father," tugon ni Zion.
Nakita ko ang pait sa mga mga ni Zion at tingin ko ay matindi talaga ang sama ng loob niya sa sariling ama.
Napatitig ako kay Zion.
Gusto ko pa siyang tanungin nang tanungin pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam ko kasing habang palalim nang palalim ang nalalaman ko sa kaniya ay nagiging mas malapit kaming magkaibigan. Ayoko naman umabot kami sa ganoon, lalo pa't may nabubuo ng paghanga sa akin mula sa kaniya samantalang halos buong maghapon lang kami nagkasama. Mahirap na dahil baka mas lumalim pa iyon at hindi ko na alam kung paano ko mapipigilan iyon.
Kaya tumahimik na lang ako hanggang sa naihatid na nila ako sa bahay.
"Oh! Inabutan ko si Zion ng isang daan.
"What is this for?" takang tanong niya.
"Hindi ko kayo nalibre kaya ito na lang sa inyo. Sorry, isang-daan lang ang maiibibigay ko kasi isang-libo lang ang kinita ko," paliwanag ko.
"No. iyo na 'yan," tanggi ni Zion.
"Ano ka ba? Bayad ko na rin ito sa paghatid niyo. Gelo, oh!"
Inabot ko kay Angelo ang pera na ayaw tanggapin ni Zion at tahimik naman na tinanggap ni Angelo pero pinigilan ni Zion.
"We don't need this money. If you really want to treat us, bukas na lang," sabi ni Zion.
"Bukas?" takang tanong ko.
"Oo. Dito kami manananghalian sa inyo bukas," nakangiting tugon niya.
"Eh 'di ba hindi na tayo magkikita ulit? Last na ito 'no," sabi ko.
"Ha? But why?" gulat na tanong sa akin ni Zion.
"Para matigil na ang pag-iisip nina Mamang at Papang na nililigawan mo ako," tugon ko. "Ano ka ba nakalimutan mo na ba?" tanong ko sa kaniya.
"But I thought were friends?" tanong ni Zion sa kaniya.
"Oo. Kaso dahil sa ginawa ni Gelo ay kailangan natin mag-iwasan," paliwanag niya.
Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Zion pero iniisip ko na imahinasyon ko lang 'yon.
"Okay. If that's what you want," payag ni Zion.
Tumalikod na si Zion at umalis.
Hindi ko alam pero nakadama ako ng lungkot at ng panghihinayang pero mas mabuti na iyon, habang maaga pa lang ay mapigilan na ang namumuong paghanga rito sa puso ko kay Zion dahil baka mas lumala pa ito at iyon ang iniiwasan ko. Marami pa akong pangarap sa buhay at kailangan pa ako ni Ezrah at Amihan.
"Mawawala rin ang paghanga mo diyan kay dayo-boy. Kagaya lang din ng iba 'yan, na hinangaan mo tapos sa paglipas ng panahon ay naglalaho rin. Isa pa, mas maraming magagandang babae sa Maynila, tiyak na may iniwan 'yang nobya sa kanila. Sa gwapo ba naman niyang 'yon? Wala? Malabo! Kaya, mas mabuti habang maaga pa, Ezella, umiwas ka na. At 'wag padadala sa mga tulad nilang taga-siyudad," payo ko sa sarili.
Napabuntonghininga ako.
Mabuti na rin talaga iyon. Siguro, hindi na rin ako kukulitin ni Mamang at Papang kung sakaling hindi na nila makikita si Zion na nasa paligid lang.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.