EZELLA POV
"MAMA, Papa," umiiyak na sabi ko nang magising ako sa isang bangungot.
Bangungot mula sa nakaraan na muling nagbalik sa akin.
Napahikbi ako at walang tigil ang mga luha sa mga mata ko.
"Ate," narinig kong tawag sa akin ni Ezrah nang siya ang iniluwa ng pinto na bumukas. Nilapitan niya ako at niyakap, "Ate, kalimutan mo na iyon matagal na iyon, eh," naiiyak na alo sa akin ng kapatid ko.
"Pinipilit ko naman pero kusang bumabalik," humihikbing tugon ko.
"Ate, 'wag ka ng umiyak. Sige ka, kapag nakita ka nina Mamang at Papang ay malulungkot na naman sila at mag-aalala sa'yo. Gusto mo bang maramdaman nila iyon?
Umiling ako at humiwalay ako sa pagkakayakap sa kapatid ko.
"Ayoko."
"Kaya 'wag ka ng umiyak. Ayusin mo sarili mo, Ate at lumabas ka na para mag-agahan. Masarap……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.