122.005K
VISITORS
8.014K

ABOUT ME

It's better to fail in originality than to succeed in imitation. - Herman Melville Bodrum, Turkey

ABOUT ME

It's better to fail in originality than to succeed in imitation. - Herman Melville Bodrum, Turkey
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Dani Alba

The CEO's Temptation

The CEO's Temptation

Reads

Isang kondisyon ang hinihingi kay Onic ng tinuturing na tiyuhin bago niya mabawi ang nakababatang kapatid na inilayo nito mula sa kaniya- magpapanggap siya bilang ang panganay na anak ni Tatay Emman, ang taong kumupkop sa kaniya mula sa pagiging palaboy. Pagkatapos, ipapakilala siya ng tiyuhin kay David Xavier Solomon Fuentabella at hihingi dito ng tulong. Sa pagkakatanda ni Onic ay si David ang binatilyong iniligtas noon ng Tatay Emman niya at nagbitiw raw ng salita ang lalake na gagantihan nito ng kahit ano ang ginawang kabutihan ng kaniyang ama-amahan. Ilang taon na mula nang pumanaw ang kaniyang Tatay Emman. Isa namang ganap na CEO na ng malaking korporasyon si David. Hindi madali ang ipinagagawa kay Onic ng kapatid ni Tatay Emman. Bukod sa ipinasuot nito sa kaniya ang katauhan ng isang nananahimik sa libingan ay literal pang inihabilin siya nito sa poder ng CEO dahil walang ibang kamag-anak na pwede siyang matirahan. Lingid sa kaalaman ni Onic, plano talaga ng tiyuhin niya na ibuyo si David sa tukso sa pamamagitan niya at iyon ang gagamitin ng lalake upang magkaroon ng pera. Labag sa kalooban ni Onic na manloko ng kapwa, subalit iyon lang daw ang paraan para makuha niya ang bunsong anak ni Tatay Emman na itiniwala nito sa kaniya. Sinunod niya ang nais ng tiyuhin. Tumira at nagsilbi siya sa bahay ni David. Hanggang sa dumating ang araw na iniiwasang mangyari ng dalaga, nalaman ni David ang totoo at doon pa sa panahong nahuhulog na ang damdamin niya rito.Anong gagawin ni Onic para maniwala si David na hindi niya ginustong lokohin ito? Paano niya ipagtatanggol ang sarili pagkatapos nitong madiskubre na hindi pala siya anak ng taong sumagip sa buhay nito? Magagawa kaya niyang buuin muli ang tiwala ng nag-iisang lalakeng minahal? At sa paanong paraan niya matitiis ang malamig na pagtrato nito na imbes palayasin na lamang siya ay itinali pa siya sa isang kasal na walang kasiguraduhan ang kaniyang karapatan bilang asawa?

Updated at

Read Preview
Urban Legend (Juan Lucas, The Father of My Child)

Urban Legend (Juan Lucas, The Father of My Child)

Reads

Juan Lucas Urbano was the hottest guy in town. Bukod sa sikat at ubod ng gwapo, nagmula rin ang binata sa isang kilalang pamilya na may-ari ng pinakamalaking universidad sa kanilang lalawigan. May mga kwentong umiikot sa kanilang bayan- may expiration date daw ang mga babae para kay Lucas at walang tumatagal nang isang linggo sa mga naging girlfriends nito. May mga nabuntis pa nga raw ang binata, pero hindi pinanagutan at sa halip ay ipinalaglag ang sanggol at saka binayaran ang babae ng malaking halaga kapalit ng pananahimik. Hindi naman alam ni Jessabell Cabrera o Jessie kung maniniwala siya o hindi sa mga kwentong iyon. Kilala lang naman niya ang pamilya Urbano, pero walang dahilan o pagkakataon para magtagpo ang mga landas nila ng isa man sa mga miyembro nito. Magkalayong-magkalayo ang mundong ginagalawan nila ni Lucas at isa pa, napakabata pa niya para intindihin ang mga ganoong bagay. Ano namang pakialam niya kung babaero nga ito at marami nang nabuntis? Subalit ang tadhana ang naglapit sa kaniya sa mundo ng binata. Sa tulong ng isang pilantropo, pinalad si Jessie na makakuha ng scholarship at makapasok sa universidad kung saan nag-aaral si Juan Lucas Urbano. Mula noon, mas madalas na niyang nakikita ang binata hanggang isang araw ay tuluyang nagkrus ang mga landas nila. Hindi naitanggi ni Jessie sa sarili ang totoong nararamdaman. Sa unang pagkakataon ay agad siyang sumama at bumigay sa umuusbong na damdamin para kay Lucas. Buo ang loob niyang isinuko ang sarili sa binata. Iyon na rin ang huling beses na kinausap siya ni Lucas at ang pinakamasakit, naiwan siyang nagsisisi at luhaan at buntis sa edad na dies y siete.

Updated at

Read Preview
To Unlove a Mafia Prince (Dashiel Ward Gamboa Story)

To Unlove a Mafia Prince (Dashiel Ward Gamboa Story)

Reads

Mula sa pinagtatrabahuhang bangko ay tinangay si Violet ng isang grupo ng mga armadong lalake. Balot ng sindak at pagkalito, wala siyang nagawa nang dalhin siya ng mga ito at ikulong sa isang silid sa lugar na hindi niya alam kung saang lupalop ng mundo naroon. Sigurado si Violet, napagkamalan lang siya ng mga kumuha sa kaniya. Wala siyang naaalalang atraso sa kahit sino kaya sinong pwedeng magpakidnap o magpapatay sa kaniya? Hanggang sa malaman niya kung sino ang \'boss\' na tinatawag ng mga tauhan. Hindi makapaniwala si Violet. Ilang taon na ang lumipas mula nang huli silang magkita. Beinte anyos lang siya nang mangyari ang mga bagay na iyon. Ginawa naman niya ang mas tama. Umalis siya upang palayain ang lalakeng dapat sana ay asawa na niya, pero bakit ngayon ay parang siya pa ang may malaking atraso kay Dashiel Ward Gamboa? At sino ba talaga si Dashiel? Kinse anyos pa lang ay sagad na sa langit ang paghanga niya sa mga katangian nito, pero bakit ibang-iba na ang lalake ngayon? Misteryoso, mapanganib, bayolente at higit sa lahat, halimaw ito pagdating sa kama. Makaalis pa kaya si Violet nang buhay sa lugar na iyon at makabalik sa itinuturing niyang pamilya?

Updated at

Read Preview
Lured For His Revenge

Lured For His Revenge

Reads

Isang inosenteng dalaga na taga-probinsiya si Chay na ang tanging pangarap ay makatagpo ng maayos na trabaho para hindi na maging pabigat sa pamilya ng tiyuhin na nag-aruga sa kaniya mula nang maulila siya sa ina. Sa kaniyang pagtira sa pamilya ng tiyuhin, nakilala niya ang panganay nito na anak daw sa pagkabinata. Kasalanan ang makaramdam siya ng paghanga sa sariling pinsan, ngunit hindi akalain ni Chay na mahuhulog pa siya rito nang lubusan. Ang pinakamabigat, may namagitan sa kanila ng binata, pero iniwan siya nito kinabukasan. Matitinding dagok sa buhay ang idinulot ng pakikipagrelasyon niya sa kaniyang kadugo. Aminado si Chay sa naging kasalanan at itinuring na parusa sa kaniya ang mga hirap na pinagdaanan. Makabangon pa kaya siya sa nagawang pagkakamali?

Updated at

Read Preview
Orion's Bet

Orion's Bet

Reads

Lumaking walang nakilalang ina kaya naman isa lang ang pinakahahangad ng dies y nueve anyos na si Victoria ‘Tori’ Baluyot- ang makatagpo ang kaniyang amang si Manolo ng babae na tatanggap at magmamahal sa kaniya nang higit pa sa isang tunay na anak. Mukhang natupad naman ang hiling niya nang dumating sa buhay nila si Miss Rowanda Dominguez- ang biyudang may-ari ng garments factory kung saan nagtatrabaho ang kaniyang ama. Hindi lang minsan nagpakita ng pagmamalasakit kay Tori ang biyuda. Parang nanay nga niya ito at madalas din siyang mapagkamalang anak ng babae. Kaya naman nang umugong ang mga usapan na may relasyon ang biyuda at ang kaniyang Papa ay siya pa ang unang-unang natuwa. Mas lalo pa nga niyang naramdaman ang kabaitan ng babae nang dalhin siya nito sa Maynila upang doon na pag-aralin ng kolehiyo. Okay na sana at matutupad na ang nais ni Tori na magkaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya, subalit may isang problema. Halatang ayaw sa kanila ni Orion- ang beinte ocho anyos na binatang anak ng kaniyang Mama Rowan, at mukhang ito pa yata ang magiging malaking hadlang sa kaniyang pangarap.

Updated at

Read Preview
After All (The Fall of Alistaire 2)

After All (The Fall of Alistaire 2)

Reads

WARNING: HIGHLY EROTIC ROMANCE NOVEL Halos dalawang taon pagkatapos pumanaw ng kaniyang asawa, nakilala ni Ysolde Aguilar si Xavi Buencamino- isang lalake na kamukhang-kamukha ni Alistaire. Tinulungan siya nito at naging boss pa niya sa bagong trabaho. Sa kabila ng laging paalala sa sarili na hindi ito ang kaniyang asawa, umibig pa rin si Ysolde kay Xavi. Pinili niyang sarilinin iyon, subalit madalas siyang puntahan at guluhin ni Xavi na lalong nagpahirap sa kaniya para layuan ito. Hanggang sa tuluyang sumuko si Ysolde sa nararamdaman, pero ang masakit, may kasintahan na si Xavi at malapit nang ikasal. After All - This is the second book of my story The Fall of Alistaire. Read at your own risk.

Updated at

Read Preview
Sinful Israel

Sinful Israel

Reads

Dies y seis anyos si ISRAEL VON ANGELO NAPOLEON o Ivan nang matuklasan nila na hindi siya tunay na anak ng kinagisnang ama na si Abel Napoleon. Kasunod nito ang mabilis na pagkawasak ng dati ay masaya at perpekto nilang pamilya. Ten years later, bumiyahe si Ivan pabalik sa Cebu City at hinanap si Williard Gallano, ang sinasabing biological father niya, hindi upang magpakilala rito bilang anak kundi ang maipaghiganti ang nangyari sa kaniyang mga magulang. Before meeting his father, Ivan met a pretty, young girl who was obviously affected with his charms but was trying to get away from it. He deliberately seduced her until a one-night-stand happened between them. Little did Ivan know that he would see her again. Because the girl he had sex with was unfortunately his biological father's daughter and she was his own half-sister.

Updated at

Read Preview
The Secret of Us

The Secret of Us

Reads

Isang bagay ang nais patunayan ng disiotso anyos na si Celine- na kaya niyang umasenso sa buhay kahit wala siyang college diploma. Desperadang patunayan iyon, kumapit siya sa patalim upang makapagsimula ng magandang negosyo na siguradong aahon sa kanila sa kahirapan. Ginamit niyang puhunan ang katawan. Tumungo siya sa hotel kung saan naghihintay ang customer na kolektor daw ng mga birheng gaya niya. Ang hindi niya inakala, ang gwapo at heartthrob professor ng universidad na pinapasukan niya ang nakatakdang bumili sa kaniya. Isang lihim na relasyon ang nabuo sa pagitan nila ni Sir Grant Zamora. At sa paglipas ng mga araw, hindi na buo ang isip ni Celine sa balak na gamitin ang pera sa pagnenegosyo. Subalit bago pa niya masabi kay Sir Grant na mahal na niya ito, dinurog ng propesor ang puso ng dalaga na sinundan pa ng mga eskandalo at pagkamatay ng kaniyang ina. Years later, Celine was again caught in a complicated situation. She would have to keep another secret with a gorgeous, but cold-blooded lawyer. Paano babaguhin ng mga lihim na ito ang buhay ni Celine? Anong sikreto ang mananatiling nakatago? At anong sikreto ang mabubunyag?

Updated at

Read Preview
Crime and Passion

Crime and Passion

Reads

Beinte anyos lang si Gigi Apostol, pero ipinagkasundo na siyang ipakasal ng stepmother niya sa isang matandang mayamang negosyante sa kanilang bayan. Mula nang magkaisip si Gigi, tumatak na sa kaniya na ang stepmother at hindi ang kaniyang biological father ang nasusunod sa kanilang pamilya. Upang hindi matuloy ang kasal, pinapakitaan ni Gigi nang kasamaan ng ugali ang matandang negosyante dahil nagbabakasakali siyang ito mismo ang umayaw na pakasalan siya. Ang hindi niya inaasahan, natagpuang patay ang matanda sa loob ng opisina nito at si Gigi ang itinuturong salarin. Akala ni Gigi ay tuluyan nang masasayang ang kaniyang buhay subalit, isang tao ang nagpakita ng pagmamalasakit sa kaniya. Bata pa lang siya ay kilala na niya si Attorney Matthew Gamboa dahil apo ito ng may-ari ng hacienda kung saan katiwala ang kaniyang ama. He was also her childhood crush. Trese anyos lang siya noon habang twenty-eight years old naman si Matthew. Sa paglipas ng mga taon ay nawala na sa isip ni Gigi ang paghanga sa abogado hanggang sa tinulungan siya nitong makalaya. Naabswelto si Gigi sa krimen kaya ang laking pasasalamat niya kay Matthew. Ang hindi alam ng dalaga, may kapalit pala ang lahat… “Maniningil na ako ng mga pautang, Gigi.” “P-pero…w-wala pa po akong perang pambayad, Senyorito.” “You don't need money to repay me. You just have to marry me...”

Updated at

Read Preview
THE RAVISHER (Cougar Series #1)

THE RAVISHER (Cougar Series #1)

Reads

[EROTIC ROMANCE] Annie Salcedo had a good career, love life, and bestfriend. Tahimik at maayos na sana ang takbo ng buhay niya, subalit nagbago ang lahat pagkatapos niyang makilala si Jefferson Carl Navarro - ang binatang kapitbahay niya na mas bata sa kaniya ng ilang taon. Isa-isa nang nagbago ang lahat sa buhay ni Annie. Her long-time boyfriend broke up with her. Next, she found herself in bed with Jeff. Then, she lost her bestfriend and finally, she had to leave her job. She thought it's all worth it because she had Jeff whom she fell in love with subalit, natuklasan naman ni Annie ang totoong dahilan kung bakit umalis ang nobyo sa poder ng ama at kapatid. Pagkatapos noon ay hindi na ulit nagpakita sa kaniya si Jeff. Paano haharapin ni Annie ang buhay niya na tila binagyo sa pagdaan ng isang Jeff Navarro?

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.