Orion's Bet
Share:

Orion's Bet

READING AGE 16+

Dani Alba Romance

0 read

Lumaking walang nakilalang ina kaya naman isa lang ang pinakahahangad ng dies y nueve anyos na si Victoria ‘Tori’ Baluyot- ang makatagpo ang kaniyang amang si Manolo ng babae na tatanggap at magmamahal sa kaniya nang higit pa sa isang tunay na anak. Mukhang natupad naman ang hiling niya nang dumating sa buhay nila si Miss Rowanda Dominguez- ang biyudang may-ari ng garments factory kung saan nagtatrabaho ang kaniyang ama.
Hindi lang minsan nagpakita ng pagmamalasakit kay Tori ang biyuda. Parang nanay nga niya ito at madalas din siyang mapagkamalang anak ng babae. Kaya naman nang umugong ang mga usapan na may relasyon ang biyuda at ang kaniyang Papa ay siya pa ang unang-unang natuwa. Mas lalo pa nga niyang naramdaman ang kabaitan ng babae nang dalhin siya nito sa Maynila upang doon na pag-aralin ng kolehiyo.
Okay na sana at matutupad na ang nais ni Tori na magkaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya, subalit may isang problema. Halatang ayaw sa kanila ni Orion- ang beinte ocho anyos na binatang anak ng kaniyang Mama Rowan, at mukhang ito pa yata ang magiging malaking hadlang sa kaniyang pangarap.

Unfold

Tags: HEopposites attractarrogantdramabxgcity
Latest Updated
Special Chapter

"SHE already has a secret."


Narinig kong sabi ni Mommy sa lola ko na si Lady Kim. Tumingin sila pareho sa direksiyon ng hagdan kaya agad akong nagtago.


"She's only fourteen, pero may mga inililihim na ang panganay ko," patuloy na sumbong ni Mommy.


"Victoria, nasa adolescence stage na si Au……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.