Urban Legend (Juan Lucas, The Father of My Child)
Share:

Urban Legend (Juan Lucas, The Father of My Child)

READING AGE 16+

Dani Alba Romance

0 read

Juan Lucas Urbano was the hottest guy in town. Bukod sa sikat at ubod ng gwapo, nagmula rin ang binata sa isang kilalang pamilya na may-ari ng pinakamalaking universidad sa kanilang lalawigan.
May mga kwentong umiikot sa kanilang bayan- may expiration date daw ang mga babae para kay Lucas at walang tumatagal nang isang linggo sa mga naging girlfriends nito. May mga nabuntis pa nga raw ang binata, pero hindi pinanagutan at sa halip ay ipinalaglag ang sanggol at saka binayaran ang babae ng malaking halaga kapalit ng pananahimik.
Hindi naman alam ni Jessabell Cabrera o Jessie kung maniniwala siya o hindi sa mga kwentong iyon. Kilala lang naman niya ang pamilya Urbano, pero walang dahilan o pagkakataon para magtagpo ang mga landas nila ng isa man sa mga miyembro nito. Magkalayong-magkalayo ang mundong ginagalawan nila ni Lucas at isa pa, napakabata pa niya para intindihin ang mga ganoong bagay. Ano namang pakialam niya kung babaero nga ito at marami nang nabuntis?
Subalit ang tadhana ang naglapit sa kaniya sa mundo ng binata. Sa tulong ng isang pilantropo, pinalad si Jessie na makakuha ng scholarship at makapasok sa universidad kung saan nag-aaral si Juan Lucas Urbano.
Mula noon, mas madalas na niyang nakikita ang binata hanggang isang araw ay tuluyang nagkrus ang mga landas nila. Hindi naitanggi ni Jessie sa sarili ang totoong nararamdaman. Sa unang pagkakataon ay agad siyang sumama at bumigay sa umuusbong na damdamin para kay Lucas. Buo ang loob niyang isinuko ang sarili sa binata. Iyon na rin ang huling beses na kinausap siya ni Lucas at ang pinakamasakit, naiwan siyang nagsisisi at luhaan at buntis sa edad na dies y siete.

Unfold

Tags: HEbadboysingle motherheir/heiressdramabxgboldcampussmall town
Latest Updated
Epilogue

(JESSIE)



"GOOD news, Mr. and Mrs. Urbano. The court has granted our petition to bail. Pansamantalang makakalaya si Corabelle habang nililitis ang kaso niya."


Napayakap ako kay Lucas sa tuwa. Hindi rin ako nakatiis na hindi agad iparating kay Mamang ang magandang balita kaya naman pagk……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.