To Unlove a Mafia Prince (Dashiel Ward Gamboa Story)
Share:

To Unlove a Mafia Prince (Dashiel Ward Gamboa Story)

READING AGE 18+

Dani Alba Romance

0 read

Mula sa pinagtatrabahuhang bangko ay tinangay si Violet ng isang grupo ng mga armadong lalake. Balot ng sindak at pagkalito, wala siyang nagawa nang dalhin siya ng mga ito at ikulong sa isang silid sa lugar na hindi niya alam kung saang lupalop ng mundo naroon.
Sigurado si Violet, napagkamalan lang siya ng mga kumuha sa kaniya. Wala siyang naaalalang atraso sa kahit sino kaya sinong pwedeng magpakidnap o magpapatay sa kaniya? Hanggang sa malaman niya kung sino ang \'boss\' na tinatawag ng mga tauhan.
Hindi makapaniwala si Violet. Ilang taon na ang lumipas mula nang huli silang magkita. Beinte anyos lang siya nang mangyari ang mga bagay na iyon. Ginawa naman niya ang mas tama. Umalis siya upang palayain ang lalakeng dapat sana ay asawa na niya, pero bakit ngayon ay parang siya pa ang may malaking atraso kay Dashiel Ward Gamboa?
At sino ba talaga si Dashiel? Kinse anyos pa lang ay sagad na sa langit ang paghanga niya sa mga katangian nito, pero bakit ibang-iba na ang lalake ngayon? Misteryoso, mapanganib, bayolente at higit sa lahat, halimaw ito pagdating sa kama.
Makaalis pa kaya si Violet nang buhay sa lugar na iyon at makabalik sa itinuturing niyang pamilya?

Unfold

Tags: darkdominantmafiaheir/heiressbxgmysterybold
Latest Updated
Kabanata 47

HER heart was pounding in mixture of joy and excitement. Hindi makapaniwala si Violet. Bukod sa mga sasaksi sa kasal ay naroon na rin ang team na mag-aayos at magbibihis sa kaniya.


"Are you ready to be Mrs. Dashiel Ward Gamboa?"


Hindi niya malaman kung mangingiti ba siya o maiiyak. Tumango na lang siya at yu……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.