The CEO's Temptation
Isang kondisyon ang hinihingi kay Onic ng tinuturing na tiyuhin bago niya mabawi ang nakababatang kapatid na inilayo nito mula sa kaniya- magpapanggap siya bilang ang panganay na anak ni Tatay Emman, ang taong kumupkop sa kaniya mula sa pagiging palaboy. Pagkatapos, ipapakilala siya ng tiyuhin kay David Xavier Solomon Fuentabella at hihingi dito ng tulong. Sa pagkakatanda ni Onic ay si David ang binatilyong iniligtas noon ng Tatay Emman niya at nagbitiw raw ng salita ang lalake na gagantihan nito ng kahit ano ang ginawang kabutihan ng kaniyang ama-amahan. Ilang taon na mula nang pumanaw ang kaniyang Tatay Emman. Isa namang ganap na CEO na ng malaking korporasyon si David. Hindi madali ang ipinagagawa kay Onic ng kapatid ni Tatay Emman. Bukod sa ipinasuot nito sa kaniya ang katauhan ng isang nananahimik sa libingan ay literal pang inihabilin siya nito sa poder ng CEO dahil walang ibang kamag-anak na pwede siyang matirahan. Lingid sa kaalaman ni Onic, plano talaga ng tiyuhin niya na ibuyo si David sa tukso sa pamamagitan niya at iyon ang gagamitin ng lalake upang magkaroon ng pera. Labag sa kalooban ni Onic na manloko ng kapwa, subalit iyon lang daw ang paraan para makuha niya ang bunsong anak ni Tatay Emman na itiniwala nito sa kaniya. Sinunod niya ang nais ng tiyuhin. Tumira at nagsilbi siya sa bahay ni David. Hanggang sa dumating ang araw na iniiwasang mangyari ng dalaga, nalaman ni David ang totoo at doon pa sa panahong nahuhulog na ang damdamin niya rito.Anong gagawin ni Onic para maniwala si David na hindi niya ginustong lokohin ito? Paano niya ipagtatanggol ang sarili pagkatapos nitong madiskubre na hindi pala siya anak ng taong sumagip sa buhay nito? Magagawa kaya niyang buuin muli ang tiwala ng nag-iisang lalakeng minahal? At sa paanong paraan niya matitiis ang malamig na pagtrato nito na imbes palayasin na lamang siya ay itinali pa siya sa isang kasal na walang kasiguraduhan ang kaniyang karapatan bilang asawa?
Unfold
MISTULA akong natuod sa pagkakatayo sa entrada ng kusina. Lumipad bigla ang antok na nararamdaman ko kanina habang sakay ng elevator paakyat ng unit ko. Naabutan ko si Onic na nakadungaw sa loob ng ref at nang batiin ko ay halatadong nagulat at napalingon sa akin.
Normal naman sa simula ang muling paghaharap namin ng anak ni……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……