“HI. Are you Mr. Franco?” bati at tanong ni Anne sa asawa ni Polla.
Hindi mawala-wala ang ngiti ni Anne habang nakatingin sa asawa niya at bakas pa rin ang paghanga rito. Mukhang nakalimutan na nga ni Anne na nandoon siya katabi ni Sam dahil hindi na siya nito tinapunan ng tingin.
“Yes. Dylan Samuel Franco, but you can call me Dylan,” pagpapakilala ni Sam sa sarili kay Anne at nagkamayan pa ang dalawa.
Saka si Polla nilingon ni Anne at dinikitan saka siniko sa tagiliran na ikinagulat pa niya kaya napatingin siya sa kaibigan.
"Ang pogi-pogi pala sa personal ng asawa mo! Ang swerte mo, day!" kinikilig na sabi ni Anne.
Napangiti na naman si Polla ng hilaw at napatingin kay Sam na may ngiti sa labi na walang halong pagyayabang dahil mukhang hindi naman nito narinig ang sinabi ni Anne.
"Hay naku! ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.