HINDI nakatulog si Polla.
Nakahiga lang siya katabi ng asawa pero hindi siya nakatulog. Ginugulo kasi ang isip niya sa sinabi ni Sam kanina bago ito natulog, na hindi ito nangbababae at siya lang daw ang babae nito. Ang alam naman niya na maraming na-link na babae rito kahit mag asawa sila at saksi rin siya sa mga pangbabae nito.
Naalala tuloy niya ang sinabi ng kaklase niya noon na si Brittany at Isabelle at ang mga sinabi ng mga ito ‘tungkol sa mga nababalitaang babae ng asawa niya.
Mapait siyang napangiti.
"Ginugulo mo na naman ako, Sam. Dapat talaga nag-iingat ako sa’yo dahil baka mahulog na naman ako sa katangahan ko,” sabi ng isip ni Polla.
Pinagmasdan ni Polla ang nahihimbing ngayon na asawa at ganoon na lang ang ginawa niya hanggang sa dumating ang oras na gumising na ito dahil ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.